HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 7, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 7, 2014 Book Release   Fri Jun 20, 2014 6:03 am

1. PHGR 28 Club Red 1: Yshael (Forever And You) by Victoria Amor


Nang mamatay ang abuelo ni Mina ay naramdaman niyang hindi na niya kakayaning harapin ang anumang masamang plano sa kanya ng tiyahin niya. Kaya naisip niyang takasan ang lahat. Kasama ang best friend niya ay umalis sila ng Palawan para magtungo sa Ancestral House sa Laguna na ipinamana sa kanilang dalawa ng abuelo niya.
Inakala niyang magiging maayos ang lahat subalit hindi. May kaaway na lihim na kumikilos sa bahay na iyon—paulit-ulit silang tinatakot at umabot pa sa pagdukot sa kanya. Hindi niya naisip na ang banta ng panganib sa buhay niya ay siya ring magdadala sa kanya sa poder ni Dr. Yshael Vruenzhé, ang doktor na hindi marunong ngumiti pero makabubuhay ng bato kung makatitig. Sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ay na-imagine na niya ang sweet na happy ending nila. Ito ang dream man na nais niyang makasama sa “forever you and me” na pangarap niya.
Pero may lihim pala ang doktor. Isang lihim na hindi niya gugustuhing malaman…

2. PHR 5219 Seasons’ Love And Friendship by Luna King


Spring, Summer, Autumn, Winter—apat na magkakaibigan na ipinangalan ng kanilang mga magulang sa four seasons.
Summer loves Spring but Spring loves Autumn while Winter is secretly in love with Summer. Nasasaktan si Summer tuwing nakikita ang sweetness nina Spring at Autumn, ang proposal ni Spring sa tapat ng Eiffel Tower, pamamangka, pati ang paliligo sa ulan while kissing. Gusto ring maranasan iyon ni Summer sa piling ni Spring, so Winter gave her a “time machine” to use for a day—a day she can spend with Spring before he marries Autumn.
Ngunit ang araw na dapat ay sa kanila lamang ay nauwi sa isang komprontasyon na sumira sa pagkakaibigan nilang apat. Can their friendship really withstand all seasons that will pass them? Or will their parents’ history repeat itself to them?

3. PHR 5220 Loving Luke by Aya Myers


One fateful day, Erika met Luke. Umibig ang puso niya sa binata at inakalang natagpuan na ang lalaking makakasama habang-buhay. Subalit ang mainit nilang relasyon ay biglang nanlamig. Saka niya natuklasan na ginagamit lang pala siya ni Luke. She was hurt, big time. Lumayo siya at nangibang-bansa.
Pagkaraan ng dalawang taon ay kinailangang umuwi ni Erika sa Pilipinas para sa lolo niyang may karamdaman. And meeting Luke was inevitable dahil kanang-kamay ng lolo niya ang binata. Ang akala ni Erika ay napaghilom na ng lumipas na mga taon ang sugatan niyang puso. Hindi pa pala. Worst, mukhang nagkamali rin siya sa pag-aakala na naka-move on na siya at wala na sa puso niya si Luke. Is love really sweeter the second time around?

4. PHR 5221 Bistro Guwapo 5: Zach Ledesma by Maxine del Carmen


Batid ni Cesca ang role niya sa buhay ni Zach—best friend- cum-superhero na laging nagliligtas sa binata tuwing may problema ito. Lagi siyang maaasahan ni Zach tuwing kailangang makatakas sa mga babaeng naghahabol at tagaayos sa mga personal na problema nito. Pero sa dinami-rami ng mga ginawa niya para kay Zach ay siya pa ang nagkautang sa kaibigan. Mula kasi nang paunlakan niya ang request nito na makasayaw siya—na ayon sa binata ay utang niya—ay unti-unti nang natanto ni Cesca ang totoong damdamin niya para sa binata. Aamin na sana si Cesca na mahal niya si Zach ngunit ipinagdiinan ng binata na hanggang pakikipagkaibigan lang ang kayang ibigay sa kanya, taliwas sa mga ipinapakita at ipinararamdam nito—malambing at hindi matawaran ang pag-aalala, kung ano-ano ang ibinibigay sa kanya, at isang araw ay naging maayos na ito dahil sa mga pangaral niya.
Tinanggap na ni Cesca sa kanyang sarili na hindi na matutugunan pa ni Zach ang pag-ibig niya. Ngunit nang malaman niya na nasa panganib ang buhay ng binata ay to the rescue na naman ang drama niya.
At labis ang tuwang naramdaman niya nang biglang sabihin ni Zach na mahal siya nito. Ngunit paano naman niya sasagutin si Zach kung anumang sandali ay maaari silang mamatay dahil sa kasakiman ng kapatid nito?

5. PHR 5222 Forever You by Anne Charlaine


Campus heartthrob at notorious playboy si Marcus sa unibersidad na pinapasukan ni Lizzy. Ngunit sa kabila ng pagiging playboy ng binata ay hindi niya napigilan na magkaroon ng crush dito. Sa paniniwala ni Lizzy ay imposibleng mapansin siya ni Marcus dahil malayo siya sa mga tipo nitong babae. Kaya laking gulat niya nang kausapin siya ng binata at matuklasang attracted din pala ito sa kanya.
Sa kabila ng rules sa relasyon nila na malinaw nitong inilatag sa kanya—tulad ng wala siyang dapat asahang commitment mula rito—ay walang pag-aalinlangang sinagot pa rin niya si Marcus. Buong-buong tinanggap ni Lizzy ang katotohanang hindi magtatagal ang relasyon nila. Subalit sa paglipas ng mga araw ay napagtanto niyang hindi niya kayang pakawalan ang binata.
At ang isang babaeng labis na nagmamahal ay kayang gawin ang lahat huwag lang mawala ang lalaking iniibig. Nagtagumpay man si Lizzy na maangkin si Marcus sa pamamagitan ng kasal, kaya rin ba niyang angkinin ang puso nito?

6. PHR 5223 We Could Be In Love by Lara Dyn Grey


Blaire grew up in a pure Chinese clan. Lumaki siyang ang kagustuhan ng kanyang ama ang laging nasusunod. Ngunit hindi gaya ng dalawa niyang kapatid, ginagawa ni Blaire ang lahat ng bagay na taliwas sa kagustuhan ng kanilang ama. Dahil sa katigasan ng kanyang ulo ay binigyan siya ng ama ng leksiyon: ipinagkasundo siya sa anak ng business partner at matalik na kaibigan nito na si Kyle Andrew Chua—ang lalaking kinaiinisan niya mula pa noong mga bata pa sila.
Alam nina Blaire at Kyle na hindi sila basta-basta makakatutol sa kasunduan kaya nagsabwatan sila at pinalabas na pumapayag sila sa kagustuhan ng kanilang mga ama. Saka na lamang sila mag-iisip ng paraan para makaalis sa sitwasyon nila.
Pero hindi inaasahan ni Blaire na unti-unting makikita ang magandang katangian ni Kyle sa pagdaan ng mga araw na nakakasama niya ang binata. Hindi na rin naiwasan ni Blaire na mahulog ang loob dito. Pero paano na lang kung matutuklasan niya na ang lalaking unti-unting napapalapit sa kanyang puso ay nakalaan ang puso sa iba? Ipaglalaban ba niya si Kyle o sasarilinin na lang ang nararamdaman para sa binata?

7. PHR 5224 Posh Girls Series 1: Paige by Sapphire Morales


Dahil anak ng senador ay de-numero ang bawat kilos ni Paige. At dahil din sa posisyon ng kanyang ama kaya nalagay sa panganib ang kanyang buhay. Kaya kahit ayaw niya ay ikinuha siya ng kanyang papa ng bodyguard—si Thaddeus.
Unang kita pa lamang ni Paige kay Thaddeus ay dama na niyang mas malaking peligro ang hatid ng lalaki, hindi sa buhay niya kundi sa puso niya. Bakit `kamo? Ito lang naman ang kauna-unahang lalaking nagpabilis ng tahip ng kanyang dibdib. Tingin pa lamang nito ay gusto na niyang tumakbo palayo.
Pero para kay Thaddeus ay isang “bata” si Paige na kailangang i-babysit kaya raw papetiks-petiks lang ito sa pagbabantay sa kanya. Hanggang sa manganib na nga talaga ang buhay niya. Bigla ay dinoble ni Thaddeus ang pagbabantay sa kanya. At nawindang pa siya nang sabihin ni Thaddeus na ginagawa nito iyon para sa kaligtasan niya at para sa sarili nito. Dahil kaunting-kaunti na lang daw ay hindi na nito mapipigilan ang damdamin para sa kanya…

8. PHR 5225 Posh Girls Series 2: Akira by Sapphire Morales


Dahil panganay na anak si Akira Morales, expected ng lahat na siya ang makakatulong ng kanyang mga magulang sa pagpapatakbo ng kanilang real estate business. Pero sa napakahabang panahon ay tinanggihan niya ang responsibilidad na iyon. She just couldn’t imagine herself working in an office and attending different meetings and biddings. Ang gusto niya ay party… party… at party.
Hanggang sa nakilala niya si Raizen Wayne, ang representative ng construction firm na nakilala niya dahil sapilitan siyang pinapunta ng ama sa meeting kasama ang binata.
Instant attraction ang nadama ni Akira para kay Raizen. Dahil likas na pilya at may taglay na kakaibang karisma, ipinangako ni Akira sa sarili na tulad ng ibang lalaki ay mahuhumaling din sa kanya si Raizen. Pero mukhang siya ang unti-unting nahuhumaling kay Raizen, at ang mahirap pa roon ay mukhang ginagamit lang siya ng lalaki para makuha ang gusto sa kanilang kompanya. Gustuhin man niyang umiwas upang hindi masaktan ay tila huli na. Lalo pa at hindi lang puso niya ang hawak ng binata kundi pati ang kanyang journal.
She and her reputation were at Raizen’s mercy.
Back to top Go down
 
May 7, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» CollectA 2014: SEALIFE - Bowhead Whale (88652)
» Mojo 2014 Releases with Dates

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: