HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 30, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 30, 2014 Book Release   Wed Jun 04, 2014 6:03 am

1. PHR 5214 Waiting For The Right One by Fiona Queen


Madison Montemayor was waiting for the right one when she met Warren Dela Peña—her father’s business colleague. Nagbabakasyon din si Warren sa private beach resort kung saan naroon ang pamilya ni Madison para magbakasyon. Right at that moment, she knew that he was the man she was waiting for.
Her destiny, the right one.
Kaya nang muling magtagpo ang mga landas nila ay hindi na iyon pinalampas ni Madison.
Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanya. And fate must be really on her side dahil naging malapit nga siya at n gkanyang destiny! Warren was so nice, sweet, kind and caring—kaya lalong nahulog ang loob ni Madison.
Ramdam na ramdam ng kanyang puso ang pagmamahal ng binata kahit hindi nito iyon sinasabi. Naniniwala siya sa kasabihang, “Action speaks louder than words.” She was indeed happy being with Warren. She believed that he loved her, too.
Pero nakalimutan ni Madison na kaakibat pala ng saya ang lungkot dahil narinig niya sa bibig mismo ni Warren ang katotohan ang nagpaguho sa kanyang mundo.

2. PHR 5215 Black Bureau Elite: For Love And For Glory by Noelle Arroyo


Matagal nang magkaibigan sina Allie at Billie kaya pareho nilang ayaw makompromiso ang pagkakaibigang iyon, dahilan para sarilinin na lamang nila ang damdamin para sa isa’t isa.
Hanggang sa maipit sila sa isang krimen, kung saan isang historical artifact ang ninakaw sa isang exhibit at kasama silang dinukot. Sa nasuungang sitwasyon, pareho nilang natanto kung gaano kahalaga ang bawat isa.
Ngunit kasabay ng pag-usbong ng kanilang mga damdamin ay ang tawag ng misyon nila sa bayan—dahil sina Allie at Billie ay parehong agent ng Black Bureau. Kailangang may magawa silang paraan upang maisalba ang ninakaw na artifact. Pero paano nila magagawa iyon kung sa isang secluded island sila dinala ng mga dumukot sa kanila?
Makakatakas pa ba sila roon? Higit sa lahat, magkakaroon pa ba sila ng pagkakataon na malayang maipadama sa isa’tisa ang kanilang pag-ibig?

3. PHR 5216 Aseron Weddings: Incomplete (Dylan Aseron) by Dream Grace


Marione is the last woman on earth to whom a man like Dylan Aseron would be attracted. He is sugar to her spice. He is the epitome of male perfection while she is the epitome of female imperfection. Duda nga si Dylan kung naaalala pa ni Marione na isa itong babae. She is everything his mother would never wish for her only son. Heck, even his detractors say he is prettier than Marione.
But for some weird reason, Lolo Nemo thinks she is the perfect woman for him. At dahil alam ni Dylan na kahit ano ang gawin niya ay makakaisip at makakagawa ng paraan si Lolo Nemo para paglapitin silang dalawa ni Marione, inunahan na niya ang kanyang lolo. Kinutsaba na niya si Marione na magpanggap bilang nobya niya.
Subalit paano kung mauwi sa totohanan ang sa una ay pagpapanggap lang? Para kay Marione ngunit hindi para kay Dylan? Could he really bear to break her heart when he is the first and only man she has ever loved? Could he really bear to hurt her when she is the only woman he has ever wanted this much?

4. PHR 5217 A Thousand And One Dates With You by  Sheena Rose


The first time Dani caught a glimpse of Gile’s too-pretty-for-a-boy’s face, she instantly developed a crush on him. Ang problema, nang araw ding iyon na nakita ni Dani ang binata ay nalaman niyang may minamahal na itong babae.
Kaya tinanggap na lamang ni Dani na wala na siyang pag-asa kay Gile. Then they became friends. Kahit isang sandali ay hindi iwinawaglit ni Dani sa kanyang isip na hanggang magkaibigan lamang sila ni Gile dahil nakareserba na ang puso ng binata para sa iba.
Pero muling umasa ang puso ni Dani nang tanggapin ni Gile ang suhestiyon niyang magpanggap sila sa harap ng kanyang mga magulang na nagkakamabutihan na, nang sa gayon ay tigilan na ng kanyang mga magulang ang pag-usisa sa kanyang love life. Inakala rin ni Dani na tuluyan nang nakalimutan ni Gile ang babaeng minamahal lalo na at tuwing magkasama sila ay masayang-masaya ang binata. Pero nagkamali na naman yata si Dani. Dahil isang araw ay ipinakilala na sa kanya ni Gile ang babaeng “minamahal” daw nito.

5. PHR 5218 Camp Speed 13: Kiss And Run by Luna King


Five years ago, Crescent was forced to choose between love and family, and she chose the latter.
Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, muling nagkrus ang mga landas nila ni Terrence—ang lalaking sinaktan at iniwan niya limang taon na ang nakalilipas. Mukha namang masaya na ang binata sa buhay dahil bukod sa matagumpay na racer, mayroon na rin itong bagong nobya. Kaya hindi maintindihan ni Crescent kung bakit galit na galit pa rin si Terrence sa kanya. Wala na siyang balak balikan ang binata at ang nakaraan nila, pero makulit si Terrence. He says he hates her, but he hates her as much as he wants her in bed.
Gaya ng binata ay naguguluhan na rin si Crescent sa kanyang damdamin. She is supposed to get away from him, pero namalayan na lang niyang unti-unti silang bumabalik sa kung ano sila dati.
He is ready to give up everything he has now to be with her again. Pero muli, nalalagay si Crescent sa sitwasyon kung saan kailangan niyang mamili sa pagitan ni Terrence at ng kanyang pamilya.

6. PPS 9 It’s Just A Fantasy by Martha Cecilia


On his seventeenth birthday, Jamal went back to Isla Fuego, his hometown. Iyon ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa unang umagang magising siya ay namulatan niya ang isang dalagitang natutulog sa paanan ng kama niya na tila hapong-hapo—at hubo’t hubad! Ito ay ang diwatang si Elvana. Dahil dito ay nagkaroon ng kasagutan ang maraming katanungan tungkol sa pagkatao niya na labimpitong taong inilihim ng Lola Ramina niya sa kanya—na isa siyang encantado. At taglay niya ang kapangyarihang magliligtas sa paglipol ng masasamang nilalang sa mundo ng mga tao.
Kasabay ng pagkatuklas niya sa kanyang kapangyarihan ay ang kaalamang sa kamay niya mismo nakasalalay ang pagpuksa kay Gianna, ang dalagitang pinangakuan niyang ipagsasanggalang.
Sa pinagsama-samang kapangyarihan nila ni Elvana, magagawa kaya nilang puksain ang isang makapangyarihang maligno?
Back to top Go down
 
April 30, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Jodha Akbar Written Update April 1st 2014
» Qubool Hai 1st April 2014 Episode Watch Online
» Kaisa Ye Ishq Hai Ajab Sa Risk Hai 3rd April 2014 Episode Watch Online
» Jodha Akbar 3rd April 2014 Watch Online
» New promo of Beintehaa 08 april 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: