HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 23, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 23, 2014 Book Release   Wed Jun 04, 2014 5:49 am

1. PHR 5207 Operation: Muling Magmahal by Princess Faye


Sa mundo ng mga taong iniiwan, hindi totoo ang pag-ibig. Meet Dess Alajar, isang reporter na hindi makalasap-lasap ng big break sa kanyang career kaya naisip ang “Operation: Career Promotion.” Hanapin ang sikat pero mailap na manunulat na nagtatago sa mundo sa loob ng napakaraming taon.
Ace del Carmen, isang manunulat na hindi na makasulat. Kaya naman lahat ng may kinalaman sa kanyang alter ego ay ibinaon na niya sa limot. Hanggang sa sumulpot sa buhay ng binata ang makulit na reporter na si Dess Alajar na may balak sirain ang kanyang katahimikan.
Paano mag-uumpisa at magtatapos ang love story ng isang babae at isang lalaki na matagal nang isinuka ang salitang “pagmamahal”?

2. PHR 5208 Miss You In A Heartbeat by Olivette


Kung si Simone ang tatanungin, wala nang masarap na karanasan na hihigit pa kaysa pag-ibig. Kaya naman ang una niyang ginawa nang mahinto sa pagtugtog ang kanyang banda ay ang makipag-date. Pero sa halip na makaramdam ng excitement, lalo siyang nabagot.
Hanggang sa muling magtagpo ang mga landas nila ni Jethro Castillo, ang tanging lalaking nagbigay ng hustisya sa kahulugan ng “love at first sight” sa diksiyonaryo ng dalaga. She fell for him faster than she could blink. Iyon nga lang, hindi rin nagtagal dahil napagtanto ni Simone na kasinlawak ng Pacific Ocean ang mga pagkakaiba nila. Mas incompatible pa yata sa gatas at isang lactose-intolerant.
Pero nang humingi si Jethro ng tulong ay pinagbigyan ni Simone. After all, his family helped her family some years ago. Subalit hindi niya inaasahan ang epekto ng binata sa kanya. Dahil habang tumatagal na magkasama nilang hinaharap ang bawat hamon sa kanila, napapagtanto niya na may mga ipinagkakapareho at pinagkakasunduan pala sila. And if opposite poles get attracted to each other, so were they…

3. PHR 5209 Yesterday’s Love by Laurice del Rio


Baliw-baliwan si Kyra sa pagkakagusto kay Nico. Kesehodang palikero ang lalaki at mababaw ang pagkatao ay wala siyang pakialam. Patay na patay siya sa binata at iyon na iyon. Pero ang walang-hanggang pag-ibig ni Kyra para sa binata ay nanguluntoy at nahalinhan ng galit pagkatapos laitin ni Nico nang bonggang-bongga ang kanyang pagkatao.
After several years, their paths crossed again. At noon nakadama si Kyra ng matinding pagnanais na gantihan si Nico sa ginawa sa kanya.
Kaya naman pinilit niyang manalo sa isang auction para sa mga hunks with a cause para makasama si Nico nang isang linggo dahil isa ang binata sa mga io-auction.
Gusto lang namang ipangalandakan ni Kyra kay Nico kung ano ang pinakawalan nito, ang magsisi ang binata na hindi siya pinatulan. But her plan seems to have backfired. Dahil sa pagkakasama nila ay ibang Nico na ang nakikita niya. Upgraded version na ang binata. At ang pagtingin niya kay Nico, hindi lang yata na-reset, na-upgrade din. Mukhang katulad ng dati, wala pa ring mapapala si Kyra mula kay Nico kundi sama ng loob at sakit ng puso.

4. PHR 5210 After The End (My Rainbow) by Gwen Rivera


Kanza has never been scared to fall in love. Actually she does fall most of the time. Tinawag tuloy siyang female version ng lalaking pabling.
Dahil siguro sa reputasyong iyon kaya nang inakala ng best friend-turned-boyfriend niyang si Adam na niloko niya ito ay hindi na siya binigyan ng pagkakataon ng binata na magpaliwanag.
Now Adam needs help. Kailangan ng binata ng babaeng papayag maging girlfriend at soon-to-be wife sa loob ng limang buwan. Believing that she’s the perfect girl for the job, Kanza applies for the position. Sa tingin niya ay panahon na upang ayusin ang nasira nilang pagkakaibigan. But while they are pretending as lovers, she finds herself falling for his charms.
Again.
If friends can be lovers and lovers can be friends, could ex-best friends and ex-lovers become lovers again?

5. PHR 5211 Ang Isinumpang Maging Single Forever by Yna Paulina


Isang matandang gypsy na mukhang manghuhula sa Quiapo ang nakasalubong ni Tilly at nagsabing hindi siya makakapag-asawa. Parang gusto niyang paniwalaan ang matanda. Why? Because she was already armed with five bad breakups.
Kaya nga willing na siyang maging libreng babysitter ng mga kapitbahay na masyadong kuripot para kumuha ng yaya. Handa na rin siya na maging forever na abay sa kasal—gaya ng kasal ng bunsong kapatid sa boyfriend na kamukha ni Mr. Bean.
Suko na rin si Tilly sa pakikipag-unahan sa paghahanap ng Prince Charming dahil may shortage yata. Tanggap na rin niya na nilampasan na siya ng makulay at exciting na love life at tatanda na lang na dalaga.
She was thirty-four and feeling ancient.
And then came Adam, the boss’ son. Guwapo, mayaman, at mukhang malinamnam. Kailangan daw ng binata ang tulong ni Tilly sa kompanya at bilang kapalit, willing si Adam na ihanap siya ng asawa. Win-win situation iyon para kay Tilly kung hindi lang niya natagpuan ang sariling nagmamahal sa binata.
Si Adam na kaya ang kokontra sa hula ng matanda?

6. PHR 5212 Kei For Keeps by Wilhelmina


“Huwag mo akong abalahin at hindi kita gagambalain.” Iyon ang nag-iisang prinsipyo ni Ianne sa buhay.
“Favors and faults have equivalent exchanges.” Iyon naman ang batas na pinaiiral ni Kei sa sarili.
Nang magkrus ang mga landas nina Ianne at Kei, nag-clash kaagad silang dalawa. Gusto ni Kei na bayaran ang pagkakasalang nagawa kay Ianne. Plano naman ni Ianne na hayaan na lamang iyon at huwag na siyang pakialaman pa ng binata.
In the end, Kei wins. Sa sariling paraan binayaran ng binata, ang pagkakautang kay Ianne. Ang akala ni Ianne ay iyon na ang magiging huling engkuwentro nila. Subalit isang pagkakamali ang naging dahilan upang maging sunod-sunuran siya sa lalaki.
Dapat ay umaalma si Ianne. Subalit bakit sa bawat hiling ni Kei, unti-unti naman siyang nahuhumaling sa binata?

7. PHR 5213 Loving You So by Sapphire Morales


After the heartache and pain she went through a year ago, all that Danielle wants is to start a new life. Pero mukhang magugulo na naman ang bagong buhay na iyon dahil sa kapitbahay niyang saksakan ng antipatiko at papansin—si Charles.
Sa una pa lang na pagkikita nila ni Charles ay inis na kaagad ang umusbong sa dibdib niya para sa lalaki. Every time na magkakaharap sila ay para silang aso’t pusa.
Pero bakit nagiging irregular ang heartbeat ni Danielle lately kapag nakakaharap ang binata? Hindi pa siya handang magmahal uli pero paano nga ba niya basta-basta mapagbabawalan ang sarili na ibigin si Charles? Tama bang buksan niyang muli ang puso para sa binata?
Back to top Go down
 
April 23, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Jodha Akbar Written Update April 1st 2014
» Qubool Hai 1st April 2014 Episode Watch Online
» Kaisa Ye Ishq Hai Ajab Sa Risk Hai 3rd April 2014 Episode Watch Online
» Jodha Akbar 3rd April 2014 Watch Online
» New promo of Beintehaa 08 april 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: