HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 16, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 16, 2014 Book Release   Wed Jun 04, 2014 5:36 am

1. PHR 5201 Hate Me Today, Love Me Tomorrow by Keene Alicante


Nakitira si Khalen sa bahay ng pinsang si Jesi upang makaiwas sa pagrereto ng ama sa mga anak na binata ng business associates nito. Nag-aalala kasi ang kanyang papa na baka sumunod ang dalaga sa yapak ni Tiya Esmeralda na hindi na nakapag-asawa dahil sapag-aalaga sa kanya.
Nang malaman ni Jesi ang sitwasyon ni Khalen ay gusto rin siyang ireto ng pinsan sa mga guwapong taga-village upang may maiuwi na raw sa ama na puwedeng maging “Mr. Khalen Arevalo.”
Bukambibig ni Jesi ang lalaking kapitbahay na ayon sa description ng pinsan ay isang tall, dark, and gorgeously sexy. Bukod doon ay may-ari pa raw ang lalaki ng isang flower farm.
Iisang lalaki lang ang naisip ni Khalen na tumutugma sa deskripsiyong iyon—si Irvine Sto. Domingo, the man who broke her heart eight years ago.The sole reason why she couldn't love any other guy.
Sa dinami-rami ba naman ng lugar at sa lawak ng Pilipinas, bakit sa village na iyon pa kailangang pagtagpuin muli sina Khalen at Irvine at maging magkapitbahay? Sa kabila ng nagawang kasalanan sa dalaga noon ay pilit pa ring nakikipaglapit ang lalaki kay Khalen. Iginigiit pa ni Irvine na may pagtingin pa rin siya sa binata kahit na halos
ipagtabuyan na niya ito tuwing magkikita sila. Ang mas masaklap pa, ang lintik na pusoni Khalen ay tila ayaw makinig sa dikta ng kanyang isip. Dahil kahit ilang “I hate you!” na ang sabihin kay Irvine, ibinubulong pa rin ng kanyang puso na mahal pa rin niya ang binata.

2. PHR 5202 Assasins 1: Devlin, Just One Kiss by Tyra


Labag man sa loob ni Sunny ay umuwi siya sa Pilipinas dahil sa utos ng kanyang lolo. What choice did she have? I-blackmail ba naman si Sunny ng lolo niya at sabihing hindi makukuha ang trust fund—na kailangang-kailangan para sa pinaplanong negosyo—kapag hindi siya umuwi.
At ganoon na lang ang pagkasorpresa ni Sunny nang sa pagbabalik niya ay bigla na lang ibinigay ng kanyang lolo ang pamamahala sa football club na itinayo ng matanda. Pero alang-alang sa trust fund, tinanggap niya ang trabaho kahit wala naman siyang kaalam-alam sa football.
Okay na sana ang lahat. Hanggang sa makilala ni Sunny ang mayabang, walang-modo, mapanghusga, at well, pinakaguwapong lalaking nakilala niya na coach ng club—si Devlin Mendoza. Una pa lang nilang pagkikita ay tahasan nang ipinakita ni Devlin ang pagkadisgusto sa kanya. He immediately labeled her as a dumb blond na ang kaya lang gawin ay gumasta ng pera.
Dapat ay magalit si Sunny kay Devlin pero habang tumatagal at nakikilala niya ang lalaki, natagpuan niya ang sarili na lagi itong sinusundan ng tingin. At hindi man kasama sa plano niya, tumibok ang puso niya para dito.

3. PHR 5203 My Mr. Piano Man by Julianna Ran


Nagkakilala sina Ringo at Wisdom sa isang music school. They were very close and Wisdom was always teasing Ringo saying she was his girl. Sa murang edad ni Ringo ay namulat siya sa mundo ng “puppy love,” but unfortunately, Wisdom had to leave to study in a music school abroad.
Fifteen years later, bumalik sa bansa si Wisdom. Ibang-iba na sa nakilala ni Ringo noong mga bata pa sila. He was now a world-renowned pianist and every woman in the world was smitten by his charms. Samantalang si Ringo ay isa lamang sa napakaraming struggling musician na hindi mabigyan ng malaking break para makilala. Hindi pa man nga yata siya sumisikat ay malalaos na siya.
Kaya naman hindi na umasasi Ringo na muling magtatagpo ang mga landas nila ni Wisdom. Kontento na si Ringo na hangaan na lang ang kababata sa malayo, total sa loob ng labinlimang taon ay walasiyang natanggap na sulat o tawag man lang mula kay Wisdom. Tanggap na ni Ringo na nakalimutan na siyang binata. He was a celebrity, she was a nobody.
Pero teka, may iba yatang plano ang tadhana dahil sa unang araw ng pagdating ni Wisdom sa bansa ay siya kaagad ang hinanap ng lalaki. At mukhang may balak si Wisdom na nakawin uli ang kanyang puso. Handa na bang mamatay sa kilig si Ringo? O may lakas ng loob ba siyang ignorahin na lang si Wisdom kahit pa alam niyang imposible iyon?

4. PHR 5204 The Breakers Corazon Sociedad 2: Rafael Choi by Venice Jacobs


Ashlee Fortich was a beautiful oil heiress. Every man would want her for a wife. But she didn’t care about other men. Masaya na siya sa piling ng boyfriend niya na mula pagkabata ay siyang nakatanim sa isip niya na makakasama hanggang sa pagtanda.
Then they got engaged. Ashlee was just a step away from finally fulfilling her one dream: to be her fiancé’s wife.
But something unimaginable happened. Nalaman niya na ang lalaking kasama niya nang ilang lingo pagkatapos ng engagement niya ay hindi pala ang fiancé niya kundi ang kakambal nitong si Rafael!
Pinaglalaruan ba siya ng magkapatid? At bakit mas matindi ang pag-ibig na nararamdaman niya kay Rafael kaysa sa fiancé niya?

5. PHR 5205 Sundae’s MVP by Charm Wilson



Hindi naging maganda ang pagkakakilala ni Sundae kay Lance dahil sinapak ni Lance si Soul—ang ultimate crush ni Sundae. Basta para sa kapakanan ni Soul, ipaglalaban ng dalaga. Pero nang malaman niya na stepbrothers pala ang dalawa, biglang nagkaideya si Sundae na makipaglapit kay Lance para mapalapit kay Soul na nuknukan ng sungit sa kanya.
Natuwa naman si Sundae dahil hindi siya nahirapan na mapalapit kay Lance. At dahil neglected ang feeling ni Lance sa ama, si Sundae ang tumulong kay Lance para mapagsabay ng binata ang paglalaro ng basketball para sa team ng eskuwelahan at mapataas ang grades sa academics. Palagi kasing si Soul ang pinupuri ng ama ni Lance dahil matalino at magaling sa basketball si Soul.
Nagtagumpay naman si Lance. Tumaas ang grades ng binata at nag-champion pa ang team ng eskuwelahan nila, pero naiwang talunan ang puso ni Sundae. In love na kasi siya kay Lance at hindi na kay Soul…

6. PHR 5206 Assasins 2: Peter, My Beloved Angel by Jelaine Albert


Dahil sa halos siyam na taon na nilang relasyon, labis na ang pagtitiwala ni Jelay sa kasintahang si Peter. Kahit pa nga ba naging kasinlaki na ng refrigerator ang kanyang katawan, naniniwala pa rin si Jelay na mahal siya ni Peter.
Ngunit nagkaroon ng lamat ang pagtitiwalang iyon at tinubuan ng insekyuridad sa katawan si Jelay nang hindi sinasadyang makita niya si Peter na may kasamang sexy at matangkad na babae. Inilihim iyon ni Peter kaya napilitan siyang sundan-sundan ang kasintahan. At sa pagsunod-sunod ni Jelay, lalo lang nadagdagan ang kanyang insekyuridad nang magpatuloy ang pakikipagkita ng nobyo sa babaeng itinuring na ni Jelay na karibal.
Sa udyok na rin ng isang kaibigan, napilitan si Jelay na baguhin ang kanyang lifestyle at maglunsad ng “Operation: Diet.” Ngunit diet nga ba ang solusyon para mabalik ang confidence niya at ang tiwala kay Peter na nangakong siya lamang ang babaeng pakamamahalin?
Back to top Go down
 
April 16, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Jodha Akbar Written Update April 1st 2014
» Qubool Hai 1st April 2014 Episode Watch Online
» Kaisa Ye Ishq Hai Ajab Sa Risk Hai 3rd April 2014 Episode Watch Online
» Jodha Akbar 3rd April 2014 Watch Online
» New promo of Beintehaa 08 april 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: