HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 9, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 9, 2014 Book Release   Wed Jun 04, 2014 5:10 am

1. PHR 5196 Muling Magmahal by Nicka Gracia


Halos gumuho ang mundo ni Aubrey nang mamatay ang kasintahang si Marco. Namatay ito kung kailan napag-uusapan na nila ang pagpapakasal. Dahil sa insidenteng iyon ay umuwi ang best friend ni Marco na si Joachim. Sa pagdating ni Joachim ay nagkaroon ng karamay si Aubrey. Sa sariling paraan ng binata ay pilit nitong pinasasaya ang mga araw na wala na sa piling niya ang nobyo. Kaya naman nagulat na lang si Aubrey nang magtapat ito ng nararamdaman. Joachim had been loving her for so long.
Kaya ba niyang tumbasan ang pagmamahal ni Joachim kung hindi pa niya sigurado kung nakabangon na nga ang kanyang puso sa pagluluksa sa pagkawala ni Marco?

2. PHR 5197 Lonesome, Awesome by Rose Tan


Sa kadahilanang hindi lubusang maunawaan ni Lulay, biglang ginambala ni Logan ang tahimik na paglalaba niya dahil sa isang pambihirang request: Igawa raw niya ito ng Facebook! Obviously, napag-iwanan na ng sibilisasyon ang lalaking masungit.
Babayaran naman daw siya. Kaya, go. Sign up!
Pero dahil doon, tinubuan ng malisya ang buong pamilya ni Lulay at itinakda ang kasal nila ni Logan. Sa pagtataka niya, hindi man lang tumutol ang magaling na lalaki.
Eh, wala naman silang relasyon, hello?
Di gagawa raw sila ng relasyon, problema ba iyon?

3. PHR 5198 The Day I Kissed Dr. Luke by Keene Alicante


Ang gusto lang naman ni Cecily ay maihanap na ng tamang babae ang kapatid niyang masungit, aburido, at walang inatupag kundi ang kanilang negosyo. Pero hindi pa man siya nakapagsisimula ay nadiskaril na ang plano niya. Sa halip na para sa kapatid ang mahanap niya, isang tamang lalaki para sa kanya ang natagpuan ni Cecily: si Dr. Luke Barrameda—ang napakakisig at napakabait na doktor. Unang kita pa lang niya sa binata ay natitiyak na niyang ito ang magtatama ng lahat ng mali sa buhay niya.
Ang kaso, kabe-break lang ni Luke sa dating girlfriend at hindi pa raw ito handang makipagrelasyon uli. Nang malaman ng binata na may gusto siya rito, sinabihan siya nitong humanap na lang ng iba. Sinabi pa ni Luke na hindi ito ang tamang lalaki para sa kanya. Maging magkaibigan na lang daw sila.
Pero makulit si Cecily at wala siyang balak sumuko. At para ipakita kay Luke na seryoso siya, ginawa niya ang lahat para magkalapit sila. Pero nasayang lang ang lahat ng effort niya. Dahil kahit ano ang gawin ni Cecily ay mukhang hindi talaga mahuhulog ang loob ni Luke sa kanya…

4. PHR 5199 Bistro Guwapo 4: Liam Yap by Maxine del Carmen


Nang makipag-break kay Crisanta ang sikat na boyfriend ay sumama ang dalaga sa kapatid niya papunta sa Bistro Guwapo. Gustong maglasing ni Crisanta ngunit may masungit at pakialamerong lalaki na pumigil sa kanya—si Liam Yap, isang businessman at siyang nagma-manage ng club. Sa kabila ng pagpipigil ng lalaki ay uminom pa rin si Crisanta at nang malasing ay inalagaan ni Liam.
Agad tuloy nagkagusto si Crisanta sa lalaki.
Pero mukhang walang mapapala si Crisanta dahil menor-de-edad ang tingin sa kanya ni Liam. Sa inis ay hindi na siya nag-isip. Hinalikan niya si Liam at walang sabi-sabing iniwan.
Pagkalipas ng pitong buwan ay muli silang nagkita sa rest house ng isang common friend. Sa mga araw na magkasama sila sa rest house ay tinrato siya ni Liam nang espesyal, dahilan upang bumalik ang atraksiyon ni Crisanta sa lalaki.
Atraksiyong nauwi sa malalim na pagtingin.
Ang buong akala ni Crisanta ay pareho sila ng nararamdaman ni Liam.
Kaya labis siyang nasaktan nang malaman ang dahilan ng paglapit ng lalaki. Diyata’t kapatid lamang ang tingin nito sa kanya dahil kamukha pala siya ng namatay na bunsong kapatid ni Liam.

5. PHR 5200 Of Suns And Sunflowers by Camilla


Parang pinagtitiyap ng tadhana ang pagkakakilala nina Miriam at Jovit. Nagkita sila sa airport pa lang sa Toronto, Canada hanggang sa NAIA sa Maynila.
Alam ni Miriam na noon pa lang ay may tama na si Jovit sa kanya. It turned out na magkababayan pa sila. At kapatid pa pala ng binata ang babaeng mapapangasawa ng kapatid ni Miriam na siyang dahilan kung bakit napauwi siya nang biglaan at mabigat ang kalooban.
Naramdaman ni Miriam na may damdamin si Jovit para sa kanya, pero nagsimula siyang magduda sa intensiyon ng binata kinalaunan. At nang may mangyaring trahedya sa kapatid ni Jovit na ang kanyang kapatid ang itinuturong may-sala, alam ni Miriam na kailangan na niyang tanggapin na tuluyan nang mawawala si Jovit sa kanyang buhay.

6. TRN 21 Night Pleasures by Sherrilyn Kenyon (translated by Dream Grace)


Ang gusto lang naman ni Amanda ay magkaroon ng normal na buhay sa piling ng isang normal na lalaking mamahalin siya. Sawang-sawa na kasi siya sa pamilya niyang kung ano-anong sumpa at mahika ang pinaggagagawa sa buhay, lalo na nang iyon ang naging dahilan para hiwalayan siya ng kanyang nobyo.
Pero mukhang may ibang plano ang tadhana para kay Amanda.
Pagkatapos kasi siyang dukutin ng kung sino, nagising na lang siyang nakaposas sa isang lalaking nagtataglay ng pambihirang kakisigan at kaguwapuhan. Sa kabila ng panganib na kinasusuungan nila, kitang-kita niya sa mga mata ng matipunong lalaki ang hayag na pananabik sa kanya nang titigan siya nito. Noon lang nakadama si Amanda ng ganoong klaseng pagkapukaw at tinutupok siya ng pagnanasa para sa magiting na lalaki.
Nang sa wakas ay may pagkakataon na silang makatakas at makalabas ng gusaling pinagdalhan sa kanila, saka naman nag-alinlangan ang matikas na lalaki. Nang tanungin niya ito kung bakit, ibinuka nito ang bibig at pinaglandas ang dila sa mahahaba at matutulis nitong… mga pangil!
Noon natanto ni Amanda na walang balak ang tadhana na ipagkaloob sa kanya ang munti niyang kahilingan.
Back to top Go down
 
April 9, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Jodha Akbar Written Update April 1st 2014
» Qubool Hai 1st April 2014 Episode Watch Online
» Kaisa Ye Ishq Hai Ajab Sa Risk Hai 3rd April 2014 Episode Watch Online
» Jodha Akbar 3rd April 2014 Watch Online
» New promo of Beintehaa 08 april 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: