HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 2, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 2, 2014 Book Release   Fri May 16, 2014 10:42 am

1. PHR 5188 Sa Pagbawi Ng Pag-Ibig by Vanessa


Masalimuot ang buhay ni Gertrudes. At isa lamang ang nakita niyang solusyon upang kahit paano ay mabigyan niya ang sarili ng maayos na kinabukasan: ang magdala sa kanyang sinapupunan ng sanggol para sa mag-asawang hindi magkaroon ng anak.
Nakilala niya ang mag-asawang nangangailangan ng anak. Si Israel ang lalaki—guwapo, mayaman, mabait. Naging napakabait nito sa kanya.
Pinakitunguhan siya ng lalaki na animo tunay na asawa.
Nahulog ang loob ni Gertudes kay Israel at ganoon din ang lalaki sa kanya. Iyon ang alam niya.
Dahil nang manganak siya ay iniwan siya ni Israel at isinama ang kanilang anak...

2. PHR 5189 Unforgotten Love by Almira Jose


Punong-puno ng insecurity ang buhay ni Laurice. At sinisisi niya ang kanyang ina. Sa buong buhay kasi niya ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito.
Nang makilala niya si Basti ay biglang nagkakulay ang kanyang mundo.
She fell in love with him the first time she saw him. Lalo pa siyang natuwa nang malamang may katugon din ang kanyang damdamin.
Pinunan ng pag-ibig ang mga puwang sa kanyang puso na nilikha ng kanyang ina.
Ngunit bumalik ang insecurity ni Laurice nang pasukin ni Basti ang mundo ng musika. Alam niya kung gaano ka-demanding ang ganoong propesyon. But she was ready to sacrifice. Ayaw niyang agawin ang kaligayahang nakikita niya sa binata kapag umaawit ito.
Subalit may natuklasan siya. Tila hindi lang ang career nito ang kaagaw niya sa atensiyon ni Basti...

3. PHR 5190 Charmed By You by Xyann Alexandria


Si Shanela ay isang romance writer na walang panahon sa sariling love life. Uunahin pa ba niya ang pag-ibig gayong hindi man lang niya malinis at maayos ang kanyang bahay? Pero ginising ni Rayleigh ang natutulog niyang puso. Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita—nagkasagutan sila at muntik na niyang isama ang lalaki sa listahan ng mga pinakaayaw niyang tao sa mundo—kalaunan ay nagkabati rin.
At iyon ay dahil sa isang kasunduan.
Sa loob ng mga araw na magkasama sila ay na-realize ni Shanela na hindi mahirap mahalin ang lalaki. Para sa kanya, si Rayleigh na ang pinakamaalalahanin, pinaka-sweet, at pinaka-gentleman na lalaking nakilala niya. She fell in love with him kahit alam niyang hindi kayang suklian ng lalaki ang kanyang nararamdaman.
May pag-asa pa kayang magka-happy ending din ang sariling love story niya?

4. PHR 5191 My Brother’s Wife by Maricar Dizon


Hindi naniniwala sa pag-ibig si Enrico, kabaligtaran ng Kuya Joey niya na romantiko. Kaya napailing na lang siya nang biglang tumawag ang kapatid para sabihing ikakasal na ito. And that he wanted Enrico to go home to meet his fiancée.
So Enrico did.
Pero nang araw na umuwi siya ay may nakita siyang babae na biglang nagpabago sa kanyang paniniwala sa isang simpleng pagtatama lamang ng kanilang mga mata. But that woman turned out to be Faisca, his brother’s future wife.
Mas pinili ni Enrico na idistansiya ang sarili sa dalawa. Lalo na at sa bawat pagkakataong nakikita niya si Faisca, nare-realize niya na sa halip na mawala ay lalo lamang tumitindi ang damdamin niya para sa dalaga.
Plano na niyang permanenteng umiwas until a tragic event made the choice for Enrico. He vowed to be always there for Faisca. Kahit pa alam niyang hinding-hindi siya nito magagawang mahalin…

5. PHR 5192 Bistro Guwapo 3: Brent Laurel by Maxine Del Carmen


Ginagawa ni Arvee ang lahat para matulungan ang kanyang pamilya. Kahit anong raket, pinapasok niya hanggang sa naging part-time model siya. Unang beses niyang nasilayan ang crush na si Brent Laurel at pakiramdam niya ay natupad na ang kanyang mga pangarap. Ngunit nadismaya siya nang malamang sumama si Brent sa ibang modelo at iniwan siya sa ere pagkatapos mag-alok na ihahatid siya. Mula noon ay hindi na uli sila nagkita.
Pagkalipas ng ilang buwan ay muling nagtagpo ang mga landas nina Arvee at Brent sa Bistro Guwapo, kung saan nagtatrabaho si Arvee bilang mixologist. Hindi na tumigil si Brent sa panunuyo at pagsunod-sunod sa kanya. Nakilala ni Arvee ang totoong Brent Laurel at unti-unting nahulog ang loob niya sa binata dahil sa hindi matatawarang pag-aalala at pag-aalaga nito sa kanya.
Ngunit ang tuwang naramdaman ni Arvee nang malamang may katugon ang kanyang damdamin ay biglang naglaho nang biglang sabihin ni Brent na hindi siya puwedeng manatili sa mundong ginagalawan nito. Kahit pala ano ang gawin niya ay hindi matutupad ang pangarap niyang makasama ito habang-buhay…

6. PHR 5193 Bullies And Loverboys 7: A Decade Old Love Affair by Viel Roberts


Nangako si Lari na hinding-hindi siya magkakagusto kay Edison, ang leader ng bullies sa lugar nila at kababata niya. Pero hindi inakala ng dalaga na darating ang araw na kakainin niya ang mga sinabi. Na-in love siya sa bully!
Nakita ni Lari ang magagandang katangian ni Edison na hindi nakikita ng iba, lalo na ng pamilya nito. Lalo siyang napahanga at kinilig nang malaman na hinihintay na lamang pala ni Edison ang high school graduation niya para pormal siyang ligawan.
Kakampi nga yata niya si Kupido dahil pinana nito ang puso ni Edison.
Naging masaya sila.
Pero bumalik ang talipandas na ex-girlfriend ni Edison. At mula noon ay ang babae na lamang ang inasikaso ng binata. Naubos na nga yata ang bisa ng pana ni Kupido dahil isang araw ay bigla na lamang nag-back out si Edison sa happy ever after na kapwa nila pinapangarap.

7. PHR 5194 Astoria’s Place 8: Resident: Katherine Macaraeg by Mei Sanchez


Hindi akalain ni Katherine Macaraeg na mahuhulog ang loob niya kay Hunter na nanlait sa kanyang painting. Sa maigsing panahon na nagkasama sila sa New York, naging totoo si Hunter sa kanya kaya siguro hindi niya napigilan ang sariling mahalin ang binata. Inamin ni Hunter na kaya ito nandoon ay dahil brokenhearted ito. Gusto raw makalimot ng binata kahit sandali.
Alam ni Katherine na isang sugal ang ibigin si Hunter dahil hindi niya alam kung makukuha niya ang puso ng binata. But she was willing to wait, and she was willing to gamble everything.
Nang sundan ni Katherine sa Pilipinas si Hunter ay hindi niya akalaing girlfriend pala ng kuya niya ang babaeng kakompetensiya niya sa puso ng binata. But she was convinced that Hunter moved on, o iyon lang ang sinasabi niya sa sarili dahil iyon ang gusto niya. And then, the truth was unraveled by her brother, the very thing that she was afraid of…

8. PHR 5195 The Breakers Corazon Sociedad Book 1 - Jeremy Fabell by Venice Jacobs


Nanganib ang buhay ni Keira sa mga kamay ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya tumakas siya mula sa kanilang hacienda. Napadpad siya sa katabing hacienda. At sa gitna ng taniman ng mga tubo ay natagpuan siyang marungis at sugatan ni Jeremy Fabella. Keira knew she had found her safe haven in Hacienda Fabella. Umisip siya ng paraan para hindi mapaalis doon. Nagtago siya sa ibang pangalan at sinabing nagdadalang-tao siya.
Tutol si Jeremy sa pananatili niya sa hacienda pero wala itong nagawa sa pakiusap ng mabait nitong ina. Gayunman, hindi nangingimi ang binata na ipakita kay Keira na hindi siya welcome doon. Palaging masungit at arogante si Jeremy sa kanya.
Pero isang gabi, natagpuan ni Keira ang kanyang sarili na nakapaloob sa mga bisig ng guwapong binata at ginagawaran siya ng mainit na halik sa mga labi.
Dala ng bugso ng damdamin, ipinagkaloob ni Keira ang sarili kay Jeremy—hindi alintana na sa ginawa niya ay mabubulgar ang mga itinatago niyang lihim…
Back to top Go down
 
April 2, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Jodha Akbar Written Update April 1st 2014
» Qubool Hai 1st April 2014 Episode Watch Online
» Kaisa Ye Ishq Hai Ajab Sa Risk Hai 3rd April 2014 Episode Watch Online
» Jodha Akbar 3rd April 2014 Watch Online
» New promo of Beintehaa 08 april 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: