HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 26, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 26, 2014 Book Release   Fri May 16, 2014 10:30 am

1. PHGR 27 Silvano The Vampire And His Clueless Wife by Vanessa


Nakilala ni Mimi sa chatroom si Silvano at nag-eyeball sila. Hindi naging maganda ang kanilang pagkikita dahil nagalit ang lalaki nang malaman na larawan ng isang artista ang ipinadala ni Mimi sa kanya.
Akala ni Mimi ay hindi na niya makikita uli si Silvano ngunit nabigla siya nang hanapin siya nito upang humingi ng dispensa.
Mula noon ay naging malapit na sila sa isa’t isa, hanggang isang araw ay alukin siya ni Silvano ng kasal na kanyang tinanggap. Ngunit maraming katanungan sa isip ni Mimi, mga misteryo tungkol sa katauhan ng kanyang asawang si Silvano…

2. PHR 5183 Hot Intruder: Roman Custodio by Aya Myers


Isang estranghero ang nag-trespass sa lupain nina Izabella—si Roman. Bago pa lang niyang nakilala ang lalaki pero nagpakita na agad ito ng interes sa kanya. Pagkatapos ay nagtapat na ito ng pag-ibig. Oo nga at guwapo ito pero hindi si Izabella ang tipo ng babae na maaakit agad sa isang lalaki. Ang isa pa ay may nilalaman na ang kanyang puso—si Joshua.
Ngunit masigasig si Roman. Ginawa nito ang lahat makapasok lang sa puso niya. Ito rin ang naging sandigan ni Izabella at nagpabalik ng ngiti sa kanyang mga labi nang sakyan siya ni Joshua. Hanggang isang araw ay hindi na rin niya maikaila na physically attracted na siya kay Roman.
Nais niyang maging tapat sa kanyang minamahal, ngunit tila nag-trespass na rin si Roman maging sa puso niya.

3. PHR 5184 The Girl With A Loose Screw by Luna King


Via was a problematic girl. Naglayas siya dahil bukod sa pilit siyang ipinapakasal sa lalaking hindi niya mahal ay tinraidor pa siya ng mga taong kanyang pinagkakatiwalaan. Sa paglalayas niya ay nakilala niya ang isang napakabait na binata—si Claw.
Pinatira siya ni Claw sa tahanan nito. At doon niya nakilala nang lubusan ang binata. She discovered that he was a man full of problems. Itinakwil ito ng pamilya at pinagkaitan ng pagmamahal na hinahanap nito.
Para kay Via, may dahilan kung bakit nagtagpo ang mga landas nila ni Claw. Naniniwala siyang hawak nila ang mga susi para makaahon sa kanilang kamiserablehan.
At naisip nga niyang “pikutin” si Claw.
Hindi naman ito nagrereklamo kahit pa sinasabi nitong bawat minuto ay nanganganib sa kanya ang puri nito. Pero nagkamali si Via nang isipin niyang totoong mabait si Claw at mahal na rin siya ng binata. Dahil nalaman niyang isa pala ito sa mga taong tatraidor sa kanya.

4. PHR 5185 Be My Lady by Laurice del Rio


May gustong patunayan ang kapitbahay ni Lee na si Tita Tonying sa matapobreng kaanak ng mister nito. At para magawa iyon ay kailangan ng ginang ng kanyang tulong. Magpapanggap lang naman daw si Lee na nobya ng anak ni Tita Tonying na si Theo at kunwari din ay ina siya ng sanggol na iniwan sa pinto ng bahay ng pamilya.
Magpapanggap lang? Hindi lang iyon simpleng bagay para kay Lee. Dahil sa totoo lang ay hate niya si Theo na walang ginawa kundi mambola ng kababaihan. Minsan na siyang pinaasa ng mga bolerong lalaki kaya homicidal siya sa mga katulad ni Theo.
Pero dala ng matinding pangangailangan, at sa iba na ring dahilan ay napahinuhod si Lee. Isa iyong bagay na pagsisisihan pala niya dahil habang nakikilala si Theo—sa kabila ng paniniwalang salot ito sa kababaihan—ay natagpuan niya ang sarili na naaakit sa lalaki.
“Epic fail!” ang isinisigaw ng isipan ni Lee. Pero “Go, go, girl” naman ang isinususog ng kanyang puso. Sa kasamaang-palad ay mukhang mas malakas ang utos ng kanyang puso kaysa sa kanyang isipan.

5. PHR 5186 Ang Pag-Ibig Ni Lolita by Honey Villa


When it rains, it pours. At nang araw na iyon, inulan ng kamalasan si Maria Lolita Binubuenas—nakipag-break sa kanya ang kanyang boyfriend, hindi siya natanggap para maging extra sa pelikula, nanakawan siya ng bag, at ang pinakamalala sa lahat, napagkamalan siyang baliw sa loob ng mall.
Then came her lucky charm, si David Quizon. Inutangan niya ang binata sa una nilang pagkikita. At para mabayaran ang halagang hiniram ay nagprisinta si Lolita na maging kasambahay ni David kasabay ng pagtulong upang masungkit nito ang puso ng babaeng minamahal.
But on the process, it was her heart that he had caught effortlessly. Nang unti-unti nang nakikita ni Lolita na malapit nang mapasagot ni David ang babaeng gusto nito ay saka siya namroblema. Ayaw na niyang makatuluyan ni David ang babae dahil inaasam na rin ng kanyang puso na makuha ang pagmamahal ng binata.

6. PHR 5187 Faith And Me by Camilla


Sa dalawang beses na pagtatagpo nina Faith at Abelard ay hindi naging maganda ang impresyon ni Faith sa lalaki. Binunggo na nga siya, ito pa ang nagalit. Nang iligtas naman niya sa isang holdupper, sa halip na pasalamatan ay sinabihan pa siyang bayolente.
Pero nagkaayos din sila nang malaman ni Faith na planado pala ng taong nagtatangka sa buhay ni Abelard ang pangho-holdup sa lalaki. Laking gulat din ni Faith nang alukin siya ni Abelard para maging bodyguard nito.
Tinanggihan ni Faith ang alok.
Lumipas ang isang linggo, inakala ni Faith na kinalimutan na siya ni Abelard. Inisip niyang gimmick lang ang pagkuha sa kanya bilang bodyguard. Kaya hindi niya inaasahan nang biglang sumulpot ang lalaki sa bahay niya at niyaya pa siyang mamasyal. At nang aksidenteng magkadikit ang kanilang mga katawan ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Waring sinasabing nangulila iyon sa binata. Lalo pang naguluhan si Faith nang umamin si Abelard na may lihim na pagtingin sa kanya.
Naging mabilis ang mga pangyayari. Kasimbilis ng realisasyong estranghero pa rin si Abelard at may mga taong hindi papayag na maikasal sila…

7. PPS 4 Veakaria 4: Yorgos, Ang Tunay Na Hari Ng Veakaria by Vanessa


Bihag ng sumpa si Lumen dahilan kung bakit hindi niya magamit ang kanyang tinig. Dati siyang alipin na nagpasyang panghawakan ang sarili niyang buhay. Wala siyang kamalay-malay na siya pala ang susi upang malinawan ang maraming bagay sa Veakaria—ang mundong pinagmulan niya—lalo na sa buhay at kapalaran ni Yorgos, ang lalaking nagbigay sa kanya ng una niyang halik halos isang dekada na ang nakalilipas.
Si Yorgos ang dapat na hari ng Veakaria, ngunit naakusahan ito sa salang pagpatay. Nakatakas ito sa piitan, at ngayon ay namumuhay bilang isang pugante. Upang patunayan na inosente ito sa krimen, kailangan nitong iharap sa mga pinuno ng estado ang tanging saksi na wala ito sa lugar ng krimen nang mga panahong iyon—si Lumen.
Kailangang magkasama nilang harapin ang mga pagsubok, hindi lamang upang mapawalang-sala si Yorgos at mailuklok sa kaharian, ngunit higit ang mga hadlang sa malalim na damdaming nagsimula nang umusbong sa kanilang mga puso para sa isa’t isa.

8. The Alchemist by Paulo Coelho


Minsan lang sa ilang dekada na nangyayaring may isang aklat na nalilimbag na babago sa buong buhay ng mga mambabasa nito. Ang The Alchemist ay ganoong uri ng aklat. Sa mahigit animnapu’t limang milyong sipi na naipagbili sa iba’t ibang panig ng mundo, ang The Alchemist ay kinikilala bilang isang modernong klasiko. At ngayon, ang kahanga-hangang aklat ni Paulo Coelho na nagbibigay-aral ay mababasa na sa Filipino.
Ang The Alchemist ay ang mahimalang kuwento ni Santiago, isang pastol na taga-Andalusia na naghahangad na maglakbay sa paghahanap ng tagong kayamanan. Mula sa kanyang tahanan sa Espanya, naglakbay siya sa mga pamilihan ng Tangier at tinawid ang disyerto ng Ehipto sa paghahanap ng kayamanan na nakabaon sa mga Piramide.
Ang kuwento na natuklasan ni Santiago habang siya ay naglalakbay ay nagtuturo sa atin ng kahalagahan ng pakikinig sa ating mga puso, ang pag-aaral na mabasa ang mga babala na ikinalat sa landas ng buhay, at higit sa lahat, ang pagsisikap na makamit ang ating mga pangarap.
Back to top Go down
 
March 26, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Rangrasiya - Written Update - March 10 2014
» Rangrasiya - Wriiten Update - March 13 2014
» Yeh Rishta Kya Kehlata Hai 4th March 2014 Watch Online
» Kaisa Yeh Ishq Hai To Be Aired on 7 pm IST Slot From 18 March 2014`
» Bani - Ishq da Kalma - Written Update - 12 March 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: