HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 19, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 19, 2014 Book Release   Mon Mar 24, 2014 11:37 am

1. PHR 5178 Bistro Guwapo 2: Jake Almeda by Maxine del Carmen


Alam ni RJ sa kanyang sarili na hindi sila bagay ni Iza. Bukod kasi sa mayaman ang dalaga ay anak din ito ng congressman ng bayan nila.
Gayunman ay hindi naramdaman ni RJ ang panlalait sa halip ay pulos kabutihan ang ipinapakita ni Iza sa kanya. Kaya hindi napigilan ng batang puso ni RJ na mahalin si Iza. Hindi nga siguro talaga sila ang para sa isa’t isa dahil hindi pa man siya nakakaporma ay nilalayuan na siya ng dalaga. Hindi man alam ni RJ ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Iza ay ipinangako na lang niya sa kanyang sarili na balang-araw ay magiging karapat-dapat din siya para sa dalaga.
Pagkalipas ng labing-apat na taon ay natupad ni Jake ang ipinangako niya sa kanyang sarili. Hindi rin niya inakala na muling pagtatagpuin ng tadhana ang mga landas nila ni Iza. Walang ipinagbago ang dalaga. At dahil hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para kay Iza ay nag-extra effort siya na iparamdam sa dalaga ang pagmamahal na inalagaan niya sa kanyang puso. Ngunit kung kailan pakiramdam ni Jake ay may katugon ang lahat ng ipinapakita niya para kay Iza ay saka naman ito nagdesisyon—sa pangalawang pagkakataon—na umalis ng buhay niya at iwan siya.

2. PHR 5179 Kissing Tamara by Camilla


Isang journalist si Tamara Guevarra. Dahil mailap si Armand Villacorta, ang kanyang i-interview-hin, ay sinadya na niya ang lalaki sa kompanyang pag-aari nito para kapanayamin. Pero hindi siya pinapasok ng antipatikong security guard ng building na si Timothy, na una na niyang nakaengkuwentro sa isang hindi rin kagandang sirkumstansiya. Papapasukin daw siya ni Timothy sa isang kondisyon: kapag pinayagan niya itong halikan siya.
Sa galit ay sinampal ni Tamara si Timothy at binatikos sa column niya sa diyaryo. Nabasa iyon ng lalaki at sinugod siya sa publication na kanyang pinagsusulatan.
Iyon ang umpisa ng sunod-sunod na pang-aasar nito sa kanya. Talagang bastos ito—sayang at guwapo pa naman sana!
Pero bakit ganoon? Kahit palagi siya nitong pinipikon ay tila nagsisimula naman itong magkapuwang sa kanyang puso…

3. PHR 5180 I Love You, Miss Bad Girl by Cranberry Laurel


Si Alpha na siguro ang favorite kick-out student ng mga eskuwelahan. Maraming naghahabol sa kanya—hindi ng mga lalaki, kundi ng matatalim na tingin ng mga kaklaseng pinapaiyak niya. Ang hatol: ultimate bad girl si Alpha.
Kaya naman akala ni Alpha ay nagunaw na ang mundo nang malaman niyang may nagkaka-crush pala sa kanya! Ang malupit, ang secret admirer lang naman niya ay si Rancid, ang pinakaguwapo at pinakamatalino sa buong klase nila. Ngunit nang pinapaamin na niya si Rancid, aba’t tinarayan lang siya. Aba’y daig pa nito si Maria Clara kung magpakipot sa kanya!
Ngunit nang malapit na malapit nang maging “sila” ay saka may nangyari sa paaralan na naging sanhi para muling ma-kick out si Alpha.
Pero may mas masakit pala roon. Dahil isa pa si Rancid sa mga taong tumalikod sa kanya. Kasabay ng pag-kick out sa kanya sa puso ng lalaki ay ang tuluyang pagkawasak ng pag-asa ni Alpha na magkakatuluyan pa sila…

4. PHR 5181 Klyde by Kaye Ysabelle


Isang artistang nata-typecast bilang the other woman si Maria Gracia. At kung sa pelikula ay umaamot siya ng pagmamahal sa bidang lalaki, sa tunay na buhay ay halos mamalimos naman siya ng pansin at pagmamahal mula sa tunay niyang ama.
Dulot ng napakaraming problema, nagkasakit at naospital si Maria Gracia. Doon niya nakilala ang doctor na si Klyde. Nagboluntaryo ang doktor na sa bahay muna nito tumuloy nang malaman na nag-iisa na siya sa buhay. Gusto raw nitong alagaan siya.
Nagdududa man sa motibo ng guwapong doktor ay napilitan pa rin si Maria Gracia na magpaampon dito nang ilang araw. Mukha naman itong mabait at mapagkakatiwalaan. And Klyde turned out to be one.
Buong akala ni Maria Gracia ay sadyang matulungin lang ang doktor. Hanggang sa matuklasan niya na hindi pala ito isang simpleng “Good Samaritan.” May malaking atraso pala ang binata sa kanya… noong isang gabing pareho silang may sama ng loob at lasing na lasing. At ngayong naaalala na niya ang lahat, napagtanto niyang ang kabutihan nito ay hindi totoo. Gusto lang bumawi at magbayad ni Klyde sa kasalanan na nagawa sa kanya…

5. PHR 5182 Heaven In Hell by Jace Dallas


Kapit sa patalim ang pagtanggap ni Hellaine sa bago niyang assignment bilang isang secret agent. Tinanggap niya ang trabahong protektahan ang isang lalaking nanganganib ang buhay dahil ang kabayaran niyon ay ang matagal na niyang pinapangarap. Ngunit hindi niya napaghandaan na ang taong babantayan ay mas delikado pa sa banta sa buhay nito.
She could not focus on her job. Mahigpit pa namang ipinagbabawal sa kanila na ma-in love sa kanilang kliyente. But Nick was such a tease.
Isang ngiti pa lang nito ay tila babaliin na niya ang kanyang sinumpaan.
Hellaine was hired to guard him. Pero sino naman ang magbabantay sa puso niyang nahuhulog na rin sa pang-aakit ng binata?

6. TRN 19 Dealing Her Final Card by Jennie Lucas (translated by Jade Alleje)


Napilitang maglaro ng poker si Bree para mabayaran ang utang ng kanyang kapatid. Ngunit laking gulat niya nang sa isang pribadong laro ay makita niya ang isang lalaki mula sa kanyang nakaraan. Sampung taon na ang lumipas nang iwan si Bree na brokenhearted ni Prinsipe Vladimir Segovia—ang nag-iisang lalaking kanyang minahal. Nag-alok si Vladimir ng isang larong babago sa buhay ni Bree. Pumusta ang prinsipe ng isang milyong dolyar para sa mas mataas na baraha. Kapag nanalo si Bree, makakabayad siya ng utang at hindi na manganganib ang buhay nilang magkapatid; ngunit kapag natalo siya ay magiging alipin siya ni Vladimir, susundin ang lahat ng gusto nitong ipagawa sa kanya hanggang kailangan siya nito.
Gagawin ni Bree ang lahat para manalo sa larong iyon—hindi lang dahil sa kailangan niya ng pera, kundi dahil kasamang nakataya ang puso niya. At hinding-hindi niya ibibigay iyon kay Vladimir…
Back to top Go down
 
March 19, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Rangrasiya - Written Update - March 10 2014
» Rangrasiya - Wriiten Update - March 13 2014
» Yeh Rishta Kya Kehlata Hai 4th March 2014 Watch Online
» Kaisa Yeh Ishq Hai To Be Aired on 7 pm IST Slot From 18 March 2014`
» Bani - Ishq da Kalma - Written Update - 12 March 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: