HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 12, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 12, 2014 Book Release   Mon Mar 24, 2014 11:22 am

1. PHR 5173 My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance) by Luna King


Six years ago, PeeCee would say he was Cinderella’s boy version. Nang pumanaw ang kanyang ama ay napilitan siyang pakisamahan ang stepmother at stepsiblings niya na malalamig ang trato sa kanya. He also fell in love with Chiya then, his princess. But his stepbrother, Jaycee, also loved her. Wala siyang nagawa noon nang makialam ang stepmother niya.Kailangan niyang iwan si Chiya.
But that was six years ago. Mula sa pagiging boy version ng “Cinderella” ay naging prinsipe na si PeeCee.
It was as if the clock turned counterclockwise when he saw Chiya again. Nagbalik ang dating pagmamahal ni PeeCee kay Chiya at desidido siyang ibalik din ang dati nitong pagmamahal sa kanya.
Pero tumanggi na itong maging prinsesa niya. Hindi niya masisisi si Chiya. Tinalikuran niya ang lahat ng pangako niya sa dalaga nang hindi nito nalalaman ang dahilan.

2. PHR 5174 No More “I Hate You’s” by Venus Franz


“Ikaw, lalaki, ay magiging akin nang alipin. Susunod ka sa lahat ng gusto ko. Hinding-hindi ka na mambababae. Ako at wala nang iba pa ang magiging maganda sa paningin mo.”
Kulang na lang ay tumawa si Emmy ng “bwa-hi-hi-hi” pagkatapos i-cast ang spell na iyon para turuan ng leksiyon ang pinakakinaiinisan niyang lalaki sa buong mundo: walang iba kundi ang playboy na si Lykarios “Lyke” Delaviar. Sa malas, women everywhere would die for his megawatt smile… well, except her!
Ngunit wala sa hinagap ni Emmy na ang lintik na orasyon ang magiging mitsa ng sunod-sunod na kamalasan sa buhay niya.
Una, sa halip na si Lyke lang ang umibig sa kanya, siya ang napaibig nito! Pangalawa, kahit gustuhin man ni Emmy ay hindi naman niya puwedeng tanggapin ang pagsintang inaalay ni Lyke dahil nasa ilalim pa rin ito ng kanyang spell. At oras na mawala ang bisa niyon ay siguradong babalik na naman siya sa pagiging “En-Emmy-Number-One” nito!
Ngunit ang pinakamasaklap sa lahat ay ang pangatlo… dahil nalaman ni Emmy na siya pala ang totoong biktima ng sariling spell niya sa binata.

3. PHR 5175 The Adventure Of Unadventurous Girl by Heart Yngrid


Danita was just some conventional girl who was contented living a plain, static life.
Pero nang magbalik si Gino—ang kanyang first love na ang tipong babae ay may adventurous soul na tulad nito—ay bigla-biglang nagdesisyon si Danita na baguhin ang kanyang buhay at maging adventurous upang makuha na ang atensiyon at pag-ibig ng lalaking pinapangarap.
Right there and then, the new “Danita” was born.
Gumawa siya ng listahan ng mga adventure na kailangan niyang ma-accomplish para sa kanyang self-development. Hanggang sa isang hindi sinasadyang takbo ng mga pangyayari ay napadpad siya sa isang private island na pag-aari ng isang super-hot stranger—si Jason.
Nagising na lamang siya at nalamang may namagitan sa kanila isang gabi. Pero wala siyang balak na isali sa mga adventure niya ang makipag-one-night stand!
Tinakasan niya ang lalaki at umasang hindi na uli sila magkikita.
Pero mukhang nakatakdang multuhin si Danita ng “adventure” na ginawa niya sa piling nito—dahil nang muli niyang makita si Jason ay lalo nitong ginulo ang magulo na niyang buhay.

4. PHR 5176 Si Prinsipe Aburido by Camilla


Isang georgeous chef and a celebrity in his own right si Anthony Medina o Tony, ang bagong chef ng Black Pearl Fine Dining Restaurant. Ang lahat ng nagtatrabaho roon ay ilag dito—maliban kay Pia, ang dishwasher ng restaurant.Matapang kasing hinarap at sinagot niya ang binata nang hamakin nito ang kanyang trabaho. Akala nga noong una ni Pia ay wala nang sasama pa sa kanyang pag-uugali. Pero nang makilala niya ang masungit at hindi makatwirang binata, alam niyang nakahanap na siya ng katapat. Hindi kasi ma-spelling ang pag-uugali ni Tony.
Pero hindi nagtagal, natuklasan ni Pia na pareho pala silang may mapait na karanasan ng binata kaya ganoon na lang ang pagkakatulad ng pag-uugali nila. Dahil doon ay naging malapit na sila sa isa’t isa. Natuklasan niya ang magagandang katangian at pag-uugali nito. Hindi nagtagal, natagpuan na lang ni Pia na umiibig na siya kay Tony.
At nang humulagpos sa kanyang mga labi ang nilalaman ng kanyang puso—ang mga salitang “I love you”—bigla at sinasadya—dumistansiya na si Tony sa kanya…

5. PHR 5177 Not Like In The Movies by Lush Ericson


May dalawang pangarap ang stand-up comedian na si Beauty: ang maging isang sikat na personalidad at ang mapansin ng artistang si Gavin Acosta. Para matupad ang kanyang mga pangarap, nag-audition siya para maging leading lady ni Gavin.
Dahil hindi naman pang-beauty queen ang hitsura niya ay hindi natanggap si Beauty. Pero napansin naman siya ng hinahangaan niya at inalok pa siya na maging personal assistant nito. Aba, tatanggi pa ba siya? Of course not! Gustong-gusto talaga niyang mapalapit sa lalaki.
Habang magkasama sila ay ginawa niya ang lahat para mapasaya si Gavin: kinulit niya ito at pinatawa. At sa kabila ng kasimplehan ng buhay at hitsura niya, bigla na lang itong umamin isang gabi na nai-in love na raw ito sa kanya. Wagi ang beauty niya! Pero kasunod niyon ang mabibigat na komplikasyon, dahil buong Pilipinas yata ang humahadlang sa kanilang relasyon.
Naisip tuloy ni Beauty, karapat-dapat bang maging bahagi ng mundo ni Gavin Acosta ang tulad niyang hindi kagandahan, hindi ka-sexy-han, at hindi katalinuhang fan girl?

6. TRN 15 The Tycoon Who Healed Her Heart by Melissa James (translated by Xia Virgo)


Nagtungo si Rachel sa Borromeo Surfing Resort upang magtago… at paghilumin ang kanyang puso. Natagpuan niya ang isang cabin sa likuran ng resort. Bilang isang sikat na personalidad na nais ng katahimikan, pinilit niya ang manager ng resort na iyon na lang ang ipagamit sa kanya.
Pero hindi inaasahan ni Rachel na isang linggo pa lang siyang nananatili roon ay dumating na ang taong tunay na nakatira sa cabin—si Armand Borromeo na may-ari ng resort. Napagkasunduan nilang magsama na lang sa iisang cabin dahil may apat na silid naman doon. Kapalit niyon ay papayag siyang iendorso ang bagong resort na ipinapatayo ng lalaki.
Pero sa paglipas ng mga araw na nagkakasama sila ay tuluyang nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Sila na dalawang taong pinaglapit sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Dalawang estranghero na ang tanging alam ay ang tugunan sa gabi ang pangangailangan ng bawat isa…

7. TRN 16 The Return Of The Stranger by Kate Walker (translated by Iris Anne)


Masyado nang maraming iniisip si Katherine. Nang mamatay kasi ang asawa niyang si Arthur ay nag-iwan ito sa kanya ng isang tambak na utang na ngayon lang niya natuklasan. Pati bahay na tinitirhan ni Katherine ay kukunin na rin sa kanya ng kompanyang pinagkakautangan ng kanyang asawa.
At masyado na siyang maraming problema para dumagdag pa si Heath—ang lalaking nag-alay ng pa-ibig sa kanya noon ngunit tinanggihan niya. Sa kabila ng maraming taong pagkawala ni Heath ay bigla na lang itong sumulpot sa buhay ni Katherine para sabihin na bumalik ito upang makita siya. Siguro nga ay kailangan niya si Heath at ito ang makakatulong sa problema niya.
Pero kung kailan unti-unti nang nababalik ang dating samahan nila ni Heath at naiisip niyang ituloy ang naudlot na pag-iibigan nila, noon natuklasan ni Katherine na ang kompanya pala nito ang pinagkakautangan ng asawa niya at ang nais kumuha ng bahay na tanging mayroon siya.

8. TRN 17 We’ll Always Have Paris by Jessica Hart (translated by Xia Virgo)


Mawawalan ng trabaho si Clara. At ang tanging sagot sa problema niya ay si Simon. Kailangan niyang mapapayag ang lalaki na maging presenter sa programa nilang Romance: Fact or Fiction?dahil kung hindi, tuluyan nang magsasara ang programa.
Noong una ay ayaw pumayag ni Simon dahil hindi raw ito naniniwala na may romance. Sa huli, napapayag din ito ni Clara na maging presenter ng programa pero hindi pa rin daw nagbabago ang paniniwala ng lalaki: Naisip ni Clara na kailangan niyang makumbinsi si Simon habang hindi pa nagsisimula ang shooting. Tamang-tama ang location nila—sa Paris, isa sa mga romantic city sa buong mundo.
Ginawa ni Clara ang lahat upang mapatunayan kay Simon na tama siya. Ang siste, siya ang mas nakumbinsi na nag-e-exist talaga ang romance. Napatunayan din niya sa sarili na mahal na niya si Simon.
Habang si Simon, mukhang hanggang sa libingan ay patutunayan din kay Clara na hindi nag-e-exist ang romance. Mukhang ang puso ni Clara ang maililibing.

9. TRN 18 A Man Of His Word by Sarah Anderson (translated by Janis delos Reyes)


Isang bagay lang ang mahalaga kay Rosebud: ang maipagtanggol ang tribung kinabibilangan niya laban sa mapangamkam na Alcantara Holdings. At wala siyang balak ipakita kanino man na mahihirapan siyang gawin iyon.
Malay ba naman niyang masisira ang lahat ng plano niya sa unang pagkikita pa lang nila ni Dan Alcantara—ang isa sa mga may-ari ng kompanyang kalaban niya? Wala namang nakapagsabi sa kanya na napakaguwapo pala ng lalaki at nakapanlalambot ng mga tuhod ang kakisigan.
Si Dan pa lang ang lalaking gumising sa pagnanasa niya na nakatulog nang tatlong taon. At pilit namang pinatutunayan ni Dan na may malasakit ito sa tribung kinabibilangan ni Rosebud.
Ngunit ang paghahangad niya sa lalaki ay hindi na makatwiran—nilalabag ang ano mang paniniwala at ipinag- lalaban niya. Sa kabila niyon, ngayong nakakulong si Rosebud sa matitipunong bisig ni Dan, handa na niyang isugal ang lahat kapalit ng isang halik mula rito…
Back to top Go down
 
March 12, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Rangrasiya - Written Update - March 10 2014
» Rangrasiya - Wriiten Update - March 13 2014
» Yeh Rishta Kya Kehlata Hai 4th March 2014 Watch Online
» Kaisa Yeh Ishq Hai To Be Aired on 7 pm IST Slot From 18 March 2014`
» Bani - Ishq da Kalma - Written Update - 12 March 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: