HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 5, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 5, 2014 Book Release   Mon Mar 24, 2014 10:49 am

1. PHR 5169 Second Glory by Cranberry Laurel


Hindi umuulan ng niyebe sa Pilipinas subalit ipinaranas iyon ni Zola sa mga lalaking naghahabol sa kanya sa lamig ng pakikitungo niya sa mga lalaki.
Ngunit exemption to the rule si Satur. Tunog-planeta man ang pangalan, nakakatunaw naman ng puso ang sipag at tiyaga na makuha ang “oo” ni Zola harangan man ng sibat ng katarayan at espada ng kasupladahan ng dalaga. And take note, liligawan din daw ni Satur ang ngiti niya. Dapat ay exclusive lang daw iyon para dito.
Gustong-gusto mang papasukin ni Zola si Satur sa kanyang puso, ngunit may isang malaking sekreto siya ng nakaraan na maaaring magpabago ng tingin nito sa kanya. Worse, madadamay pati ang damdamin ng lalaki para sa kanya.
At mas pipiliin ni Zola na isara ang kanyang puso kaysa habang-buhay na kamuhian ng lalaking natutuhan na niyang mahalin.

2. PHR 5170 Si Tallulah At Ang Guwapong Mekaniko by Doreen Gabriel


Sa mungkahi ng matabil at intrigerang si Abby—ang matalik na kaibigang bading ni Tallulah—ay nabuo ang “Oplan: Hanap-Fafa.” Ang layunin niyon ay ang ihanap siya ng magiging boyfriend. At mayroon na kaagad itong prospect—ang kapitbahay niyang guwapong mekaniko. Kung hindi pa sa kaibigan ay hindi niya matutuklasan ang existence ng lalaki.
Sa mahusay na hokus-pokus ni Abby ay nagtagumpay itong mapaglapit sila ni Reece. Akala niya ay patungo na sila sa isang makulay na relasyon. Ngunit kasabay ng nabubuong pag-asa ay ang pagdistansiya nito. Marahil ay hindi siya type ni Reece. And worse, ang inakala ni Tallulah na simpleng mekaniko ay isa palang milyonaryo na sawi sa pag-ibig.
Bigo ang project ng kaibigan niya. Dahil tila suntok sa buwan na maging boyfriend niya si Reece…

3. PHR 5171 Camp Speed 12: How You Love Me Now by Cady Lorenzana


Para kay Laarnie ay parte na ng nakaraan niya si Kent Constantino. So she was more than surprised when she found out that, whether she liked it or not, she was arranged to be married to Kent. Siyempre, hindi siya pumayag. Nang puntahan niya ang lalaki para pakiusapan na huwag na nilang ituloy ang napipintong kasal ay hindi ito pumayag. Dahil pursigido pala si Kent na pakasalan siya.
“I like challenges. Kaya nga mahilig ako sa racing because it is something dangerous and challenging,” pagdadahilan ni Kent. Hindi mahilig sa challenges si Laarnie. Hindi rin niya gusto ang lalaki.
Pero nang muling hawakan ni Kent ang kamay niya ay may kakaiba siyang naramdaman para dito. And before Laarnie knew it, her heart surrendered once again to Kent.
Okay na sana ang lahat kung hindi lang nalaman ni Laarnie ang totoong dahilan kung bakit siya ipapakasal ng mga magulang niya kay Kent…

4. PHR 5172 Rowie’s Craze by Dawn Igloria


Naging kalakaran na mula noong unang panahon na lalaki ang nanliligaw sa babae. Pero katwiran ni Rowie ay hindi na laging ganoon sa makabagong panahon, na uso nang ang mga babae ang nanliligaw sa mga lalaki. Kaya nang tamaan si Rowie ng pinaghalo-halong crush, infatuation, puppy love, at true love sa hunky vet na si Dr. Butch Lepanto ay nag-a la Gabriela Silang siya. Sumunod siya sa gusto niyang gawin.
Hindi na raw niya kailangan pang mag-apply na girlfriend nito, pabirong sabi sa kanya ni Butch. Tanggap na raw agad siya. At bago pa niya namalayan ay umaakto na itong boyfriend niya.
Minahal niya si Butch nang buong-buo: puso, katawan, at kaluluwa. Siya na yata ang pinakamasayang nilalang sa ibabaw ng mundo. Ngunit short-lived lang ang saya ni Rowie nang malaman niya kung ano ang tunay na pakay ni Doc Butch kaya pumayag itong maging boyfriend niya. Huli na nang matuklasan niyang ang inakala niyang knight-in-shining-armor ay siya palang kontrabida sa istorya.

5. TRN 5 Soul Screamers: My Soul To Take by Rachel Vincent (translated by Rhealeen Valenzuela)


Nararamdaman niya kapag ang taong nasa paligid niya ay mamamatay na. At tuwing nangyayari iyon, isang makapangyarihang lakas ang nagtutulak sa kanya para managhoy sa oras ng madugong pagpatay.
Ang gusto lang naman ni Kaylee ay magpakasaya sa nakukuha niyang atensiyon mula sa pinakaguwapong lalaki sa eskuwelahan nila. Pero mahirap para sa kanya ang magkaroon ng isang normal na date dahil tila mas marami pang alam si Nash kaysa sa kanya tungkol sa mga dahilan kung bakit kailangan niyang manangis.
At nang magsimulang magsitumba at mangamatay ang mga kaklase niya nang walang malinaw na dahilan, si Kaylee lang ang nakakaalam kung sino ang susunod…
Back to top Go down
 
March 5, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Rangrasiya - Written Update - March 10 2014
» Rangrasiya - Wriiten Update - March 13 2014
» Yeh Rishta Kya Kehlata Hai 4th March 2014 Watch Online
» Kaisa Yeh Ishq Hai To Be Aired on 7 pm IST Slot From 18 March 2014`
» Bani - Ishq da Kalma - Written Update - 12 March 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: