HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 26, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 26, 2014 Book Release   Tue Mar 04, 2014 10:34 am

1. PHR 5164 Bistro Guwapo 1: Luke Harris by Maxine del Carmen


Galit si Anya sa mga palikero. Niloko kasi siya ng ex-boyfriend niya at ipinagpalit sa iba. Pero tadhana na nga yata niya ang mapalapit sa babaero dahil nang mapadpad siya sa Bistro Guwapo ay nakakilala uli si Anya ng palikero sa katauhan ni Luke Harris. Ginawa niya ang lahat para iwasan ito ngunit gumagawa rin ito ng paraan para mapalapit sa kanya. At sa mga panahon na kasama niya ito ay nag-iba ang pagkakakilala niya rito. Natutuwa at kinikilig na siya kapag binabakuran siya nito.
Naiinis siya kapag may kausap itong ibang babae at hindi siya pinapansin nito.
Nagdesisyon si Anya na kausapin si Luke nang marami nang tanong na pumapasok sa isip niya. Aaminin na sana niya kay Luke ang nararamdaman niya. Ngunit naglaho ang lahat ng lakas ng loob na inipon niya nang marinig ni Anya ang totoong dahilan kung bakit ito nakipaglapit sa kanya.

2. PHR 5165 Letters To Toyang by Julianna Ran


Simple lang ang buhay ni Toyang. Pumapasok siya sa kolehiyo na malapit sa bahay nila, mahal na mahal siya ng mga magulang niya, at may dalawa siyang nagguguwapuhang best friend sa katauhan nina Donat at Marcus.
Kontento na siya sa buhay. Hanggang isang umaga ay nakatanggap siya ng sulat mula sa isang nagngangalang “Chico.” Walang idea si Toyang kung sino si Chico. Pero sa sulat ay inamin sa kanya ng lalaki na gusto siya nito. Nagpatuloy ang pagdating ng mga sulat hanggang maging parte na iyon ng pang-araw-araw na buhay ni Toyang at maramdaman na lang niya na unti-unti nang nahuhulog ang loob niya kay “Chico.” Nang sabihin ni Toyang na nais na niyang makilala ang lalaki ay tumanggi si Chico at nagbigay na lamang ng hint: malapit daw si Chico sa kanya.
At biglang naisip ni Toyang sina Marcus at Donat. Paano kung isa sa mga ito si Chico?

3. PHR 5166 Every Inch Of You by Bethany Sy


Daig pa ni Sharon ang nanalo sa Lotto nang malaman niya na may katugon ang nararamdaman niya para kay Race. Apat na taon kasi niyang pilit na itinago ang nararamdaman para sa kanyang best friend.
Ginawa pa nga niyang distraction ang pakikipag-date sa iba mawala lang ang damdamin niya kay Race. Pero nahirapan siyang gawin iyon at sa tuwina ay bumabalik siya sa piling ni Race.
Kailangan lang palang umamin si Sharon sa nararamdaman niya at tapos na ang problema. Kaya bawat araw na kasama niya ang binata ay walang kasinsaya. Para sa kanya, perpekto na ang lahat. Wala nang makasisira pa sa maganda nilang relasyon.
Pero nagkamali si Sharon. Dahil ang Race pala na kasama niya ngayon ay hindi si Race na minahal niya.

4. PHR 5167 My Gorgeous Chef by Heidi Star


Crush ni Kristel si Nick, ang bagong kapitbahay nila. She wanted to impress him in order for him to like her, too. Kaya nang malaman niya na ang gusto nito sa isang babae ay iyong marunong magluto, namroblema siya. Hindi siya marunong magluto!
Naalala ni Kristel na may kaibigang magaling na chef ang kuya niya kaya pinakiusapan niya ang kapatid na paturuan siyang magluto sa kaibigan nito. Pumayag naman ang chef.
Subalit laking gulat ni Kristel nang malamang ang kaibigang chef ng kuya niya at ang aroganteng lalaking nakaengkuwentro niya sa bar noong isang gabi ay iisa! Ipinahiya siya ng lalaki sa harap ng maraming tao. Nalaman niyang Rico Mendez ang pangalan nito. Though she could not deny the fact that he was incredibly gorgeous and drop-dead handsome. Still, what he did to her was utterly unacceptable. Guwapo nga ito, masama naman ang ugali.
Pero nang unti-unti niyang nakilala si Rico, at ang magandang katangian nito ay hindi niya naiwasang mahulog ang loob dito. Bigla, kay Rico na siya nagpapa-impress sa pagluluto kaysa kay Nick na crush niya.

5. PHR 5168 A Very Special Bride by Nicka Gracia


Nagpunta si Victoria sa Singapore upang makipagsapalaran. Pero hindi pala iyon ganoon kadali gaya ng inaasahan niya. Isang buwan lang kasi siyang maaaring manatili roon at halos mag-iisang buwan na ay wala pa rin siyang nahahanap na trabaho. Isang solusyon ang ibinigay sa kanya ni Hannes—ang magpakasal sila. Iyon lang daw ang maaari niyang gawin para ma-extend pa siya nang kaunti sa Singapore at makapaghanap ng trabaho. Pumayag si Victoria sa suhestiyon ni Hannes sa kondisyong sa papel lang sila mag-asawa.
Sa kasamaang-palad, si Victoria pala ang hindi tutupad sa kanyang kondisyon dahil siya ang nahulog ang loob kay Hannes. Bumalik sa Pilipinas si Hannes at pagkalipas ng tatlong taon ay hinanap niya ang lalaki—upang makipag-divorce dahil ikakasal na siya sa fiancé niya.
Kaya lang, hindi rin pala ganoon kadali ang lahat dahil sa ilang araw na nakasama ni Victoria si Hannes, hindi na ang pakikipag-divorce ang nais niya sa lalaki—nais na niyang panindigan ang pagiging mag-asawa nilang dalawa.
Back to top Go down
 
February 26, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Bade Acche Lagte Hain 17th February 2014 Watch Online
» qubool hai 4 february 2014 written update
» Pavitra Rishta 18th February 2014 Watch Online
» Madhubala - Written Update - 19 February 2014
» Rangrasiya 28th February 2014 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: