HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 19, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 19, 2014 Book Release   Tue Mar 04, 2014 10:24 am

1. PHR 5154 Laging Ikaw by Gazchela Aerienne


Perpekto ang tingin ni Sheena sa nobyong si Darren. Bukod kasi sa guwapo, matalino, mabait, at sweet ay mayaman din ang lalaki. Hindi lumilipas ang araw na hindi ipinararamdam ni Darren kay Sheena ang pagmamahal nito para sa kanya.
Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ni Sheena ang pamilya ni Darren.
Ramdam ni Sheena na ayaw sa kanya ng ina at kapatid ng nobyo. Ginawa ng pamilya nito ang lahat mapaghiwalay lang sila. Nang hindi sila natinag ni Darren ay saka niya naramdaman ang unti-unting pagkilos ng mga ito para mapaghiwalay sila. At dahil mahal niya ang nobyo ay isinuko ni Sheena ang pagmamahal niya para kay Darren para maprotektaha nito.
Nang makitani Sheena si Darren pagkalipas ng tatlong taon ay napagtanto ni Sheena na hindi pa rin nagbabago ang kanyang nararamdaman para sa binata. Lalo lang lumalim iyon na ng alagaan siya ni Darren nang aksidenteng masugatan ang paa niya nang minsang naglakad siya sa buhanginan. Hindi alam ni Sheena kung paano niya ipaliliwanag sa dating nobyo kung bakit niya ito iniwan noon. Gustuhin man niyang muling mapalapit dito ay hindi na niya puwedeng gawin.
Dahil bukod sa may nobya na ito ay hindi rin niya maipaliwanag ang nararamdamang pagkamuhi ni Darren sa kanya tuwing nagtatagpo ang kanilang mga landas.

2. PHR 5160 Let Me Be Your Only One by Saab de Andrade


Meet Phillip, or widely known as “Papa Phi.” Siya lang naman ang sikat na supermodel na pinagpapantasyahan ng mga babaeng kaanib ng PPA o Papa Phi Association. Ngunit sa kabila ng nakakatunaw na kaguwapuhan at nag-uumapaw na charm na taglay niya sapat para maglaway ang sandamakmak na mga tagahanga at artistang naghahabol sa kanya, mayroon siyang itinatagong sekreto: isa siyang dakilang martir sa pag-ibig.
Matagal na siyang may itinatagong pagsinta kay Zan, ang kulot pero cute na make-up artist niya at numero unong anti-fan niya. Puwedeng-puwede na niyang ipaalam ang damdamin niya rito dahil una, break na si Zan at ang longtime boyfriend nito. Pangalawa napapayag na niya itong makipag-“peace” sa kanya.
Ngunit madadale yata si Papa Phi sa pangatlo. Dahil kahit gawin pa niya ang lahat-lahat para kay Zan, ibang pangalan pa rin ang isinisigaw ng puso nito.

3. PHR 5161 Mist’s Shadow by Claudette Serene


Loner si Mist, reigning campus heartthrob naman si Shadow. They were totally two worlds apart. Pero dahil sa isang insidente, naging malapit pa rin sina Mist at Shadow sa isa’t isa. Ngunit nang makapagtapos ng high school si Shadow, bigla na lang nawala ang binata. Ni hindi ito nagpaalam. Labis na nasaktan si Mist sa pangyayari.
Labinlimang taon ang lumipas at muling nagtagpo ang mga landas nila.
Sa kabila ng nangyari noon, naroon pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa at tila mas lumalim pa nga. Ngunit naroon na ang takot sa puso ni Mist na baka isang araw ay mawala na naman si Shadow sa kanya.
At hindi nga nagkamali si Mist. Kahit sinabi pa ni Shadow na mahal siya nito, umalis pa rin ang lalaki nang walang paalam…

4. PHR 5162 Flavor Of Love by Celestine


Cherry was living her life as a simple romance writer. Maghapon lang siyang nakakulong sa bahay at laptop ang tangi niyang kasama. Wala rin siyang interes maghanap ng lalaki dahil kontento na siya sa mga Hollywood actors na inspirasyon niya sa mga nobela niya.
Pero nag-iba ang lahat nang makilala niya ang ubod ng guwapong chef na si Lex Martin Saavedra. Dinaig pa nito sa kaguwapuhan at ka-yummy-han ang mga Hollywood actors na pinagpapantasyahan niya.
Binuhay ni Lex ang katawang-lupa ni Cherry, ang kaluluwa niya, at ang puso niya. In short, na-love at first sight siya sa lalaki. Ang kailangan na lang niyang gawin ay paibigin si Lex, by hook or by crook.
At dahil sa matalinong ideyang napagtagumpayan niyang gawin, sa isang iglap ay naging personal cook niya si Lex. Araw-araw niya itong nakasama at nagkaroon siya ng pagkakataong makilala pa ito nang lubusan.
Pero nagkamali yata siya ng akalang may happy ending na rin ang sarili niyang istorya. Kasabay kasi ng pagtatapos ng obligasyon ng binata sa kanya ay ang paglayo nito sa kanya.

5. PHR 5163 Kahit Sandali by Camilla


Bilang isang deep penetration agent ng NBI, naatasan si Belinda na magpanggap na miyembro ng isang malaking sindikato. Ngunit nagkaroon ng raid sa lungga ng sindikato. Tumakas siya at napagpasyahang magtago. Magpapalamig sana siya sa ibang bansa nang makita niya si Chynna, ang baklang kaibigan niya mula pagkabata. Si Chynna ang tumulong kay Belinda sa pagtatago. Ipinasok siya nito bilang isang baker sa panaderya na pag-aari ni Walter Robles.
Guwapo sana ang lalaki, pero kasimberde yata ng sa mga “Diwata ng Santa Cruz” ang dugo nito. Paano’y mas daring pa si Walter manamit kaysa sa baklang si Chynna: nakasando with very low neckline at tight-fitting shorts na tila nakatira na sa gym.
Pero maling-mali pala siya ng akala. Dahil nang halikan siya ni Walter at may mangyari sa kanila, napatunayan ni Belinda ang pagiging tunay nitong lalaki.
Ngunit hindi niya kayang isugal ang kaligtasan ng lalaki para sa pansarili niyang pangangailangan. Kaya sasamantalahin na muna ni Belinda ang maikling pagkakataon ng pagsasama nila—kahit walang kasiguruhan kung kailan tatagal ang kahit sandali.

6. Stallion Island Series 16 Trick Vergara by Sofia


Kinaiinggitan ng kababaihan si Vix dahil siya ang babaeng pakakasalan ni Trick Vergara na miyembro ng Stallion Island Leisure and Riding Club. Pero nang mapili siyang tumakbong mayor ng San Martin ay nagbago ang ihip ng hangin. Nawala sa kanya si Trick.
Pero hindi siya susuko. She must get him back. Isa lang ang kondisyon ni Trick para bumalik ito sa kanya—ang iwan ni Vix ang politika. Pero ang pagpasok sa politika ang tanging pag-asa niya para makuha ang pagmamahal ng kanyang mama.
Sino ang pipiliin ni Vix?
Back to top Go down
 
February 19, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Bade Acche Lagte Hain 17th February 2014 Watch Online
» qubool hai 4 february 2014 written update
» Pavitra Rishta 18th February 2014 Watch Online
» Madhubala - Written Update - 19 February 2014
» Rangrasiya 28th February 2014 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: