HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 REPRINTS!

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: REPRINTS!   Thu Feb 13, 2014 1:04 pm

NOW AVAILABLE IN ALL STORES WHERE PHR BOOKS ARE SOLD!

Drop-Dead Playboys: Blue Mdrigal by Heart Yngrid


Kimberly was known for her freaky personality. She was fearless, playful, and manipulative. Not even her so-called fiancé Blue Madrigal could tame her. Lalo pa at alam niyang napipilitan lang si Blue sa kanilang engagement.
Kung bakit naman kasi kailangan pang paglaruan si Kimberly ng kanyang yumaong lolo sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang proviso sa huling testamento nito—isang proviso na hindi niya nagustuhan. Lalo pa at si Blue na lang ang natitirang solusyon sa kanyang problema.
She hated him to the core. Wala siyang pakialam kahit hindi niya makuha ang kanyang mana mula sa kanyang lolo basta huwag lang maikasal kay Blue. Ngunit naisipan niyang paglaruan ang sitwasyon… at si Blue.
Pero mukhang si Kimberly yata ang napaglaruan. Napaglaruan na naman ni Blue ang kanyang puso… for the second time around…

PHR 5074 Sweetheart 19: She Wears My Ring by Martha Cecilia


Suot ni Nyssa ang singsing na ibinigay ni Erik dela Torre sa buong labindalawang taon. It was given to her when she was sixteen―noong ang batang pag-ibig niya ay tinabunan ng insekyuridad at takot. Sinaktan niya ang lalaking nagbigay ng heirloom na iyon sa kanya.
Erik had OCD. He was obsessed with her. Natakot si Nyssa at hiniya niya ito sa mismong gabi ng prom sa hindi sinasadyang paraan. Erik left San Ignacio sooner than she thought hurting.
Twelve years later, she still kept the ring. Isinusuot iyon ni Nyssa para i-discourage ang mga unwanted suitors niya. Until she met Kichiro in Tokyo. He was a Daniel Henny look-a-like. Gusto niyang alisin at itago ang singsing niya para dito. But the subconscious thought of Erik stopped her.
Nahahati siya sa pagitan ng kahapon at ng ngayon. Sino ba talaga ang bukas niya?

PHR 1943 Sweetheart: Sensual by Martha Cecilia


Tamara Alba was a pretty fifteen-year old girl from the other side of town. Her family was an outcast, itinuturing na yagit at basura sa bayang iyon. Gayunman, hindi hadlang iyon upang pangarapin niya si Sean DeSalvo, ang anak ng pinakamayamang tao sa Trinidad. He was the center of her universe. And yet it would remain her best-kept secret.
Pagtatawanan at lalaitin siya ng lahat kapag may nakaalam sa damdamin niya para dito. Sean hated her family—pagkasuklam na humantong sa pagpapalayas nito sa pamilya niya mula sa lupang pag-aari ng pamilya nito. Hindi pa man sila nakakalayo ay inutusan na nito ang mga kaibigan nitong sunugin ang bahay nila.
Foolishly blinded by love, hindi nagkapuwang ang poot sa dibdib niya. Young Tamara left town—keeping Sean DeSalvo in her heart.

The Bachelors 5: Froilan by Elizabeth McBride


Froilan Escarrion—isang guwapong hacendero at isa sa mga tagapagmana ng malawak na lupain sa Sta. Catalina. Pagkatapos magpakadalubhasa sa Amerika ay bumalik ito para pamahalaan ang Hacienda Escarrion.
Juliana Dominguez—isang dalagang nabubuhay sa makalumang panahon. Lumaki sa pangangalaga ng abuelang may kinikimkim na sama ng loob sa abuela ni Froilan. Namuhay sa kalungkutan at natutong maging sakim.
Until they met and Juliana came to see what was inside Hacienda Escarrion.
Doon ay nakita ng dalaga ang kagandahan ng mundo. Ang magandang samahan ng mga tao sa hacienda. Doon niya nalaman kung ano ang kulang sa Hacienda Dominguez.
Tinuruan ni Froilan si Juliana na sundin kung ano ang magpapaligaya sa kanya. Higit sa lahat, tinuruan siya nitong umibig.
At madali niya iyong natutuhan—because she fell in love with him. Ngunit ano ang kahahantungan ng pag-ibig ni Juliana sa isang lalaking apo ng mortal na kaaway ng kanyang abuela?

Aagawin Kita Sa Kanya by Martha Cecilia


Si Allana, businesswoman sa gulang na twenty-four. May boyfriend, si Mark. Guwapo, mayaman, at executive. Simple at tahimik ang relasyon nila at niyaya na siya nitong pakasal. Bigla ay nauga ang tahimik niyang mundo nang minsang masira ang kotse niya at mapilitan siyang mag-jeep. Ang driver ng jeep, si Rafael, na sa imahinasyon ng dalaga ay look-alike ni Lorenzo Llamas.
Si Rafael na kung tumitig ay matutunaw kahit batong- buhay!
Ipagpapalit ba niya si Mark kay Rafael na sa halip na modelong kotse ay jeep ang minamaneho, at sa halip na attaché case ay toolbox ang dala-dala?
Back to top Go down
 
REPRINTS!
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» British Comic Reprints
» Comic hero Garth returns to the Daily Mirror
» DC RetroActive
» [TCG] Premium Gold 3 Reprints

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: News & Announcements-
Jump to: