HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 12, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 12, 2013 Book Release   Thu Feb 13, 2014 12:48 pm

1. PHR 5155 The Guy That I Can’t Ignore by Xyann Alexandria


Bloom had been in love with her best friend Rade since forever. Kaya daig pa niya ang nabagsakan ng meteorite nang malamang ikakasal na ito. Sa sobrang sama ng loob niya ay naglasing siya para makalimutan kahit saglit lang ang sakit na nararamdaman. That was when she met Liui Aquino, the very annoying yet undeniably handsome man who portrayed Sanji from One Piece in a cosplay event.
Nasabi niya rito ang kagustuhang paghiwalayin sina Rade at Arjane, pero nalaman niyang kaibigan pala nito ang fiancée ni Rade. She thought Liui would do something to stop her. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon ay kinompronta niya ito…
“Ano ba’ng gusto mong mangyari? Just get lost, okay?”
“I can’t.” He leaned closer and now their faces were just inches away. “You stole my heart. So I want to steal yours, too.”
Nababaliw na ba ito? Hindi iyon puwedeng gawin ni Liui dahil si Rade ang itinakda ni Bloom para sa kanyang sarili. Kailangan niya itong iwasan—kahit pa charming, mabait, maalalahanin, at lovable pa si Liui.

2. PHR 5156 Chasing Colt, Chasing Ann by Cranberry Laurel


Intense physical attraction. Iyon ang eksaktong naramdaman ni Ann kay Colt nang magtama pa lang ang mga mata nila. She was so sure she had never felt that overwhelming feeling towards any guy before. Pero isang gabing kaligayahan lang pala ang dulot niyon sa kanya dahil hindi na uli sila nagkita ng binata. She decided to move on and forget about it.
But fate was full of surprises. Nagkita uli sila ni Colt. Hope sprang in her heart. Sinamantala ni Ann ang bawat pagkakataon para ipakita at iparamdam kay Colt na mahalaga ito sa kanya, na higit pa sa isang gabing pinagsaluhan nila ang mayroon sa pagitan nila. Na isang araw ay pahahalagahan din siya ni Colt gaya ng kung paano niya pinahahalagahan ito.
Pero nabigo si Ann sa inaasam. Tinapat siya ni Colt na hindi puwedeng mangyari ang gusto niya. Masakit man, tinuruan niya ang puso niya na kalimutan na lang ito.
But Colt seemed to have a change of heart. Biglang panay ang pagpapapansin nito sa kanya at tila nakikipagkompetensiya rin ito sa lalaking nagpapakita ng interes sa kanya.
Tama bang umasa muli?

3. PHR 5157 Knowing Little Miss Perfect by Tyra


Matalino, maganda, at natural leader. Iyon si Payton Sarmiento. Bukod sa pagiging presidente ng student council, halos lahat ng estudyante ng St. Griffin University ay hinahangaan siya. Everyone thought she was perfect. But they were wrong. For Payton, she was nothing but a fake and a fraud.
Riven De Guzman was a delinquent with a temper that could even rival that of a mad dog’s. A natural rule-breaker. But beneath his tough exterior lay a sad boy who just needed love and understanding. A boy who was full of anger and hate.
Dahil sa isang hindi maiiwasang pangyayari, napilitan si Payton na bantayan si Riven, kahit pa nga pareho nilang hindi matagalan ang isa’t isa. Payton hated his irresponsible nature, Riven hated her fake smiles.
Pero ano ang gagawin nila kung ang nararamdaman nila para sa isa’t isa ay unti-unti nang magbago?

4. PHR 5158 Boy Meets Boy, Boy Meets Girl by Yna Paulina


Nang malaman ni Aina na handa na uling umibig ang best friend niyang si Aira ilang taon pagkatapos ng breakup nito, siniguro niya na matino ang lalaking napili ng kaibigan.
Pero sa kanya nagkagusto si Craig—ang lalaking napupusuan ni Aira. At dahil itinago niya ang tunay na nararamdaman para sa lalaki, napilitan siyang maging tulay ng kaibigan upang mabaling dito ang pagtingin ni Craig.
Hanggang sa namalayan na lang niya na pinaglalayo na niya ang dalawa sa halip na paglapitin. At habang mas lumalalim ang damdamin ni Aina para kay Craig, nanganganib na ring masira ang pagkakaibigan nila ni Aira.
Gusto niyang piliin ang pagkakaibigan nila ni Aira pero paano na ang pag-iibigan nila ni Craig?

5. PHR 5159 Someone To Watch Over Me by Laurice del Rio


May ipinatago kay Gen ang kababata niyang si Joyce na kopya umano ng mga ebidensiya ng mga katiwaliang kinasasangkutan ng ilang may katungkulan sa pamahalaan. Pagkatapos ay biglang naglaho ang kanyang kababata.
Dahil sa iniwan sa kanya ay nalagay sa peligro ang buhay ni Gen. Mabuti na lang at may dumating na knight in shining armor sa katauhan ni Dalton. Dalawang pagkakataon siyang iniligtas ng lalaki sa kapahamakan. At sa pag-aalala raw nito sa kanya ay inalok siya ng mapagkakanlungan.
Sa lugar na pinagdalhan ni Dalton sa kanya—kung saan kasama niya ito twenty-four-seven—ay nahirapan si Gen na huwag mahulog ang loob kay Dalton, lalo na at hindi lang ito guwapo. Saksakan din ng simpatiko. And the amazing thing was, it seemed the attraction was mutual. Iyon nga lang, nang malaman ni Gen ang dahilan kung bakit nagbait-baitan sa kanya si Dalton ay gumuhong parang tore ni Babel ang kanyang ilusyon. Ang masakit pa, ang lalaki pa mismo ang naglagay sa buhay niya sa mas matinding peligro.
Back to top Go down
 
February 12, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» QUBOOL HAI 8TH FEB 2013 WRITTEN UPDATE
» Veera - 3rd February 2014 - Written Update
» Amazon Royalties.
» ACTION MAN DAY 2 MAY 12th 2013 ****BOOK NOW****
» 2013 Harvey Baseball Address Book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: