HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 5, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 5, 2014 Book Release   Sun Feb 09, 2014 8:02 am

1. PHR 5142 Wildflowers 5: True Love’s Passion by Maricar Dizon



Lingid sa kaalaman ng lahat, nagsimula ang pagkahilig ni Yu sa drums at sa musika noong bata pa siya nang makilala niya si Matt na napadpad sa bayan nila. He was the one who introduced rock music to her. Ito ang nagturo sa kanya kung paano tumugtog. Sa loob ng isang linggong nakasama niya ito ay nabago ang buhay niya. It was also the first time she learned how it feels to fall in love with someone.
Ngunit kinailangan nitong umalis at ang tanging naiwan nito sa kanya ay isang lumang discman at pangalan nito. Sa paglipas ng panahon ang paghahanap dito ang naging motivation ni Yu para maging matagumpay na musikera. Ngunit kahit labinlimang taon na ang lumipas at sumikat na sila ay hindi niya nakita si Matt.
Nang magpasya siyang sumukoay saka naman muling nagkrus ang mga landas nila. Again she strongly felt a mutual attraction from that moment. Ang akala niya magagaya na siya sa mga kaibigan niya na masaya sa piling ng mga mahal ng mga ito. Pero may isang sekreto pala si Matt na hindi nito sinabi sa kanya. Sekretong dumurog sa puso niya.

2. PHR 5147 Love Pain, And A Whole Lot Of Crazy Things by Celine Isabella


Labindalawang taon na ang nakararaan, umibig ang batang puso ni Sarah kay Ulrich Balajadia. At dala ng kanyang kabataan at ng nakalulunod na damdamin ng pag-ibig, naging impulsive si Sarah sa mga desisyon niya sa buhay. At sa bandang huli ay nabigo lang siya.
Kaya ngayon, batid ni Sarah na kailangan niyang pakaiwasan nang husto si Ulrich, kahit pa magkasama sila sa trabaho—si Sarah bilang konsehala at si Ulrich naman bilang vice mayor ng kanilang bayan. Kailangan niyang mag-focus. Kahit ngumiti nang ngumiti si Ulrich, hindi na siya padadala sa magic na taglay niyon o sa bugso ng kanyang damdamin.
Pero mahirap yata talagang tanggihan ang isang Ulrich Balajadia, dahil muli, natagpuan ni Sarah ang sarili na walang laban sa charm nito. Hinayaan uli niya ang sariling mahulog dito.
Ayos lang naman sana dahil mahal naman daw siya nito.
Daw. Hindi kasi alam ni Sarah kung totoo nga iyon.

3. PHR 5148 Never Thought That I Could Love by Lexi Levina


May dalawang bagay na pinaniniwalaan si Ellen na hindi niya kailanman kinuwestiyon—that Nathan Aragon was a phenomenon and that she loved him so.
Pero nang bigla na lang siyang yayain nitong magpakasal, kinailangan niyang magtanong dahil matagal na niyang alam na hindi naniniwala si Nathan sa kasal. Binigyan siya nito ng isang lohikal na rason—gusto nitong bigyan ng “ina” ang mga pamangkin na kinalinga nito.
Pumayag si Ellen. Naging madali para sa kanya ang role niya bilang ina. Ang hindi madali ay ang itago ang totoong nararamdaman niya para kay Nathan. Ito naman kasi, dapat ay magpapanggap lang silang sweet sa isa’t isa tuwing nasa harap sila ng mga bata. Pero, kahit silang dalawa na lang ang magkasama ay patuloy pa rin ito sa pagiging malambing.
Inisip niyang naniniwala na ito sa pag-ibig at siya ang napili nitong mahalin. Pero bakit nang maganap ang isang maalab na halik sa pagitan nila ay bigla na naman itong umiwas sa kanya?

4. PHR 5149 What Love Should Be by Gabriev Fuentes


Emi never dreamt of falling in love. At least, not with someone as handsome, rich, and successful like Junpei. But everything happened so fast. They met, they laughed, and she fell in love—hard. Everything was perfect.
Hanggang sa bumalik ang ex-girlfriend ni Junpei. Pakiramdam ni Emi ay isinampal sa kanya ng tadhana ang katotohanan. He was perfect, she was insecure. Kaya ba niyang panindigan ang nararamdaman niya sa ilalim ng mga sirkumstansiyang kinakaharap niya at ng puso niya?

5. PHR 5150 Love Addict by Belle Feliz


Si Sabrina ang tunay na anak at nasa kanya ang buong atensiyon at pagmamahal ng daddy niya. Hanggang sa dumating si Lacey, ang batang napulot ng daddy niya. Inagaw ni Lacey ang atensiyon at pagmamahal na dapat ay para kay Sabrina kaya nangako siya na aagawin niya ang lahat ng mayroon si Lacey.
Nakilala ni Sabrina si Ylak sa isang party. Humanga siya rito pero mas nanaig sa puso ni Sabrina ang kanyang misyon nang malaman niyang ipinagkasundo pala ito kay Lacey. Pinagplanuhan niya ang pang-aakit kay Ylak at nagtagumpay siya.
Nang mahuli sila ni Lacey at piliin ni Ylak si Lacey kaysa sa kanya, sa halip na magalit ay sarkastikong nginitian ni Sabrina si Ylak.
“Masyado kang madaling madarang sa tukso. Hindi man lang ako pinagpawisan sa `yo. Ang sabi mo mahal mo si Lacey?Pagkatapos mo `kong hagkan tuwing nagkakaroon ka ng pagkakataon, masasabi mo sa kanya na mahal mo siya? You’re a cheater, Ylak. You’re despicable. You’re disgusting.”
Sana lang ay makumbinsi ni Sabrina ang sarili niya na hindi niya tunay na mahal si Ylak.

6. PHR 5151 Loving Nobody’s Girl by Lush Ericson


Frei was a simple girl with an ordinary dream—ang mapansin ng campus heartthrob na si Benjo. Maniniwala na sana siyang mas posible pang may mag-landing na eroplano sa MRT station kaysa magkatotoo ang kanyang hiling kung hindi lang isang araw ay hinabol siya ni Benjo para magpakilala. And from then on, dikit na ito nang dikit sa kanya at naging sweet pa.
Kung kailan umaasa na ang puso ni Frei na gusto rin siya ni Benjo ay saka niya natuklasang pinagti-trip-an lang pala siya ng lalaki at ipinahiya pa sa birthday party.
Lumayo si Frei na baon ang labis na sakit sa puso.
Lumipas ang mga taon at muli silang nagkita. Naging magkatrabaho pa sila at panay ang pagpapakalat ni Benjo ng obsession niya rito noon. Dahil naniniwala si Frei na naka-move on na siya, hiniling niya kay Benjo na mag-date sila araw-araw sa loob ng isang linggo. Gusto niyang ipakita at patunayan na hindi na siya kinikilig at wala na siyang gusto rito.
Pero paano kung sa loob ng isang linggo ay ma-realize ni Frei na gusto pa rin niya ang lalaki? What would happen next?

7. PHR 5152 The Perfect Fan by Bethany Sy


Mula pagkabata ay may lihim nang paghanga si Jessmine sa kababata niyang si Led. Ngunit sa malas ay wala yatang katugon ang damdamin niya rito. Nakontento na lang siya na maging tagahanga ni Led at ng banda na kinabibilangan nito.
Pero ipinamukha at paulit-ulit na ipinaalala ni Blake sa kanya na wala siyang pag-asa sa kakambal nito kaya madalas silang mag-away na parang aso’t pusa. Hanggang sa makita niya si Led na kasama ang babaeng mahal nito. Panay ang iyak niya habang hindi niya mapagkit ang mga mata sa paglalambingan ng dalawa. Nagulat na lang siya nang hilahin siya ni Blake palayo roon.
“Kahit sampung beses mo pa siyang dalhan ng kape sa loob ng isang araw, hinding-hindi ka niya magugustuhan. Kailan ka pa ba maniniwala?” anito.
Tila may sariling isip ang mga kamay niya at kusang yumakap sa mainit na katawan ni Blake. Nang maramdaman niya ang matitigas na bisig nito at nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ni Blake ay saka naman nagulo ang buong sistema niya.
Anyare? Dahil lang sa mainit na mga yakap ni Blake ay lilipat na siya ng fans club.

8. PHR 5153 More Than Yumi’s Fantasy by Gezille


Ang kagustuhan lang naman ni Mayumi ay ang makaganti sa first love niya. Kaya pinakiusapan niya ang kanyang best friend para makitira sa rest house ng mga ito sa Tagaytay. Malapit kasi roon ang pinagkukutaan ng talipandas na lalaki kasama ang life partner nito. Ngunit nang makarating siya sa rest house ay isang malaking salot ang agad na sumalubong sa kanya. At iyon ay walang iba kundi si Dandreb—her best friend’s evil brother.
Agad siyang pinatuloy ni Dandreb sa bahay-bakasyunan ng pamilya nito. Wala namang problema roon. Ang kaso, nalaman niya na makakasama pala niya ito. Kaya buong giting na tinanggihan ni Mayumi ang alok ni Dandreb. Hindi sila close—in fact, she considered him as her mortal enemy. Pero binigyan nito ng luntiang-kulay ang pagtanggi niya.
Pinagbintangan siya nitong may lihim na pagnanasa rito! At dahil sa pride, nakita na lang ni Mayumi ang sarili na pumapayag at nananatili sa pamamahay ni Dandreb. And she realized, that was the greatest mistake she had ever done in her entire life. Dahil hindi lang nasira ang plano niyang paghigantihan ang first love niya, na-in love pa siya sa mortal na kaaway niya!

9. TRN 012 An Outrageous Proposal by Maureen Child (translated by Lyden Orbase)


Alam ni Georgia Perez na isang kabaliwan na tinanggap niya ang proposal ni Sam Castillo. Sigurado kasi siyang kaya niyang magpanggap na fiancée nito hanggang sa gumaling ang ina nito. Sigurado rin naman siyang kaya niyang rendahan ang puso niya sa affair na iyon, kahit pa napakaguwapo at napaka-sexy pa ni Sam—o kung paano ito umarte bilang devoted na fiancé.
Parang ganoon lang kadali—hanggang sa naging totohanan na ang mga yakap at halik nila sa isa’t isa, na hindi nila inaasahan. Dahil doon ay kailangan na nilang ituloy ang proposal sa isang kasal.
Pero mahal ba siya ni Sam para pakasalan siya nito?

10. TRN 013 Magnate’s Mistress… Accidentally Pregnant by Kimberly Lang (translated by Bettinna)


Nang hindi matuloy ang kasal nina Ally kay Gerry ay nagpasya si Ally na sulitin ang pagbabakasyon sa lugar kung saan sila dapat magha-honeymoon. Doon nakilala ni Ally si Chris Avila. Hindi niya kilala ang lalaki pero hinayaan niya ang sarili na mahulog sa karisma nito.
At na-realize niya na ang makasama si Chris ang pinakamaganda at pinakamasayang nangyari sa buhay niya. Ipinaranas nito sa kanya ang mga bagay na hindi pa niya nararanasan. Ipinaramdam nito sa kanya kung paano maging isang tunay na babae. Habang kasama niya ito ay unti-unting lumalim ang pagtingin niya rito. Ngunit bigla siyang natauhan.
Mali na ibigin niya nang ganoon kabilis si Chris. Napilitan siyang umalis ng lugar na iyon at pinilit ni Ally na kalimutan si Chris. Ngunit hindi pala iyon uubra dahil sa iniwan nitong permanenteng alaala sa kanya.

11. Veakaria: Isadoros by Vanessa


Isinumpa ng isang baliw na salamangkera si Melina kaya namuhay siya na parang isang multo sa loob ng ilang taon. Ayon sa sumpa, isang tao lang ang makakakita sa kanya at kapag nakita na niya ang taong iyon ay hindi niya dapat na pakawalan.
Kaya nang makita siya ng mandaragat na si Isadoros ay hindi na niya tinantanan ito. At sa kakakulit niya ay napilitan itong tulungan siyang hanapin ang baliw na salamangkerang nagsumpa sa kanya.
Ngunit isa na namang sorpresa ang hatid ng baliw na salamangkera. Inalis nga nito ang sumpa, ngunit ikinasal din siya nito kay Isadoros—ang pinakababaero, pinakaarogante, at pinakaguwapong salamangkerong nakilala ni Melina sa tanang buhay niya.
Magkakasundo kaya sila ni Isadoros o kamumuhian siya nito kapag nalaman nito ang lihim tungkol sa kanya na bata pa lamang ay itinatago na niya?
Back to top Go down
 
February 5, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Bade Acche Lagte Hain 17th February 2014 Watch Online
» qubool hai 4 february 2014 written update
» Pavitra Rishta 18th February 2014 Watch Online
» Madhubala - Written Update - 19 February 2014
» Rangrasiya 28th February 2014 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: