HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 29, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 29, 2014 Book Release   Sun Feb 09, 2014 7:08 am

1. PHR 5144 Mga Apo Ni Rustica Trilogy: Let Me Be, Set Me Free (From Your Spell)by Rose Tan


Upang sa kanya maipamana ni Lola Rustica ang kapangyarihan, nagtungo sa Siquijor si Amaris. Sa isang simbahan daw doon nakatago ang pusod niya at ng dalawa pang kapatid niya.
But she was too late. May nakakuha na ng mga pusod nila. Naunahan siya ni Terrence. Ipinakulam ito ng ex-girlfriend nito, at sa kasamaang-palad, mabangis ang mambabarang. At ayaw isauli ni Terrence ang mga pusod nila. Gamutin daw muna niya ito.
To protect him, Amaris had to put him under her spell. A love spell.
Pumayag naman ang lalaki na ma-in love ito sa kanya. Agad-agad. Kahit daw forever.

2. PHR 5145 Mga Apo ni Rustica Trilogy: The Girl In His Arms (Is The Witch In His Heart)by Rose Tan


Siya raw ang karapat-dapat na magmana ng kapangyarihang-itim ni Lola Rustica. Wala siyang balak maging full-pledged mambabarang kaya nagkandakumahog si Marquetta na ma-devirginize. Naniniwala siya na kapag nangyari iyon, hindi kakapit sa kanya ang kapangyarihan.
Lalaki lang naman ang kailangan, how hard can it be?
Very hard. Ang lalaking napisil niyang pag-alayan ng “pribilehiyo,” tumanggi. Ayon kay Gallan, hindi nito magagawang samantalahin ang isang babaeng malinaw na wala sa katinuan.
Umupo na lang daw siya sa pako.

3. PHR 5146 Mga Apo Ni Rustica Trilogy: Be The Devil, Be The Light (I Don’t Care, Darling, Just Be Mine)by Rose Tan


Malapit nang sumilay ang supermoon kaya kailangang- kailangan na ni Lucha ng boyfriend. And it didn’t matter that the guy she wanted was already taken. Eh, di aagawin niya! Para ano pa at mambabarang-extraordinaire siya?
Pero may humadlang sa kanyang maitim na balak—si Lucero. Pinsan nito ang gusto niyang sulutin at hindi raw papayag ito na sirain niya ang isang magandang relasyon. Hindi siya natinag at doon siya nagkamali. Her mojos fluctuated and her wicked knickers got all twisty.
Because ponytailed, bespectacled and extremely good- looking Lucero just volunteered to be her boyfriend.

4. More Than Those Tales by Venus Franz


Noong bata pa si Sheryl—kasama ang best friends niya na sina Nicole at Rowie—nag-wish sila sa pinaniniwalaang puno ng ghost lovers sa Mirasipol. Ayon sa mga paniniwala sa isla, natutupad ang kahilingan ng sino mang mag-wish sa puno kapag full moon.
Pagkalipas ng maraming taon, tila natupad nga ang wish ni Sheryl na makilala ang kanyang Robin Hood sa katauhan ni Rovin Jaydell Hood. Iyon nga lang, malayong-malayo si Rovin sa imahen ng isang hero sa isip niya. Gigolo, flirt, at dakilang playboy ang impresyon niya kay Rovin.
Gayunman, walang tigil ito sa pagpapa-cute sa kanya.
Habang nagtatagal at napapalapit siya kay Rovin ay nakikilala niya ito nang lubusan. Totoo nga yatang sa kabila ng hindi magandang impresyon niya rito ay mayroon itong busilak na puso.
Tama ba na mahulog siya sa katulad nito, o nadadala lang siya ng epekto ng full moon kaya para siyang baliw na tinatablan ng charm ni “Robin Hood”?

5. The Hunger Games: Mockingjay by Suzanne Collins


Si Katniss Everdeen, ang babaeng nag-aapoy, ay nanatiling buhay, kahit pa nawasak ang kanyang tahanan. Nakatakas si Gale. Ang pamilya ni Katniss ay ligtas. Nahuli ng Kapitolyo si Peeta. Totoong mayroong District Thirteen. May mga naghihimagsik. May mga bagong namumuno. Isang himagsikan ang kasalukuyang nabubunyag.
Sinadyang sagipin si Katniss mula sa arena sa malupit at hindi malilimutang Quarter Quell, at sadyang matagal na siyang bahagi ng rebolusyon nang hindi niya nalalaman. Lumantad ang District Thirteen at nakikipagsabwatan na pabagsakin ang Kapitolyo. Tila lahat ay may kinalaman sa maingat na pagpaplano—maliban kay Katniss.
Ang ipagtatagumpay ng himagsikan ay nakasalalay sa pagkukusa ni Katniss na magpagamit sa pagpapatupad ng kanilang mithiin, na akuin ang responsibilidad para sa hindi mabilang na buhay, at baguhin ang daan patungo sa hinaharap ng Panem. Para magawa ang mga iyon, kailangan niyang isantabi ang kanyang nararamdamang galit at kawalan ng tiwala. Kailangan niyang maging ang Mockingjay ng mga naghihimagsik—kahit ano pa ang maging personal na kabayaran niyon.
Back to top Go down
 
January 29, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Yeh Hai Mohabattein 16 January 2014 written update
» Iss Pyaar Ko Kya Naam Doon Ek Baar Phir - Written Update - 9th January 2014
» Overnights - UK Ratings (26th January - 1st February 2014) *31st Jan & 1st Feb Updated*
» Beintehaa Written Update January 23rd 2014 *Updated*
» Saath Nibhaana Saathiya - Written Update - 2 January 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: