HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 22, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 22, 2014 Book Release   Sun Feb 09, 2014 6:57 am

1. PHR 5138 Bago Ko Pa Man Malaman by Laurice del Rio


May panahon sa buhay nina Vicky at Zaidan na pareho silang mukhang ewan. Isa marahil iyon sa mga dahilan kung bakit naging magkaibigan sila noon. Pero nag-level up na nang todo si Vicky pagkatapos siyang isama sa ibang bansa ng tiyahin niya. Laking gulat niya nang sa pagbabalik-bayan niya ay matuklasan niyang parang throwback Thursday pa rin ang hitsura ng kababata niya.
Masama umano ang loob ni Zaidan sa pagkakabasted dito ng nililigawan nito. At para na rin sa pinagsamahan nila dati ay nangako si Vicky na aayusin niya ang hitsura nito. Para que pa na naging fashion consultant siya kung hindi niya matutulungan ang malapit na kababata niya?
Natupad naman ni Vicky ang ipinangako niya rito. Naging napakahusay nga lang yata ng pagme-makeover niya kay Zaidan dahil natagpuan na lang niya ang sarili na kinikilig na kapag napapatingin dito. Pero ang masaklap, tila ibang babae ang makikinabang dito.

2. PHR 5139 When Love Is True by Amihan



Malaki ang problema ni Precious. Dahil sa isang blackmailer, nanganganib na mabunyag ang pangit na nakaraan ng kapatid niyang nakatakda nang ikasal. Hindi siya papayag na mangyari iyon kaya naging sunod-sunuran siya sa gusto ng blackmailer.
Nang humingi ang blackmailer ng malaking halaga at wala siyang maibigay, iyong lumang makinilya at baul na narra ang napagdiskitahan niyang ibenta. Sa kasamaang-palad, iyong hate na hate niyang ex-boyfriend na si Ram ang gustong bumili ng mga iyon.
Dahil sagad sa buto ang galit niya sa lalaki, hindi siya pumayag.
Ngunit sadya yatang pakialamero ang tadhana. Dahil mula nang magkrus uli ang mga landas nila ni Ram, hindi na siya tinantanan nito. Isinangkot pa nito ang sarili sa problema niya sa blackmailer dahil mahal pa rin daw siya nito.
Ngunit ayaw maniwala ng puso niyang nakatikim na ng kasawian sa mga kamay ni Ram…
Naging sintigas ng bakal na ang puso niya… Peksman.

3. PHR 5140 Prince Ford And His Fraud Cinderella by Celestine


Crystal Saavedra was living her life like a princess. Mayaman ang kanyang pamilya kaya lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya. Pero isang araw ay bigla siyang nagsawa sa pagiging mayaman. Gusto niyang magkaroon ng bagong spice ang buhay niya kaya nagdesisyon siyang pansamantalang talikuran ang karangyaan at mamuhay bilang isang mahirap.
Minsang nagpanggap siyang waitress sa restaurant ng kuya niya ay natapunan niya ng juice ang babaeng ka-date ng guwapong lalaking nakakuha ng atensiyon niya. Inakala marahil ng lalaki na mawawalan siya ng trabaho dahil sa nangyari kaya binigyan siya nito ng calling card. Dahil na-curious siya at nabaitan kay Ford ay nag-apply siya sa kompanyang pag-aari nito.
Doon napatunayan ni Crystal na talagang mabait at matulungin si Ford. Ganoong klase ng lalaki ang pinapangarap niya kaya nahulog ang loob niya rito. At ganoon na lang ang tuwa niya nang magtapat din si Ford ng damdamin sa kanya at maging magkasintahan sila.
Akala ni Crystal ay “happily ever-after” na pero natuklasan ni Ford ang tunay na pagkatao niya.

4. PHR 5141 The Reckless Confession by Amy Loryn


Si Aldritch Villacruz ang lalaking nagpapakilig kay Audrey at ang tanging lalaking kilala niyang sineseryoso ang mga babae. Kaya naglakas-loob siya na ipagtapat ang damdamin niya rito nang makakita siya ng pagkakataon habang nasa party ng kaibigan niya. Uminom pa siya ng champagne para lumakas ang loob niya.
Sa kasamaang-palad, sa ibang lalaki pala siya nagtapat! At sa lahat ng tao sa party na iyon, kay Ethan Chua pa, ang anak ng ninang niya at ang lalaking pinili niyang iwasan sa loob ng maraming taon. At tulad ng inaasahan ay pang-aasar ang nakuha niya mula rito. Pero ginamit ni Ethan ang pangyayari upang mapasunod siya sa gusto nito at maisama siya sa bakasyon ng pamilya nito. Habang nagkakalapit sila ni Ethan ay unti-unti na namang nabubuhay ang damdamin niya para dito na matagal na niyang nilimot.
But Audrey knew better this time. She couldn’t afford to fall for him again. She wanted a genuine and lasting love-relationship with the right man, and she was not sure if Ethan was the right man…

5. TRN 10 A Scandal So Sweet by Ann Major (translated by Maricar Dizon)


Hindi lingid sa marami na may isang malaking eskandalo sa nakaraan ni Summer. Kahit isa na siyang sikat na theater actress, sa tuwina ay sinusundan pa rin siya ng kahangalan niya noong bata pa siya—noong minahal niya nang buong puso at kaluluwa si Zach Torres, na ngayon ay isa na sa pinakamayayamang lalaki sa bansa. At nagbalik ito sa San Nicholas, ang bayang naging saksi sa pagmamahalan at paghihiwalay nila noong mga bata pa sila. And he was threatening to take away her childhood home… and her sanity.
Dahil sa unang pagtatama pa lamang ng kanilang mga mata pagkalipas ng mahabang panahon ay para pa ring may koryenteng kumakalat sa kanyang katawan. At nakikita rin niya sa mukha nito na hindi lang siya ang nakararamdam ng atraksiyong iyon.
Subalit masyadong maraming nangyari sa pagitan nila noon para umasa siyang magkakabalikan pa sila. Lalo na at walang pakundangan nitong sinabi sa kanya na iisa lang ang gusto nito… ang gantihan siya sa nangyari noon.

6. TRN 11 The Argentinian’s Solace by Susan Stephens (translated by Janis delos Reyes)


Unang pagkakita pa lang ni Maxie kay Diego ay nainis na agad siya rito. Naangasan siya kay Diego at minaliit naman nito ang kakayahan niya. Pero sa kabila niyon ay hindi maitatanggi ang atraksiyon na pareho nilang hindi mapigilan.
Ngunit pareho silang may itinatagong lihim at hindi nila alam kung kaya nila iyong aminin sa isa’t isa. At pareho rin silang natakot nang ang simpleng atraksiyon ay naging pag-ibig na…
Back to top Go down
 
January 22, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Yeh Hai Mohabattein 16 January 2014 written update
» Iss Pyaar Ko Kya Naam Doon Ek Baar Phir - Written Update - 9th January 2014
» Overnights - UK Ratings (26th January - 1st February 2014) *31st Jan & 1st Feb Updated*
» Beintehaa Written Update January 23rd 2014 *Updated*
» Saath Nibhaana Saathiya - Written Update - 2 January 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: