HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 15, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 15, 2014 Book Release   Sun Feb 09, 2014 6:41 am

1. PHR 5132 Wildfloweres 4: A Lover’s Second Chance by Maricar Dizon


Carli married at a very young age. Noong una ay masaya ang pagsasama nila ng asawa niyang si Cade hanggang sa nagtagal ay nakita na nila ang pagkakaiba ng mga gusto nila sa buhay. Nais niyang maging isang sikat na singer habang ang nais ni Cade ay manatili lang siya sa tabi nito. Isang pangyayari sa buhay nila ang naging dahilan upang maghiwalay sila ng landas.
Pagkalipas ng sampung taon, natupad ni Carli ang pangarap niya pero may hinahanap-hanap pa rin ang puso niya. At alam niya kung sino iyon… si Cade. Ang akala niya ay pagkakataon na iyon upang ayusin ang relasyon nila, pero ang isinalubong nito sa kanya ay annulment papers.
Nais na nitong tapusin ang ugnayan nilang dalawa dahil may nakita na itong babae na ipapalit sa kanya.

2. PHR 5133 Andrei, The Sweet Punisher by Gezille


Hindi naging maganda ang unang pagtatagpo nina Gizelle at Andrei. Para kay Gizelle, si Andrei na ang pinakamasungit na nilalang na ginawa ng Diyos. Kaya nang muling magtagpo ang mga landas nila at malaman niyang ito pa pala ang boss niya sa kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan, hindi niya naiwasang himatayin.
Iyon na yata ang pinakapangit na joke ng tadhana sa kanya. Lalo na nang magsimulang umusbong ang paghanga sa puso niya para sa walang-kasinsungit na lalaki nang magsimula siyang magtrabaho rito.
Ngayon, hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang huwad na pagsintang-purorot sa lalaking habit na yata ang magalit sa mundo.

3. PHR 5134 Come A Little Closer by Sheena Rose


Napilitan si Ruby na ibenta ang condo unit niya dahil sa financial difficulties na pinagdaraanan ng pag-aari niyang kompanya. Hindi naman big deal iyon sa kanya. Nagdesisyon na lang siyang tumira sa lumang bahay ng isang auntie niya para may matirhan siya. Tapos ang problema.
Pero nagkamali pala siya. May isang napakalaking problema: isang doktor na nagngangalang “Palmer.” Nauna kasing patirahin ito ng auntie niya sa bahay na nilipatan niya at hindi niya maaaring basta paalisin ito. Para hindi sila mag-clash, nag-establish siya kay Palmer ng house rule: “Wala tayong pakialaman sa isa’t isa. Gawin mo ang gusto mo at gagawin ko naman ang gusto ko.”
She thought it would be easy. Hanggang sa ma-realize na lang niya na nagiging masyado siyang interesado sa housemate niya. In fact, she seemed to be falling in love with him…

4. PHR 5135 Crizandra’s Dream Come True by Brandy Gallardo


Ang sabi ni Zanny sa kanyang sarili ay hindi siya magka-crush sa unang araw ng klase.
Pero narinig yata siya ni Kupido dahil nang unang araw niya sa kolehiyo ay agad nahulog ang puso niya, pati na rin yata ang mga mata niya nang makita si JK.
Ito ang naging inspirasyon niya kahit pa todo-effort para lang malaman ang buong pangalan nito.
Ngunit nag-level up nang husto ang kagagahan niya rito.
Nakapagsinungaling siya at inangkin na nobyo niya ito na naging sanhi ng pagkaunsiyami ng love life nito.
She knew he was mad at her and she was not going to like what he’d do to her.
Pero ang gagang puso niya, kinilig pa sa kaalamang makakausap niya ang binata kahit na ba galit nga ito sa kanya!

5. PHR 5136 Jaded Encounters: Close To Being Mine by Haze Prado


Simple lang naman ang depinisyon ni Shane ng perfect love story: ang makatagpo ng lalaking iibigin siya despite her insecurities. Kaya nang una niyang makita si Sebastien, the man riding atop a black stallion, pakiramdam niya ay itinapon siya sa gitna ng isang classic Marlboro commercial upang saksihan ang pagsagip nito sa isang damsel-in-distress. Siyempre, walang iba iyon kundi siya.
Ngunit pang-Alamat ni Lola Basyang lang pala ang drama niyang iyon dahil pagkatapos niyang magtapat ng damdamin dito ay isinampal nito sa kanya ang mga salitang, “You’re not my type.” Ouch. As in.
Kaya hindi siya masisisi nino man kung matapos ang ilang taon ay matakot siyang magtiwala na may taong tunay na magmamahal sa kanya. Ngunit nang dumating siya sa madilim na punto ng buhay niya, akalain ba naman niya na muling lilitaw ito na tila isang kabute? At dinaig pa nito ang linta kung ipagsiksikan ang sarili sa kanya. At ang malupit, nais pa yata nitong tumayong knight-in-a-skimpy-swimming-trunks niya!

6. PHR 5137 Camp Speed 11: What About Us by Nikki Karenina


Nakipaghiwalay si Poppy kay Nate five years ago dahil sa pagtataksil ng binata sa kanya. Poppy vowed to herself that she won’t ever want to see or come near Nate again. Five years later, nagpunta siya sa Camp Speed sa pag-aakalang hindi niya makikita roon si Nate. Ngunit naroon si Nate at isa ito sa natalo sa monthly patron race ng Camp Speed.
Walang ideya si Poppy sa “myth” sa Camp Speed. At nagkaroon ng espekulasyon na magkakabalikan sila ni Nate dahil sa “myth” na iyon. But she knew better. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hinding-hindi na siya makikipagbalikan kay Nate.
Until she knew the real reason of why they had broken up. Siya pala ang may kasalanan ng lahat. She cursed herself for that. She realized that she still loved him. Pero kailangan niyang pagdusahan ang kasalanan niya.
And now, she wished the “myth” was true. No matter how stupid it was.

7. TRN 008 Unlocking Her Innocence by Lynne Graham (translated by Karen Dee)


Tatlong taon na ang nakalipas nang mamatay ang best friend ni Ava sa isang aksidente na siya ang may kagagawan. Napagdusahan na niya iyon. Kasabay ng kanyang bagong buhay ang pagkakaroon niya ng trabaho. At hindi niya inaasahang si Vito ang magiging boss niya—ang kuya ng namayapa niyang kaibigan.
Mula noon hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya para dito. Pero kung noon ay lantaran ang pagnanasa niya rito, ngayon ay kailangan ni Ava na ilihim iyon sa abot ng kanyang makakaya. Dahil alam niyang kahit na napagbayaran na niya ang kasalanang kanyang ginawa, hindi siya kailanman mapapatawad ni Vito.

8. TRN 009 Defying The Prince by Sarah Morgan (translated by Dawn Igloria)


Si Matteo ay pangarap ng bawat babae. Anak siya ng presidente, sopistikado, binata, guwapo, may tiwala sa sarili, at matalino. Sa kabila ng mga katangiang iyon, naging ‘Goal of The Day’ lang ito ng popstar na si Izzy dahil nais niyang mapansin nito ang talento niya sa pagkanta. Gusto niyang makasali siya sa nakatakdang benefit concert na pinamamahalaan nito. Kaya sa gabi ng engagement party ng kapatid niya sa kapatid ni Matteo, nagawa niyang agawin ang mikropono sa banda na nagtatanghal sa palasyo para lang mapansin nito.
Mukhang napansin nga siya nito at nilapitan pa siya. Pero para lang ibaba sa stage dahil nakakahiya raw ang pinaggagagawa niya. Inis na inis siya nang sabihin nitong off-limits na muna siya sa mata ng publiko. Hindi naman niya akalain na ang ibig palang sabihin niyon ay makukulong siyang kasama nito sa sariling villa nito sa loob ng isang buwan. At sa pagsasamang iyon, hindi niya nakayang iwasan ang charm ni Matteo na bagaman nagsusungit ay umaapaw naman sa sex appeal. Hindi nga lang niya dapat payagan ang sarili niyang mahulog dito, dahil hindi ito marunong magmahal.
Back to top Go down
 
January 15, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Yeh Hai Mohabattein 16 January 2014 written update
» Iss Pyaar Ko Kya Naam Doon Ek Baar Phir - Written Update - 9th January 2014
» Overnights - UK Ratings (26th January - 1st February 2014) *31st Jan & 1st Feb Updated*
» Beintehaa Written Update January 23rd 2014 *Updated*
» Saath Nibhaana Saathiya - Written Update - 2 January 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: