HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 8, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 8, 2013 Book Release   Sun Feb 09, 2014 6:20 am

1. PHR 5126 Kiss On The Run by Camilla


Kusinera sa isang casa si May Joe Sullivan. Nang mamatay ang matandang amo niya—si Mama San—ay nagbago ang kalakaran doon. Isang araw ay may dinukot na lalaki ang manugang at mga apo ni Mama San, at itinago iyon sa bodega ng casa.
Nang maatasan siyang hatiran ng pagkain ang lalaki, nagulat siya nang makita niyang guwapo ito. Inakala pa nga niyang banyaga ito kung hindi lang nag-Tagalog at humingi ng saklolo sa kanya. Tulungan daw niya itong makatakas, ngunit tumanggi siya.
Pero pagkakataon na ang nag-atas para itakas ito roon—kasama siya. Hindi sukat-akalain ni May Joe na mahuhulog ang loob niya sa lalaking nagpakilalang “Santino.” Ibinigay niya ang tiwala at buong sarili niya rito sa panahong kapwa sila nagtatago mula sa mga gustong pumatay sa kanila.
Nang malapit nang matapos ang lahat ng gulo, saka niya natuklasang peke lang pala ang lahat ng ipinakita nito sa kanya—dahil lahat ng nangyayari ay nakadokumento na ibubunyag nito para sa lalong ikagaganda ng career nito bilang isang reporter.

2. PHR 5127 Family Christmas In Riverbend by Shirley Jump (translated by Cady Lorenzana)


Iniwan ni Edward si Livia dahil hindi kayang ibigay ng lalaki ang pamilya at kasal na gusto niya. Pero kinailangang bumalik ni Edward sa Riverbend—ang lugar kung saan sila nagkakilala—upang alagaan ang ama nito. At sa pagbabalik ni Edward ay nadiskubre nito na lumipat din si Livia sa Riverbend—kasama ang kanyang anak.
Nais ni Livia na huwag munang bumalik si Edward hangga’t hindi niya nakakalimutan ang alaala ng mga halik nito. Ngayon ay nangungulila siya rito.
Pero paano niya sasabihin na ang anak niya ay anak din nito?

3. PHR 5128 Endings And Beginnings by Celine Isabella


Ayon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra’s dreams started getting in the way. Okay lang naman iyon sa kanya. Mahal niya ito kaya nakahanda siyang intindihin ito. Naging ever supportive girlfriend siya. Hanggang sa may isang pangyayari na nagpabago sa pananaw niya sa buhay. And that incident made her realize she couldn’t bend anymore. Nagkalayo sila. Pagkalipas ng siyam na taon, muling nagkrus ang mga landas nila. There was no denying that the attraction was as strong as ever. At hindi nila nagawang labanan iyon.
But Ibarra could only give her a few weeks to be with him. At ang drama nila: no strings attached. Ang tanong, kaya ba niya?

4. PHR 5129 Addicted To You by Lush Ericzon



Ayaw na ni Broom na umibig pa pagkatapos ng paulit-ulit na rejection na natanggap mula sa mga lalaking nagustuhan niya. Ginugol na lang niya ang lahat ng panahon niya sa pagtatayo ng isang grupo na may layuning tumulong sa mga taong alipin ng pag-ibig. Tinawag niya iyong Love-a-holics Anonymous.
Ngunit sa ngalan ng itinayong grupo ay pumayag si Broom sa dare ng isang relationship addict na si Blake. Nais kasi niyang patunayan kay Blake na hindi kailangan ang pag-ibig upang sumaya ang isang tao, bagay na pilit naman nitong `di sinasang-ayunan.
Pero paano siya mananalo kung sa ngiti pa lang nito ay lumalambot na ang matigas niyang puso?

5. PHR 5130 Camp Speed 10: Give Your Heart A Brake by Luna King


Masaya at kontento si Raiza sa buhay niya. Bukod sa natupad na ang pangarap niyang makapagtrabaho sa isang malaking kompanya ay may mabait pa siyang boyfriend at masayang pamilya.
And so she thought.
Dahil minsang isinama siya ni Ivan Richard Aguila—ang guwapo pero masungit niyang boss—sa Camp Speed at masaksihan niya ang pagsasalpukan ng dalawang big bike sa arena ay dumagsa ang mga imahen sa isip ni Raiza na nagdulot ng maraming tanong sa kanyang isip. Mula noon ay nag-iba ang takbo ng buhay niya.
May mga pagkakataong naguguluhan si Raiza sa mga ikinikilos niya, lalo na tuwing kasama niya si Ivan. Nasisiguro niyang simpleng paghanga lamang ang nararamdaman niya para dito pero bakit nang isama siya ni Ivan sa Batanes para sa isang “business trip” ay nag-e-enjoy siyang kasama nito at kinikilig siya sa sweetness nito?
Pilit niyang pinigilan ang paglalim ng damdamin niya para kay Ivan hanggang sa marinig niya ang pag-uusap nito at ng may-ari ng bahay na tinutuluyan nila patungkol sa kanya.
At sa mga natuklasan ay hindi niya alam kung dapat ba niyang pagsisihan ang pagsama kay Ivan.

6. PHR 5131 This Time With You by Gabriev Fuentes


Mula pa pagkabata ay nakatanim na sa isip ni Rukana si Shinra ang lalaking makakasama niya hanggang sa pagtanda niya. She was fine with the idea. After all, kilalang-kilala na nila ang isa’t isa. Ruka loved him and she knew he loved her, too. Pero nang magbakasyon siya sa Pilipinas para sa kasal ng isang kaibigan ay nagbago ang lahat. There, she met Jed, ang bugnuting lalaking muntiknang makadisgrasya sa kanya. And funny, how this man she just met a few days ago could make her feel emotions she had been wanting to feel for the man she had known all her life. She knew she was falling for Jed.
Pero kaya ba niyang talikuran ang pangakong binitiwan niya kay Shinra at sa kanyang sarili?

7. TRN 007 Daring To Date The Boss by Barbara Wallace (translated by Janis delos Reyes)


Para kay Elizabeth, walang puwang ang pag-ibig sa buhay niya ngayon. Bakit hindi? Ganoon naman dapat mag-isip ang isang single mom. Pero hindi niya inakala na mag-iiba ang ihip ng hangin nang makilala niya ang kanyang bagong boss. Ang guwapo kasi ni Charles—kahit pa tinagurian itong “Ice King.”
Bigla na lang nawalan ng direksiyon ang maayos na buhay ni Elizabeth. Ang mga bangungot niya sa maaaring kahantungan ng kinabukasan ng kanyang anak ay napalitan ng pananaginip nang gising para sa romantic dates kasama ang kanyang boss.
Ilang taon na rin ang nakalilipas na walang nakalalapit kay Elizabeth para muli siyang saktan. Kaya ang matupok sa mga halik ni Charles ay isa nang malaking hakbang sa kanyang pagbabago, pero ang paniwalain ang sarili niya na sa likod ng malamig na ipinakikita ni Charles ay may nakatago itong pagmamahal sa kanya—panghabang-buhay—ay iba nang usapan…
Back to top Go down
 
January 8, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Struck By Lightning Premiere--January 6, 2013
» George Clooney Aficionados News January 5,2013
» Rangrasiya Written Update 6th January 2014
» Ek Boondh Ishq - Written Update - 3 January 2014
» My Playvisions Collection updated January 3, 2013. over 30 new models!

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: