HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 1, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 1, 2014 Book Release   Sun Feb 09, 2014 5:41 am

1. PHR 5101 The Puppy Love That Lasted Forever by Lush Ericson


Taong 1996, isang dekada pagkatapos ng EDSA Revolution, nangako kay Basty ang kababata niyang si Devon na pakakasalan siya nito. Mga inosenteng bata pa sila noon.
Ngunit napapako nga yata ang mga pangako dahil paglipas ng ilang taon ay nakalimutan na rin ni Devon ang pangako nito sa kanya. Ang problema pa niya, kahit nang lumaki na sila ay napaka-sweet pa rin ni Devon sa kanya. Hindi tuloy niya mapigilan ang kanyang puso na umibig dito. And she secretly desired that one day he would realize that his promise was worth keeping. Pero kahit yata magpasimula pa siya ng panibagong people power sa kahit anong kalsada ng Pilipinas, alam niyang imposible nang matupad nito ang pangakong iyon. In love na kasi ito sa iba…

2. PHR 5102 One More Try by Laurice del Rio


Noong kabataan nila ay crush na crush ni Maja si Bruce pero pinaglaruan lang ng lalaki ang damdamin niya. Sa kasamaang-palad, makalipas ang ilang taon ay hindi lang muling nagkrus ang mga landas nila; kinailangan pa nilang magkasama sa iisang bahay na napapabalitang pinamumugaran ng multo.
Hindi ang mga nagpaparamdam sa lumang bahay ang nagdulot ng matinding kaba kay Maja kundi ang mga nararamdaman niya para sa lalaki. Mukhang isa’t kalahating hibang nga talaga siya dahil sa kabila ng lahat ay nanganganib pa yatang manumbalik ang pagtingin niya rito. And just like before, he acted as if he was interested in her, too.
Iyon nga lang, nang patulan niya ang udyok ng kalooban niya ay saka niya natuklasan na sa ikalawang pagkakataon pala ay hindi naging totoo sa kanya ang lalaki. Once more he was set to break her heart.

3. PHR 5103 Jaded Encounters: Reckless Fall by Haze Prado


Dumating din ang araw na matagal nang inaasam-asam ni Hannah: inalok siya ng kasal ni James. Ngunit hindi niya malaman kung bakit bigla siyang sinalakay ng mga agam-agam na pilit niyang ibinabaon sa pinakamalalim na parte ng puso niya. At sa mga panahong iyon ay biglang dumating sa buhay niya si Jeremiah at walang kahirap-hirap na ginulo nito ang buong sistema at pagkatao niya.
Pilit inilayo ni Hannah ang sarili sa atraksiyong bumabalot sa kanya tuwing nasa paligid niya si Jeremiah. Pero nang malaman niya ang katotohanang matagal na siyang pinagtataksilan ni James ay walang pagdadalawang-isip na sumama siya kay Jeremiah para mailayo siya sa mapait na katotohanang iyon.
Sa mga araw na kasama niya si Jeremiah ay naging napakadali para sa kanya na tuluyang umibig dito. Hanggang sa inamin na niya sa sarili na mahal na niya ang lalaki.
Pero isang malaking pagkakamali pala ang umibig siya rito—dahil ang lahat ng ipinakita at ipinadama nito sa kanya ay isang palabas lamang. At ang lahat ng iyon ay parte lamang ng plano nito upang ipaghiganti ang babaeng totoong mahal nito laban kay James—sa pamamagitan niya.

4. PHR 5104 The Way To Your Heart by Giorgianna Vittoria


Wala sa plano ni Lucy ang maging sugo ng Kuya Lance niya upang sunduin mula sa kabukiran ang reluctant CEO ng kompanyang pinapasukan nito. Ngunit ginamit na pang-blackmail ng kuya niya ang perang hinihiram niya. Against her will, she went to try and convince the elusive and very gorgeous Colton Arevalo to finally take over the company. Kaya napilitan si Lucy na tanggapin ang misyong iyon. It was a tough order, knowing fully well that Colton Arevalo would rather live a quiet farm life than be a corporate hotshot. Ang akala niya ay mahihirapan siya dahil pawang nabigo ang mga naunang ipinadala upang isama ito sa Maynila. Ilang araw pa lang siya sa bukid ay pumayag na ito.
Kaya lang ay hindi siya nagtagumpay sa pag-iwas na mahulog sa charms nito. At hindi maaari iyon—dahil sa umpisa pa lang ay hindi naman siya naging tapat kay Colton. Pero paano pa niya pipigilan ang nararamdaman lalo ngayong sa tingin niya ay mas karapat-dapat siya para kay Colton, kaysa sa bruhang ex-girlfriend nitong nagbabalik sa buhay nito?

5. PHR 5105 Astoria’s Place 7: Beauty Salon And Spa Proprietor: Aleksandra Labao by Mei Sanchez


Hindi inakala ni Aleksandra na sa muling pagkikita nila ni Nate—ang super-secret crush ng batang puso niya noon—ay muling babangon ang infatuation niya rito na inakala niyang naibaon na sa limot dahil hindi naman lumagpas sa pagiging little sister ang tingin nito sa kanya.
Nang magkaroon uli siya ng pagkakataong makasama si Nate, nagsimula na namang mangarap ang kanyang puso na mukhang hindi lang infatuated kundi umiibig na sa binata.
Subalit sa huli ay natanto niyang napapagod din pala ang puso at may hangganan pala ang pangangarap. Kailangan na niyang palayain ang sarili para hindi na siya patuloy na umasa at tumunganga sa isang taong kailanman ay hindi siya mamahalin.

6. PHR 5106 I Found Your Diary Underneath A Tree by Jelaine Albert


Nakilala ni Charlene si Pierro nang isang araw ay kumatok ito sa pinto ng apartment niya. Isa itong half Filipino-half Italian novelist at naghahanap ng matutuluyan. Itinuro niya ang bakanteng apartment unit na katabi ng tinutuluyan niya at mula noon ay naging magkapitbahay sila.
Iniwasan niya ang guwapong lalaki. Ayaw man niyang aminin sa sarili, attracted siya rito. At ayaw muna niya ng komplikasyon sa buhay dahil katatapos lang niya mula sa isang naunsiyaming pakikipagrelasyon. Pero isang umaga, inimbitahan siya ni Pierro na mag-agahan sila. Sa pagkagulat niya ay pumayag siya.
Iyon ang naging simula ng kanilang pagkakaibigan—isang bagay na nauwi sa mas malalim na ugnayan.
Masaya si Charlene sa piling ng kanyang panibagong pag-ibig. Pero natuklasan niyang para lang isang kuwento na isinulat ni Pierro ang kanilang pagtatagpo. Sinadya nito iyon at hindi totoong nagkataon lang.
At ang ibinigay nitong dahilan ay labis na nagdulot ng sakit sa kanyang puso dahil nababalutan iyon ng kasinungalingan at pagbabalatkayo…

7. PHR 5107 Written In The Heart by Sheena Rose


Para kay Candie, disappointment lamang ang napapala sa paghahangad ng mga bagay na hindi madaling maabot. Mahalaga sa kanya na maging realistic siya sa lahat ng pagkakataon. Hinding-hindi niya pagbubuhusan ng panahon ang paghahabol sa mga bagay na halatang hindi mapapasakanya.
Pero tila masusubukan ang katatagan ng prinsipyo niya nang sumulpot sa pag-aari niyang restaurant si MacDonnel Asaoka, the guy with exceptionally good Korean looks who had immediately captured the hearts of her employees.
Ngunit higit sa taglay nitong kaguwapuhan, mas nawindang si Candie sa inianunsiyo nito: ito raw ang childhood friend niya at nais nito na maging malapit uli sila sa isa’t isa gaya ng dati.
Ah, tine-testing nga yata talaga ng kapalaran ang pagtitimpi niya. Bibigay na lang ba siya sa nakatutuksong tentasyon na ibigin si Don, o magmamatigas pa rin ang puso niya?

8. PHR 5108 The Ex Who Hired Her by Kate Hardy (translated by Janis Delos Reyes)


Nang mag-apply si Alexandra sa isang sikat na department store, nakaplano na sa isip niya kung paano siya magsisimula ng bagong buhay. Sa wakas ay mababawi na niya ang mga taong nawala sa kanya.
Pero sa interview pa lang, parang gusto na niyang magbago ng isip. Dahil ang magiging boss niya kapag natanggap siya ay si Jordan, ang ex-boyfriend niyang naging dahilan para magulo ang buhay niya.
Hindi kaila sa kanya na pareho silang may galit sa isa’t isa ngunit ayaw niyang magpatalo. Kaya niyang maging boss ito at patutunayan niyang propesyonal siya. Pero ilang araw pa lang na kasama niya ito sa trabaho ay parang kakainin na niya ang mga sinabi niya. Dahil sa kabila ng galit at maraming taong nagdaan, may damdamin pa ring umuukilkil sa puso niya para dito…

9. PHR 5109 Wonderful Journey by Lara Dyn Grey


Unang kita pa lang ni Pfiper kay Rebbel ay nahulog na agad ang loob niya rito. Sinikap niyang mapansin siya nito, alisin ang lungkot nito nang malaman niyang iniwan pala ito ng babaeng mahal nito sa araw mismo ng kasal ng mga ito.
Pero sa tingin niya, kahit ano ang gawin niya ay hindi siya mapapansin nito. Labis pa siyang nasaktan dahil sa pambabale-wala nito sa kanya.
Ilang linggo ang lumipas ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Rebbel. Ito ang bagong may-ari ng advertising company na pinagtatrabahuhan niya. Pero hindi na ito ang dating Rebbel na nakilala niya.
Naging sweet na ito at tinatrato siya nang espesyal. Pero kung kailan tuluyan nang nahulog ang puso niya rito ay doon niya nalaman na naghihiganti lang pala ito sa pamilya ng pinagtatrabahuhan niya—at kasama siya sa plano nitong paghihiganti.

10. PHR 5110 Camp Speed 9: Right Love At The Wrong Perfect Time by Marione Ashley


Rahzel closed her heart to the thought of loving someone aside from her family. Lagi na lang kasi siyang iniiwan at sinasaktan ng mga lalaking minamahal niya kaya nangako siyang hindi na magmamahal pa. Until she met Zen once again.
Right love at the perfect time…
Zen was the last person Rahzel wanted to see. Hindi niya makakalimutan ang ginawa nitong pananakit sa damdamin niya na labis na nakaapekto sa kanyang pagkatao. Pero paano niya ito iiwasan kung sa bawat paglingon niya ay nakasunod ito sa kanya? Paano niya ito maiaalis sa puso niya kung sa pagtakbo niya ay nakahabol ito sa kanya?
At ang lintik na puso niya, hindi pa rin nadadala. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay hindi pa rin niya maikakaila na mahal pa rin niya si Zen.

11. PHR 5111 Ang Tunay Na Pag-Ibig Ni Graciella by Sapphire Morales


Romance writer si Graciella pero kabaliktaran ng magagandang kuwentong isinusulat niya ang kanyang love life. Isa siya sa mga taong allergic sa salitang “commitment” at “relationship.” Paano ba naman, sinalo na yata niya ang lahat ng kamalasan sa pag-ibig.
Hindi niya maintindihan kung ano ang mali sa kanya at lagi na lamang siyang niloloko at iniiwan ng mga lalaking minahal niya. Hanggang sa nakilala niya ang certified hot bachelor na si Tristan. Dahil sa isang pustahan, they ended up sleeping together.
Ang akala niya ay hanggang doon lang iyon. After all, wala silang relasyon, walang emosyong involved. Pero nang pagtagpuin uli sila ng tadhana, they realized that they felt a “magical spark.” Naulit ang mainit na tagpo sa pagitan nila.
Subalit hanggang kailan siya makokontento sa ganoong setup nila?

12. PHR 5112 Edge by Reve San Jose


Bago dinukot at mawala ang half brother ni Trisha na si Trigger ay naibigay nito sa kanya ang mga ebidensiya laban sa isang sekretong organisasyon na nagpaplanong pumatay sa kanyang ama. Sinabi rin ni Trigger ang mga impormasyong magtuturo sa lalaking maaaring tumulong at magprotekta sa kanya—si Edge.
Edge was a retired marine. Umalis ito sa serbisyo at nanirahan na lamang sa Hacienda Villagracia. Nang puntahan ito roon ni Trisha ay saka lamang niya naunawaan kung bakit tinalikuran nito ang pagiging sundalo.
Noong una ay tumanggi itong tulungan siya. Pero sa huli, nanaig din ang kabutihan sa puso nito. Together they embarked into a dangerous battle against criminals. At sa gitna ng panganib na sinusuong nila ay nanganib din ang puso ni Trisha kay Edge. Pero hindi niya ito puwedeng mahalin. Dahil sa mga pinagdaanan ni Edge ay tila hindi na ito marunong pang magmahal.

13. PHR 5113 Kissing The Naked Cinderella Man by Dawn Igloria


Matagal nang naghihintay ng Mr. Right si Raya. Isang araw ay may natagpuan siyang isang hubad na lalaki sa gate ng bahay niya. Naawa ba sa kanya ang langit at sadyang inihulog niyon para sa kanya ang lalaki?
The man was perfect: perfect physique, perfect good looks, at may bonus pang galing sa pagluluto. They also had the perfect chemistry. Dahil parang laging nagbabaga ang paligid tuwing magkakalapit sila, at parang gusto niyang magpahalik dito tuwing tititigan siya ng mapupungay na mga mata nito.
They dined, they danced, and he even sang for her. And before the night ended, he gave her the sweetest kiss. But in the wink of an eye, he vanished into thin air!

14. PHR 5114 Second Chance At First Love by Lexi Levina


Crush ni Maxene ang motocross rider na si Eric. Kaya ganoon na lang ang saya niya nang ito na mismo ang lumapit sa kanya at kinuha ang cell phone number niya. Niligawan siya nito. At kahit ayaw ng best friend niya rito ay sinagot pa rin niya si Eric.
Mula noon iniwasan siya ni Lio at hindi na kinausap. Hinayaan lang niya ito. Ayaw rin kasi ni Eric na manatili siyang malapit sa best friend niya. Subalit nang hindi na niya nakikita si Lio ay hinahanap-hanap niya ito. Hindi niya namalayan na madalas na pala niyang napagkokompara ang dalawa sa mga katangian. Naramdaman na lang niyang nami-miss niya si Lio. At noon niya napagtanto na si Lio ang mahal niya.
Subalit kung kailan hiwalay na sila ni Eric ay saka naman hindi na nagpakita si Lio sa kanya.

15. PHR 5115 There’s Something About A Rebel… by Anne Oliver (translated by Yasmin Joo)


Walang trabaho, walang pera, at ngayon, pati ang yateng dalawang taong tinitirhan ni Lissa ay nawala rin sa kanya. Pero tila nahabag pa sa kanya ang langit dahil may taong handang tumulong sa kanya: si Blake. Ito ang teenage crush niya at hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin siya rito.
Inalok siya nitong tumira sa bahay nito, inalok siya nitong magsosyo sila sa negosyo, tinulungan siya nitong makabangon. At handa siyang suklian ang tulong nito… sa pamamagitan ng puso niya.
Pero ayaw nitong tanggapin ang iniaalok niya. Pilit itong lumalayo kahit alam nilang dalawa na may pagtingin din ito sa kanya.

16. PHR 5116 He Loves Me, He Loves Me Not by Lian Gonzales


Hindi inaasahan ni Raniele na ang masaya sana niyang bakasyon kasama ang boyfriend ay masisira dahil sa pagtataksil nito. Mabuti na lamang ay naroon at nakilala niya si Lander na tumulong sa kanya habang nasa barko sila upang makalimot sa pagiging brokenhearted niya. He was indeed her hero. Dahil doon ay nahulog na rin ang puso niya rito.
Maniniwala na sana si Raniele na nagugustuhan na rin siya ni Lander sa kabila ng pagiging manang niya. Pero natuklasan niya na brokenhearted din pala ito noong panahong nasa barko sila.
Panakip-butas lang pala ang papel niya sa buhay nito.

17. PHR 5117 A Song In My Heart by Laurice del Rio


Si Hans ang humahabol-habol noon kay Barbie. Pero dahil eengot-engot siya, ang kaibigan naman ni Hans na si Jundie ang hinahabol-habol niya. Nagalit pa nga siya kay Hans nang hadlangan nito ang sa palagay niya ay pakikipag-igihan na sana ni Jundie sa kanya. Huli na nang mabuksan ang mga mata ni Barbie sa magagandang katangian ni Hans. Ni hindi man lang siya nakapag-sorry dito dahil d-in-ead-ma na siya nito.
Pagkalipas ng ilang taon ay nagkita uli sila ni Hans. Papasikat na itong singer at upgraded na ang lahat dito—mula sa talento, hitsura, at kabuhayan, hanggang sa mabuting ugali nito. Dahil sa kabila ng nangyari sa kanila noon ay binigyan pa siya nito ng trabaho nang malaman nitong kailangan niya iyon.
As she worked for him, she realized all the more what a gem of a guy he was. Kasabay niyon ay ang panunumbalik ng matinding panghihinayang niya. Or so she thought. Isa lang pala iyong napakalaking akala.
Mayroon pala itong ibang motibo sa ipinapakita sa kanya.

18. PHR 5118 Los Matadores Bullriding Club: Lexus Española by Camilla


Balot ng hiwaga ang unang pagkakakilala nina Arcadia “Cady” Suerte at Lexus Española. Isang trahedya sa nakaraan ang namamagitan sa kanila, ngunit siya rin palang magbubuklod sa kanila.
Hanggang saan kayang ipaglalaban ni Cady ang pag-ibig niya kay Lexus kapag nagsimula nang mang-usig ang nakaraan?

19. PHR 5119 Enraptured by Sheena Rose



Minsan nang natanso at nasaktan si Karina ng isang lalaking inakala niyang Prince Charming niya. Mula noon ay nawalan na siya ng gana sa mga lalaki at nakontento na lamang sa mga perpektong hero na nililikha niya sa mga isinusulat niyang nobela.
Pero isang araw ay ginulo ni Colby ang tahimik niyang buhay. Guwapo sana ito pero napaka-conceited at sobrang nakakainis. Ang lakas din ng loob nitong mag-demand na tulungan niya itong pigilan ang plano ng mama niya sa pamba-blackmail diumano sa papa nito.
Tinanggihan ni Karina si Colby. She told herself that she couldn’t stand being with him. Pero ang totoo ay nararamdaman kasi niya na ang puso naman niya ang malalagay sa kapahamakan sa sandaling magkalapit sila ni Colby.

20. PHR 5120 Aseron Weddings: Yes I Will by Dream Grace


Batid ni Avi na wala siyang karapatang masaktan o magdamdam makita man niyang nahuhulog ang loob ni Nick sa ibang babae. She already had her chance with him before but she wasted it. Sa halip na makontento sa atensiyon at oras na kayang ibigay nito sa kanya noong magkasintahan pa sila ay naghangad siya ng higit pa roon. At ang masaklap pa ay ginamit niya ang isang kaibigan upang pagselosin sana ang kasintahan. But that plan backfired on her when Nick left her without a glance or even a word of good-bye.
But now, Avi was determined to win back the man she lost years ago. Nakahanda siyang gawin ang lahat—kahit siya pa ang manligaw kay Nick—basta maipakita niya na kailanman ay hindi ito nawaglit sa puso niya.

21. PHR 5121 Monsoon Wedding Fever by Shoma Narayanan (translated by Janis delos Reyes)


Kung may isang taong hindi nais makita si Riya—si Drew iyon. Ito lang naman ang lalaking dumurog sa batang puso niya noon at batid niyang hanggang ngayon ay apektado pa rin siya kapag ito ang pinag-uusapan. Pero hindi maiiwasang hindi sila magkikita dahil ikakasal ang pinsan nito na kasama niyang naninirahan sa apartment.
Hindi niya inakalang sa muling pagtatagpo ng mga mata nila ni Drew ay muling manunumbalik ang damdamin niya rito. At kahit pigilan niya ang sarili, hindi siya nagtagumpay.
Nag-iba ang turing nito sa kanya. Naging mas sweet ito, maalalahanin, at ramdam niyang mas gusto na siya nito ngayon.
Ngunit nasaktan siya nang sabihin nitong hindi nito kayang mahalin siya sa paraang nais niya…

22. PHR 5123 Wildflowers 3: First Love’s Touch by Maricar Dizon


Excited man si Anje na bumalik sa Pilipinas, hindi naman siya ganoon ka-excited bumalik sa bahay nila at makita ang mga magulang niya. Noon pa man kasi ay hindi na sang-ayon ang mga ito sa career na pinili niya. Ngunit nang magpunta siya sa bahay nila ay hindi ang mga magulang niya ang naabutan niya kundi si Theodore, ang ampon ng mga ito mula pa noong sampung taong gulang siya. He reminded her of all the things she thought she had already forgotten after all these years. Kasama na roon ang damdamin niya para dito na matagal na niyang pilit inaalis sa sistema niya pero hindi niya magawa.
Nais niyang iwasan ito. Ngunit dahil sa isang sitwasyon ay nagkaroon sila ng pagkakataong maging malapit sa isa’t isa. And she ended up loving him even more. Ngunit kahit maraming taon na ang lumipas, alam niyang hindi ito maaaring maging kanya. She was trapped with a promise never to love him. And he was trapped with the memory of his own first love.

23. PHR 5124 Permanent Friday by Jelaine Albert


Tuwing Biyernes ay inaabangan ng disisais anyos na si Mira ang sasakyan ni Kieran Avicenna, ang nag-iisang anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay nila. Kapansin-pansin ang pagiging maputla ni Kieran at lagi ring malayo ang tingin nito. Na-curious si Mira kaya mula sa pagtanaw-tanaw ay gumawa siya ng paraan para makalapit sa binata at mapansin nito.
Naging magkaibigan naman sila.
Dinala ni Mira si Kieran sa mga lugar na lagi niyang pinupuntahan. At tuwina ay nakikita niya ang tuwa sa mga mata ng binata tuwing magkasama sila. Dahil doon kaya araw-araw siyang nasasabik na makita niya ito at makasama. Unti-unti na nga yatang nahuhulog ang damdamin niya rito.
Pero biglang umalis si Kieran nang hindi nagpapaalam sa kanya. Pagkalipas ng siyam na taon ay muling nakita ni Mira si Kieran. Malaki na ang ipinagbago nito. Pero hindi lamang ito ang nagbago. Dahil kahit nalaman ni Mira ang totoong dahilan ni Kieran sa biglaang pag-alis nito noon ay iginigiit naman ng puso niya na kalimutan si Kieran dahil baka muli na naman siyang masaktan.

24. PHR 5125 The Cattleman’s Special Delivery by Barbara Hannay (translated by Karen Dee)


Sunod-sunod ang kamalasan ni Jessica. Una, nasangkot sila ng kanyang asawa sa isang aksidente na ikinamatay nito; pangalawa, nag-labor siya sa gitna ng kawalan at malakas na ulan. Pero isang tagapagligtas ang dumating—si Ronie na isang magbabaka at nakatira di-kalayuan sa pinangyarihan ng aksidente.
Pinatuloy siya nito sa bahay nito. Dahil isolated ang lugar, hindi makakarating ang ambulansiya na magdadala sa kanya sa ospital. Ito ang nagpaanak sa kanya. For a moment, they shared a night of emotional connection.
Hindi iyon ang huling pagkakataon na tinulungan siya ni Ronie. Nagpatong-patong na ang mga utang-na-loob niya rito at nais niyang mabayaran ang mga iyon. Pero hindi lang pala pambayad sa utang dito ang naibigay niya, hindi niya namalayang pati puso niya ay naibigay na rin niya rito.
Back to top Go down
 
January 1, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Yeh Hai Mohabattein 16 January 2014 written update
» Iss Pyaar Ko Kya Naam Doon Ek Baar Phir - Written Update - 9th January 2014
» Overnights - UK Ratings (26th January - 1st February 2014) *31st Jan & 1st Feb Updated*
» Beintehaa Written Update January 23rd 2014 *Updated*
» Saath Nibhaana Saathiya - Written Update - 2 January 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: