HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 11, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 11, 2013 Book Release   Wed Dec 18, 2013 11:15 am

1. PHR 5092 Suddenly It’s Love by Nikki Del Rosario


Nang minsang nahulog si Celine sa karisma ng isang Ethan Agoncillo ay sakit at pagkabigo lang ang natamo ng batang puso niya. Nagkamali siya noon ng hinala nang isipin niyang may katugon ang nararamdaman niya para dito. Bukod sa walang katugon ang pagmamahal niya rito ay kailangan pa nitong umalis ng bansa para magtrabaho. Magmula nang araw na iyon ay kinalimutan na rin niya ang pagmamahal niya para dito at nagpatuloy siya sa buhay niya nang wala ito.
Pagkalipas ng limang taon ay muling nakita ni Celine si Ethan. Wala pa ring nagbago rito. Ito pa rin ang dating Ethan na minahal niya noon.
Ngunit mukhang kakainin niya ang mga sinabi niya noon na hindi na siya mahuhulog sa karisma nito. Naging malapit kasi uli ito sa kanya. Muling nanumbalik ang pagmamahal niya rito nang magpanggap silang magkasintahan sa harap ng pamilya at mga kamag-anak nila.
Ang tanong na lang na kailangang sagutin ni Celine sa kanyang isip ay ito: hahayaan ba niyang umasa uli ang puso niyang may katugon ang nararamdaman niya o susulitin na lang niya ang pagpapanggap nila na magnobyo sila at mahalin ito nang lihim?

2. PHR 5093 Somewhere I Belong by Sapphire Morales


Pagkalipas ng labintatlong taon ay nagkalakas-loob si Lianne na harapin uli ang kanyang ama na umabandona sa kanya―hindi para makipagbati rito kundi para kunin ang kanyang mana. Kailangan kasi niya ng pera para maisalba ang bahay at restaurant na iniwan sa kanya ng namayapa niyang ina.
Her father offered her a deal. Ibibigay nito sa kanya ang mana niya kapalit ng isang buwang pananatili niya sa piling nito. At kasama na rin doon ang pagsunod niya sa lahat ng nais nito.
Tinanggap iyon ni Lianne kahit labag sa kalooban niya.
Napilitan siyang magtrabaho sa kompanya ng pamilya nila sa ilalim ng pamamahala ni Xander, ang binatang kinupkop at pinalaki ng kanyang ama na parang isang anak. Malaki ang galit niya rito. Pakiramdam kasi niya ay inagaw nito ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama na dapat ay sa kanya.
Ngunit dahil palagi niyang nakakasama si Xander, unti-unting lumalambot ang puso niya para dito. Hanggang sa aminin niya sa kanyang sarili na mahal na niya ito. Pero isang lihim sa kanyang pagkatao ang nadiskubre niya na magiging dahilan para kusa siyang lumayo sa piling nito…

3. PHR 5094 Bullies And Loverboys Book 6: Music And My Sonnet by Viel Roberts


Naiinis na si Sonnet sa pag-aaway ng mga kabanda niya at ng mga miyembro ng Midnight Dream. Para sa kanya, wala nang kuwenta ang pag-aaway ng mga ito sa isang babaeng hindi naman dapat pag-awayan. At para matuldukan na ang kaguluhan sa music industry ng bayan nila, naisip na niyang mamagitan. Ang una niyang kinausap ay si Nicollo, ang playboy vocalist na pinagsimulan ng lahat.
Napansin niyang mabait si Nicollo at nakilala niya ito nang husto nang mapadalas ang pagtambay niya sa street na kinaroroonan ng bahay nito. She instantly liked him. But the thing was, she wasn’t prepared to fall in love with him. But it happened.

4. PHR 5095 Frances’ Unexpected Love Story by Bobbie Morgan


Kinukulit na si Frances ng pamilya at mga kaibigan niya na magka-boyfriend. Pero masyado pa siyang bata at hindi naman siya nagmamadaling sumuong sa isang relasyon.
Hanggang sa makilala niya si Ethan, ang guwapo at sikat na TV director na dati pala niyang kaklase sa kolehiyo. Sa unang pagkakataon ay tumibok ang kanyang puso. Naniniwala siyang ito na ang lalaking hinihintay niya kaya kahit kakikilala pa lang nila ay naging sila na; wala siyang pakialam kahit sobrang bilis ng pangyayari. Mahal niya si Ethan at ayaw niyang mawala ito sa kanya.
Kahit iyon na ang pagkakataong hinihintay ng mga mahal sa buhay ni Frances, ang magka-boyfriend siya, hindi naman nagkulang sa paalala ang mga ito. Kahihiwalay lang kasi ni Ethan sa girlfriend nito. Nag-aalala ang mga ito na baka rebound lang ang lahat.
Ayaw niyang paniwalaan ang sapantaha ng mga ito, pero paano niya ipaliliwanag na hindi pa niya naririnig mula kay Ethan na mahal siya nito?

5. PHR 5096 Just A Kiss by Xandria


The moment Glai saw Yano’s eyes; she instantly fell in love with him. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para mapansin siya nito pero bigo pa rin siya. Yano could never see her the way she wanted him to.
Kaya naisip niyang makipagkasundo na lamang dito. At dahil sa sulsol ng mga kaibigan nito ay napapayag niya ang lalaki. Dalawang linggo ang ibinigay nito sa kanya para mapaibig niya ito. At kung hindi niya magawa iyon ay kailangan na niyang lumayo rito at huwag na itong guluhin pa.
Pero kaya ba talaga niyang palambutin ang puso ni Yano sa loob lamang ng dalawang linggo gayong halos ilang taon na siyang nagpapa-cute para lang mapansin nito? Pero hindi siya susuko, isang halik lang mula rito ang kailangan niya at panalo na siya.

6. PHR 5097 The Dating War by Aimee Carson (translated by Karen Dee)


Christian Tullao was the hottest ex-racing car driver in town. Naniniwala ito sa kasabihang action speaks louder than words. Ang pinakamatinding bangungot sa buhay nito ay ang pagsali sa isang dating competition. Ang makakalaban nito para itaas ang bandera ng kababaihan ay si Jessica Wasiwas.Naitaguyod niya ang sarili niyang buhay nang mapawalang-bisa ang kasal niya.Nagtatag siya ng dating service.
Taliwas sa paniniwala ni Christian, naniniwala siya na ang susi sa tunay na kaligayahan ay ang maayos na komunikasyon. Hindi marahil maisip ni Christian na kailangan nito ang tulong niya para maging matagumpay sa pakikipagrelasyon sa mga babae… pero habang tumatagal ay lalong nagiging mainit ang kompetisyon dahil sa namumuong atraksiyon sa pagitan nila. Alam niyang mababago niya ang maling paniniwala nito. Kaunti na lang. Subalit kasabay niyon ang tuluyang pagkahumaling ng puso niya rito…
“Pumili na ako ng mababait na lalaki pero walang nangyari. I need the bad boy. Ikaw ang tamang lalaki para sa akin, just as you are.”

7. PHR 5098 Zeke, Ang Lalaki Sa May Bintana by Cranberry Laurel

Unang kita pa lang ni Wenggay kay Zeke ay humanga na siya rito, lalo na kapag ngumingiti ito. Makita lang niya ang pamatay na dimples nito ay kandaloka na ang puso niya! Sa batang edad ay natuto siyang magmahal. Dito niya naramdaman na masarap palang humanga, napakagaan sa pakiramdam.
Naging inspirasyon ito ni Wenggay sa pag-aaral at sa lahat ng gawain. Pero umabot sa puntong sumobra na siya sa paghanga rito. Tumindi ang mga ginagawa niyang pagpapansin hanggang sa nakasakit siya ng ibang tao. Dahil doon ay nagalit si Zeke sa kanya. Sa galit ay nasabi nito ang mga bagay na dumurog sa bata niyang puso. Dahil sa labis na pagkapahiya at sakit ay lumipat siya ng eskuwelahan at nawalan na ng balita rito.
Makalipas ang sampung taon ay muli silang nagkita. Malaki na ang naging pagbabago niya. Nabaligtad ang sitwasyon dahil ito na ang parang natuturete tuwing kaharap siya. Halata sa mga mata nito ang paghangang matagal niyang inasam. Pero paano na? Hindi na siya ang dating trese anyos na dalagitang hahabol-habol dito. At isa pa, may Sadeek na sa buhay niya…

8. PHR 5099 This Thing Called Love by Pinky Jemiel


Super in love si Mindy Jane Rodriguez kay Kurt Harris Buenaflor, isa sa mga miyembro ng Hot Shots at best friend ng kasosyo niya sa boutique. Tuwing ngingitian siya nito, pakiramdam niya ay nasa ulap siya. Sa bawat ngiti nito ay lumalalim nang lumalalim ang pagtingin ni Mindy rito to the point na handa na siyang mag-take ng risk maiparating lang kay Kurt ang nararamdaman niya. And she did it. She confessed to Kurt.
“I can’t love you back.” Iyon ang mga katagang nagparamdam ng labis na kirot sa damdamin ni Mindy. In spite of that, lalo lang siyang na-challenge at ipinangako niya sa sarili na paiibigin niya si Kurt. Hanggang malaman niya ang dahilan kung bakit hindi nito magawang umibig. Hindi niya kayang makipagkompetensiya sa babaeng laman ng puso nito.

9. PHR 5100 Wildflowers 2: A Sinner’s Temptation by Maricar Dizon


Utos ng music label ng Wildflowers na makipag-collaborate sila kay Adam Cervantes, rockstar/genius composer sa Hollywood na half Pinoy. Si Ginny ang napili ng producer nila na makatrabaho ni Adam. Ngunit kahit anong pilit ni Ginny ay hindi niya magawang makasundo ang lalaki.
Kahit kasi ilang taon na sila sa Amerika ay naku-culture shock pa rin siya kapag si Adam na ang kasama niya. Kung gaano siya ka-conservative ay ganoon naman ito ka-liberated. But then, Adam also made her feel so many things so new to her. Until she fell in love with him.
Ang kaso alam niyang laro lang para dito ang lahat. Adam never took any woman seriously. Alam niya na kapag na-bore na ito sa kanya ay iiwan siya nito nang walang pag-aalinlangan. And that would mean a broken heart for her. Magagawa ba niyang isugal ang puso niya rito?

10. Fifty Shades Darker by E L James (translated by Armine Rhea Mendoza)


Nang masiraan ng loob dahil sa kakaibang mga hilig at maiitim na lihim ng guwapo, batang negosyante, ngunit nagdurusang si Christian Grey, tinapos ni Anastacia Steele ang relasyon niya rito para magsimula sa bago niyang trabaho sa isang Seattle publishing house.
Ngunit nangibabaw pa rin ang pagnanasa niya kay Christian sa bawa’t paggising ng kanyang kamalayan. At nang magmungkahi ito ng bagong kasunduan ay hindi iyon natanggihan ni Ana. Muli nilang pinagningas ang kanilang mainit na relasyong nagbibigay-hilig sa tawag ng laman. At maraming natuklasan si Ana tungkol sa napakasakit na nakaraan ng kanyang Fifty Shades, na may wasak na pagkatao, ngunit puno ng determinasyon at mahirap paluguran.
Habang nakikipaglaban si Christian sa kanyang malalaking hamon sa buhay, kailangan namang harapin ni Ana ang galit at inggit ng mga babaeng nauna sa kanya sa buhay ng binata at gawin ang pinakamahalagang desisyon sa kanyang buhay.
Back to top Go down
 
December 11, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News December 30, 2013
» Desh Ki Beti Nandini 5th December 2013 Episode Watch Online
» Yeh Rishta Kya Kehlata Hai 9th December 2013 Written Episode
» Diya Aur Baati Hum 17th December 2013 Episode Watch Online
» Buddha 22nd December 2013 Full Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: