HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 4, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 4, 2013 Book Release   Mon Dec 09, 2013 6:46 am

1. PHR 5076 The Wedding 3: Taylor by Vanessa


Isang estranghero pa si Roman kay Taylor nang gipitin ito ng pamilya niya na pakasalan siya ora mismo. Labag man sa kalooban ni Roman ay pinakasalan siya nito. And he hated her for it. He vowed to make her life miserable.
At ganoon nga ang ginawa nito.
Ngunit nakilala ni Taylor ang lola ni Roman na siyang tumulong sa kanyang baguhin ang sarili niya. Nakipaghiwalay siya kay Roman. Matuling lumipas ang pitong taon. She was now a sophisticated woman.
Nanatili ang silent war nila ni Roman, hanggang sa isang gabing kinailangan niya ang tulong nito. Was it the start of another chapter in their life? Or was he still trying to get even?

2. PHR 5080 Unbreak My Heart by Sofia


Pagkatapos iwan si Carlie sa altar ng lalaking pakakasalan niya ay nawalan na siya ng sampalataya sa pag-ibig. Pati ang trabaho niya bilang romance novelist ay nalagay rin sa alanganin. Umaasa siyang maibabangon niya ang sarili sa pagdalo sa fans’ day kung saan mararamdaman niya ang pagmamahal sa kanya ng mga reader niya. Pero sa halip na siya ang dumugin ng fans niya, ang guwapong host na si Juan Felipe Krisologo III, o “JFK,” ang pinagkaguluhan ng mga ito. Panibagong sampal na naman iyon sa kanya. Nakaramdam din siya ng pagkainis sa lalaki.
Pero lumambot ang puso niya para kay JFK nang magkita uli sila sa isang resort at masaksihan niya kung paano nawasak ang puso nito dahil sa isang babae. Ipinangako niya sa kanyang sarili na papawiin niya ang lungkot nito para hindi nito maranasang maging miserableng tulad niya. If she helped him, it would be like fixing her broken heart as well. Ngunit hindi napaghandaan ni Carlie na mahuhulog ang loob niya kay JFK.
Handa na kaya si JFK na magpapasok uli ng bagong pag-ibig sa puso nito?

3. PHR 5083 Si Borgy At Ang Astig Girl by Daniella Ignacio


Parang gustong pagsisihan ni Angge kung bakit pumayag pa siyang maging assistant slash maid slash yaya ni Borgy Alvarez. Paano’y sa umpisa pa lang ay hindi na sila magkasundo ng binata. Para silang mga aso’t pusa kung mag-away. Pero dahil nandoon na siya, paninindigan na niya. Iinisin na lamang niya ito para makaganti siya sa pagsusungit nito. Sa pagkagulat niya, biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya pagkatapos nitong mag-Noche Buena kasama ang pamilya niya. Bigla ay siya na ang ipinagluluto nito ng almusal. Minsan din ay tinulungan siya nitong maglinis ng sahig, at inambunan pa ng mga regalo ang pamilya niya na para bang sinusuhulan ang mga ito.
“Para kang sinapian ng masamang espiritu. Ano ba’ng binabalak mo?” tanong niya rito.
“Wala akong intensiyong masama. I think… I’m falling in love with you.” Hindi siya naniniwala kay Borgy! Gumaganti lang ito sa mga pang-iinis niya rito.
Ang kaso, hinarana siya nito isang gabi sa harap ng buong barangay nila!
Biglang natibag ang depensa niya…

4. PHR 5084 Ramier’s Fall by Zindy Rivera


Ramier was a playboy. Iyon ang pagkakakilala ni Carmelle Ann sa binata. Napatunayan niya iyon dahil nasaksihan niya ang sakit na idinulot nito sa mga kaibigan niya. At ang hindi niya inaasahan ay ang pagkukrus ng mga landas nila ng binata, that he was her new boss.
Naiinis siya kay Ramier. Pero nang ito na ang namahala sa hotel na pinagtatrabahuhan niya, natuklasan niyang mabait pala ito at maalaga. Taliwas iyon sa pagkakakilala niya rito na brute, arrogant, and heartless with woman. Nawalang parang bula ang galit na nadama niya rito noon at unti-unting natutuklasan niya sa sariling umiibig na siya sa binata.
Maayos na sana ang lahat sa pagitan nila dahil tila pareho sila ng nararamdaman sa isa’t isa, kung hindi lang bumalik ang unang babaeng minahal nito. Paano niya susupilin ang damdamin niya para sa lalaking ang tanging mahal ay ang best friend niya?

5. PHR 5085 A Christmas Night To Remember by Helen Brooks (translated by Ice Jimenez)


Pagkatapos ng dalawang buwang pagkakaospital niya, binalak ni Melody na magsimula ng panibagong buhay―ang buhay na wala si Zeke. Kahit gumaling na ang mga pinsalang natamo niya mula sa aksidente, hindi pa rin naghihilom ang sakit na dulot niyon sa puso niya.
Ngunit paano siya makapagsisimula ng panibagong buhay kung ayaw siyang tigilan ni Zeke? Dinala siya nito sa isang penthouse para sabay nilang ipagdiwang ang Pasko. Lahat ay gagawin nito para lang makuha uli ang loob niya…

6. PHR 5086 Just Another Cliché Love Story by Kensi


Magkalayong-magkalayo ang mga hilig nina Melanie at Gabe pero hindi naging hadlang iyon sa kanilang pagkakaibigan. Since the first time they met, they immediately hit it off and became friends. Kahit nang magkaroon na sila ng kanya-kanyang career sa magkaibang larangan ay nagpatuloy ang kanilang matibay na samahan.
Ngunit ang smoothsailing na pagkakaibigan nila ay bigla na lang nag-iba ng direksiyon. Bigla na lang ay nakakaramdam na si Melanie ng mga kakaibang kilabot tuwing lumalapit sa kanya si Gabe. Lalo pang gumulo ang lahat nang bigla siyang halikan nito. At hindi lang isang simpleng halik ang ibinigay nito sa kanya kundi iyong klase ng halik na may kasamang orchestra na tumutugtog ng background music at choir na kumakanta ng chorus ng Hallelujah.
But after that mind-blowing and eath-shattering kiss, what was going to happen to their friendship now? Totoo nga kaya ang mga sabi-sabi na wala raw straight na lalaki at babae ang nananatiling magkaibigan lang?

7. PHR 5088 My Precious Star by Heidi Star


Buong buhay ni Star ay sinusunod niya ang bawat sabihin ng kanyang ama. Gusto kasi niyang maging proud ito sa kanya at mahalin siya nito sa dahil malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Namatay kasi sa panganganak sa kanya ang kanyang ina at alam niyang siya ang sinisisi ng ama.
Sa pagdating ni Ocean Apollo ay nagkaroon ng kulay ang malungkot niyang mundo. Sinimulan nito sa pakikipagkaibigan at kalaunan ay nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya.
Tinanggap niya ang pagmamahal nito at masaya ang mga unang araw ng kanilang relasyon. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niyang may nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya.
Ngunit nang malaman ng kanyang ama ang tungkol doon ay nagalit ito. Bukod sa pinagbawalan siya nitong makipag-boyfriend, anak pa si Ocean ng kakompetensiya nito sa negosyo. Inutusan siya nito na hiwalayan ang binata.
Mahal na mahal na niya si Ocean pero napakahirap ding ipaglaban ang pag-ibig niya.

8. PHR 5089 Saving Forever For You by Bethany Sy


Aksidenteng narinig ni MJ ang sinabi ni Brent sa mga kaibigan nito na hinding-hindi raw siya magugustuhan nito dahil masyado raw siyang maarte at maingay. Dahil sa inis ay hinalikan niya ito nang mariin sa mga labi sa harap ng maraming tao. Alam niyang natulala at nagulat ito sa ginawa niya pero wala siyang pakialam. Gumanti lang siya dahil nainsulto siya sa paraan ng paglalarawan nito sa kanya.
Mula noon ay hindi na niya tinantanan ito. Nagpanggap siyang nililigawan niya ito para lang inisin at sirain ang araw nito. Hindi niya alam na sa ginagawa niyang iyon ay unti-unting nagkakaroon ng puwang si Brent sa kanyang buhay.
Pero hindi yata niya kakampi ang tadhana dahil napag-alaman niya na balak nitong ligawan ang kaklase niya. Nakaramdam siya ng selos. At mukhang bumalimbing ang tadhana dahil napasakamay niya ang isang litrato na magiging alas niya para hindi matuloy ang pinapangarap nitong love life.
Tila nagtatagumpay naman siya dahil mas close na sila ni Brent ngayon. Ang kaso, mukhang walang silbi ang alas niya dahil nakita niyang ka-date na ni Brent ang kaklase niyang balak nitong ligawan.

9. PHR 5090 Love Is Triumphant by Barbara Cartland (translated by Iris Anne)


Nangako si Rosina na ipaghihiganti niya si Miss Draycot, ang kaibigan niya na nagpakamatay dahil sa kataksilan ng nobyo nitong si Mr. Woodward. Dahil din sa pangyayaring iyon ay kinumbinsi ni Rosina ang sarili na lahat ng lalaki ay hindi mapagkakatiwalaan—kasama na roon si Sir John na minahal na niya mula sa kamusmusan niya.
Hindi nagtagal ay muling nagtagpo ang mga landas nila ni Mr. Woodward. Lalo lamang siyang naging determinado na pagbayarin ito sa ginawa nito sa kaibigan niya. Pero mahigpit ang pakiusap ni Sir John na kalimutan na niya ang balak niya.
Hindi pa nawawala ang nararamdaman niya para kay Sir John lalo na at unti-unti niyang nakikita na hindi niya ito dapat isama sa mga uri ng lalaking dapat niyang iwasan.
Ano ang pakikinggan niya―ang pintig ng puso niya o ang bulong ng konsiyensiya niya na kailangan niyang bigyan ng katarungan ang kaibigan?

10. PHR 5087 Wildflowers 1: A Liar’s Kiss by Maricar Dizon


Bumalik sa Pilipinas si Stephanie at ang buong banda niya para mag-break at para mag-compose ng mga awiting gagamitin nila para sa kanilang anniversary album. Dahil wala naman siyang uuwiang pamilya sa Pilipinas, nagdesisyon siyang manatili sa isang exclusive resort upang doon mag-isip. Isang gabi, habang nanonood siya ng meteor shower sa dalampasigan ay nakilala niya si Oliver. Simbilis ito ng bulalakaw na lumapit sa kanya, hinalikan siya sa mga labi, at nawala sa kanya.
Nalaman niya na nagbabakasyon din ito sa resort na iyon. She was drawn to him because he didn’t seem to recognize her as a member of a popular band. So she ended up spending her days… and night with him.
Subalit kung kailan akala niya ay magkakaroon ng magandang patutunguhan ang namagitan sa kanila ay nalaman niya ang katotohanan sa likod ng paglapit nito sa kanya. Na mula umpisa ay alam nito kung sino siya. That for him, she was nothing but a job he has to do to save his precious magazine…
Back to top Go down
 
December 4, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News December 30, 2013
» Desh Ki Beti Nandini 5th December 2013 Episode Watch Online
» Yeh Rishta Kya Kehlata Hai 9th December 2013 Written Episode
» Diya Aur Baati Hum 17th December 2013 Episode Watch Online
» Buddha 22nd December 2013 Full Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: