HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 27, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 27, 2013 Book Release   Mon Dec 09, 2013 6:43 am

1. PHR 5075 Can’t Stop Loving You by Nezlyne Asher


Lumuwas sa Maynila si Minelly para magtrabaho bilang maid-cum-companion ng isang babaeng Iranian na may sakit. Nakilala niya si Amed, ang guwapong half Filipino-half Iranian na kaibigan ng amo niya. The moment she first laid eyes on him, she was instantly attracted to him. Ngunit sino lang ba siya para mapansin nito?
Pero nagulat siya nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya!
Totoo nga pala ang Cinderella story.
Pero tulad ng isang fairy tale princess ay may asungot sa pag-iibigan nila, at iyon ay sa katauhan ng lola nito. Ayaw nitong makapangasawa si Amed ng isang Filipina―tulad ng ginawa raw ng ama nito.
Amed was willing to fight for their love. He even gave her a ring as a sign of his love for her.
Pero isang araw, nagulat na lang siya nang malaman niyang bumalik na pala ito sa Iran alinsunod sa kagustuhan ng lola nito!
Naiwan siyang luhaan at naguguluhan.
Magkakaroon pa ba ng katuparan ang kanilang pagmamahalan?

2. PHR 5077 The Reality Show Series Book 8: Perfect by Angel Bautista


Si Cornelia Gaston ay isang Valley Girl. She was sweet, charming, and she lived a fairy-tale life. She had the perfect parents, the perfect fiancé, a foundation that just needed a little push. Sumali siya sa TRS para i-promote ang kanyang foundation at para maka-raise ng funds para dito. Gusto rin niyang matutuhan kung paano mamuhay ang mga taong gusto niyang tulungan.
Hindi lang niya inasahan na mas malaking leksiyon pala ang kanyang matututuhan.
At nagsimula ang lahat pagdating niya sa Sitio 22 kung saan isang lalaki ang nakita niyang nakatitig sa kanya mula sa bintana ng isa sa mga bahay roon. She guessed her friends would call him sexy. Pero hindi iyon ang tingin niya rito. Mas gusto kasi niya ng lalaki na malinis tingnan. Pero isa pa rin palang leksiyon ang naghihintay sa kanya ukol doon, dala ng misteryosong si Danny Sarmiento.

3. PHR 5079 Amanayzgurl by Phoebe


Eskandalosa, palengkera.
Too violent to be let loose.
Here’s a big shocker for you, Miss Amanayzgurl, YOU ARE NOT AS “NICE” AS YOU THINK YOU ARE!
Ito ay ilan lang sa mga patutsada ni Harvey Jimenez laban kay Nice. Suddenly, she became cyberspace’s most unNICEst person dahil sa Amanayzgurl video na i-p-in-ost ng lalaking ito.
Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit sa kanya ang lalaki when she hadn’t even met him, personally. But when she did meet him, she began hoping she had not. At bakit hindi?
Bigla na lang nitong ginulo ang mundo niya by always being ready to catch her whenever her plans of revenge backfired on her. Plus he was gorgeous and so nice.
So, how could she stop herself from falling for him?

4. PHR 5081 Miracle Of Love by Starlite Sobrepeña


Maganda, mayaman, at spoiled-brat si Grace. Ginagawa niya ang lahat ng pasaway na bagay upang mapansin siya ng kanyang mga magulang na walang ibang inaatupag kundi ang mga negosyo ng pamilya nila.
Hanggang isang aksidente ang nagpabago ng lahat. Sa aksidenteng iyon ay nawala ang kanyang paningin. Ngunit iyon din ang naging daan para makilala niya si Arvin, ang eye surgeon niya. Kakaiba ang sayang hatid ng binatang doktor sa kanya kapag nakakasama at nakakausap niya ito. She knew she was in love, at hindi na siya makapaghintay na makakita uli para masilayan na niya ito.
Pero si Arvin ay may isang masalimuot na nakaraan na pilit nitong kinalilimutan―isang nakaraan na may kinalaman sa dating pag-ibig nito. Makakaya kaya niyang pasukin ang nakasarang puso nito?

5. PHR 5082 Superstar Ng Buhay Ko by Andie Hizon


Matagal nang pantasya ni Charmaine ang showbiz heartthrob na si Sammy Aguinaldo. Halos maging stalker na nga siya nito dahil sa pagsunod-sunod niya rito. Kaya nang mangailangan ito ng make-up artist ay hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon. Ngunit hindi nito tinanggap ang application niya at sa halip ay nakatikim siya ng pagsusungit mula rito.
Sa unang pagkakataon ay nawala ang mahika ni Sammy sa kanya. Sumumpa siya sa sarili na hinding-hindi na niya tatangkilikin ito. Pero bumalik sa dati ang lahat nang magpakita ito ng concern sa kanya. Hindi man niya inaasahan ay naging magkaibigan sila. Ang mas nakakabigla ay nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya—na agad niyang sinunggaban dahil matagal na niyang pinapangarap ito.
Ngunit malupit ang mundong ginagalawan nito. Naligalig ang show business nang malaman ng lahat ang tungkol sa relasyon nila. Sammy decided to quit show business. Hindi niya matanggap iyon, lalo na kung siya pa ang magiging dahilan. Ngunit kaya kaya niyang iwan si Sammy kahit mahal na mahal niya ito huwag lang nitong talikuran ang career nito?

6. PHRGR 25 Club Red 1: Yshael (Forever And You) by Victoria Amor


Security guard si Borges na na-assign sa isang mansiyon sa isang remote na lugar. Pag-aari iyon ni Juancho, isang ubod ng yamang negosyante. Iisa lang ang nakatira sa mansiyon—ang magandang kerida ni Juancho, si Sui, isang dating top model. Seloso si Juancho at nais nitong itago si Sui mula sa mundo.
Dahil sina Borges at Sui lamang ang tao sa mansiyon, maliban sa mga live-out na katulong, naging close sila at kinalaunan ay nagkaroon ng affair.
Ang hindi nila alam ay nakikita ni Juancho sa pamamagitan ng mga secret camera sa buong bahay ang lahat ng iyon—at nag-e-enjoy itong panoorin sila. Nag-panic ito nang malaman ang tungkol sa kanilang planong paglayo.
Binigyan nito si Sui ng pagpipilian: ang manatili siya rito o sumama kay Borges. Pinili niya si Borges, dahilan para dalhin sila ni Juancho sa isang isolated na isla. Kailangan nilang makaalis doon sa loob ng isang linggo.
Pagkalipas ng isang linggo, babalik si Juancho at kung naroroon pa sila ay tutugisin sila nito na parang mga hayop. Gayunpaman ay binigyan sila nito ng pagpipilian: isa lamang sa kanila ang dapat mabuhay.

6. PPS 5 Mga Mata Sa Dilim by Camilla


Security guard si Borges na na-assign sa isang mansiyon sa isang remote na lugar. Pag-aari iyon ni Juancho, isang ubod ng yamang negosyante. Iisa lang ang nakatira sa mansiyon—ang magandang kerida ni Juancho, si Sui, isang dating top model. Seloso si Juancho at nais nitong itago si Sui mula sa mundo.
Dahil sina Borges at Sui lamang ang tao sa mansiyon, maliban sa mga live-out na katulong, naging close sila at kinalaunan ay nagkaroon ng affair.
Ang hindi nila alam ay nakikita ni Juancho sa pamamagitan ng mga secret camera sa buong bahay ang lahat ng iyon—at nag-e-enjoy itong panoorin sila. Nag-panic ito nang malaman ang tungkol sa kanilang planong paglayo.
Binigyan nito si Sui ng pagpipilian: ang manatili siya rito o sumama kay Borges. Pinili niya si Borges, dahilan para dalhin sila ni Juancho sa isang isolated na isla. Kailangan nilang makaalis doon sa loob ng isang linggo. Pagkalipas ng isang linggo, babalik si Juancho at kung naroroon pa sila ay tutugisin sila nito na parang mga hayop. Gayunpaman ay binigyan sila nito ng pagpipilian: isa lamang sa kanila ang dapat mabuhay.

7. Sweetheart 19: She Wears My Ring by Martha Cecilia


Suot ni Nyssa ang singsing na ibinigay ni Erik dela Torre sa buong labindalawang taon. It was given to her when she was sixteen―noong ang batang pag-ibig niya ay tinabunan ng insekyuridad at takot.
Sinaktan niya ang lalaking nagbigay ng heirloom na iyon sa kanya. Erik had OCD. He was obsessed with her. Natakot si Nyssa at hiniya niya ito sa mismong gabi ng prom sa hindi sinasadyang paraan. Erik left San Ignacio sooner than she thought hurting.
Twelve years later, she still kept the ring. Isinusuot iyon ni Nyssa para i-discourage ang mga unwanted suitors niya. Until she met Kichiro in Tokyo. He was a Daniel Henny look-a-like. Gusto niyang alisin at itago ang singsing niya para dito. But the subconscious thought of Erik stopped her.
Nahahati siya sa pagitan ng kahapon at ng ngayon. Sino ba talaga ang bukas niya?
Back to top Go down
 
November 27, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News November 7, 2013
» Do Dil...EK Jaan - WRITTEN UPDATE - 15 November 2013
» Mahabharat Written Update November 20th 2013
» Do Dil Ek Jaan 21st November 2013 Watch Online
» Khelti Hai Zindagi Aankh Micholi 22nd November 2013 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: