HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 20, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 20, 2013 Book Release   Mon Dec 09, 2013 6:16 am

1. PHR 5063 Light’s Seduction(It’s In His Kiss) by Marione Ashley


Dahil sa isang stalker ay kinailangan ni Ice na magtago sa Mills Farm. Doon niya nakilala si Light Mills, ang may-ari ng farm at kakambal ng crush na crush niyang si Night. Sa kabila ng pagiging “tease” ni Light ay may maganda pa pala itong katangian. Inalagaan siya nito, pinaligaya, at higit sa lahat, ipinaramdam nitong masarap magmahal nang totoo. Dahil kay Light, nalaman niyang posible palang magmahal sa loob lang ng ilang linggo. Minahal kasi niya agad ito. Nang sinabi nitong mahal din siya nito ay natuwa siya.
…that lead to an unexpected love.
Okay na sana sila. Pero biglang umeksena ang ex-girlfriend ni Light. Confident siya na siya ang pipiliin ni Light dahil sinabi nitong mahal siya nito. Pero nagulat siya nang ang bruhildang ex-girlfriend nito ang pinili nito sa halip na siya na current girlfriend nito. Anyare?

2. PHR 5064 Heartbreak Warfare by Jelaine Albert


Basta na lang nakipaghiwalay kay Vanessa ang nobyo niyang si Lendon na walang ibinibigay na mabigat na dahilan. Dahil sa sakit ng kalooban, nagpasya siyang magtungo sa States at doon manirahan. Pagkalipas ng anim na taon ay saka lamang siya nagkalakas-loob na muling bumalik. Isa na siyang sikat at tinitingalang tao sa mundo ng pagmomodelo.
Alam niyang wala na siyang natitirang damdamin para kay Lendon.
Ngunit nang magpakita uli ito ng interes sa kanya ay tila unti-unting natitibag nito ang yelo na ibinalot niya sa kanyang puso. At kahit ano ang pilit niya na maging immuned sa charm nito, natagpuan niya ang sarili na nahuhulog uli rito.
Sa kabila ng takot ay pinili niyang sumugal uli sa pag-ibig niya rito. Ngunit nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay ito noon sa kanya. At may kinalaman iyon sa matagal nang alitan sa pagitan ng kanya-kanyang pamilya.
Bigla ay kinailangan niyang mamili: ang kanyang pag-ibig kay Lendon o ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya…

3. PHR 5065 Deactivated Heart by Laurice del Rio


Mula nang mamatay sa isang aksidente si Julius ay pinili nang ibuhos ni Lara ang buong atensiyon niya sa kanyang trabaho. Maganda naman ang naging bunga niyon dahil umani siya ng maraming parangal. Kontento na sana siya sa ganoong estado pero dumating sa buhay niya si Rob at binulabog nito ang puso niyang inakala niyang nawalan na ng kakayahang magmahal.
May pinagdaraanan din ang lalaki at dahil siguro doon kaya naging mas madali para sa kanya na makaramdam ng koneksiyon dito. Hindi man niya sinadya ay natuklasan niyang natutuwa siyang makasama ito―tuwang napunta sa isang mas malalim pang emosyon.
Sa pagkakasama nila ni Rob ay naunawaan na niya ang ipinagsisiksikan sa kukote niya ng mga nagmamahal na sa kanya. Na hindi por que nawala si Julius ay kailangan nang tumigil sa pag-inog ang mundo niya.
But just when Lara was ready to love again, she discovered something about Rob. Iyon din ang naging daan para mawala ito sa kanya.

4. PHR 5066 The Marriage Revenge (Roccanti's Marriage Revenge) by Lynne Graham (translated by Bettinna)


Mayaman, maganda, at tagapagmana ng isang sikat na hotel chain si Zara del Rosario. Bukod doon ay ikakasal siya sa isang bilyonaryo at guwapong lalaki. Pero nakilala niya si Vitto Roxas nang kunin siyang garden designer ng villa na pag-aari nito. Unang kita pa lang niya kay Vitto ay nakadama na siya ng atraksiyon sa lakas ng dating at karisma nito.
Pero hindi akalain ni Zara na mawawala sa kanya ang lahat nang mabunyag ang naging ugnayan nila ni Vitto. Itinakwil siya ng mga magulang niya at tinalikuran ng lalaking pakakasalan niya. Ang masaklap ay nalaman niyang ginamit lang siya ni Vitto para makapaghiganti sa kanyang ama na kinasusuklaman nito nang labis. At hindi niya sukat-akalain na ang pagkawala sa kanya ng lahat ay mapapalitan ng dalawang taong magkakaroon ng malaking bahagi sa buhay niya—si Vitto at ang buhay sa sinapupunan niya…

5. PHR 5067 Camp Speed 8: The One Who Holds My Heart by Nikki del Rosario


Hindi matawaran ang paghangang nararamdaman ni Akane Mishima kay Zeke Figuerroa, ang star player ng basketball team ng university nila. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang ipakilala siya ng isang kaibigan dito. Kakatwa ang mga pagkakataon na nagkikita sila ng binata. Kung hindi siya tinatamaan nito ng bola ay nababangga naman siya nito dahilan para bumagsak siya. Ngunit hindi naging hadlang ang mga insidenteng iyon para magkalayo sila. Sa halip ay naging daan pa iyon para lalo silang magkalapit sa isa’t isa. Handa na sana si Akane na aminin kay Zeke ang kanyang nararamdaman pero nakita niya itong may kahalikang babae. Dahil sa sakit ng kalooban ay pinili niyang lumayo na lang dito.
Pagkalipas ng pitong taon ay muling nagkita sina Akane at Zeke sa Camp Speed. Ngunit hindi inaasahan ni Akane na ganoon kalamig ang magiging pakikitungo nito sa kanya. May pag-asa pa kayang maibalik ni Akane ang pagmamahal na nararamdaman ni Zeke sa kanya noon kung mukhang may galit itong nararamdaman sa kanya?

6. PHR 5068 The Love Confessions by Saab De Andrade


“Be my girlfriend.”
That was the most catastrophic condition Nessah had ever heard in her entire life. Lalo na at galing iyon sa pinakanakakainis at pinakamayabang na modelong kilala niya, si Allen Hay.
She had two options: First, say the big “No, I won’t accept your offer!” Second, say, “Yes, it’s a deal.” Si Allen lamang kasi ang puwedeng makatulong sa kanya at makapagpahiram sa kanya ng perang kailangan niya para maipatayo niya ang pangarap niyang negosyo.
Buong tapang na pinili ni Nessah ang second option para sa kanyang pangarap. Malinaw na sinabi sa kanya ni Allen na bored lang ito sa buhay nito kaya gusto nito na maging girlfriend siya. Pero tila biglang nagbago ang ihip ng hangin dahil iba ang ipinapakita at ipinadarama nito sa kanya bilang boyfriend niya. He suddenly turned into a caring and adorable person. And just like a rocket, she fell so fast for him.
But things turned out to be wrong, because she found out that behind that condition was a painful truth. She felt betrayed, weak, and hurt.
Sana ay pinili na lang niya ang unang option niya at hindi na lamang tinanggap si Allen sa kanyang tamihik na mundo.

7. PHR 5069 The Playboy Millionaires Trilogy 3: Precious Moments With A Price by Cady Lorenzana

Back to top Go down
 
November 20, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News November 7, 2013
» Do Dil...EK Jaan - WRITTEN UPDATE - 15 November 2013
» Mahabharat Written Update November 20th 2013
» Do Dil Ek Jaan 21st November 2013 Watch Online
» Khelti Hai Zindagi Aankh Micholi 22nd November 2013 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: