HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 13, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 13, 2013 Book Release   Thu Nov 14, 2013 7:12 am

1. PHR 5055 Wake Up, Tough Love by Venus Franz


Mula sa probinsiya ay sinadya ni Ara Arjanine ang Precious Ville para kunin sana ang mga pamangkin niyang nasa poder ng bayaw ng kuya niya. May problema kasi ang mga magulang ng mga bata kaya pinakiusapan siya ng kapatid niya na kung maaari ay siya muna ang mag-alaga sa mga anak nito. Ngunit nang magkaharap na sila ni Rye dela Torre, hindi ito pumayag na isama niya paalis ang mga bata. Wala tuloy siyang naging choice kundi ang tumira sa bahay nito―sa ayaw at sa gusto nito―para lang maalagaan niya ang mga pamangkin nila.
Her brother was right about Rye. He was a tough guy. Pasalamat ito at itinataob ng kaguwapuhan at kakisigan nito ang pagiging masungit, suplado, at tila pusong-bato nito. Pero sa kabila ng pag-uugali nitong iyon, hindi pa rin niya maitatangging gusto niya ito noon pa man. Pero paano kaya sila magkakasundo kung ang gusto niya ay taliwas sa mga gusto nito?

2. PHR 5056 The Cheapskate’s Prince by Celina


Napakasuplado at arogante ng bagong kapitbahay ni Antonia na si Timothy Grey. Una, sinabihan siya nitong maingay at istorbo. Pangalawa, nang minsang ma-hold up ang sinasakyan nilang jeepney, sa halip na iligtas siya nito ay tila ipapahamak pa siya nito. Mabuti na lang at walang masamang nangyari sa kanya. He later explained na taktika lang daw nito iyon upang ma-divert ang atensiyon ng holdupper dito nang sa gayon ay masukol nito iyon.
Gayunman, naging sagad hanggang buto ang pagkainis ni Antonia rito. Wala siyang pakialam kahit napakaguwapo pa nito. Kung puwede lang ay huwag nang magkrus pa ang mga landas nila. Pero hindi niya iyon maiwasan. Sa mga pagkakataong nangyayari iyon ay kinakailangan pa niya ang tulong nito.
He became her knight in shining armor. Hanggang sa magising na lamang siya isang araw na umiibig na siya rito.
Pero hindi niya alam na miyembro pala ito ng isang private investigative agency, at siya ang “assignment” na iniimbestigahan nito.
Paano niya mapapatunayan dito na ang tanging kaso na guilty siya ay ang umibig siya rito?

3. PHR 5057 More Than A Fairy Tale: Belle And The Heartless Beast by Jelaine Albert


Dahil sa pangit na kaanyuan ay nagpasya si Arthur na ikulong ang sarili sa loob ng malungkot na mansiyon. Tahimik ang buhay niya hanggang sa may isang magandang babae na pumasok sa loob ng tahimik at mapanglaw na mundo niya. Hindi lamang ang mundo niya ang pinasok at binulabog nito kundi maging ang kanyang patay na puso at isipan.
Belle gave him a new heart and breathed life into him once again. Ito lamang ang tumingin sa kanya na walang bahid ng takot o pandidiri. Natagpuan na lamang niya ang sariling umaasa na maaaring maging normal uli ang buhay niya sa kabila ng malahalimaw na mukha at pagkatao niya.
Subalit mali pala ang umasa. Dahil malayong-malayo ang totoong buhay sa pantasya. Kung sana ay kasindali lamang ng pagsasabi ng salitang “mahal kita” ang pagkaputol ng bangungot at sumpa ng nakaraan na nakatatak na hanggang sa kahuli-hulihang bakas ng pagkatao niya.
Pipiliin ba niyang makasama ito gayong maaaring maulit na naman ang masalimuot na nakaraan?

4. PHR 5058 Ikaw Lang Ang Aking Mahal by Jelaine Albert


Pangarap ni Tasha na magbagong-buhay―isang buhay na malayo sa nakaraang gusto na niyang ibaon sa limot. Tila naman si Luis Miguel Calderon na ang sagot sa pangarap niyang iyon. Guwapo at mayaman ito pero masungit. Inalok siya ni Miguel ng trabaho sa mansiyon nito. Dahil doon ay unti-unting nagbago ang unang impresyon niya rito. Mabait din naman pala ito at marunong ngumiti.
Sa pagtuntong ni Tasha sa malapalasyong tahanan ni Miguel ay buo na ang plano niyang magtrabahong mabuti upang kumita. Ngunit isang bagay ang nangyari na walang-wala sa plano niya—na-in love siya rito. Magkaroon man siya ng pag-asang mahalin nito, pero kaya bang manaig ng pag-ibig sa malayong agwat ng pamumuhay nila?

5. PHR 5059 Read My Lips… I Love You by Laurice Del Rio


Nang unang magkrus ang mga landas nila ni Drew ay rumaraket lang si Bianca bilang isang pekeng medium na may kakayahang makipag-usap sa mga kaluluwa. Kaya noong una pa lang ay alam niyang isang manloloko ang tingin nito sa kanya.
Tinalikuran na ni Bianca ang lumang gawain niya at nagtrabaho siya nang marangal pagkatapos niyon. Ngunit sa kasamaang-palad ay mapipilitan na naman yata siyang gampanan ang lumang papel niya. At kasama na naman si Drew sa eksena.
Sa pagkakataong iyon nga lang ay sumusumpa siya na hindi na kunwa-kunwarian lang ang mga nakikita at nararamdaman niya. Totoong tila may nagpaparamdam sa kanya. Isa na roon ang kaluluwa ng napatay na nobya ng kapatid ni Drew.
She wanted to get to the bottom of things. Hindi nga lang inakala ni Bianca na sa pagnanais niyang tuklasin ang mga pangyayari ay malalagay sa peligro, hindi lang ang puso niyang nahulog na nang tuluyan sa binata kundi pati na ang mismong buhay niya.

6. PHR 5060 Surrendering All But Her Heart by Melanie Milburne (translated by Jade Alleje)


Isang malaking sakit ng ulo para kay Natalie nang malaman niyang nanira ng kuwarto sa isang hotel ang kanyang nakababatang kapatid at kasalukuyang nakakulong. Sa dinami-rami ng hotel na wawasakin nito ay ang hotel pa ni Angelo Bellandini—ang lalaking iniwan niya limang taon na ang nakararaan at ayaw na niyang makita pa. Subalit wala siyang magagawa kundi harapin ito. Ito lang ang makapagliligtas sa kapatid niya.
Papayag itong makipag-ayos sa kanya subalit hindi pera ang kailangan nitong kabayaran kundi ang pakasalan niya.
Kaya ba niyang ipakipagsapalaran ang kinabukasan niya para sa kinabukasan ng kapatid niya? Handa ba siyang bumalik uli sa piling ni Angelo kahit alam niyang paghihiganti lang ang layunin nito at handa itong angkinin ang puso niya para lang wasakin gaya ng ginawa niya rito dati?

7. PHR 5061 Here In My Heart by Dwayne Izzobelle


Sa halos dalawang dekada ng buhay ni Beevan ay never pa siyang na-in love sa isang tunay at buhay na buhay na nilalang. Ang dahilan ay ang mga lalaki sa libro at pelikula na walang awa niyang pinapantasya. Ano ba naman ang magagawa niya kung wala ni isa man sa mga manliligaw niya ang nagtataglay ng mga katangian ng mga lalaking iyon?
Until Beevan met Clarence―her dream boy, at last! At wala na siyang ibang pinangarap kundi ang makamtan ang pag-ibig nito. Ngunit sa kasamaang-palad, si Dream boy at ang suwerteng boylet ng maladiyosang pinsan niyang si Joyce ay iisang tao lang pala. And sorry for her, Clarence was madly in love with Joyce.
Ang saklap!
But fate gave her a chance in a lifetime nang mawala na sa eksena si Joyce. Ang makulong sa mga bisig ni Clarence ay talaga namang dream come true. Ngunit hindi pa man niya nae-enjoy nang todo ang kanyang moment ay muling nagbalik si Joyce upang bawiin ang dating pag-aari nito na minsang ibinilin nito sa kanya.

8. PHR 5062 From Dirt To Diamonds by Julia James (translated by Xia Virgo)


Para kay Thea, ang muling pagsulpot ni Angelo sa buhay niya―habang nasa bingit ng pagpo-propose ng kasal ang politician boyfriend niya ay hindi magandang senyales. Si Angelo ang nakapagpapaalala sa kanya ng kanyang madilim na nakaraan.
Binago na niya ang sarili, ang pagkatao, at ang buhay niya.
Angelo can’t forget how she used him―at hindi ito titigil sa pagsira sa kanyang buhay. Kahit gamitin pa nito ang seduction bilang sandata…
Back to top Go down
 
November 13, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News November 7, 2013
» Do Dil...EK Jaan - WRITTEN UPDATE - 15 November 2013
» Mahabharat Written Update November 20th 2013
» Do Dil Ek Jaan 21st November 2013 Watch Online
» Khelti Hai Zindagi Aankh Micholi 22nd November 2013 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: