HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 6, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 6, 2013 Book Release   Thu Nov 14, 2013 6:29 am

1. PHR 5045 Knocking O Your Door One Very Stormy Morning by Camilla


Upang magpalamig mula sa kanyang disastrous engagement party, nagbakasyon si Chastity Francia sa isang retreat house sa Mt. Banahaw. Nang pauwi na siya sa Manila ay inabutan siya ng super typhoon sa daan. Tumirik ang vintage car niya at kinailangan niyang makituloy sa pinakamalapit na bahay. Pinatuloy naman siya ni Neil Uri, ang rock star na kilalang playboy.

Tinawag siyang “cold fish” ng kanyang ex at “Ice Queen” ng media, ngunit nang makasama niya ang guwapong rock star, diyata’t umiinit ang cold fish at natutunaw ang Ice Queen. Paano na siya pagkatapos ng bagyo at bumalik na sila sa kanya-kanya nilang buhay?

2. PHR 5046 Camp Speed 7: Just A Kiss by Cady Lorenzana


Seven years ago, Karla and Zeb were friends. Pero nang ma-misplace ni Zeb ang love letter na ginawa niya para sa kapatid nitong si Zen ay naging kaaway na niya ito. Kaya nang muling pagtagpuin ang mga landas nila ay halos maputol ang leeg niya sa kakailing na makausap ito. But she needed Zeb para sa pinakahihintay niyang promotion sa trabaho. Kapalit ng tulong nito ang isang kondisyon: kailangan niyang magtrabaho sa shop nito nang tatlong linggo. Tinanggap niya ang kagustuhan nito alang-alang sa promotion na pinakaaasam niya. Hanggang sa may nagsabi sa kanya na huwag na niyang awayin si Zeb. Iminungkahi pa nito na gayahin niya ang kuwento ng The Princess and the Frog para magkabati sila ni Zeb. And she did.
Her life changed drastically because of the kiss she and Zeb shared. At dahil sa halik na iyon ay biglang bumait sa kanya si Zeb. Gaya ng nababasa niya sa fairy tale, parang magic na nagkatotoo sa kanila ang nangyari sa libro. Unti-unti ring nagbago ang damdamin niya rito. Napagtanto niyang mahal na niya ito. Ngunit katulad ng nangyayari ay may limitasyon din ang magic na nararamdaman niya. Dahil nalaman niyang parte pa rin pala ng pang-aasar nito sa kanya ang pagiging mabait nito. Ang masaklap sa lahat ay nalaman niyang inutos lang pala iyon kay Zeb kaya ito naging mabait sa kanya.

3. PHR 5047 A Stalker To Remember by Holly Laine


Natural lamang na makatanggap ng mga bulaklak, tsokolate, at love letters mula sa isang admirer. Ngunit dahil isa siyang lalaki at halos araw-araw iyong nangyayari ay ibang usapan na iyon. Idagdag pang tila laging may nakasunod sa kanya at nasusundan nito ang mga galaw niya kaya labis na siyang nababahala.
King had to agree with his friends. Hindi yata’t may stalker siya! Halos isumpa na niya ang kung sino mang stalker na iyon.
Pero nang hindi sinasadya ay nahuli niya ang naturang “stalker” ay nagulat siya; nalusaw ang pagkainis niya. Her name was Mao, ang ubod ng gandang dalaga na mas nararapat alayan ng mga bulaklak. Pero na-disappoint siya nang nagpakilalang manliligaw diumano niya ito. Diyata’t may-pagkabaliw ang magandang babae!
Sinubukan niyang sungitan si Mao para layuan siya nito, pero determinado itong mapalapit sa kanya. Sa huli, napansin na lang ni King na nahuhulog na siya kay Mao. Ngunit ganoon na lamang ang galit at sakit na naramdaman niya nang malaman na pinaglalaruan lang siya ni Mao.

4. PHR 5048 To Kiss A King by Maureen Child (translated by Armine Rhea Mendoza)


Para sa security expert na si Garrett King, routine na ang pagliligtas sa isang damsel in distress—kahit isa pa itong runaway princess at lalo na kung isa itong sexy at kaakit-akit na babae na ayaw na niyang mawalay sa kanyang paningin.
Alam ni Garrett na tumakas sa kastilyo nito si Princess Alexis para hanapin ang kalayaan at tunay na pag-ibig nito—at iniisip nitong natagpuan nito iyon sa kanya. Ngunit hindi siya isang white knight. Bilang bodyguard, palihim siyang inupahan upang protektahan ito sa pakikipagsapalaran nito. At bilang isang confirmed bachelor, hindi uso sa kanya ang mga happily ever after…
Ngunit ang isang halik mula sa isang prinsesa ay maaaring baguhin ang lahat.

5. PHR 5049 My Bride From A Fairy Tale by Nicka Gracia


Dahil sa pagkakasangkot ni Snow at ang ex-boyfriend niyang si Paul sa isang eskandalo ay kinailangan niya ng isang lugar kung saan siya matatahimik at makakapagpahinga.
Natagpuan naman niya ang hinahanap na katahimikan sa Happy FM kung saan isa siyang resident DJ. And she was grateful that the Happy Boys were there to help her, especially Fyfe.
Inalok si Snow ni Fyfe na magpanggap sila bilang magnobyo para tigilan na ng mga press ang pagli-link sa kanya kay Paul. Fyfe has always been her hero. Naging kaibigan niya ito, sandigan, at kakampi. Hanggang sa unti-unti ay naramdaman niya ang muling pagtibok ng kanyang puso.
Pero minsan na siyang naniwala sa pangako ng pag-ibig at nagawa niyang talikuran ang lahat para doon. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung kaya pa ba niyang ipagkatiwala ang puso sa iba.

6. PHR 5050 The Playboy Millionaires Trilogy 2: Playing With Stock by Cady Lorenzana


Kilalang player si Karen at ang pastime niya ay ang magpaluha ng mga lalaki, lalo na iyong mga kasama sa mga tinaguriang “Playboy Millionaires.” May ulterior motive siya sa ginagawa niya. She wanted revenge.
Nang makilala niya si Stock nang minsang iligtas siya nito sa kapahamakan dahil sa kalokohan niya, naisip niya na ito ang pinakamagandang paglaruan dahil talagang ubod ng palikero ito. Kumakagat na ito sa kanya at nahuhumaling na sa charms niya. Sapat na iyon para saktan na niya ito. Pero nag-backfire ang lahat ng plano niya.
Paano ba niya paglalaruan ang isang tulad nito na walang ibang ginawa kundi alagaan at protektahan siya… at higit sa lahat, tanggapin at mahalin ang buong pagkatao niya?

7. PHR 5051 Serendipity Diaries: Faith by Emily Reese


Matindi ang paniniwala ni Faith sa love and destiny. Kaya nang makilala niya si Arwind Santos, isa sa mga campus heartthrob sa university nila ay naniwala agad siya na ito ang “fated one” niya. Walang pag-aalinlangan, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, kara-karaka! Why not? Ito naman ang itinuturo ng sign na hiningi niya sa langit.
He became her best friend and lover. They were a perfect couple. Ngunit dahil sa isang pagkakamali ay nagawa niyang talikuran at iwan si Arwind sa kabila ng pagmamahal nito sa kanya.
Pagkalipas ng halos apat na taon, nagbalik siya sa Pilipinas upang bawiin ang pagmamahal ni Arwind. Pero sa pagbabalik niya sa buhay nito ay na-realize niya kung gaano na kalayo ang agwat nila sa isa’t isa. Arwind was now a superstar at isa na lang siya sa mga tagahanga nito. At hanggang ngayon, galit pa rin ito sa nagawa niyang pakikipaghiwalay rito noon.
But she was determined to win him back. Kahit na ang tanging pinanghahawakan lang niya ay ang pagmamahal niya rito at ang “sign.”

8. PHR 5052 Mr. Right There All Along by Jackie Braun (translated by Janis delos Reyes)


Para kay Chloe, ang tanging taong maaasahan niya ay si Simon, ang best friend niya mula pa noong high school.Ito ang palaging hinihingan niya ng opinyon. Kaya nang palapit na ang high school reunion nila at gusto niyang baguhin ang sarili niya para pamukhaan ang mga nang-api sa kanya noon, kay Simon niya sinasabi ang mga balak niya. Pero tuwing ginagawa niya iyon, madalas ay nauuwi lang sila sa pagtatalo… at sa awkward na sitwasyon.
Napapansin din niyang madalas ay tuliro si Simon. Hanggang sa komprontahin niya ito at aminin nitong may babaeng gumugulo sa isip nito. Ngunit nang i-describe nito ang babaeng sabi nito ay matagal na nitong mahal, pakiramdam ni Chloe ay siya ang tinutukoy nito. At habang tumatagal ay lalong tumitibay ang pakiramdam niyang iyon. May dalawang tanong lang na gumugulo sa kanya: kung siya ang mahal ni Simon, bakit hindi nito iyon sinasabi sa kanya? At bakit gustong-gusto niyang magkatotoo ang kutob niya gayong sigurado siyang kaibigan lang ang turing niya rito?

9. PHR 5053 Fireworks And You by Mandie Lee


Raizel had been living a plain and boring life, almost stuck in a house by the beach. Nagbago lang ang lahat nang makilala niya si Flynn, isang guwapong bakasyunita sa kanilang bayan. With him, she learned to be adventurous and carefree. He was like a firework in her dark sky—bright, colorful, and exciting.
Her young heart fell for his charm.
Pero gaya ng fireworks, mabilis ding natapos ang kaligayahan niyang iyon. Gaya ng babala sa kanya ng kanyang tiya, sinaktan nga siya ni Flynn at naghiwalay silang sugatan ang kanyang puso.
Pagkatapos ng mahigit limang taon ay nagkita uli sila ni Flynn. Umupa ito bilang transient sa mismong bahay niya at ayaw lumayas kahit ano ang gawin niya. Feel na feel pa nitong i-display sa kanya ang killer abs nito na parang model lang ng Abercrombie and Fitch.
Raizel hated him and she should get rid of him, fast. Pero noong halikan siya nito, nagka-fireworks uli sa buhay niya. She knew her heart was in big trouble again…

10. PHR 5054 The One I Used To Love by Xandria


Kung may isang bagay mang natutuhan si Ruth sa kanyang buhay, iyon ang katotohanang hindi sapat ang mga salitang “I do” para mapatunayang magiging maligaya na ang buhay ng isang tao kasama ang lalaking pinakamamahal nito.
Napatunayan niya iyon nang maghiwalay sila ng kanyang asawang si Lay Raven, almost six years ago. Dahil sa hindi sapat na pagtitiwala nito sa kanya ay nasira ang love story nila. Umalis itong galit na galit sa kanya na para bang ito pa ang may karapatang magalit samantalang siya ang totoong biktima.
Kaya inis na inis siya nang sa halip na matuwa ito dahil naghain na siya ng annulment sa kasal nila, sinabi pa nitong hindi siya nito pakakawalan para lang lumigaya sa piling ng iba. At may maitim pa itong balak sa kanya—ang paghigantihan siya.
Tila umaayon naman dito ang tadhana. Bigla na lang kasi niyang natagpuan ang sariling muling umiibig dito. At ang masaklap, kung kailan niya naamin sa sarili na mahal na niya ulit si Lay Raven, saka naman nito biglang ibinigay ang annulment na hinihingi niya…
Back to top Go down
 
November 6, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News November 7, 2013
» Do Dil...EK Jaan - WRITTEN UPDATE - 15 November 2013
» Mahabharat Written Update November 20th 2013
» Do Dil Ek Jaan 21st November 2013 Watch Online
» Khelti Hai Zindagi Aankh Micholi 22nd November 2013 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: