HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 30, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 30, 2013 Book Release   Sat Nov 09, 2013 12:06 pm

1. PHR 5035 When Warning Bells Become Wedding Bells by Lexi Levina


Hindi sinipot si Daniela ng lalaking pakakasalan niya dahil may ibang babae ito at may anak ito sa babaeng iyon. Labis siyang nasaktan at naging dahilan iyon upang maging mailap siya sa kalalakihan at maging allergic na siya sa kasal.
Pero nakilala niya si JC.Binago nito ang pananaw niya. Natuklasan niyang hindi lahat ng lalaki ay nananakit ng babae, ang iba ay nag-aalaga, tulad ng pag-aalaga nito sa kanya. Naging mabuting kaibigan ito sa kanya.
Di naglaon ay nahulog ang loob ni Daniela kay JC. At kung kailan tinanggap na niya iyon sa sarili ay saka niya nalaman na ikakasal na ito. Ayaw niyang makasira sa pangarap ng isang babaeng ikakasal—dahil nanggaling na siya roon—kaya siya na ang kusang umiwas kay JC. Pero hindi pala niya kaya… dahil puso niya ang higit na nagdurusa.

2. PHR 5036 The Playboy Millionaires Trilogy 1: In Love With Cash by Cady Lorenzana


Kakikilala pa lang ni Charity kay Cash ay sinabi agad niya rito na pera ang problema niya. Tinulungan naman siya ni Cash. Ang kapalit niyon ay magpapakasal sila para makuha na ni Cash ang nais nito mula sa tiyahin nito. It was a marriage of convenience and she was okay with it because she had no plans of getting married in the future with the purpose of love. Isa pa, hindi naman sila nagsasama at malayo sila sa mga mata ng tiyahin nito kaya feeling dalaga at binata pa rin sila. Sa papel lang talaga sila kasal.
Hanggang sa dumating si Angelo sa buhay ni Charity. She fell in love with him and after months of being together, he finally asked her to marry him. Kinain niya ang lahat ng sinabi niya na hindi siya iibig at magpapakasal dahil sa pag-ibig.
Gustong-gusto ni Charity na umoo sa proposal ni Angelo pero kasal siya kay Cash. At dahil nagbago na ang ihip ng hangin sa buhay niya, nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa asawa niya. Pero ayaw pumayag ni Cash unless magpapanggap uli siya na asawa nito sa harap ng ama ng babaeng nais pumikot dito. For the last time, pumayag siya para tuluyan nang makawala rito. What she didn’t know, it was the start of something more than their “business transaction” years ago.
Nagbago uli ang ihip ng hangin. She wanted to be Cash’s forever.

3. PHR 5037 Los Matadores Bullriding Club Series 16: Alfonso Pascual by Camilla


Hindi maaaring itanggi ang attraction sa pagitan nina Easy at Alf sa unang pagkikita pa lang nila. Ngunit ang kakaibang damdamin na mayroon sila para isa’t isa ay posibleng iba ang dahilan.
Sa pagkatuklas nila sa nakaraan ng kanilang mga magulang, kasabay niyon ang pagbagsak ng mundo ni Easy. Kinailangan niyang lumayo sapagkat malaki ang posibilidad na mali ang ibigin nila ni Alf ang isa’t isa…

4. PHR 5038 Scared To Death by Bridgette Marie


Bata pa si Riddle ay alam na niyang si Emerben ang prinsipeng itinakda ng tadhana para sa kanya. Batid niyang mahalaga rin siya rito dahil nakikita niya kung paano ito magpasensiya sa kakulitan niya. Pero isang pangyayari sa buhay ni Emerben ang nagpabago rito. Inilayo nito ang sarili sa pamilya nito at maging kay Riddle.
Determinado man si Emerben na idistansiya ang sarili nito, determinado rin si Riddle na ibalik ang Emerben na kilala at minahal niya. At nakahanda siyang gawin ang lahat upang mangyari iyon…

5. PHR 5039 My Queen And I by Bethany Sy


Hindi inaasahan ni Dulce na makakadaupang-palad niya ang isa sa mga pinakasikat na artista sa Pilipinas at sa Korea na si Park Dae Jung. Wala rin siyang kaalam-alam na kaibigan ito ng mga kuya niya. Mula nang sumulpot ito sa bahay nila ay hindi na natahimik ang sistema niya. Bukod sa naiilang siya rito dahil nalaman nitong updated siya sa mga Korean drama na pinagbibidahan nito ay kakaiba rin ang damdaming nararamdaman niya tuwing malapit ito sa kanya. Hindi niya inasahan na mapapalapit siya rito. Namalayan na lang niya ang kanyang sariling nahuhulog sa karisma nito.
Ngunit sadya yatang hindi sila para sa isa’t isa dahil pilit silang pinaglalayo ng tadhana. Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na magkakahiwalay sila. Pero nagkalayo pa rin sila dahil sa mga pangyayaring nagpabago sa buhay nila. Nalaman na lang niyang umalis ito ng bansa at bumalik sa Korea na galit at may hinanakit sa kanya. May pag-asa pa kayang maayos nila ang dating relasyong mayroon sila sa kabila ng ginawa niya rito para masolusyunan ang problema niya?

6. PHR 5040 Remember When by Solitaire


Ipinangako ni Cassie sa sarili na hindi siya iibig dahil sa harap-harapang pambababae at panloloko ng papa niya sa mama niya. Pero nang makilala niya si Ryza ay binago nito ang pananaw niya na pare-pareho lang ang mga lalaki. They got married.
Ang akala niya ay iyon na ang umpisa ng maliligayang sandali sa buhay niya. Ngunit isang araw ay bigla na lang bumulaga sa pintuan ang ex-girlfriend ni Ryza at isinampal sa kanya ang katotohanang niloloko siya ni Ryza. Buntis daw ito at si Ryza ang ama. Ang pinakamatindi sa lahat, fake daw ang kasal nila ni Ryza. Sapat na ang maumbok nitong tiyan at dokumentong baon nito para ebidensiya.
Sa labis na galit at sakit ay nagpakalayo-layo siya. Sinubukan niyang mag-umpisa uli. Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay binabawi siya ni Ryza sa masasakit at nakakainsultong paraan—bilang pambayad-utang ng papa niya at upang gawing kabit nito. Malinaw na gusto siya nitong gantihan dahil sa akusasyon nitong iniwan niya ito. Gayunman, natagpuan na lang niya ang sariling nahuhulog uli sa patibong nito. Paano niya sasawayin ang puso niyang tiyak na masasaktan muli?

7. PHR 5041 Marry Me, Bree by Camilla


Ikakasal na si Bree nang mamatay sa plane crash ang pilotong fiancé niya. Ilang taon ang lumipas bago siya naka-move on sa trahedya. Nakilala niya si Valentino Joaquin, isang guwapong chef at restaurateur, ngunit sa kanyang panghihinayang ay may taglay itong kahinhinan. Gayunman, hindi iyon naging hadlang sa matinding atraksiyong naramdaman niya para dito. May kailangan ito sa kanya at sinamantala niya ang pagkakataong iyon para mapagbigyan ang hiling ng kanyang abuela na may taning na ang buhay.
Ibebenta niya kay Valentino ang lupaing matagal nang ninanais ng pamilya nito kapalit ng pagpapakasal nito sa kanya. Ganoon na lang ang tuwa niya nang matantong hindi bakla si Valentino gaya ng una niyang hinala.
Maayos na sana ang lahat, kung hindi lang sa biglaang pagsulpot mula sa supposed death nito ang dati niyang fiancé—si Ned. Buhay ito at umaasang walang nabago sa pagitan nila sa loob ng anim na taong lumipas na “patay” na ito.

8. PHR 5042 A Moment With You by Juris Angela


Jasmine lived like a princess. Sa yaman ng pamilya niya, kayang-kaya niyang makuha ang lahat ng naisin niya. Gayunman, nananatiling may hungkag na bahagi sa pagkatao niya—ipinagkakait sa kanya ng kanyang ama ang kalayaan na mamili ng lalaking mamahalin niya. Kung kani-kaninong anak ng kumpare nito siya inirereto. Sa tuwina ay kung ano-anong paraan ang ginagawa niya para lang matakasan ang mga inirereto sa kanya.
Sa minsang pagtakas niya ay nalagay siya sa isang alanganing sitwasyon. Mabuti na lang at iniligtas siya ng isang guwapong estranghero—si Allen. Animo isa itong Prince Charming dahil sa angking kakisigan nito. Iyon nga lang, sa halip na pamunuan ang isang kaharian ay isang kakarag-karag na jeep ang pinatatakbo nito. Gayunman, hindi iyon naging hadlang para mahulog ang loob niya rito. At nang magkahiwalay sila ay nanatili itong laman ng puso at isip niya.
Lumipas ang ilang taon. Isang bagong Allen ang bigla na lang nagpakita sa kanya. Ang dating jeepney driver, ngayon ay nagmamay-ari na ng isang malaking kompanya. He turned into a real Prince Charming now.
Handa na sana siyang maging reyna ng kaharian nito kung hindi lang niya nalaman na huwad pala ang pagkatao nito…

9. PHR 5043 Love Unspoken by Amanda


Isabel wanted to believe it was a one-night stand. Dalawang taon na ang nakalilipas nang ipagkaloob ni Isabel ang sarili niya kay Alfred dahil sa labis na sama ng loob niya sa pagpapakasal ng dating nobyo niyang si Ramir sa iba. Hindi na sila nagkausap ni Alfred pagkatapos niyon dahil umalis siya ng Mt. Province upang takasan ito.
Ang akala niya ay hanggang doon lang iyon. Ayaw niyang umuwi sa kanila dahil takot siyang makaharap si Alfred. Natatakot siyang ungkatin nito ang nakaraan.
Pero dumating ang kinatatakutan niya. Kailangan niyang umuwi sa Mt. Province dahil ikakasal ang anak ng madrasta niya. At sa pagkabigla niya ay si Alfred ang groom!

10. PHR 5044 Not A Marrying Man by Miranda Lee (translated by Lorry Virgo)


Si Warren Quintas, isang milyonaryo na hindi takot isugal ang lahat―pera sa negosyo o maging ang buhay nito para sa thrilling sports. Ngunit hindi kasali sa mga kaya nitong isugal ang puso nito. May palugit si Warren kung kailan magtatapos ang bawat relasyon na pinapasok nito.
At pakiramdam ni Amber Rosales ay malapit nang mangyari iyon sa relasyon nila ni Warren.
Ten months ago, nang alukin siya ni Warren na maging girlfriend nito ay hindi niya napaglabanan ang atraksiyon na nararamdaman niya rito. Pero ngayon ay nanganganib nang magwakas ang lahat.
Kaya habang busy si Warren sa pagsugal sa maraming bagay, busy rin si Amber na paibigin ito, baguhin ang pananaw nito tungkol sa pag-ibig…at sa relasyon.
Sana ay magtagumpay siya…
Back to top Go down
 
October 30, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pavitra Rishta 4th October 2013 Written Episode
» Do Dil Ek Jaan - Video Update - 10th October 2013
» Sapne Suhane Ladakpan Ke 22nd October 2013 Written Episode
» Pavitra Rishta 28th October 2013 Episode Watch Online
» Punar Vivah 2 31st October 2013 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: