HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 23, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 23, 2013 Book Release   Sat Nov 09, 2013 3:34 am

1. PHR 5028 Bukas Na Lang Kita Mamahalin by Stephany


Pauline was being haunted by nightmares from the past. Iyon din ang dahilan kung bakit hanggang maaari ay ayaw niyang magpunta sa mga lugar na malapit sa dagat.
Ngunit nang magdaos ng beach wedding ang best friend niya, kinailangan niyang pansamantalang harapin ang kanyang kinatatakutan. Noon niya nakilala si Oliver, ang may-aring beach resort na pinagdausan ng kasal. While she hated the sea, he was loving it. Gayunman, hindi naging dahilan iyon para mahulogang loob nila sa isa’t isa. She was actually thinking of having him permanently in her life. Pero kinailangan muna niyang lumayo para makipagbuno sa kanyang nakaraan at tuluyan nang palayain ang sarili mula roon. Sa kanyang pagbabalik, dala niya ang pag-asang isang bagong buhay—kasama si Oliver.
Ngunit tila tinangay ng alon ang lahat ng pag-asa niya nang malaman niyang ikinasal na si Oliver sa ibang babae…

2. PHR 5029 Married Maddison Falls In Love by Angelene Buena


Pangarap ni Maddison na maging isang designer. At abot-kamay na niya ang pangarap niyang iyon kung hindi lang natuklasan ng employer niya na kasal na siya.
Pero itinanggi niya iyon. Sinabi niyang hindi siya ang pumirma sa marriage contract, na isa iyong fraud. Ngunit malaki ang tiwala ng employer niya sa kakayahan niya, kaya binigyan siya nito ng isang buwan upang patunayang nagsasabi siya ng totoo—na hindi talaga siya kasal.
Ang unang pumasok sa isip niya ay kausapin ang asawa niyang si Brad na dalawang buwan na niyang hindi kinakausap.
Hiniling niya rito ang kalayaan niya. Pero hindi nakisama si Brad. Mahal pa rin daw kasi siya nito. Sa halip, sinabihan siya nitong bibilhin ang farm na minana niya sa daddy niya kapalit ng kalayaan niya. Hindi niya iyon magagawa.
Pero hindi niya kayang ibigay ang gusto nito. Kaya dinala niya ito sa farm niya. At doon ay isang realisasyon ang nararanasan niya. Na sakabila ng lahat ng gulong nangyari sa pagitan nilang mag-asawa, mahal pa rin niya ito.

3. PHR 5030 Bullies And Loverboys Book 5: Enchanted By Agatha by Viel Roberts


Pinangarap ni Kyle na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Pero na-distract siya nang makilala niya si Luna.
Naging kasintahan niya ito. Minahal niya nang lubos ngunit sa bandang huli ay sinaktan lang siya. Nakalimutan niyaang mga plano niya, pinabayaan niya ang kanyang pamilya nang magmukmok siya at magpakalunod sa kanyang kasawian.
Pero biglang dumating si Agatha sa lugar nila. With no family, Agatha looked like a damsel in distress—just like Luna when he first met her and that meant problem.
Ngunit pilit silang pinaglapit ng tadhana. Paano ba niya ito maiiwasan kung buong pamilya niya ay boto rito? Kaya na ba niya ngayong pagsabayin ang pamilya at pag-ibig?

4. PHR 5031 Way Back Home by Reve San Jose


Sa sagradong lugar ng St. Peter’s Basilica ay nakilalani Sophia si Luke, isang turistang Pilipino. Napagkamalan siya nitong si “Cayla,”
ang kasintahan nitong matagal na raw nitong hinahanap. Nagkahiwalay raw ito at si Cayla sa isang aksidente sa dagat ilang taon na ang nakararaan at mula noon ay hindi na nito nakita ang nobya.
Kamukhang-kamukha raw niya ang babae.
Kahit anong pilit ni Sophia, ayaw maniwala ni Luke na hindi siya ang nawawala nitong nobya. Gayunman, pumayag siya sa pakiusap nito na samahan niya ito sa pamamasyal sa buong Rome.
Tila nais niyang pagsisihan ang pagsama rito dahil sa bawat araw at oras na magkasama sila ay na papalapit nang husto ang loob niya sa guwapong lalaki. Pakiramdam niya ay matagal na silang may koneksiyon nito.
Hanggang sa natagpuan nalang niya ang kanyang sariling lihim na hinihiling na sana nga ay siya nalang si Cayla…

5. PHR 5032 The Wedding 2: Consuelo by Vanessa


Mataas ang ambisyon ni Consuelo sa buhay, bagaman salat siya sa salapi upang matupad ang lahat ng kanyang mga pangarap. Ngunit sa tulong ng kanyang nobyong si Dado ay nakapagpatuloy siya sa pag-aaral, at unti-unting natupad ang mga pangarap niya. Habang patuloy siya sa pagniningning ay naiiwan si Dado sa ibaba.
Nagsimula silang magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan na nauwi sa hiwalayan.
Makalipas ang pitong taon ay muli silang nagtagpo.Iba na si Dado—mayaman, tinitingala, at kinukuha ang serbisyo niya bilang engineer.
Higit salahat, nakatakda na itong ikasal sa iba. Ngayon ay nasasaktan nang labis ang puso niya sa kaalamang mapupunta ito sa iba.

6. PHR 5033 A Slice Of Happiness by Laurice del Rio


Nawala ang lahat ng ilusyon ni Pam kay Fiel Fajante nang malamang ikakasal ito sa maling dahilan—gusto nitong magkaanak. Kung tutuusin ay wala siyang pakialam doon. At dahil kinuha siya ng mapapangasawa nito para mangasiwa sa paghahanda sa kasal nito ay wala na siyang nagawa kundi pakitunguhan ito nang maayos. Ngunit hindi niya naiwasan na maging malapit kay Fiel nang kailanganin niya ang input nito tungkol sa kasal nito. At habang dumadalas ang pagkikita nila nito ay lalo niyang nararamdaman ang kakaibang damdaming pumupuno sa puso niya.
Isang malaking kalokohan kung papatulan niya ang damdaming iyon, kahit pa duda siyang mutual ang nararamdaman nila sa isa’t isa. Dahil siya ang pinakahuling babaeng babagay maging asawa nito. Hindi kasi niya kayang ibigay ang pinakamimithi nito.

7. PHR 5034 His Scarred Heart by Aya Myers


Nasangkot si Abby sa isang eskandalo at binigyan niya ng kahihiyan ang kanyang ama. Dahil doon ay pinarusahan niya ang sarili sa pamamagitan ng self-exile. Napadpad siya sa Peace Island, isang island resort sa Palawan. Doon ay nakilala niya si Lee, isang napakaaroganteng lalaki. Ang hindi niya alam, si Lee pala ang may-ari ng resort.
Hindi iilang beses na inakusahan siya ni Lee na isa siyang mababang uri ng babae. Inakala kasi nito na isa siya sa mga babaeng ginagawa ang lahat para makalapit dito. Gayunman, hindi maikakaila ang atraksiyon sa pagitan nilang dalawa. Namalayan na lang niyang nahuhulog na ang loob niya rito.
Ngunit sa isang lalaki na kagaya ni Lee—malamig, mayabang, at mapanghusga—walang pag-asa ang pag-ibig niya…
Back to top Go down
 
October 23, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pavitra Rishta 4th October 2013 Written Episode
» Do Dil Ek Jaan - Video Update - 10th October 2013
» Sapne Suhane Ladakpan Ke 22nd October 2013 Written Episode
» Pavitra Rishta 28th October 2013 Episode Watch Online
» Punar Vivah 2 31st October 2013 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: