HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 16, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 16, 2013 Book Release   Sat Nov 09, 2013 3:23 am

1. PHR 5019 Bullies And Loverboys 4: Lucky Charms And Aya by Viel Roberts


Wala sa hinagap ni Aya na isang araw ay magbabago ang tingin niya sa kababata niyang si Ramon. Klarong-klaro sa kanya na hindi sila magkasundo dahil wala itong ginawa mula pagkabata nila kundi asarin siya. Kaya laking gulat niya nang maramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso kapag nakikita niya ito. Mayroon na rin siyang nararamdamang tila tumutulay na koryente kapag hinahawakan siya nito. Pangit na senyales iyon pero wala siyang nagawa para pigilan ang damdamin niya. At nabigo siya.
Ano ba kasi ang gagawin niya kung hindi kayang sumugal ni Ramon sa pagmamahal niya?

2. PHR 5020 The Day We Met Again by Mellicent Martinez


Labis ang pagkainis ni Ceress sa half Korean classmate niyang si Reign. Wala kasi itong ibang ginawa kundi sirain ang araw niya noong elementary sila. Palagi siyang tinatawag nito na rabbit. Ito rin ang dahilan kaya nagkaroon siya ng phobia sa mga hotel room. Ikinulong kasi siya nito sa isang haunted hotel kasama ang isang “Red Lady.” And worst, nang balikan siya nito ay nakita siya nito sa isang nakahihiyang sitwasyon na dala ng labis na takot. Mula noon ay isinumpa niyang hindi na siya kailanman tatapak o sisilip man lang sa kahit anong hotel room. Hanggang isang araw ay napilitan siyang tumuloy sa isang hotel kung saan gaganapin ang kasal ng best friend niya. Nagbaon siya ng isang bote ng holy water at rosary. Ganoon na lamang ang takot niya nang mabungaran niya sa kama ang isang multo na nakasuot ng kumikinang na pares ng stilettos. Itinaboy niya ito sa pamamagitan ng dasal at pagwisik dito ng holy water pero wa epek dito dahil hindi naman pala ito isang ligaw na kaluluwa. He was a living creature oozing with sex appeal and he was none other than Reign, the naughty chinky kid turned into a naughty chinky gorgeous man!
Dapat ay magalit siya rito. Ano’t parang na-excite pa siyang makita ito roon sa kuwarto niya habang suot nito ang napakagandang bestida at isang pares ng stilettos?

3. PHR 5021 Darling by Belle Feliz


Masyadong komplikado at magulo ang buhay ni Nicole nang makilala niya si Dr. Keith Darlington. Nakadama agad siya ng matinding atraksiyon dito. Hinayaan niya ang kanyang sarili na maakit sa lalaki. She thought he was a good distraction from everything that was happening in her life.
They kissed and flirted. Sumama siya rito hanggang sa hotel room. He sweated bullets when his condom shredded on him. Lalong hindi napakali ito nang malaman nitong fertile siya. Tinawanan lang niya ito at sinabing wala itong dapat na ipag-alala dahil wala siyang kakayahang magbuntis. Iyon ang dahilan kung bakit iniwan siya ng kanyang asawa.
Anong gulat na lang nila nang malaman nilang buntis siya sa muli nilang pagkikita.

4. PHR 5022 Ako Na Lang Sana by Brandy Gallardo


Anna had been secretly in love with her friend Excel. Kabilang siya sa mga taong nai-in love sa isang kaibigan. Masyado nang gasgas ang sitwasyon niya. She was stuck in the friend zone. She was in love with her friend who was crazy over another girl.
May choice naman siya, she could walk away. Pero ayaw niya, masaya siyang maging kaibigan ni Excel kahit nasasaktan pa siya dahil alam naman niyang walang patutunguhan ang pagsintang-pururot niya.
Hanggang sa umabot ang pagiging dakilang best friend niya sa pagiging tagahagod ng likod nito at taga-comfort dito nang maging brokenhearted ito—secretly hoping that he could learn to look at her as a woman and not just his female buddy.

5. PHR 5023 Skipper’s Delayed Bride by Nicka Gracia


Hindi alam ni Fawn kung mapagbiro o malupit talaga sa kanya ang tadhana. Dahil pagkatapos ng limang taon ay muling nagkrus ang mga landas nila ng lalaking pilit niyang iniiwasan at kinakalimutan—si Skipper. Kasabay ng kaligayahan ng kanyang mga kaibigan ay ang pagbangon ng takot na malaman ni Skipper ang tungkol sa limang taong sekreto niya—their daughter.
But the inevitable happened. Matalino si Skipper at nadiskubre nito ang sekreto niya. Hindi tuloy niya alam kung dahil lang sa anak nila kung bakit nakikipaglapit ito sa kanya o dahil totoong hindi nawala ang pagmamahal nito sa kanya. But would she accept his love again?

6. PHR 5024 Temporary Boss, Permanent Mistress by Kate Hardy (translated by Janis delos Reyes)


Nang sumama si Lydia sa boss niyang si Jake Andersen sa isang business trip sa Norway, ang balak lang niya ay gawin nang maayos ang kanyang trabaho. Kapalit niyon ay papayagan siya nitong mag-resign. Ngunit mahirap palang mag-concentrate sa trabaho kapag nasa paligid niya ito. Jake was sexy, he was everything she wanted in a life partner. At mukhang pareho sila ng nararamdaman.
Gumawa sila ng bagong deal: magkakaroon sila ng isang linggong affair.
Parehong ayaw nilang pumasok sa seryosong relasyon kaya inisip niyang makakaya niya iyon. Isa pa, umasa siyang sa isang linggong relasyon nila, mawawala na ang kung anumang nararamdaman niya rito. Pero nagkamali siya.

7. PHR 5025 Creepy Little Thing Called Love by Dwayne Izzobel



“Hindi ako mahihiyang isigaw nang paulit-ulit na mahal kita.” “Hindi na ako magkakagusto uli sa guwapo at macho. Dahil hindi lang mga babae ang magiging kaagaw ko.” May basehan si Ivory kung bakit niya nasabi iyon. Paano ay nabuking niya ang kanyang machong nobyo na may karelasyon na… lalaki!
Ang mapait na karanasan niyang iyon sa pag-ibig ang nagtulak sa kanya na lisanin ang Cebu at makipagsapalaran sa Pampanga bilang isang medical representative. Ang kaso, guwapo at macho ang boss niyang si Marcus. Hindi nakakatulong ito na panindigan niya ang ipinangako niya sa kanyang sarili. Hindi nito inililihim ang atraksiyon nito sa kanya na ipinapakita nito sa pamamagitan ng mga yakap at halik nito.
At unti-unti na siyang bumibigay…

8. PHR 5026 The Wedding Trilogy 1: Bibi by Vanessa


Sina Cita, Fely, at Bebang ay mga kasambahay ni Nicanor Montero, isang lalaking mayaman at simpatiko. Pinapantasya ito ng tatlo dahil ang asawa nitong may sakit ay hindi kagandahan. Nang pumanaw ang asawa ni Nick ay natuklasan nila ang isang recipe ng gayuma. Sa pag-aagawan nila ay napunit ang papel na kinasusulatan niyon at nahati sa tatlo. Dahil lahat sila ay nag-aambisyong maging susunod na maybahay ni Nick ay walang nagsuko sa kanila ng piraso ng papel. Naging mortal silang magkakaaway…
Hanggang sa dumating si Bibi, isang magandang babaeng nais itira ni Nick sa bahay na nais sana nilang maging palasyo. Nagsanib-puwersa uli sila. Sa pagkakataong iyon ay upang alisin sa kanilang landas si Bibi, upang isa sa kanila ang hiranging Mrs. Montero…

9. PHR 5027 Rx: My Heart’s Prescription Trilogy 3: Gianni by Kaye Ysabelle


Unang kita pa lang ni Kim sa binatang si Gianni ay nakuha na agad nito ang interes niya. Ilang beses na niyang gustong ngitian, kausapin, o batiin man lang ito. Pero mukhang suplado ito kaya hindi natutuloy ang mga balak niya.
Pero meant to be yata sila dahil nagkataong naging magkaklase sila at magkatabi pa ang mga upuan nila. Nagkaroon siya ng pagkakataong makilala ito sa pamamagitan ng palihim na pagmamasid dito. Marami siyang nakikitang magandang katangian ni Gianni. Pero napakatahimik nito. One sentence a day lang ang quota nito sa pagsasalita. Kaya laking gulat niya nang isang araw ay tanungin siya nito kung puwedeng manligaw ito sa kanya.
Napakurap siya nang ilang beses habang nakatingin sa mukha nito. Tama ba ang narinig niya? Ang isnaberong seatmate niya, gustong manligaw sa kanya?
Bigla yatang natutong pumalakpak ang puso niya.

10. PPS 06 Ang Itinakwil Na Anak Ng Tenon by Vanessa


Walang tiwala si Alexandra sa mga bampira. Ngunit kailangan niya ang tulong ng isang bampira upang iligtas ang kanyang nobyo mula sa piitan na mula nang itayo ay wala ni isang bilanggo ang nakatakas. Si Andrei ang bampirang iyon—guwapo, arogante, babaero.
Dinala ni Alexandra si Andrei sa Veakaria, ang kanyang mundo, at lugar kung saan isinumpa ang mga tulad nito. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang malakas at makapangyarihang bampira ay nakadama ng panghihina. Nagalit ito sa kanya nang husto.
Paano pa niya makukumbinsi ito na samahan siya para sa isang imposibleng misyon? At bakit sa kabila ng galit niya sa kaarogantehan nito ay hindi niya maiwasang mapansin maya’t maya ang kaguwapuhan nito?
Back to top Go down
 
October 16, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pavitra Rishta 4th October 2013 Written Episode
» Do Dil Ek Jaan - Video Update - 10th October 2013
» Sapne Suhane Ladakpan Ke 22nd October 2013 Written Episode
» Pavitra Rishta 28th October 2013 Episode Watch Online
» Punar Vivah 2 31st October 2013 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: