HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 9, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 9, 2013 Book Release   Tue Oct 29, 2013 5:47 pm

1. PHR 5003 Luisito Clandestine By Zindy Rivera



Yumi wanted to hate her parents dahil sa kagustuhan nitong ipakasal siya sa anak ng dating kapitbahay nilang si “Choy,” short for “tabachoy.” Hindi niya ma-imagine ang sarili niya na magiging asawa niya ang isang lumbalumbang binata dahil masasayang lang ang kagandahan niya.
But things changed, dahil bigla na lang nagkagulo ang hormones niya nang magkita uli sila ni Choy na mas kilala na ngayong “Louie.” He had changed a lot. Hindi lang ito guwapo kundi ubod pa ng macho. Naglaho ang mga dramang pinlano niya para huwag matuloy ang kasunduan ng mga magulang nila. All her heart wanted was to be with him.

2. PHR 5010 The Playmates 4: Mackenzie by Sheena Rose


SCC o sister of the company co-owner si Nicola kaya malakas ang loob niyang pag-trip-an ang boss niyang si Mack tuwing nakakasilip siya ng pagkakataon. Ang hindi alam ng lahat, sa kabila ng pang-aaway niya sa binata, nakyu-cute-an siya rito.
Isang araw, nalagay sa panganib ang buhay ni Mack, at hindi niya naiwasang makialam para maresolbahan ang misteryo sa mga natatanggap nitong death threat. Dahil doon, nagduda itong may gusto siya rito kaya ganoon na lang ang concern niya sa kaligtasan nito. Nag-deny si Nicola.
Pero habang tumatagal, tila nalilihis na sa totoong misyon nila ang kanilang atensiyon. Mas desidido na silang alamin kung sino sa kanila ang nagtatago ng tunay na nararamdaman. Who would catch who first?

3. PHR 5011 Bullies And Loverboys 3: A Chance To Happiness With Drinni by Viel Roberts


Hindi naniniwala si Drinni na may mas guguwapo pa kaysa kay Channing Tatum kaya nang makilala niya si Christian, nagtaksil siya sa Hollywood forever crush niya at ang binata na ang sinamba niya. Pero siyempre, palihim lang na ginawa niya iyon. Mukha kasing hindi siya type ni Christian. Dead-ma ang beauty niya rito.
Pero mukhang kakampi niya si Kupido dahil sinabi ni Christian na gusto siya nito. Hindi na siya nagpakipot pa at sinagot niya kaagad ang binata. But along the way, something went wrong. Nakipaghiwalay si Christian sa kanya!
Paano na siya? Ang akala pa naman niya ay puwedeng mag-lead ang pagkagusto sa love. Marami talagang namamatay sa maling akala.

4. PHR 5012 Rx: My Heart’s Prescription Trilogy Book 2: Psyche (The Sleepy Genius) by Kaye Ysabelle


Mayabang, masama ang ugali, feeling-matalino, at nakikialam sa nananahimik na tao. Ang mga iyon ang unang impresyong nabuo sa isip ni Bianca sa lalaking hindi pa man niya kilala ay itinuring na niyang kaaway.
Hindi pa umaabot nang isang minuto ang interaksiyon sa pagitan nila ay abot-abot na sa stratosphere ang pagkainis niya rito. Makulit yata ang tadhana dahil sunod-sunod ang naging pagkikita nila ng lalaking iyon na napag-alaman niyang “Psyche” ang pangalan. What an odd name for a perfectly odd guy.
After a few instances na nagkita sila, bigla ay naging hobby na yata nito ang lapitan siya, maki-share ng kinakain niya, at makipag-usap na para bang matagal na silang magkakilala. Por que mapupula ang labi nito at natutukso siyang halikan ang mga iyon for curiosity’s sake ay mag-aasta na itong close sila? Hello?!
Pero naglalaro yata ang tadhana at sila ang napag-trip-an. Something unfortunate happened.
She fell in love with him.
Ngunit isang nakababatang kapatid lang ang tingin nito sa kanya.

5. PHR 5013 The Devil And Miss Jones by Kate Walker (translated by Janis delos Reyes)


Tumakas si Martha sa araw ng kasal niya nang matuklasan niya ang pagtataksil ng fiancé niya. Natagpuan na lang niya ang sarili sa piling ng isang estranghero na nakilala niya sa daan—si Carlos Diablo. Nagsama sila ng lalaki nang isang gabi at kinabukasan din ay iniwan niya ito.Makalipas ang ilang buwan ay nagkrus uli ang mga landas nila.Nalaman niyang Carlos Ortega ang totoong pangalan nito. At dala niya kay Carlos ang isang balita na makapagpapabago ng buhay nito—magiging ama na ito.
Minahal na niya si Carlos nang una pa lang niya itong makilala. Pero hindi ito naniniwala sa happy ever after. Kaya naman sa ayaw at sa gusto niya, kailangang iwan uli niya ito.

6. PHR 5014 If This Is Love by Fiorella


Naintriga si Ailee sa pagkatao ni Ivan Nathaniel Valiera nang makilala niya ito sa kasal ng isang kaibigan. She flirted with him a little. Gusto lang niyang malaman kung mapupukaw niya ang interes nito, being the playboy that he was.
Hindi inaasahan ni Ailee na magkukrus pang muli ang mga landas nila ni Ivan pagkatapos niyon. Pero ang sumunod na namalayan niya ay pumapayag na siyang makipag-date dito, and then she was agreeing to have an affair with him.
Alam ni Ailee ang mga limitasyon niya sa pakiki- pagrelasyon. At kapag naramdaman niyang kailangan na niyang tapusin iyon ay walang pagsisising gagawin niya iyon. Siya ang nauunang kumalas bago pa man siya masaktan.
Pero sa isiping isang araw ay matatapos ang ugnayan nila ni Ivan, bakit parang gustong magprotesta ng puso niya?

7. PHR 5015 Nathalie’s Romance by Sapphire Morales


Zigmund was shocked nang malaman niya ang nilalaman ng testamento ng lolo niya. Ipinamana nito sa kanila ng kababata niyang si Nathalie ang mga pag-aari nito at makukuha nila ang mga iyon sa isang kondisyon: magpapakasal sila.
He hated Nathalie instantly sa paniniwalang inuto nito ang lolo niya para iyon ang ilagay nito sa testamento. Pumayag siyang pakasal dito, but he promised to make her life miserable. Pero bakit ganoon? Bakit hindi niya magawang panindigan ang pananakit sa dalaga?

8. PHR 5016 Love At First Bite by Kaye Ysabelle


Isang self-proclaimed manang si Miko. Halata iyon sa palaging suot niyang long-sleeved blouse at hanggang sakong na palda. At sigurado siyang walang sino man ang magbibigay ng second look sa kanya. Kaya nagtaka siya nang bigyang-pansin siya ng isang guwapong waiter ng Maple. Sinabihan pa siya nitong “pretty.” Siyempre kinilig siya. Pero agad din niyang pinalis ang kilig na iyon dahil alam niyang binobola lang siya nito.
Nagulat siya nang sumunod na araw ay nagpunta ito sa laboratoryo kung saan siya nagtatrabaho. Nalaman niyang Marcus ang pangalan nito at hindi lang pala ito isang waiter kundi mismong may-ari ng Maple. Araw-araw na kinukulit siya nito pero ayaw niyang mawili sa atensiyong ibinibigay nito dahil alam niyang hindi nito seseryosuhin ang isang gaya niya.
Hindi naman sumuko si Marcus. Naging pursigido ito hanggang sa huli ay nakuha nito ang loob niya. Pero nagkamali pala siya nang bigyan niya ito ng pagkakataon. Dahil natuklasan niyang may gusto lang itong patunayan. Nasaling lang pala ang ego nito. Wala raw kasing babae ang kayang tumanggi sa charm nito at hindi nito matanggap na siya ang kauna-unahang babaeng tumanggi sa pagpapa-cute nito.

9. PHR 5017 Irresistible You by Kimberly Lang (translated by Jade Alleje)


Nagbalik si Caitlyn sa Pilipinas para isaayos ang kanyang buhay. Sisimulan niya iyon sa pagbabalik niya sa pelikula. Napili siya bilang isa sa mga tauhan sa pelikulang alam niyang perfect vehicle para ma-relaunch ang kanyang career. Iyon nga lang, ang producer ng pelikula ay ang ex-boyfriend niyang si Finn Morales. Ang involvement niya rito ang sumira sa career niya noon.
Alam niyang hindi sila mabuti ni Finn para sa isa’t isa kaya iiwasan na lamang niya ito. Subalit sa unang paghaharap pa lang nila, natuklasan niyang hindi kumupas kahit kaunti ang matinding atraksiyon nila para sa isa’t isa. Sa paglipas ng mga araw ay patindi iyon nang patindi. Ramdam niya, kagaya na naman siya ng gamugamo na naaakit sa apoy. Alam niya, darating ang panahon na hindi niya matatanggihan si Finn. Oras na ginawa niya iyon, mawawala na naman ang lahat sa kanya.
Kakayanin ba niyang isugal ang lahat ng pagbabagong pinaghirapan niyang makamit para lang sa maikling kaligayahan na makasama si Finn?

10. PHR 5018 The Cat-Dog-Mouse Love Affair by Kensi


Jace had been Darla’s nemesis since they were kids. And it didn’t help one bit that he grew up to be one hot specimen of a man. But Darla knew better than to fall for his charms and too innocent expressions. Alam niyang sa likod ng malaanghel na ngiti ni Jace ay isang demonyitong ipinadala yata sa lupa na may iisang misyon lang—gawing miserable ang kanyang buhay.
Simula pa lang kasi nang una niyang makilala ito ay pulos gulo na ang dinadala nito sa kanya. As long as Jace was within about a hundred meter radius from her, she was bound to get in trouble. Kilala na nga sa buong subdivision nila ang kanilang pamosong aso’t pusang relasyon, kung matatawag ngang relasyon iyon.
Pero bigla na lang ay napalitan ang pagiging aso’t pusa nila. Darla suddenly found herself at the receiving end of a cat-and-mouse chase. At hindi niya maikakailang nag-e-enjoy siya. She suddenly felt like a mouse that got trapped under Jace’s spell. Na-realize niyang mas masaya palang maglaro ng habulan na parang pusa at daga kaysa mag-away na parang aso at pusa.
Back to top Go down
 
October 9, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pavitra Rishta 4th October 2013 Written Episode
» Do Dil Ek Jaan - Video Update - 10th October 2013
» Sapne Suhane Ladakpan Ke 22nd October 2013 Written Episode
» Pavitra Rishta 28th October 2013 Episode Watch Online
» Punar Vivah 2 31st October 2013 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: