HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 2, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 2, 2013 Book Release   Tue Oct 29, 2013 5:16 pm

1. PHR 4999 Bullies And Loverboys 2: Back To You by Viel Roberts


May isang maling desisyon na ginawa si Nikola ten years ago. At ngayon, nais niyang itama ang pagkakamaling iyon. Kailangan niyang makabalik sa buhay ni Marlon at paniwalain ito na mahal na mahal niya ito. Hindi pa naman siguro siya tuluyang nakalimutan ng binata kaya sumugal siya at muling nagpakita rito.Sa kasamaang-palad, mukhang determinado ang binata na huwag siyang papasukin muli sa buhay nito.
Ang hindi alam ni Marlon, sa nakalipas na taon ay nag-ipon ng pasensiya, willpower, at perseverance si Nikola. Ginawa niya ang lahat para suyuin ito at makabalik sa buhay nito. Pero ang pusong nasugatan ay mahirap nang paghilumin. Ano pa ba ang magagawa ni Nikola para muling madugtungan ang nakaraang siya mismo ang may kasalanan kung bakit naputol?

2. PHR 5000 How To Make A Love Song by Majesty Roque


Pagkalipas ng labinlimang taon ay napilitan ang international singer na si Xianne na umuwi sa Pilipinas upang doon paghilumin ang sugat sa kanyang puso. Bukod doon ay nais din niyang pansamantalang umiwas sa kontrobersiyang maaaring idulot ng pakikipaghiwalay sa kanya ng boyfriend niya na isa ring celebrity.
Ngunit hindi niya inakalang sa mismong araw ng pagbabalik niya sa bansa ay muling magtatagpo ang mga landas nila ni Jeron, ang first love niyang hindi tumupad sa pangako nito noon sa kanya na mamahalin siya habang-buhay. Sa kamalas-malasan, wala siyang saplot nang muli silang magkita!
Pero kahit nangingibabaw sa kanya ang sama ng loob kay Jeron habang magkasama sila sa iisang bahay ay ginawa nito ang lahat upang muling mabuhay sa puso niya ang pagmamahal niya para dito na inakala niyang tuluyan na niyang nakalimutan.

3. PHR 5001 The Playmates 3: Frankel by Sheena Rose


May balitang umiikot sa kompanyang pinapasukan ni Narita. Woman-hater daw ang boss nilang si Frank. In spite of that, she was not blind to overlook his hotness. Ngunit batid din niya na sa mga kuwento lamang nahuhulog ang isang boss sa empleyada nito at hindi sa realidad. Hindi siya umaasang may patutunguhan ang espesyal na damdamin niya para dito.
Pero laking-gulat niya nang mag-propose ito ng kasal sa kanya. Ayon dito, ang pagpapakasal nila ang solusyon sa mga personal na problemang hinaharap nilang dalawa.
Hindi niya natanggihan ito.
Hindi pala totoong hindi siya ilusyunada dahil hindi pa man sila ikinakasal ay pinaplano na niya kung paano mai-in love ito sa kanya kapag nagsasama na sila.
Could she turn this cold man into a loving husband?

4. PHR 5002 Karen’s Mr. Silent Heart by Marione Ashley


Nile was the perfect best friend a girl could wish for. Or so Karen thought. Nang inalok niya itong maging pretend boyfriend niya dahil sa problema niya sa pagsusulat ay pumayag ito. She realized he was indeed a boyfriend material. Kung inaasikaso siya nito noong magkaibigan pa lang sila, lalo na ngayong “magkasintahan” na sila. Hanggang sa binibigyan na niya ng malisya ang lahat ng gawin nito sa kanya. Enjoy na enjoy siya kapag nakukulong siya sa mga bisig nito. Bumibilis ang tibok ng puso niya kapag nasa malapit ito. Diyata’t unti-unti nang nahuhulog ang sutil na puso niya sa mga ipinapakita ni Nile sa kanya? Hindi yata alam ng puso niya ang kasabihang “walang talo-talo sa magkakaibigan!”
Handa na sana siyang itago na lang ang damdamin niya para kay Nile ngunit biglang hinalikan siya nito. At sa mga labi pa. Uh-oh. Why did he kiss her like that?

5. PHR 5004 Say You Love Me by Pinky Jemiel


Mapaglaro sa pag-ibig—iyon si Mikaela. She never had a serious relationship. Para sa kanya, mas maganda iyong mas mahal siya ng lalaki kaysa mas mahal niya ito for her not to get hurt.
Until Yael came unexpectedly. She thought he was the one. Sa sandaling panahon ay minahal niya ito. Doon niya napagdesisyunang panahon na para atupagin niya ang love life niya. Tama na ang walang kasawaang paglalaro sa pag-ibig. She wanted to be truly happy this time.
She told Yael she loved him. He told her he needed her. May kaunting pag-asang umusbong sa puso niya, dahilan upang patuloy na ipaglaban niya ang nararamdaman niya para dito.
Ngunit dumating ang araw na hindi niya inaasahang malalaman niya ang dahilan kung bakit hindi kayang tugunin ni Yael ang pag-ibig niya. He was engaged. Ano pa ang laban niya? It hurt a lot.
Diyata’t siya ang napaglaruan ngayon?

6. PHR 5006 The Day Before You by Majesty Roque


Nakatagpo ng isang knight in shining armor si Mariel sa katauhan ni Kean dahil lagi itong naroon para ipagtanggol siya mula sa masungit na pinsan nitong nagkataong boss niya. Nang malaman niyang nasaktan ito nang husto sa unang minahal nito, hindi lang niya hinangad na maging kasintahan ito kundi ninais din niyang matuto uli itong umibig.
Subalit natanto niyang masyadong mataas ang kanyang pangarap. Masyadong perpekto si Kean para sa isang tulad niyang ordinaryong babae lamang. At lalo siyang nanliit nang bumalik sa buhay nito ang babaeng labis nitong minahal.

7. PHR 5007 More Than A Fairy Tale: The Charmings And Beauty by Belle Feliz


Hindi maganda si Justienne. Alam niya iyon dahil araw-araw siyang nananalamin. Kaya nang makilala niya si Kent Lauro, na miyembro ng isang papasikat na boy band, hindi niya inakalang magkakaroon ito ng kakaibang interes sa kanya. Hindi sumagi kahit sa imahinasyon niya na liligawan siya ng isang katulad nito na guwapo, matalino, at sikat.
Nababaghan siya, hindi niya magawang maniwala. Paano magkakagusto ang isang katulad nito sa isang katulad niya? Gayunman, hindi niya maiwasang kiligin sa mga panunuyo nito. Madaling nahulog ang loob niya rito. Hindi maipagkakaila na napapasaya siya nito. Ito na yata ang hinihintay niyang Prince Charming.
Ngunit nalaman niyang ginagamit lang siya nito upang mapalapit sa dating nobya nito na ubod ng ganda. Paano pa niya ipagkakatiwala sa iba ang puso niya?

8. PHR 5008 Jerome Arnan (The Mysterious Heartthrob) by Kaye Ysabelle


Wanted: Superman.
Iyon ang drama ni Cherish—ang maghanap ng superhero ng buhay niya.
Sa lahat ng gustong mag-apply, dalawa lang ang requirements niya.
1. Super glue: para pagdikit-dikitin uli ang pira-pirasong puso niya.
2. Water color: para pinturahan ng saya ang buhay niya.
Lahat ng sumubok, walang pumasa. Lahat kasi, kulang ng requirements na dala.
Pero parang biglang nag-immediate hiring ang puso niya.
She fell in love with a guy who could no longer apply…

9. PHR 5009 I Will Take You Forever by Daniella Ignacio


Hindi mapaniwalaan ni Krissy na magkakagusto sa isang simpleng babaeng tulad niya si Andrew. Bukod sa napakaguwapo nito, ubod din ito ng yaman at isang successful businessman. Daig din nito ang isang matinee idol sa dami ng mga babaeng nahuhumaling dito. Hindi na lamang pinansin ni Krissy ang malaking pagkakaiba nila at sinagot niya ito. At sa tingin niya ay tama ang kanyang ginawa dahil napakaligaya niya sa piling nito.
Pero isang malapit na pinsan ni Andrew ang nagbabala sa kanya tungkol sa kanyang nobyo. Si Andrew raw ay isang certified playboy. Hindi raw siya nito seseryosuhin.Sa katunayan, elementary pa lang daw ito ay nagbibilang na ito ng girlfriend—at siya ang ika-fifty-ninth girlfriend nito! Inagaw rin daw ni Andrew ang girlfriend ng pinsan nito.
“Ayokong may masaktan pang babae si Andrew kaya kinakausap kita ngayon. If I were you, I will take this advice, layuan mo na si Andrew habang maaga pa,” sabi pa ng pinsan ni Andrew sa kanya.
Biglang nagkaroon ng agam-agam ang dibdib niya. Naduwag siya, at mas pinili na lamang lumayo kay Andrew—isang desisyon na nagdulot sa kanya ng labis na kalungkutan…
Back to top Go down
 
October 2, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pavitra Rishta 4th October 2013 Written Episode
» Do Dil Ek Jaan - Video Update - 10th October 2013
» Sapne Suhane Ladakpan Ke 22nd October 2013 Written Episode
» Pavitra Rishta 28th October 2013 Episode Watch Online
» Punar Vivah 2 31st October 2013 Episode Watch Online

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: