HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 25, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 25, 2013 Book Release   Tue Oct 29, 2013 3:46 pm

1. PHR 4989 Bullies And Loverboys 1: Heaven On Earth by Viel Roberts


Hindi masasabing mapayapa ang unang pagkikita nina Marjoven at Leila. Leila hated his guts and the man seemed to hate her. Bakit? Hindi rin niya alam at wala siyang pakialam. After all, hindi naman ito ang dahilan kaya siya napadpad sa lugar ng mga ito.
Pero pilit mang iwaksi ni Leila, panay ang pagbabago ng tibok ng puso niya habang patagal nang patagal ang pananatili niya roon. Nag-iiba na rin ang tingin niya kay Marjoven. Pero hindi maaari iyon. They both agreed that they disliked each other. Ngayon, bakit siya biglang magkakagusto rito? He’s way out of her league.
Ang kaso, may laban ba siya sa puso niya, lalo na kung maging ang kanyang isip ay tila bumabalimbing na sa kanya?

2. PHR 4990 My Inspiration by Laurice del Rio


Hindi kasama sa plano ni Maddie ang ma-in love. Para sa kanya ay sapat na ang kanyang musika para maging kompleto ang buhay niya. At dahil nagsimula siya bilang child prodigy ay nakalakhan na niya ang pagkakaroon ng napakalalim na dedikasyon doon.
Ngunit nang dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay tila naglahong parang bula ang husay niya sa pagtugtog. Pinagbakasyon siya ng manager niya sa rancho na pag-aari ng pinsan nito. Ngunit hindi lang ang nawawalang inspirasyon niya sa pagtugtog ang nakita niya kundi natuklasan din niya na totoo pala ang mga sinasabi sa kanya ng mga kakilala niya. That falling in love is a wonderful experience indeed—sa katauhan ni Ivan.
Ngunit nang malaman niya na minsan nang iniwan si Ivan ng mahal nito at ipinagpalit ito ng babae para sa paghahabol nito ng tagumpay ay sinabi na rin niya sa kanyang sarili na siya ang pinakahuling babaeng babagay kay Ivan. Kaya kahit masakit sa kanya ay nagpasya si Maddie. Ipapaubaya na lang niya ito sa iba na tiyak niyang magmamahal sa lalaki sa paraang nababagay rito—kahit masaktan siya nang labis.

3. PHR 4991 Cloak And Dagger 6: You Took My Heart Away by Dream Grace


Hindi si Jinny ang tipo ng tao na madaling magtiwala sa mga estranghero. Lalo na kung ang isang estranghero ay kamukha ni Zared Parker, ang half brother ng ama ng pamangkin niya na kasalukuyang nasa pangangalaga niya. Ang paniniwala kasi niya, iyong mga guwapo at macho at mukhang nilikha ng Diyos para habulin ng mga kabaro niya ay mas madalas na may itinatagong sama ng ugali.
Pero sa kung anong dahilan, natagpuan ni Jinny ang sarili na nagtitiwala kay Zared katulad ng mabilis na pagtitiwala rito ng kanyang pamangkin. Ayon kay Zared, nais nitong makilala nang lubos ang pamangkin nila kaya ito nagtungo sa Pilipinas. At dahil isa siyang mapagmahal na tiyahin na walang ibang hangad kundi maging malapit ang pamangkin niya sa kaisa-isang taong konektado sa ama nito, inalok niya si Zared na sa bahay na muna niya tumuloy. Sa gayon, mas magkakaroon ng oras na maging malapit dito ang pamangkin niya.
Iyon lang ang rason niya, sumpa man. Pero ano’t napapatulala siya rito, lalo na kapag napapatitig siya sa asul nitong mga mata?

4. PHR 4992 The Playmates 2: Nicholas by Sheena Rose


Tuwing may nagtatanong kay Natalia kung ano ang tingin niya kay Nick, her blue-eyed six-foot-three neighbor, isa lang ang palaging isinasagot niya: “He’s not my type.” Ngunit aminado niya na isang malaking kasinungalingan iyon. The truth was, he was the sexiest man she had ever laid eyes on. Kung itinatago man niya ang atraksiyon niya kay Nick, iyon ay dahil ayaw niyang mapabilang sa mga babaeng ginagamit nitong pampalipas-oras.
Pero parang nananadya ang kapalaran dahil palaging nagtatagpo ang mga landas nila. Hindi lang iyon, kusa rin nitong iniaalok sa kanya ang über-sexy na katawan nito. Naturalmente, tinanggihan niya ito. Hindi nga lamang siya nakasisiguro kung hanggang kailan niya mapaglalabanan ang karisma nito at ang tawag ng kanyang puso…

5. PHR 4993 Because You’re My Girl by Xandria


Mula pagkabata ay lagi nang kumukulo ang dugo ni Emy kay Juan. Para kasi kay Juan ay nagsisipsip lang siya sa lola nito para umangat sa buhay at para masira ito. Pero hindi inaasahan ay nabiktima sila ni Kupido. They fell in love with each other. Iyon ang akala niya—dahil siya lang pala ang nahulog dito. Umamin ito sa harap niya mismo na pinaibig lang siya nito upang makaganti sa kanya. Dahil doon ay naghiwalay sila na may galit sa isa’t isa.
Juan left and never came back. Hanggang sa lumipas ang sampung taon at napilitan itong bumalik dahil nalaman nitong ibibigay ng lola nito ang hacienda sa kanya—na dapat ay mamanahin nito. Nagbalik ito upang bawiin ang lahat ng bagay na inagaw niya—ang hacienda, ang lola at pamilya nito. Inaakusahan siya nitong mang-aagaw gayong ito naman ang may inagaw sa kanya—ang kanyang puso. Makatarungan ba iyon?

6. PHR 4994 Lovefinder Postscripts: Ex by Victoria Amor


Hindi inakala ni Yarra na sa isang iglap ay magbabago ang buhay niya. At twenty, clueless and innocent about being a mother, ay biglang ginampanan niya ang tungkulin ng isang ina sa isang limang buwang gulang na sanggol. Nagkapatong-patong pa ang banta sa kaligtasan ng sanggol dahil sa lolo nitong mukhang pera. Kaya itinakas niya ang baby at inilayo sa siyudad.
Sa lugar na pinuntahan niya ay nakilala niya si Ex, isang super-guwapong hubadero. Nakayanan niyang nasasalubong ito na hantad ang perpektong dibdib at abs nito pero hindi ang mapasukan ito sa silid na manipis na kumot lang ang nagtatakip sa “bahagi” ng katawan nitong hindi niya dapat makita!
Naloka siya nang bonggang-bongga. Na-“in crush” agad siya rito. At nang mas makilala pa niya ito ay nag-intrude na ito nang tuluyan sa puso niya. Na-in love siya rito. Hindi nga lang niya nahulaan na sa likod ng sobrang kabutihan nito ay nagkukubli ang isang sugatang puso na naghihintay ng ganap na paghilom.
Siya ba ang nakatakda upang paghilumin ang puso nito o puso niya ang masusugatan sa bandang huli?

7. PHR 4995 You Make Me Smile by Gazchela Aerienne


Kababata ni Chely si Kieran. Mahal na mahal siya ng mga magulang nito kaya iyon ang ginagamit niyang sandata upang makuha ang nais sa kababata. Alam na alam kasi niyang hindi magagawang sumuway ni Kieran sa utos ng mga magulang nito.
Maging nang maulila siya ay napilitan si Kieran na sundin ang utos ng mga magulang nito na maging guardian niya. Wala rin itong nagawa nang sabihin ng mga magulang nito na kailangan nilang magsama sa iisang bubong para mas masubaybayan siya ni Kieran.
Masayang-masaya siya sa takbo ng mga pangyayari. Mas mababantayan kasi niya si Kieran. Maitataboy niya ang mga babaeng aali-aligid dito.
Subalit hanggang kailan ito magiging masunuring anak? Hanggang kailan siya nito pagtitiyagaan? At siya, hanggang kailan siya magiging makasarili mapanatili lang ito sa kanyang tabi?

8. PHR 4996 If I Could Love Again by Venuz Franz


Sanhi ng natuklasan ni Harriet na panloloko sa kanya ng fiancé niyang si Romel ay naaksidente siya na muntik nang kumitil sa kanyang buhay.
Pagkatapos niyang maka-recover sa malagim na aksidente ay nagpasya siyang iwan pansamantala ang mundo ng showbiz at ang Pilipinas.
Nagtungo siya sa Prague upang doon ay paghilumin ang kanyang sugatang puso. Doon ay umeksena sa pagbabakasyon niya si Lyeopardo Montierro, ang guwapong businessman pero ubod ng suplado at sungit!
Subalit nang matuklasan niya ang dahilan ng pagiging ganoon nito, saka niya naunawaang halos pareho pala sila ng nararamdaman dulot ng kanilang kabiguan sa mga taong kanilang minahal at pinagkatiwalaan. Dahil doon ay naging palagay ang loob nila sa isa’t isa. Hanggang sa lumipas pa ang mga araw na nasanay na silang kasama ang isa’t isa.
But the unexpected happened... She eventually fell in love with Lye. At nang minsang ipagtapat niya iyon dito, ni-reject siya nito. Pero pagkatapos siyang tanggihan nito ay saka pa siya hinalikan nito na tila ba tahimik na tinutugon din ang damdamin niya.

9. PHR 4997 Car Wash Boys 12: John Michael Lombredas by Juris Angela


Pakiramdam ni Ged ay wala nang katapusan ang mga pagsubok sa buhay niya: nasawi sa isang malagim na aksidente ang mga magulang niya, nahinto siya sa pag-aaral, at nagkautang ng pera na ipinampuhunan niya sa tindahang nakaamba pa yatang malugi. Kaya isa lang ang pinakahihiling niya—na sana ay yumaman siya.
Mukhang narinig siya ng Langit dahil bigla na lang may bumisita sa tindahan niya, hatid ang balita na pinamanahan daw siya ng lahat ng ari-arian ng yumaong long-lost grandfather niya.
Sa isang iglap ay nagbago ang buhay ni Ged. Nakapagtapos siya ng pag-aaral at nakatakdang magpatakbo ng isang malaki at papaunlad na negosyo. Higit sa lahat, nakatagpo siya ng pamilya at pag-ibig sa katauhan ni Gogoy. Ito ang tuluyang kumompleto sa buhay niya. Para sa kanya, ang pag-ibig nito ang pinakamahalagang yaman na natanggap niya kaya agad siyang pumayag nang alukin siya nito ng kasal.
Ngunit nalaman niya na ang itinuturing niyang pinaka- mahalagang yaman ay “tubog sa ginto.” Dahil ang lahat ng namagitan sa kanila ni Gogoy ay bahagi lang pala ng maitim na plano nito…

10. PHR 4998 Heaven’s Love by Sapphire Morales


Hindi inaasahan ni Heaven na tototohanin ng kanyang ama ang sinabi nito na ipinagkasundo siya nito kay Kurt Tan. Kapag hindi raw siya nagpakasal kay Kurt, kahit singkong duling ay wala siyang matatanggap na mana. Pero sadyang matigas ang ulo niya. Tumakas siya. Wala siyang alam na mapupuntahan maliban sa bahay ng kaibigan niya noong college. Kaya bitbit ang napakataas na pride niya ay nagtungo siya sa isang liblib na bayan sa Quezon para doon magtago.
Doon niya nakilala si Christian Opeda. She fell in love with him. Masaya na sana siya sa bagong buhay niya pero noon naman siya natunton ng mga magulang niya. Kulang na lang ay magmakaawa siya para lang hayaan na siya ng mga ito. At halos mamatay siya nang malaman niyang ang nagturo ng kinaroroonan niya ay ang walanghiyang si Christian!
Back to top Go down
 
September 25, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News September 9. 2013
» George Clooney Aficionados News September 29, 2013
» Do Dil Bandhe Ek Dori Se 2nd September 2013 Episode Watch Online
» Saath Nibhana Saathiya 23rd September 2013 Full Episode Watch Online
» Iss Pyaar Ko Kya Naam Doon EK Baar Phir - Written Update - 26th September 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: