HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 18, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 18, 2013 Book Release   Tue Oct 29, 2013 3:29 pm

1. Bud Brother’s Unlimited Series 28: Tranquilino by Rose Tan


Hindi matanggap ng kalooban at sikmura ni Paulette ang balitang nagtanan si Tranquilino ng babaeng dugyot kaya sumugod siya sa pinagtataguan diumano ng dalawa.
At naabutan niya si Tranquilino na nasa bingit ng kamatayan sa mga kamay ng kanyang abnoy na pinsan. Wala siyang inaksayang sandali. Iniligtas niya ang buhay ng lalaking malabong ibigin siya.
Pero wala pang dalawang oras pagkatapos niyang iligtas ito, niligawan siya nito. Mahirap itong bastedin kaya sinagot niya ito… after around four hours. Bigla na lang umeksena ang kanyang KJ na BFF. Tumatanaw lang daw ng utang-na-loob si Tranquilino kaya niligawan siya nito. Napaisip siya. Kaya ba hindi pa siya hinahalikan ng kanyang awesome boyfriend?

2. PHR 4982 Delah’s Mr. Stoned Heart by Marione Ashley


Snob, serious, strict. Ilan lang iyon sa mga katangian ng bagong boss ni Delany na si Drake Solomon. Kung hindi nga lang sa pakiusap ng lola ni Drake ay nunca na papayag siyang maging sekretarya nito.
Isa lang ang masasabi niya rito—hinding-hindi niya ito makakasundo dahil sa ugali nito. At dahil sa mala-android na pag-uugali nito ay ginawa niya itong modelo sa nobelang isinusulat niya. Napagtanto niyang walang ipinagkaiba ang ugali ng mga ito. Habang unti-unting nahuhulog ang loob ng mga bida sa kanyang nobela ay unti-unti ring nahuhulog ang damdamin niya kay Drake. Dahil sa kabila ng pagsusuplado nito sa kanya ay namalas niya ang pagiging sweet at maaalalahanin nito. Ngunit naisip niyang mahirap mahalin ang isang katulad ni Drake.
Ang tanging mayroon siya ay lakas ng loob at ang pagmamahal niya para dito. Kaya na ba niyang tibagin ang yelong nakapalibot sa puso nito?

3. PHR 4983 Cloak And Dagger 5: When You Love Someone by Dream Grace

Si Mary Claire ang tipo ng babaeng hindi nagmamaliw ang paniniwala na palaging nagtatagumpay ang mabuti laban sa masama. Naniniwala siya na kayang lagpasan ng pag-ibig ang lahat. Naniniwala rin siya na sa likod ng isang masayang lalaki ay isang mapagmahal na babae. Sa malas ay hindi tumutugma sa mga pinaniniwalaan niya ang paniniwala ng lalaking napupusuan niya.
Hindi naniniwala sa pag-ibig o sa happy endings si Sage Mitchell. Para dito ay hindi laging nagtatagumpay ang kabutihan laban sa kasamaan at kung minsan, ang masasama ay nagwawagi at ang mga bayani ay namamatay. Higit sa lahat, naniniwala ito na mas mabuting mag-isa ito kaysa maging bahagi ng buhay nito ang isang babae—kahit isang babaeng nagmamahal dito na katulad ni Mary Claire.
Paano ito mapapaibig ni Mary Claire kung para dito ay kahinaan at sagabal sa buhay nito ang pag-ibig?

4. PHR 4984 The Playmates 1: Mitchelson by Sheena Rose


Matagal nang disillusioned sa pag-ibig si Natasha dahil sa hindi magandang naging karanasan niya sa pakikipagrelasyon noon. Hindi na niya iniintindi ang kawalan niya ng love life. Sa katunayan, wala na siyang balak na ma-involve uli sa isang lalaki.
But she committed one mistake. Tinanggap niya ang trabahong inialok sa kanya ni Mitch bilang secretary nito. Ito lang naman ang pinaka-attractive na lalaking nakilala niya.
Nirendahan niyang mabuti ang kanyang puso upang hindi siya umibig dito. Ngunit masusubok yata ang tibay niya na mapaglabanan ang seduction scheme na inihanda ni Mitch para sa kanya.

5. PHR 4985 Hiring Miss Weathergirl’s Heart by Venuz Franz


“I want to marry you. Sabihin mo lang kung magkano and I’m more than willing to pay the price.”
Those were Xing Yuan Yan’s words that took Myers’s breath away. Pinag-isipan tuloy niyang nababaliw na ang guwapong chinky-eyed na ito na nag-offer sa kanya ng ganoon. Ikinaiinis din niya ang pagbibigay nito ng kung ano-anong mamahaling bagay na tila ba binibili siya nito. Pero hindi uubra sa kanya ang ganoong klase ng “proposal” kahit gaano pa ka-Adonis ito sa paningin niya.
Akala niya ay titigilan na siya nito nang tanggihan niya ang alok nito. Nagulat na lang siya nang isang araw ay sumulpot ito sa bahay nila at nagpakilala sa buong pamilya niya na manliligaw niya ito! At bonggang patikim pa lang pala ni Yuan iyon para pakiligin nito ang munting puso niyang hindi niya akalaing kalaunan ay unti-unting maaakit nito…

6. PHR 4986 Twisted Fate by Xandria


Desperado na si Antonia o “Toni” na magkaroon ng perang pambayad sa utang ng mga magulang niya. Noon naman dumating sa buhay niya si Adonis—hindi nga lang niya alam kung biyaya o sumpa ang pagdating nito. Inalok kasi siya nito ng tulong pero humingi naman ito ng kapalit. At dahil kailangang-kailangan niya ng pera, pumayag siya sa kondisyon nito—ang maging pekeng asawa nito. Doon na nga tuluyang nagbago ang buhay niya. Mula sa pagiging isang mahirap, magaslaw, at kilos-lalaki, na-transform siya sa isang mahinhin, mayaman, at magandang babae.
Pero hindi niya inakala na ang pagtanggap niya ng tulong mula sa antipatiko, mayabang, at mapang-asar na binata ay lalo lamang makapagpapagulo sa buhay niya. Ang masama pa, idinamay nito ang puso niya. Nawala nga ang problema niya sa pera pero nagkaproblema naman siya sa puso. Paano na ngayon siya?

7. PHR 4987 Somebody To Call Mine by Lace


Mula pagkabata ay gusto na ni Sharmaine ang kababata niyang si Ian. Ngunit hanggang pagtinging-kapatid lang ang nararamdaman nito sa kanya. Gayunman, minahal pa rin niya ito at patuloy na umaasang balang-araw ay matutugunan din nito ang pag-ibig niya.
Ngunit biglang umeksena ang kinaiinisan niyang si Bench—ang longtime rival ni Ian na lagi namang natatalo. Nang tangkain nitong makipaglapit sa kanya, biglang nahati ang damdamin niya. Inakala kasi niyang immuned siya sa charms ni Bench. Ngunit ilang linggo pa lang silang nagkasama ay nalilito na ang puso niya.
Saka naman nagtapat ng pag-ibig sa kanya si Ian. Ngayong kasama na niya ito, si Bench naman ang nasa isip niya. Tama bang si Bench ang piliin niya kahit alam niyang na-challenge lang ito sa kanya?

8. PHR 4988 It Must Be Love by Majesty Roque


Dalawampu’t apat na taong gulang na si Fiona pero hanggang ngayon ay NBSB pa rin ang relationship status niya. She was pretty, smart, and kind-hearted. Ngunit sa kabila ng magagandang katangian niya ay nananatili pa rin siyang single. Bakit? Dahil isang lalaki lang kasi ang pinangarap niyang makasama sa habang-buhay. Iyon ay walang iba kundi ang best friend niyang si Ethan Zamora.
Ang problema, nakababatang kapatid lang ang turing sa kanya ni Ethan. At habang dumaraan ang mga taon ay tila lalong lumalabo ang pag-asa niyang maging si Mrs. Zamora.
Nang sumulpot uli sa buhay nila ang dating nililigawan ni Ethan na si Heart—ang babaeng nais daw nitong iharap sa altar ng simbahan—ay tuluyan na siyang pinanghinaan ng loob. Pananagutan daw nito ang sanggol sa sinapupunan ni Heart kahit hindi ito ang ama. Kapag nangyari iyon, tatandang dalaga na talaga siya.

9. Vampire Diaries 5: The Return, Nightfall by L.J. Smith (translated by Rhealeen Valenzuela)


Ngayong may mahiwagang kapangyarihan na nagbalik kay Elena mula sa kamatayan, ang tanging gusto ng guwapo at seryosong si Stefan ay mapanatili siyang ligtas. Pero nang maakit ito palayo sa Fell’s Church, sinamantala ng makisig at malakas na si Damon ang pagkakataon para mabihag si Elena, hindi batid ang panganib na pareho nilang kinasusuungan. May masamang nilalang na nakapasok sa bayan at palakas nang palakas. Bukod sa nagagawa ng nilalang na iyon na pasunurin si Damon kung kailan niyon gusto, naaakit din iyon palapit kay Elena at sa bagong kapangyarihang nakamtan niya. Pero higit sa kapangyarihan ni Elena ang gusto niyon: Hinahangad niyon ang kanyang kamatayan.
Back to top Go down
 
September 18, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News September 9. 2013
» George Clooney Aficionados News September 29, 2013
» Do Dil Bandhe Ek Dori Se 2nd September 2013 Episode Watch Online
» Saath Nibhana Saathiya 23rd September 2013 Full Episode Watch Online
» Iss Pyaar Ko Kya Naam Doon EK Baar Phir - Written Update - 26th September 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: