HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 11, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 11, 2013 Book Release   Tue Sep 17, 2013 10:34 am

1. Seeking Crystal by Joss Stirling (translated by Serene Gale)


Palpak na pantas si Crystal Brook. Wala siyang binatbat kung ikokompara siya sa kapatid niyang si Diamond kung paranormal powers ang pag-uusapan. Isa siyang school dropout, walang kinabukasan, at nabubuhay sa likod ng anino ni Diamond.
Nang magtungo sila sa Denver at nakilala ang magkapatid na Trace at Xav ay hindi siya tinablan ng panghalina ng mga ito. Samantalang si Diamond ay umibig at na-engage kay Trace Benedict. Gayunman ay wala pang lalaki na nakapang-inis nang sobra sa kanya kagaya ni Xav Benedict!
Ngunit hiningi ng pagkakataon, kinailangan nilang magsanib puwersa ni Xav para sa pamilya nila dahil sa pag-atake ng mga kalaban. Dulot niyon ay isang sekreto ang mabubunyag na matagal nang ibinaon…

2. PHR 4975 Safe In Your Arms by Laurice Del Rio


Mortal enemy number one. Iyon ang turing ni Lindsay kay Andrei. Anak ito ng dating bodyguard ng papa niya. Napatay sa pagtatanggol sa ama niya ang bodyguard at mula noon ay itinuring na ng papa niya na parang anak si Andrei. Naiinis dito si Lindsay dahil may mga punto sa buhay niya na pakiramdam niya, kung puwede lang ay ipagpapalit na siya rito ng papa niya.
She hated Andrei’s guts until there came a time when he saved her life. Nakasama rin niya ito nang matagal sa isang liblib na lugar para sa kanyang kaligtasan. Noon unti-unting nabuksan ang mga mata niya sa katotohanang isa nga pala itong katakam-takam na lalaki, hanggang sa madiskubre na lang niya na mahal na niya ito. Iyon nga lang, noon din dumating ang malaking komplikasyon sa buhay nila at napilitan siyang tanggapin na may mga bagay na mas matimbang sa lalaki kaysa sa kanya.

3. PHR 4976 Mr. Happy-go-lucky’s Lie by Andie Hizon


Allergic si Louisse sa mayayamang lalaki, para sa kanya ay pare-parehong manloloko ang mga ito. Iyon kasi ang iniwang impresyon sa kanya ng kanyang ama. Her father was a super rich businessman at bunga siya ng pagtataksil nito sa totoong asawa nito. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito.
Ang problema, ganoon mismo ang mga tipo ng lalaki na pumoporma sa kanya. Mas gugustuhin pa niyang magpaka-NBSB kaysa makisama sa mayayaman. Hanggang sa makilala niya si Xenon, ang bagong cashier-cum-receptionist sa spa parlor na pinagtatrabahuhan niya. Ayaw man niya noong una ay naging kaibigan niya ito. Pulos kabutihan ang ipinakita nito sa kanya. The next thing she knew they were falling in love with each other. Sa unang pagkakataon ay nagmahal siya at nagtiwala nang lubos. Pero may nalaman siya tungkol sa pagkatao nito na dumurog sa puso niya…

4. PHR 4977 Cloak And Dagger 4: Better Than Me by Dream Grace


Batid ni Polai na kailangan niya ng pagbabago. Lantarang sinabi sa kanya ng ex-boyfriend niya na kaya iniwan siya nito ay dahil napaka-boring daw niyang kasama.
Nasaktan na nga siya, nasagi pa ang pride niya. Kaya nagdesisyon siyang baguhin ang sarili niya. No more Miss Prim and Proper or Miss Calm and Controlled. Welcome wild, adventurous and exciting party girl. At kilalang-kilala niya kung sino ang taong makakatulong sa kanya para matupad niya iyon—si Heathe Asias, the playboy-next-door, na ang tingin sa buhay ay isang malaking party.
Subalit hindi lang pala iyon ang alam nitong gawin. He also knew how to make her fall for him. Ngunit may inililihim pala ito sa kanya. Was he really just a simple gorgeous heartbreaker or was there something sinister behind his charming grin?

5. PHR 4978 Reading Room book 4: Rad’s Bookmaker by Gypsy Esguerra


Blaire often ignored Conrad. Kahit matagal na itong nanliligaw sa kanya ay hindi niya pinaniniwalaan ang mga sinasabi at ginagawa nito sa kanya. Inakala niyang mapapagod din ito sa pangungulit sa kanya, lalo na at sinusubukan na rin naman niyang makipag-date sa ibang lalaki. But he was beginning to sound desperate.
“Seryoso ako. I want you back in my life. I want to marry you. I want to have kids with you. Kaya kung galit ka sa `kin, kung may ginawa ako na ikinainis mo, sabihin mo na lang iyon sa `kin para alam ko kung ano ang gagawin ko.”
Kaya nang kausapin niya ito ay napilitan na siyang sabihin ang totoo. And it ended with the words “…I won’t marry you.”

6. PHR 4979 Always You And I by Bethany Sy


Biglang nagulo ang tahimik na mundo ni Shyrill nang dumating sa buhay niya ang walang kasingkulit na si Codean San Gabriel. Sinusundan-sundan siya nito kahit saan siya pumunta. Kahit hindi niya gusto ang ganoong ideya ay aminado naman siya na malaking bahagi niya ang natutuwa at kinikilig sa presensiya nito.
Sino ang hindi kikiligin sa kaguwapuhang taglay nito?
Pero dapat nga ba siyang kiligin kung ang totoong paglapit at pagsunod nito sa kanya ay hindi naman talaga nito gusto?
Ayon dito ay napag-utusan lang daw ito.
Pero nang halikan siya nito… kasama rin ba sa utos iyon?

7. PHR 4980 All About Taking Chances by Star Canete


Ipinagpalit si Nikka ng boyfriend niya sa isang babaeng matandang mayaman na madaling mamatay. Sa sobrang galit niya, naibato niya ang figurine na regalo sana niya rito para sa kanilang anibersaryo. Sa malas, napalakas ang kanyang pagbato at tumama iyon sa guwapong mukha ni Icko, isang taga-Maynila na magbabakasyon sa kanilang bayan.
Bilang pakonsuwelo sa ginawa niyang perhuwisyo rito, inalok ito ng lolo at lola niya na doon na lang ito sa bahay nila magbakasyon.
Naging kumportable naman si Icko habang nagbabakasyon sa kanila. Sa katunayan, nasobrahan iyon dahil pati personal na buhay niya ay pinakialaman na nito. Pangingitiin daw uli siya nito at tutulungan siyang kalimutan ang manlolokong ex niya.
Kahit naiinis si Nikka sa panghihimasok nito, hindi niya maikakaila sa sarili na nagtatagumpay si Icko sa balak nito. Paano ay kinikilig siya tuwing nag-e-effort itong patawanin siya at hindi nakokompleto ang araw niya kapag hindi nasisilayan ang guwapong mukha nito.
Abnormal ba ang puso niya na na-in love agad rito gayong kagagaling lang niya mula sa isang heartbreak?

8. PHR 4981 My Extraordinary You by Bethany Sy


Gumuho ang mundo ni Cyrene nang mahuli niya ang boyfriend niyang may kaniig na babae sa kama nito. Sa sobrang sakit na naramdaman ay sa pagkain niya ibinunton iyon. Namalayan na lang niyang palobo nang palobo ang katawan niya. Bale-wala lang naman sana iyon sa kanya kung hindi lang siya tinawag ni Lanter na “mataba” at “manang.” Palibhasa, ubod ito ng guwapo. Dahil doon ay tinangka niyang gayumahin ang matagal na niyang crush na pinsan nitong si Josh para ipamukha kay Lanter na magkaka-love life siya kahit mataba siya. Pero kung kailan hinihintay na niya ang resulta ng ginawa niyang panggagayuma kay Josh ay saka naman biglang bumait si Lanter sa kanya. Kung suyuin siya nito ay para siyang isang prinsesa. Diyata’t dito umepekto ang gayuma? Parang gusto tuloy niyang uminom ng isang box na slimming tea.

9.
Back to top Go down
 
September 11, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News September 9. 2013
» George Clooney Aficionados News September 29, 2013
» Do Dil Bandhe Ek Dori Se 2nd September 2013 Episode Watch Online
» Saath Nibhana Saathiya 23rd September 2013 Full Episode Watch Online
» Iss Pyaar Ko Kya Naam Doon EK Baar Phir - Written Update - 26th September 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: