HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 28, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 28, 2013 Book Release   Tue Sep 03, 2013 6:12 am

1. PHR 4958 Camp Speed 6: Knew You Were Trouble by Nikki Karenina


Noon, ginawa ni Rodgine ang lahat para makuha ang loob ni Nick. Ngunit may girlfriend ito at kahit ano ang gawin niya ay tila walang epekto iyon dito. Pero nagkaroon din siya ng pagkakataon na maging masaya sa piling ni Nick. Iyon nga lang, natapos din agad ang saya na iyon dahil hindi naman pala sila pareho ng nararamdaman ni Nick.
Ngayon, gagawin ni Nick ang lahat para makuha uli ang loob ni Rodgine. Ngunit may asawa na ito at tila kahit ano ang gawin niya ay tila walang epekto iyon dito. Pero determinado siyang maibalik ang dating pinagsamahan nilang dalawa kahit ano pa ang mangyari. Iyon nga lang, Rodgine was deflecting everything he was doing for her.
This was the craziest charade two lovers would be into. Paano naman kaya sila magkakaroon ng happy ending kung ang noon at ngayon ay malaki pa rin ang epekto sa kanilang buhay?

2. PHR 4959 Reading Room Book 2: Gio’s Bookworm by Gypsy Esguerra


“Kung iniisip mong ikaw lang ang nag-iisang tao na problemado sa paghahanap ng makakarelasyon, puwes, sasabihin ko na sa `yo ngayon—hirap din akong makahanap ng babaeng magiging girlfriend ko.”
Nagtaka si Ella nang marinig iyon mula kay Gio. Parang imposible kasi na wala itong nobya o walang babaeng magkakagusto rito. Guwapo ito, mayaman, at mabait. Kaya ano pa ba’ng puwedeng maging dahilan ng pagiging single nito? Ngunit agad din nitong sinagot ang tanong niya.
“Dahil kadalasan, ang mga babaeng gusto ko ay may gusto nang iba. The worst part is the person they fell in love with also felt the same way, so I have no choice but to let them go.”
Natulala siya. Ngunit hindi niya rin maiwasang humanga rito. At higit sa lahat, hindi niya naiwasang isipin kung posibleng bagay silang dalawa kahit alam pa niyang may gusto na itong iba.

3. PHR 4960 Cloak And Dagger 2: All About Loving You by Dream Grace


Alam ni Alys na siya ang huling babae sa mundo na magugustuhan ng isang lalaking tulad ni Caine Winter. She was chaos personified—reckless, impulsive, and unconventional. Iyon siya. Si Caine naman ay panatiko sa pagsunod sa plano at kumikilos lang pagkatapos mapag-isipan nang husto ang isang bagay. Ngunit pinaglapit sila ng tadhana nang magkasabay sila sa eroplano at napagkamalang ang royal couple na hinahanap ng mga kidnapper na nakasakay rin sa flight na iyon. Kung kaya sa ayaw at sa gusto nila ay nagkasama sila sa liblib na lugar na pinagdalhan sa kanila ng mga kidnapper.
For Alys, it was the adventure of a lifetime—isang bagay na maaari niyang magamit sa mga isinusulat niyang spy-thriller books. Ngunit para kay Caine, isang malaking hadlang iyon sa tila planadong-planadong buhay nito. Subalit natagpuan nila ang kanilang mga sarili na nahuhulog ang loob sa isa’t isa.
But was it for real or just the effect of being stuck together in an unusual situation?

4. PHR 4961 Ready To Take A Chance With You by Sofia


Masaya na si Che-che na mabuhay sa anino ng sikat na writer na si Ronaliz. Hindi gaya nito na anak ng isang namayapang sikat ding manunulat, maganda at may-kaya, mas credible daw itong writer kaysa sa kanya na hindi naman kagandahan, probinsiyana, at anak ng isang kawaksi. Kaya kahit sa pag-ibig ay kinimkim na lang niya ang pagmamahal niya kay Reveron, ang lalaking gusto rin ni Ronaliz. Ang katwiran niya—mas bagay naman ang mga ito.
Pero binago ang kanyang buhay ng isang aksidenteng muntik na niyang ikamatay. At sa tulong din ni Reveron ay nakawala siya sa anino ni Ronaliz upang makilala siya bilang tunay na manunulat. Nagkaroon din siya ng pag-asa na mahalin din ni Reveron.
Subalit hindi magiging madali ang daan sa pagiging manunulat niya at para makuha ang puso ni Reveron—dahil nariyan si Ronaliz para tiyakin na hindi siya magtatagumpay.

5. PHR 4962 His Secret Girlfriend by Julianna Ran


Nang muling makita ni Lucy si Tyler pagkalipas ng apat na taon ay nadiskubre niyang hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya rito. Kaya nang hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ni Tyler sa kanya ay hindi na siya nagdalawang-isip na muling tanggapin ito sa buhay niya. Hindi matawaran ang saya na nararamdaman ni Lucy kapag kasama niya si Tyler—nang palihim. Kailangan nilang itago ang relasyon nila dahil isang sikat na artista si Tyler. Buo ang paniniwala ni Lucy na makabubuti sa career nito ang pagtatago nila ng relasyon. And so she thought.
Nang maramdaman niyang unti-unting nagiging threat si Doreen Caravero—ang on-screen love team ni Tyler—sa relasyon nila ay pinanindigan pa rin niya ang kagustuhang itago ang relasyon. Nang malaman ng buong Pilipinas ang relasyon nila ni Tyler ay kinamuhian siya ng fans nito. Nang puntahan siya ni Doreen sa boardinghouse na tinutuluyan niya at sabihing unti-unting bumabagsak ang career ni Tyler ay alam niyang kailangan na niyang gumawa ng desisyon. Kailangan ba niyang panghawakan ang pagmamahal niya rito at patuloy na maging nobya nito o iwan ito para maprotektahan ito?

6. PHR 4963 Only One by Majesty
Roque



Unang kita pa lang ni Yna kay Jun Paulino ay nasungkit na agad nito ang batang puso niya. Lalo pang tumindi ang paghanga niya rito nang mamatay ang Lola Maria niya at kupkupin siya ng pamilya ni Jun. Naging mas malapit sila sa isa’t isa dahil sa iisang bahay na lang sila nakatira. Sa kabila ng closeness nila ay nanatili pa ring isang kapatid ang turing nito sa kanya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang isuko na lang ang espesyal na nararamdaman niya para kay Jun. Inilayo niya ang loob niya rito at ibinaling niya ang atensiyon niya sa pag-aaral.
Lumipas ang mga taon at inakala niyang malapit na niyang makalimutan ang kanyang pag-ibig para dito. Ngunit nagkamali siya. Muli siyang umasa na magkakaroon ng happy ending ang istorya nila. Nasa ganoong estado siya nang bigla na lang itong magtapat ng pag-ibig sa kanya. Handa na rin sana niyang ipagtapat kay Jun ang nararamdaman niya kung hindi lang biglang nawala ito sa buhay niya na parang bula.

7. PHR 4964 Bittersweet Bliss by Lian Suarez


Sage hated Cross from the bottom of her heart. Sa bawat pagkikita nila ay palagi silang nagbabangayan. At nakasanayan na lang niya ang bawat pagbabanggaan nila. To her, Cross was her mortal enemy and her demon brother’s loyal underling.
Kaya nang magpakita ng kabaitan si Cross sa kanya, tila nawindang ang isip at puso niya. He had shown her the other side of his personality, his loveable side. At ang puso niya, hindi maiwasang mahalin ito. Ang akala niya ay malayang maipadadama niya rito ang pagmamahal niya. Pero hanggang kapatid lang ang turing nito sa kanya. Hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Nagtapat pa rin siya ng pagmamahal dito, para lang masaktan at mabigo. At pagkatapos ay umalis ito nang walang paalam. Ipinangako niya sa sariling kakalimutan ito.
Sa muling pagkikita nila, tila nagkaroon na ng interes sa kanya si Cross. Muling nagulo ang puso ni Sage. Mahal pa rin pala niya ito. At hindi niya alam kung makakaya niyang ipagkatiwala uli rito ang puso niyang ilang ulit na nitong sinaktan.

8. PHR 4965 My Favorite Bully by Luna King


Teenager pa lang si Colin ay inibig na niya si Tyra. Pero pinaasa siya nito at sa huli ay ininsulto dahil sa kanyang katabaan. Ipinangako ni Colin sa sarili na gagantihan niya ito. Aakitin niya ito at kapag nakuha na niya ang gusto rito ay saka niya ito iiwan para maramdaman nito kung gaano kasakit ang ginawa nito sa kanya.
Pagkalipas ng walong taon ay mayroon na siyang katawang pasok na pasok sa Mt. Olympus. Gusto sana niyang ipamukha kay Tyra na nagkamali itong saktan siya, pero hindi na siya maalala nito. But he was willing to play her wicked game again.
Back to top Go down
 
August 28, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pavitra Rishta Video Update - August 23rd 2013
» Anamika 6th August 2013 Written Update
» Punar Vivah 2 09th August 2013 Written Episode
» Ek Veer Ki Ardaas Veera - Video Update - 16th August 2013
» Qubool Hai Video Update - August 20th 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: