HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 21, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 21, 2013 Book Release   Tue Sep 03, 2013 5:46 am

1. PHR 4949 Cloak And Dagger 1: Nothing Else Matter by Dream Grace


Akala ni Sheng ay natagpuan na niya ang isang perfect boyfriend kay North Navarre. He made her smile, laugh, fall in love every minute she was with him and believe in happy ever afters.
Mula nang makilala niya ito, pakiwari niya ay mas naging maayos ang takbo ng lahat sa buhay niya. Bihira nga silang magtalo nito. Until they got engaged just before North had to go back to the States.
Doon na nagsimulang maging masalimuot ang buhay-pag-ibig niya. Dahil ang fiancé niya, mas madalas sa hindi ay wala sa tabi niya. Para bang bigla, nawalan ito ng oras at interes sa pag-aasikaso ng kasal nila.
Ayon dito, abala lang ito sa trabaho at mga tungkulin nito bilang undercover FBI agent. But for him to almost miss their own wedding? Hindi yata magandang senyales iyon para sa future na magkasama sila. Naitanong tuloy ni Sheng sa kanyang sarili, may kinabukasan nga ba para sa pagmamahalan nila ni North o dapat na niyang isuko iyon?

2. PHR 4950 Reading Room Book 1: Ken’s Booklover by Gypsy Esguerra


Nang magising si Mia sa ospital ay isang lalaki ang nakita niyang nagbabantay sa kanya. Pagkagulat at pagkalito ang naging reaksiyon niya rito dahil habang kinakausap niya ito ay tila kilalang-kilala siya nito. “Paano tayo nagkakilala?”
“Nagtatrabaho ka sa `kin bilang Web designer para sa isang kliyente ko.” Ngumiti ito na para bang may naalala. “Hindi tayo magkasundo noon. Madalas tayong magtalo pero habang tumatagal na magkasama tayo, nagkasundo na rin tayo,” paliwanag nito na para bang isa siyang paslit.
“Ano’ng pangalan mo?” tanong niya.
“Kenneth Javier. But you prefer to call me KJ whenever I oppose your ideas. Then you’ll call me Ken whenever we’re okay.”
Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. Mukhang handa rin itong ibigay ang buong atensiyon nito sa kanya. Pero pakiramdam niya ay hindi tama iyon, lalo pa at kahit anong piga ang gawin niya sa utak niya ay hindi niya matandaan kung magkakilala nga silang dalawa.

3. PHR 4951 The Ice Maiden’s Match by Susan Stephens (translated by Athena de Lara)


Ayaw muna niyang magising kung ang makapiling ito ay isang panaginip lang. Dahil bawat haplos nito ay pagmamahal, at bawat sulyap ay may kalakip na pangako ng pangangalaga…
Nabuhay si Bella na naging maingat sa buhay. Hindi niya hinahayaan ang kahit sino na makapasok sa buhay niya, lalo na ang kalalakihan. Kaya nga siya tinaguriang “Ice Maiden.” Pero tila sinusubok ang bansag sa kanyang iyon ni Nero Castillo na tinaguriang “Assassin” sa larangan ng polo.
Bakit? Inatasan kasi siya ng gobernador ng kanilang lalawigan na sumama kay Nero sa rancho nito sa Sarangani upang tulungan ito sa pagtuturo sa kabataan doon na mangabayo. Kung tutuusin, hindi naman mahirap gawin iyon. Sasama siya kay Nero, magtuturo sa mga bata, at kapag natapos na ang trabaho niya roon ay babalik na siya sa Baguio. Ang nakikita lang niyang problema ay masyadong irresistible si Nero at pinagpapantasyahan ito ng mga kabaro niya—kabilang na siya.

4. PHR 4952 Ang Bilin Ni Lolo by Laurice del Rio


Bata pa si Gem ay ipinangako na sa kanya ng Lolo Beto niya na sa kanya ipamamana nito ang malaking manggahan nito. Sa isang kondisyon: Dapat ay pakasalan niya si Edgen, ang makulit at buwisit na apo ng matalik na kaibigan nito.
Natural na todo ang tanggi niya. Pero dalawa lang naman ang kanyang pagpipilian—ang pakasalan si Edgen o hayaan niyang mapunta sa tiyahin niyang mahilig magbenta ng ari-arian ang manggahan.
She chose the lesser evil. May nahanap din naman kasi siyang loophole sa kondisyon na ibinigay ni Lolo Beto. Pumayag naman si Edgen sa proposal niya pagkatapos nitong humingi ng kapalit.
They thought everything would be fine and dandy. Ang hindi inasahan ni Gem ay ang pagkahulog ng loob niya rito. Inakala pa nga niya na sa pagkatao nito ay nakahanap na siya ng wagas na pagmamahal. Pero nagkamali siya at isinampal sa mukha niya ang masaklap na katotohanan.

5. PHR 4953 Farewell To Pretensions by Amy Loryn


Isang sikat na modelo si Shane. Pero sa kabila ng kinang ng tagumpay na tinatamasa niya ay nananatili siyang mapagpakumbaba. Isa siya sa mga sumusuporta sa isang bahay-ampunan. Doon ay nakilala niya si Donya Miranda Cuevas—isang philanthropist. At dahil wiling-wili ito sa kanya, inireto siya nito sa apo nitong si Justin. Noong una ay hindi niya gusto ang ugali ng lalaki dahil palagi silang nag-aaway nito.
Pero habang tumatagal na nakakasama niya ito ay lalong nakikilala niya ito, lalo pa nang minsang tulungan siya nito nang maipit siya sa isang sitwasyon.
Nagtapat ng pag-ibig si Justin na tinanggap naman niya. Pero hindi niya inakala na ginawa lang pala nito iyon dahil nais nitong pasayahin ang lola nito… at wala nang iba.

6. PHR 4954 The Forbidden Ferrara by Sarah Morgan (translated by Janis delos Reyes)


Isa lang ang pangarap ni Pia noong bata pa siya: ang maging isang Ferrara. Kinaiinggitan niya ang pagmamahalan ng buong pamilya—pagmamahal na hindi niya naranasan sa sariling pamilya.
Isang gabing malungkot siya ay nakahanap siya ng kasiyahan sa piling ni Santo Ferrara, ang nag-iisang lalaki na nagpakita ng kabutihan sa kanya. Ngunit nagwakas ang gabing iyon sa isang trahedya at hindi na uli nagpakita ito sa kanya. Pero nag-iwan ito ng isang regalo sa kanya: isang anak.
Itinago niya rito ang anak nila. Natakot kasi siyang baka kunin nito ang bata sa kanya. Pero bigla na lang itong nagpakita at nabunyag ang lahat. Sa isang iglap, nagbago ang buhay niya.
Tinupad nito ang pangarap niya noon. Naging isa siyang Ferrara. Pero may kulang pa rin. Pangalan lang kasi ang nakuha niya, hindi ang pagmamahal ni Santo Ferrara.

7. PHR 4955 Finally Found You by Sapphire Morales


Arabella’s almost perfect world shattered when her fiancé went missing on the day of their wedding. Ang masakit ay wala man lang itong ibinigay na matino at katanggap-tanggap na rason kung bakit iniwan siya nito.
Pinayuhan siya ng kaibigan at boss niya na magbakasyon muna siya para makapagpahinga at makapag-isip-isip. Naisip niyang tama ito kaya pumayag siya sa suhestiyon nito na sa rest house ng pamilya nito sa Quezon magpunta.
Ang akala niya ay makakapagbakasyon siya nang maayos doon, pero isang gabi pa lamang siya sa pananatili roon ay dumating na ang isang napakaaroganteng lalaki na sumira ng pamamahinga niya—si Jared.
Pinsan ito ng boss niya at naroon din para magbakasyon. Pagkatapos ng matinding diskusyon ay nagkasundo sila ni Jared na manatili roon.
Magkasama sila sa rest house ngunit wala silang pakialam sa isa’t isa. Pero sadyang mahirap iwasan ang atraksiyong nararamdaman niya para dito. This beast was so damn hard to ignore!

8. PHR 4956 Love’s Stroke: Dream In My Heart by Haze Prado


Nagkaroon ng malaking problema si Maia nang magsimulang makialam ang papa niya sa love life niyang bokya. Ibinubuyo siya nito at imina-matchmake kay Kahleb. At gusto niyang umiwas sa sitwasyong iyon. Una, hindi siya naniniwalang ang tulad ni Kahleb, na napapalibutan ng naggagandahang kababaihan, ay magkakagusto sa kanya. Pangalawa, at higit na mahalaga, ay si Arthur, ang lalaking siyang tanging nakapukaw ng kakaibang damdamin sa dibdib niya sa unang pagkikita pa lang nila. Buong-tapang siyang humingi ng tulong kay Arthur, para maresolbahan ang kunsumisyong dulot ng kagustuhan ng kanyang amang magka-love life na siya. Pero napahiya lang siya nang tanggihan siya nito.

Tinangka niyang ibaon sa limot ang kagagahang nagawa. Naisip niyang hindi siguro masamang ideya na bigyan niya ng pagkakataon si Kahleb, lalo pa at mukhang tapat ito sa pakikipaglapit sa kanya. Pero pagkalipas ng ilang araw, bigla na lang sumulpot si Arthur at kumikilos na para silang may relasyon, na labis na nagpapalito sa kanya at sa labis na pagkadismaya niya ay nagpapakilig din sa kanya. Gayunman, hindi pa rin niya magawang paniwalaan ang mga ikinikilos nito.
She tried to avoid him. Pero dahil madalas niya itong nakakasama ay nakilala niya ito nang husto. Lalong nahulog ang loob niya rito. Kahit pa nga sinabi na niya sa kanyang sariling walang patutunguhan ang lahat ng iyon, labis pa rin siyang nasaktan sa nagdudumilat na katotohanang isa lang siya sa mga babaeng naging challenge para dito.
She tried to avoid him. Pero dahil madalas niya itog nakakasama ay nakilala niya ito nang husto. Lalong nahulog ang loob niya rito. Kahit pa nga sinabi na niya sa kanyang sariling walang patutunguhan ang lahat ng iyon, labis pa rin siyang nasaktan sa nagdudumilat na katotohanang isa lang siya sa babaeng naging challenge para dito.

9. PHR 4957 Love’s Stroke: Edge To Forever by Haze Prado


Astrid fell for Roald the very first time she met him. Pero nang tangkain niyang ipagtapat iyon dito ay rejection ang napala niya. Kapatid lang ang turing nito sa kanya at ang kapatid niyang si Avon ang gusto nito. Sa kabila ng maikli ngunit magandang pinagsamahan nila ay pilit siyang lumayo rito.
But after a few years, bigla na lang itong kumilos na tila diktador na puwede siyang sitahin nito sa mga ginagawa niya, sa bawat kibot, at kilos niya. Pinakamalala ay ang labis na pakikialam nito sa pagiging malapit niya sa ibang lalaki. Ayaw niyang umasang nagseselos ito at isiping sa wakas ay mahal na rin siya nito. And then he kissed her. Lalong nagkalabo-labo ang sistema niya sa ginawa nitong iyon. But then she let herself be happy with all the sweet things they shared.
Pero daig pa niya ang pinagbagsakan ng langit at lupa nang matuklasang kawanggawa lang ang pagbibigay-atensiyon nito sa kanya. Na hiniling lang iyon dito ng kapatid niya, na bigyang-katuparan ang ilusyong mamahalin din siya nito.
Back to top Go down
 
August 21, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pavitra Rishta Video Update - August 23rd 2013
» Anamika 6th August 2013 Written Update
» Punar Vivah 2 09th August 2013 Written Episode
» Ek Veer Ki Ardaas Veera - Video Update - 16th August 2013
» Qubool Hai Video Update - August 20th 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: