HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 14, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 14, 2013 Book Release   Thu Aug 15, 2013 10:54 am

1. Bud Brothers Unlimited Series 27: Baby’s Breath by Rose Tan


Dahil sa vintage wine ng kliyenteng Hapon, nalasing si Ging-ging at nawala ang hiya at pinakawalan ang lihim na pagnanasa kay Aldis. Nakainom din ito kaya pinatulan siya.
Ang resulta: trending topic siya ngayon ng mga tsismosa ng bayan: Atin-atin lang `to, ha? Si Ging-ging buntis.
Ang masaklap, totoo ang tsismis.
Ang mas masaklap doon: hindi siya pakakasalan ni Aldis dahil hindi naman daw siya nito mahal.
To save her pride, she declared war against her baby’s daddy. Ni kuko ng anak niya, hindi niya ipahihipo kay Aldis!

2. PHR 4943 Twisted Love by Maricar Dizon


Na-love at first sight si Michael kay Lily nang iligtas siya nito nang ma-hit-and-run siya. Nang gumaling siya ay hinanap niya ito. Nagpakilala siya rito pero tila hindi siya natatandaan ni Lily. Taliwas sa inaakala niya ay may pagka-bad girl pala ito. Pero sinuyo pa rin ito ni Michael. Ginawa niya ang lahat ng gusto nito makamtam lang niya ang matamis na “oo” nito. Ngunit sa huli, nalaman niya na pinaglalaruan lang siya nito. Na hindi ito magkakagusto sa isang “fatty wimp” na gaya niya. Nasaktan siya at nagdesisyong lumayo na kay Lily.
Maraming taon ang lumipas. Hindi na siya ang dating “fatty wimp” na Michael. Guwapo at macho na siya ngayon. It was then that he met Lily again. Tila good girl na ito ngayon. Pero parang hindi na naman siya nakikilala nito. He decided to get even. Ipaparamdam niya rito ang pagkapahiyang naramdaman niya noon.
But his plans turned upside down when he started to like this new Lily. Bigla ay nalito siya kung itutuloy pa niya ang pagganti rito o ibibigay na ang tiwala niya rito. Hanggang sa bumulaga sa kanya ang isang malaking rebelasyon…

3. PHR 4944 My Sweet Srenity by Mariane Reign


Corinne Yelis swore she will never fall in love again. Not after she witnessed how her father hurt her mother and how the only man she loved fooled her for another girl. Para sa kanya, tapos na ang chapter na iyon sa buhay niya. Kumbinsido na siyang masaya siya at hindi niya kailangan ang isang lalaki para kompletuhin ang buhay niya. Pero mukhang hindi siya ang may hawak ng desisyon na iyon.
Tatlong taon pagkatapos ng breakup nila, bumalik sa buhay niya si Zhen Cylix Ereje. He was three times more handsome; three times sure he still loved her and three times more determined to get her back. Pero desidido siyang tanggihan lahat ng ka-sweet-an na ipinapakita nito. In fact, she refused to see him at all!
But destiny didn’t share the same sentiments. Lagi sila nitong pinagtatagpo. Ano ang gagawin niya ngayong ang tadhana at si Zhen ay nagkaisa para muling mapaibig siya?

4. PHR 4945 Love’s Choices by Juno



Buong buhay ni Ioni ay hindi siya nakipaglapit sa mga lalaki dahil na rin sa warning ng mommy niya. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga lalaki ayon dito. Iniwan kasi sila ng kanyang ama noong ipinagbubuntis pa lang siya ng kanyang ina. Pero ngayon, kinakailangan daw niyang mag-asawa. Nagkaroon ng malubhang sakit ang kanyang ina at sa pagkagulat niya, sinabi nitong kailangan niya ng makakasama kapag nawala na ito sa mundo. Para makasiguro na mapagkakatiwalaan ang lalaking mapipili niya, her mother wanted her to choose her groom from ten eligible men. Sa sampung lalaking ito lamang siya dapat pumili ng mapapangasawa.
Para makasiguro na tama ang mapipili niya, nagpaimbestiga siya. Ang hindi niya napaghandaan ay ang atraksiyong naramdaman niya kay Nathan Malec, a gorgeous detective, whom she hired to investigate the background and character of each of those ten men. Ang laki ng problema ni Ioni. Bakit hindi ito kasama sa pagpipilian niya?

5. PHR 4946 Car Wash Boys 10: Mark Manuel Meneses by Juris Angela


Noon pa man ay naiirita na si Kim kay Mark, ang kapitbahay nila at pinsan ng kaibigan niya. Tuwina kasi ay kinokontra siya ni Mark. Ang mas ikinaiinis pa niya ay parang hindi nagsasawa ito sa pang-aasar sa kanya. Naiinis din siya rito dahil guwapo ito, mabait, at sobrang maalalahanin—na mga ugali nito na kay hirap bale-walain.
Laking gulat niya nang isang araw ay lumapit ito sa kanya at nagsabing aakyat ng ligaw. Noong una ay inakala niyang nagbibiro lang ito. Pero kinagabihan ay personal na humarap ito sa kanya at sa mga magulang niya. Nang mga sumunod na araw nga ay pinatunayan nito ang katapatan nito sa kanya. Kaya hindi nahirapan ang puso niya na mahulog dito.
Nakahanda na siyang umamin na mahal niya si Mark pero nagbalik ang isang lalaki sa kanyang nakaraan. At sa pagbalik nito ay siya namang biglang pag-iwas sa kanya ni Mark…

6. PHR 4947 Los Matadores Bullriding Club 15: Odysius Homer Dominador by Camilla


Naglayas si Sierva nang hindi na niya matiis ang pagmamaltrato ng kanyang ina. Sa barko niya nakilala si Ody, maginoo at guwapo, ngunit tinakasan niya ito.
Nagpalipat-lipat siya ng tirahan, ngunit sadyang pinagtitiyap yata sila ng tadhana. Muling nagkrus ang mga landas nila makalipas ang maraming taon. Sa pagkakataong iyon ay kinupkop siya nito.
Nang malagay siya sa peligro at masiwalat ang mga lihim ng kanyang pagkatao, hindi na nagpakita sa kanya si Ody. Naisip ba nito na hindi siya karapat-dapat dito?

7. PHR 4948 McChevy, Male Sexy by Vanessa


Hindi napigilan ni Tori ang kanyang sariling panoorin ang nakita niyang lalaking naliligo sa poso nang minsang mag-jogging siya. The sheer male beauty of the half-naked stranger trickled her imagination to no end. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismayang naramdaman niya nang makilala niya ang lalaki. Si Seb pala iyon, ang lalaking dapat kasama niya sa “failed pagtatanan attempt” nila noon. Nagdulot iyon ng eskandalo sa pangalan ng pamilya niyang matagal na iningatan ng namayapa niyang lolo.
Mula sa pagiging patpatin ay naging si Apollo na ngayon si Seb sa kanyang paningin. At ang ikinaiinis niya rito ay ang pagkilos nito na parang hindi siya nito iniwan sa ere mahigit isang dekada na ang nakararaan. How dare he strut around showing off his gorgeous body to her when she was no longer the fresh, pretty teenager who used to be head over heels in love with him? Kung kailan naman isa na siyang babaeng bitter, malapit nang mawala sa kalendaryo, problemado sa buhay, at overweight ay saka ito bumalik sa buhay niya.
Ano na ang gagawin niya? Susundin ba niya ang puso niya na nagsasabing tanggapin muli ito sa buhay niya o ang pride niya na nagsasabi na hindi ito makabubuti sa sistema niya dahil sa ginawa nito sa kanya?

8. Stallion Series Revisited 6 Rushmore Forteza by Sonia Francesca


Maora met an accident while walking in her school. Thanks to the reckless young Rushmore Forteza. Nasira nito ang mga paninda niya na kapag nabenta ay ipambibili sana niya ng regalo sa birthday ng kanyang ina. Bumawi naman si Rushmore at nangakong babayaran na lang ang mga iyon. Sa murang edad ay tusong negosyante na si Maora. Dahil doon, nagawan niya ng kasulatan ang pangakong iyon ng binatilyo—utang na naging daan upang magkaroon sila ng pagkakataon na muling makilala ang isa’t isa pagkalipas ng ilang taon.
Hanggang sa makilala rin ni Maora ang isa sa mga kaibigan ni Rushmore na si Lemuel.
“Bayaran mo ang utang mo sa `kin,” deklara ni Maora. “A date with Lemuel Acosta.”
Umoo naman si Rushmore para matapos na ang pagsisingilan nila. Pero ni minsan ay hindi natuloy ang date na iyon dahil ang lagi niyang nakakasama ay si Rushmore mismo na laging mainit ang ulo sa kanya.
“Tuwing nakikita kita, naaalala ko lang ang mga bagay na matagal ko nang nakalimutan.”
Hindi niya naintindihan ang sinabing iyon ng binata. Pero ang lalong hindi niya ma-gets ay kung paanong sa halip na si Lemuel ang pinapangarap niya, si Rushmore na lang lagi ang hinahanap niya.
Ang puso niya, mukhang nahawa na sa pagbabasa niya ng mapa nang pabaliktad.

9. Territorio delos Hombres Batch 6 Series 60 Alberto Resplandor by Vanessa


Nagising si Toolah na limot ang nakaraang pitong taon ng buhay niya. At engaged na siya ngayon para magpakasal kay Damon Concepcion, isang lalaking hindi niya kilala.
Naglalaro sa isip ni Toolah ang malaking tanong niya sa sarili kung paano nangyari iyon gayong iisang lalaki lang ang mahal na mahal niya mula pa nang una niyang masilayan noong fourteen siya.
Ang guwapong abogadong si Alberto Resplandor at wala nang iba.

10. Vampire Kisses: Kissing Coffins by Ellen Schreiber (translated by Cynthia Cruz-Paz)


Para sa goth girl na si Raven, naging makulay ang buhay niya sa “Dullsville.” Nang makilala niya si Alexander—ang lalaking higit na masigla pagsapit ng gabi, misteryoso, at kapanga-pangarap—ang malungkot niyang mundo ay naging masaya. Ngunit katulad ng paborito niyang pelikulang Kissing Coffins, alam ni Raven na ang pag-ibig ay laging may kasamang mga problema.
At may lihim si Alexander—isang lihim na kailangang tahimik na pangalagaan ni Raven.
Nang biglang mawala si Alexander, natagpuan ni Raven ang sariling nasa gitna ng panganib sa paghahanap dito. Ang natuklasan niya ay higit na nakakikilabot kaysa sa kanyang inaasahan—kabilang na ang isang desisyong babago sa buhay niya na malamang ay hindi niya napaghandaan.
Back to top Go down
 
August 14, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pavitra Rishta Video Update - August 23rd 2013
» Anamika 6th August 2013 Written Update
» Punar Vivah 2 09th August 2013 Written Episode
» Ek Veer Ki Ardaas Veera - Video Update - 16th August 2013
» Qubool Hai Video Update - August 20th 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: