HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 7, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 7, 2013 Book Release   Mon Aug 12, 2013 5:56 am

1. PHR 4935 A Childhood Promise by Athena de Lara


Pitong taon nang umiibig si Andrea sa college professor niyang si Erik. At kahit dalawampu’t limang taon ang tanda nito sa kanya, hindi naging hadlang iyon upang umasa siya na balang-araw ay mamahalin din siya nito. Hindi rin niya inilihim dito ang nararamdaman niya. Ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito. Naging ganoon ang buhay niya hanggang sa bumalik sa bansa ang kanyang ina at ipagpilitan siyang makipag-date kay Misael, ang architect na nakilala nito sa France. Pinagbigyan niya ang mommy niya dahil naniniwala siyang kahit sino ang ipa-date nito sa kanya ay hindi magbabago ang nararamdaman niya.
Pero hindi pala niya mapapanindigan iyon dahil dalawang linggo pa lang silang nagkakasama ni Misael ay nahulog na ang loob niya rito. At hindi nagtagal ay naging nobyo na niya ito. Malinis daw ang intensiyon ni Misael sa kanya at upang patunayan iyon ay ipinakilala siya nito sa mga magulang nito. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang matuklasan niyang ang ama nito ay walang iba kundi si Erik!

2. PHR 4936 You To Me Are Everything by Jelaine Albert


Rovie hated everything about Jaden Centenno. Para sa kanya, ang mga lalaking tulad nito ay dapat na iniiwasan. She wouldn’t fall for him kesehodang ngitian pa siya nito nang paulit-ulit. She knew his kind kahit pa hindi niya ito kilalanin.
Ang labis na ipinagtataka niya ay kung bakit kahit anong pagtataboy niya rito ay lapit pa rin ito nang lapit. Nagpilit itong gumawa ng paraan upang mag-date silang dalawa. Nasundan pa uli ang date na iyon nang ilan pa hanggang sa ang puso niyang sumumpa na hindi na muli pang mahuhulog sa maling tao ay nahulog na rito nang tuluyan.
Ngunit kung inaakala niyang nagsisimula na silang magkaroon ng magandang samahan, nagkakamali siya. Iiwan pala siya ni Jaden.

3. PHR 4937 Nang Umibig Si Mayabang Kay Pangit by Estela Anderson


Asar na asar si Lily kay Zeek dahil madalas siyang binu-bully nito noong elementary sila. Mula noon ay inilagay na niya ang pangalan ng lalaki sa “most hated person” sa buhay niya.
Lumipas ang maraming taon. Hindi pa rin nagbabago si Zeek, at may reputasyon pa ito na pagiging isang babaero. Ngunit dumating ang isang pangyayaring kinailangan ni Lily ang tulong ni Zeek. She was forced to work with him. Pikit-mata niyang ginawa iyon. Sa paglipas ng panahong magkasama sila, unti-unting nabawasan ang pagkainis niya rito. Lumambot ang puso niya kay Zeek. Hanggang isang araw, bigla na lang itong nagtapat ng pag-ibig sa kanya. She was shocked. Kahit na may nararamdaman na siya para dito, hindi niya ito magawang paniwalaan. Natatakot siyang masaktan. Isa pa, napakalabong mahalin ang isang katulad niya ng isang mayabang na binata. Kaya binasted niya ito.
At ngayong basted ito, nasasaktan naman siya na nakikita niyang may kasama na itong iba.

4. PHR 4938 Song Of My Heart by Serene Gale


Dahil na rin sa nakita niyang paghihirap ng kanyang ina sa piling ng kanyang ama ay mas pinili ni Alexielle na lumayo sa mga lalaki. Para sa kanya, napakahirap maniwala sa pagmamahal na sinasabi ng mga ito.
Until one day, a certain man kissed her. Her very first kiss. Hindi lubos-akalain ni Alexielle na ang lalaking walang pakundangang nanghalik sa kanya ay vocalist pala ng isang sikat na banda, si Raigel Flores. Pero wala siyang pakialam kung sino man ito. Para sa kanya, ito ang pinakawalang modong lalaking nakilala niya. Basta na lang kasi ninakaw nito ang first kiss niya. Hindi niya matanggap na ang napakaimportanteng bagay na iyon ay basta na lang ninakaw sa kanya ng kung sinong lalaki. Dahil ang totoo ay umaasa pa rin nang lihim ang puso niya na darating din ang tamang lalaki para sa kanya. At hindi niya naisip na iyon na pala ang simula ng napakalaking pagbabago sa buhay niya… sa puso niya.

5. PHR 4939 Sweet, Sugar, And The Candy Man by Akira Ellie


Ang pagbibigay kay Chrissa ng candy ng isang lalaki ang hiningi niyang sign upang malaman na ito ang nakatadhana para sa kanya. Pero lumipas ang mga taon at unti-unti nang nabura ang pag-asa niyang may isang lalaking nakalaan para sa kanya. Masaya na siya sa piling ng matatamis na pagkain sa paligid niya at pagpapalago ng negosyo nila. She was doing okay. Pero ang okay ay naging disaster nang sumulpot si Shin sa buhay niya at abutan siya ng candy. Ginawa nito ang lahat para mapalapit sa kanya sa kabila ng abot-langit na pag-iwas niya rito.
Kaya nang may isang guwapong lalaki na nag-alok sa kanya ng candy na pasok din sa sign na hiningi niya, naisip niyang dayain ang tadhana. Babaguhin niya ang kapalaran niya. Hindi si Shin ang magiging candy man niya.

6. PHR 4940 Sundays With Segundo by Neliza



Tahimik ang buhay ni Ignacia “Cia-cia” Veracruz bago niya nakilala nang personal ang sikat na sikat na artista na si Siege De Vera at madikit ang pangalan niya rito. Sa isang iglap ay naging instant celebrity siya. Nagkaroon siya ng sandamakmak na haters at makukulit na reporters na nakabantay sa bahay nila, at hindi niya ikinatuwa iyon.
Nadoble ang pagkawindang ni Cia-cia nang alukin siya ng manager ni Siege ng malaking pera kapalit ng pag-arte niya. Aarte siya bilang Cinderella ng makabagong panahon. Siya si Cinderella at si Siege ang prinsipe! Iyon lamang daw ang paraan para mabura ang playboy image ng lalaki at para pumatok sa masa ang susunod na proyekto nito. Hindi niya gusto ang ideyang iyon, ngunit nagipit siya at napilitan siyang gawin ang gusto ng mga ito.
Ipinangako ni Cia-cia sa sarili na hinding-hindi siya sasama sa pila ng mga nagkakagulong babae kay Siege. Ngunit bakit parang gusto na niyang siya ang manguna sa pila at pagsasakalin ang mga babaeng bumubuntot sa binata? Pero natigil ang ilusyon niyang iyon. Ang buong akala kasi niya ay bilang si Cinderella ang role niya pero nagkamali siya. Dahil ang hindi niya alam, siya pala ang kontrabidang witch sa mundo ni Siege!

7. PHR 4941 Para Sa Akin by Julianna Ran


Sabrina loved Tres since they were kids. But she was just a sister to him. Nanatili silang magkaibigan hanggang sa paglaki nila. Saksi siya sa hindi na mabilang na babaeng nagdaan sa buhay nito. Kahit pa mahal niya si Tres ay tanggap niya ang bagay na iyon dahil alam niyang wala naman itong sineryoso sa mga iyon. Kampante siya na walang isa man sa mga iyon ang makapagpapaibig kay Tres. Siguradong-sigurado siya sa bagay na iyon
But not until her cousin Arita came to their lives. Sa unang pagkikita pa lang nito at ni Tres alam na niyang nahulog kaagad ang loob ni Tres sa pinsan niya. Biglang nataranta si Sabrina, hindi puwedeng ma-in love sa iba ang lalaking mahal niya. Pero hindi niya matuturuan ang puso ni Tres na mahalin siya. Kaya nanahimik na lang siya habang pinagmamasdan itong nagmamahal ng ibang babae.
Iyon nga lang walang katugon ang damdamin ni Tres dahil nagmahal ng ibang lalaki ang pinsan niya. Lalo na nang magdesisyon ang pinsan niya na magpakasal na sa taong mahal nito.
Sa gabi ng engagement ng pinsan niya ay natagpuan ni Sabrina ang sarili na dinadamayan ang brokenhearted na si Tres. Pero nagising na lang siya na katabi na niya ito sa kama and they were both naked! May nangyari sa kanila at nag-alok si Tres ng kasal. Tatanggapin ba niya ang iniaalok nito sa kabila ng kaalamang may iba itong minamahal? O dapat na lang ba niyang isipin na iyon na ang magiging daan para mabaling na sa kanya ang pagmamahal ni Tres na matagal na niyang inaasam?

8. PHR 4942 Car Wash Boys 9: Karl January Servillon by Juris Angela



Mula nang mamatay ang mama ni Chaia at magkaroon ng bagong pamilya ang kanyang ama, pakiramdam niya ay nag-iisa na siya. Nakadagdag pa sa bigat na nararamdaman niya ang evil stepsister niya. Mukhang naawa sa kanya ang Langit at ipinadala Niyon si Pogs para pahirin ang mga luha niya at maglagay ng ngiti sa kanyang mga labi. Ngunit panandalian lang ang lahat dahil isang araw ay bigla na lamang nagpaalam si Pogs sa kanya. Sa pag-alis nito, isang kuwintas ang iniwan nito sa kanya, kalakip ang pangakong babalikan siya nito at hinding-hindi na siya iiwan.
Umasa si Chaia sa pangako ni Pogs. Ngunit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagbabalik. Sa halip, isang Karl January Servillon ang dumating sa buhay niya. Hatid nito ang kaparehong damdamin na nadama niya para kay Pogs. Hanggang sa unti-unti ay malinaw na nakita niya sa katauhan nito si Pogs. Isa lang ang paraan para makumpirma niya ang kanyang hinala na si Karl at si Pogs ay iisa—ang kuwintas!
Ngunit nagtaka siya nang wala siyang nakuhang ano mang reaksiyon mula rito. Dalawa lang ang posibleng dahilan: nagkamali siya ng hinala, o sadyang kinalimutan na nito ang pangako nito sa kanya.
Back to top Go down
 
August 7, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pavitra Rishta Video Update - August 23rd 2013
» Anamika 6th August 2013 Written Update
» Punar Vivah 2 09th August 2013 Written Episode
» Ek Veer Ki Ardaas Veera - Video Update - 16th August 2013
» Qubool Hai Video Update - August 20th 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: