HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 31, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 31, 2013 Book Release   Mon Aug 12, 2013 5:38 am

1. PHR 4923 Can’t I Love You by Viera Ching


Na-in love si Vielle sa isang binatilyong nagmagandang-loob sa kanya noong araw na sobrang bad trip siya sa mundo. Binalik-balikan niya ang lugar kung saan niya nakita ito pero parati siyang umuuwing bigo. Ilang taon ang lumipas, pero nanatiling isang magandang alaala ang tagpong iyon sa buhay niya.
It was all instilled in her heart kaya laking sorpresa niya nang makita uli niya ang binatilyong iyon. He had turned into a gorgeous man. At tila pinagpala siya dahil ang lalaking iyon na Yuki pala ang pangalan ay nagkataong best friend ng Kuya Toia niya. Wala na siyang pinalagpas pang pagkakataon. Kinaibigan niya ito at sinubukang paibigin.
Magtatagumpay na sana siyang makuha ang atensiyon ni Yuki at magiging masaya na sana ang lahat kung hindi lang umeksena ang unang babaeng minahal nito. At bumabalik ang babae para tuluyan nang angkinin si Yuki!

2. PHR 4924 Campus Girl: Agatha, The Love-struck Teen by Heart Yngrid


Na-in love si Agatha kay Ethan, ang estrangherong lalaking nagligtas sa buhay niya. Bukod sa pangalan nito ay wala na siyang alam tungkol dito dahil hindi na ito nagpakita pa sa kanya pagkatapos na iligtas siya nito. Gayunman ay araw-araw na nagpapadala ito sa kanya ng mga bulaklak. Ang sabi nito sa kanya sa card na kalakip ng mga bulaklak ay magkikita uli sila sa tamang panahon.
Hinintay niya si Ethan hanggang sa nakita niya ito nang hindi sinasadya. Pero laking gulat niya nang itanggi nito na may damdamin ito para sa kanya. Doon niya nalaman na may mabigat palang dahilan ito kung bakit ayaw nitong umamin sa tunay na nararamdaman nito para sa kanya.
Ang resulta ay hinabol-habol niya ito kahit patuloy ito sa pag-iwas. Hindi siya natinag ng pagpapakita nito ng kawalang-interes sa kanya. Handa siyang kumbinsihin ito na aminin na ang itinatago nitong pag-ibig para sa kanya.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong pinakahihintay niya. Pero mukhang mali siya ng inakala. At gumuho ang mundo niya nang malaman niya ang buong katotohanan tungkol sa pagpasok nito sa buhay niya.

3. PHR 4925 The Way I Feel For You by Gianna Ross


Para lubayan na si Reisha ng isang nakakainis na manliligaw niya, tinanggap niya ang alok ni Jarence na magpanggap silang magkasintahan. At mukhang nagtatagumpay naman ang pagpapanggap nila.
Ang kaso, dumating sa punto na nahiling ni Reisha na sana ay hindi na lang kunwa-kunwarian ang lahat. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensiya ni Jarence sa buhay niya at hindi na siya kumportable kapag hindi niya kasama ito. Yes, she had fallen in love with him.
Nagpasya siyang gawin ang isang bagay na hindi karaniwang ginagawa ng isang babaeng tulad niya: magtatapat siya ng pag-ibig kay Jarence. Pero bago niya nagawa iyon ay nalaman niyang in love pa rin pala si Jarence sa ex-girlfriend nito…

4. PHR 4926 Ang Sinisinta Ni Elai by Brandy Gallardo


Sa unang paglapat pa lang ng mga mata ni Elai kay Russell noong thirteenth birthday niya ay nagka-crush na siya rito. At a young age, she thought he was the man she had been waiting for.
Kaya naman inalagaan niyang mabuti ang nararamdaman niya para dito. And after so many years of loving him silently, sa wakas ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob na sabihin dito ang nararamdaman niya.
Ngunit nang marinig iyon ni Russell ay inakala lang nitong nagbibiro siya. Kaya ginawa niya ang lahat mapansin lang siya nito bilang babaeng nagmamahal dito at hindi bilang younger sister ng Kuya Excel niya na best friend nito. Kahit malayong mangyaring mahalin din siya nito…

5. PHR 4927 Car Wash Boys 8: Wayne Castillo by Juris Angela


Certified raketera si Laiza. Lahat na yata ng trabaho ay pinasok na niya para lang makatulong sa kanyang pamilya. Maging ang sikat at tinitiliang basketball player na si Wayne Castillo ay hindi niya pinalampas na alukin ng insurance nang pasukin niya ang pagiging isang ahente. Ngunit sa halip na raket, sakit sa ulo ang napala niya dahil bigla na lang siyang hinalikan nito sa harap ng mommy at mga pinsan nito. The next thing she knew, siya na ang inaalok ni Wayne na magpanggap bilang girlfriend nito. He offered her a great business deal she could not refuse.
Hindi naman mahirap na magpanggap na nobya ni Wayne dahil bukod sa guwapo, maalaga at malambing ito. Iyon nga lang, mukhang nakalimot ang raketerang bahagi ng isip niya dahil namalayan na lang niya ang sarili na nahuhulog dito. Handa nang mag-invest ang puso niya para totohanin ang palabas nila. Ngunit mukhang malulugi siya, lalo pa at para dito ay tila purely business lang ang lahat.

6. PHR 4828 Villa Cattleya: Sweet New Love by Belle Feliz


Nang makilala ni Charlene si Simon ay naging kakaiba ang tibok ng kanyang puso. Kahit na may-kasungitan ito, natagpuan pa rin niya ang kanyang sarili na lumalapit dito. Gusto niyang palagi itong nakikita at nakakasama. Hanggang sa tuluyan na siyang umibig dito.
Napakasaya niya nang malamang may katugon ang nararamdaman niyang pag-ibig. Naging masaya sila sa relasyon nila. Halos wala na siyang mahihiling pa. Ito ang pinakaperpektong nobyo.
Maayos ang lahat sa pagitan nila hanggang sa malaman niya na ang dati nitong nobya ang dating nagmamay-ari ng kanyang puso. Nagsimula na siyang magtanong sa kanyang sarili kung siya nga ba talaga ang nagmamahal dito. Nagsimula siyang magduda sa pag-ibig na nararamdaman niya.
Nagduda na rin siya kung siya nga ba talaga ang minamahal nito o ang namayapa nitong kasintahan?

7. PHR 4929 Not Just A Pretty Face by Lush Ericson


Binansagan si Casey sa kanilang university na “beauty with no brains.” Kabilang siya sa tinaguriang “The Loser’s Club.” Hindi lang niya minsang narinig ang pangungutya sa kanya ng mga tao. Pero hindi na niya ininda ang mga iyon lalo na nang aminin sa kanya ni Red, ang kanyang Prince Charming na gusto rin siya nito. Hindi biro ang mga ginawa niya para mapansin siya ng binata. Naging errand girl siya ng basketball team na kinabibilangan ni Red para lang maalagaan at masilayan niya ang kaguwapuhan nito.
Ang akala ni Casey ay maayos ang lahat sa relasyon nila ni Red, pero isang malaking problema pala ang kakaharapin niya—ang mga magulang nito. Kilalang henyo ang buong pamilya ng binata at natatakot siya na baka hindi siya magustuhan ng mga magulang nito para kay Red.
Hindi naman siya nagkamali ng sapantaha. Tila nagdilim ang mundo ni Casey nang marinig niya mismo mula sa bibig ng mama ni Red kung gaano siya nito inaayawan. Pero mas masakit pala ang malaman na naipagkasundo na si Red sa ibang babae at pampalipas-oras lamang siya nito.

8. PHR 4930 Can’t Help But Falling In Love With You by Lara Dyn Grey


Chase Sandoval was the most gorgeous and the hottest guy Una had ever seen in her entire life. Ito ang lalaking sumagip sa kanya sa nakaambang kapahamakan dahil sa paglalasing niya. Inakala niya na bukal sa puso ang pagtulong nito pero hindi pala. Ayon nga kay Chase: “Sa panahon ngayon ay wala nang libre.” Kaya hayun siya—naninilbihan dito bilang maid nito. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagkahulog ng loob niya sa binata habang tumatagal ang pagsasama nila bilang mag-amo. Bigla, naka-recover ang puso niya sa tulong na rin ni Chase. So Una took the risk. She loved again.
Pero may natuklasan si Una. Ang lalaking minahal niya sa ikalawang pagkakataon ay ang dahilan pala ng pagkabigo niya sa unang lalaking minahal niya. Could she still accept Chase behind all his lies?

9. PHR 4931 Mermaid Kiss by Tyra


Dahil sa isang insidente na kumuha sa buhay ng mga magulang ni Sonata, she became mute. Natakot na siyang makihalubilo sa ibang tao. It made her withdraw from the outside world. At sa loob ng maraming taon, the nightmares kept on haunting her. Ang tanging panahon na nakakaramdam siya ng kapayapaan ay tuwing naglalangoy siya sa malawak na karagatan.
Nakontento na siya sa kung ano’ng mayroon siya. Sapat na sa kanya ang tahimik na buhay. Iyon ay noong hindi pa niya nakikilala si Lance Silverio. Unang kita pa lang niya rito ay humanga na agad siya sa lalaki. He looked like a prince who came straight out of a fairy tale. Hindi niya maintindihan, pero kahit isa itong estranghero sa kanya ay hindi siya nangingilag dito. Instead, she felt safe and protected whenever she was with him. Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sarili na unti-unting nahuhulog ang loob dito.
Pero alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon. Dahil malapit nang ikasal si Lance sa pinsan niya.

10. PHR 4932 Escape With Me by Kensi


Justin wasn’t exactly excited at the prospect of being a major sponsor at Lacey’s wedding. Isiningit nga lang niya ang pagdalo sa kasal ng kinakapatid niya. Pero sa halip na isang simpleng kasal ang abutan niya ay isang tumatakas na bride ang sumalubong sa kanya. Naging instant accomplice pa siya ni Lacey nang bigla na lang itong sumakay sa kotse niya.
Now letting Lacey escape was one thing. But escaping with her? That was an entirely different matter! Pero ano pa nga ba ang magagawa ni Justin? Hindi naman niya puwedeng pabayaan na lang ito, lalo pa at binanatan siya nito ng, “Desperate situations call for desperate measures. I need you to do this for me, Justin. Please?” complete with pleading and teary eyes.

11. PHR 4933 Finding Samara by Sapphire Morales


Desperado na si Ivan na makakita ng perpektong modelo para sa bagong magazine na ilo-launch ng kanilang kompanya. Ilang baguhang modelo at artista na ang ipinrisinta niya sa editor niya at sa publisher ng magazine pero walang pumapasa sa panlasa ng mga ito. Ang dapat daw ay fresh face.
Hanggang sa matagpuan niya ang hinahanap sa katauhan ni Samara, ang simple at kulang sa self-confidence na dalagang nag-intermission number sa isang beauty pageant sa hometown niya sa Bicol nang minsang makuha siya para mag-judge sa patimpalak. He helped her to develop self-esteem.
And eventually Samara bloomed.
Pero ano’ng nangyari at tila nagbago ang isip niya? Ngayon ay gusto na lamang niyang itago ito at angkinin ang kagandahan nito.

12. PHR 4934 Keefer Of My Heart by Dawn Igloria


Normal lang ang takbo ng buhay ni Jigzy nang isang araw ay makatisod siya ng isang buntis na babaeng hinimatay sa gitna ng kalsada. Tinulungan niya ito at tulad sa mga fairy tale ay naging daan ang pagtulong ni Jigzy sa isang hinimatay na buntis para makilala niya ang kanyang Prince Charming sa katauhan ni Keefer. Ngunit hitsura lang pala ni Keefer ang mukhang prinsipe, dahil nuknukan ito ng kulit. Dahil doon ay laging napapapayag siya sa mga gusto nito. Unang araw pa lang nilang magkakilala ay nagpapa-cute na ito at dinidigahan pa siya nito. Ipinagdidiinan nitong wala itong girlfriend kahit na ayon sa mama nito ay mayroon daw.
Si Keefer pa rin ang pinaniwalaan ng puso ni Jigzy, hanggang sa mapaibig siya nito. Nang magkasakit siya ay biglang nagpaalam ito na pupunta raw ito sa States. Makakasama nito roon ang girlfriend na idine-deny nito. Nasaktan nang husto si Jigzy sa ginawa ni Keefer. Maliwanag na iniwan siya nito dahil sa sakit niya. Nagsinungaling pa ito sa kanya tungkol sa relasyon nito sa babaeng iyon.
Hanggang kailan aasa ang puso niyang naniniwala rito na babalikan pa siya ni Keefer?

13. PHR Gothic Romance The Wolf And The Beauty by Martha Cecilia


Napatay ang tatay ni Aurora nang pasukin ng masasamang-loob ang kanilang tindahan ng alahas sa Bulacan. At hindi niya mapaniwalaan ang kanyang nalaman—ang mastermind sa panloloob ng kanilang tindahan ay ang lalaking binalak niyang pakasalan. Tumakas siya mula rito. Sa pagtakas niya’y isang lobo ang tumulong sa kanya at sinamahan siya sa buong magdamag sa gitna ng lamig at ulan. Ito rin ang nagkanlong sa kanya mula sa pinsalang maaaring idulot ng hypothermia.
How would she know that her life had changed the moment her father was killed? Na ang mga bagay na inakala niyang kathang-isip lamang at napapanood lamang sa sine ay umiiral pala? Na siya ay umiibig sa isang lalaking may lihim na itinatago ang pagkatao? Kaya ba niyang tanggapin ang pagkatao nitong half-man, half-beast?

14. Awit Ng Veakaria Book 1: Andrei, Ang Itinakwil Na Anak Ng Tenon by Vanessa


Walang tiwala si Alexandra sa mga bampira. Ngunit kailangan niya ang tulong ng isang bampira upang iligtas ang kanyang nobyo mula sa piitan na mula nang itayo ay wala ni isang bilanggo ang nakatakas. Si Andrei ang bampirang iyon—guwapo, arogante, babaero.
Dinala ni Alexandra si Andrei sa Veakaria, ang kanyang mundo, at lugar kung saan isinumpa ang mga tulad nito. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang malakas at makapangyarihang bampira ay nakadama ng panghihina. Nagalit ito sa kanya nang husto.
Paano pa niya makukumbinsi ito na samahan siya para sa isang imposibleng misyon? At bakit sa kabila ng galit niya sa kaarogantehan nito ay hindi niya maiwasang mapansin maya’t maya ang kaguwapuhan nito?

15. Awit Ng Veakaria 2: Isadora, Ang Huling Tunay Na Birhen Ng Lamia by Vanessa


Mapanganib ang misyon ni Isadora—ang agapan ang mga kampeon na inatasan ng palasyo upang hanapin at patayin si Yorgos, ang lalaking matagal na niyang iniibig. Nagpanggap siya bilang isang birheng nagbebenta ng katawan at kinuha siya upang paligayahin ang isang kampeon sa buong gabi. Layunin niya na kalusin ang kampeon…
Ngunit bakit sa halip na gamitin ang baon niyang lason ay tumugon siya sa mainit na halik ni Pyrros, isang kriminal at isa sa limang naatasang patayin ang lalaking minamahal niya?
Back to top Go down
 
July 31, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Blacksnake Roller Girls Presents Seeing Stars July 13, 2013
» George Clooney Aficionados News July 4, 2013
» George Clooney Aficionados News July 1, 2013
» George Clooney Aficionados News July 7, 2013
» George Clooney Aficionados News July 29, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: