HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 24, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 24, 2013 Book Release   Fri Aug 02, 2013 3:59 am

1. PHR 4912 You’re All I Ever Wanted by Bethany Sy


Ang akala ni Autumn ay mutual ang feelings nila ni Benjamin sa isa’t isa. Mutual na hindi nila gusto ang isa’t isa dahil nakikita niya iyon sa inisan at asaran nilang dalawa kapag nagkukrus ang mga landas nila. At akala lang talaga pala niya iyon dahil bigla niyang ginusto na makilala pa ito nang lubusan.
Hindi naman siya nahirapan doon dahil nagawa nitong lapitan siya habang “hostage” nito ang isang lihim niya. Ang pag-iinarte niya na ayaw niya sa presensiya nito ay nilunok niya kapalit ng yakap at halik nito. Hanggang matuklasan niyang may lihim din pala si Benjamin. At nang mahuli siya nitong kausap ang “bearer” ng lihim nito, mukhang nagbabu na ang happy ending nilang dalawa. Sumama iyon kay Benjamin nang iwan siya nito.

2. PHR 4913 A Leap Of Fate by Lianna He


Para kay Drey ay isang malaking pagkakamali ang makilala si Gavin—ang lalaking nag-propose sa kanya ng one-night stand. Sumama siya rito dala ng kalungkutan sa pang-iiwan sa kanya ng ex-boyfriend niya, ngunit sa huli ay nagbago ang kanyang isip at tinakasan niya ito. Akala niya ay hindi na niya ito muling makikita. Ngunit muli itong sumulpot at ginulo ang nananahimik niyang buhay. Ang gusto lang naman niya ay maka-move on na sa matinding heartbreak na dulot ng ex-boyfriend niya at muling makapagsimula, subalit tila pilit siyang ibinabalik ni Gavin sa nag-iisang bagay na gusto niyang takasan… ang pag-ibig. But then Gavin was starting to make his way into her life and into her lonely heart…

3. PHR 4914 What Matters Most by Grace Ayana


Puwedeng sabihin na neglected child si Celeste—dahil mula nang dumating sa buhay nilang mag-ama ang stepmother niya at ang half sister niya ay lalong napalayo ang malayo nang loob niya sa kanyang ama. Hindi na nga siya napapansin nito noon ay lalo pa siyang hindi napapansin nito ngayon.
Hanggang dumating si Kevin, ang boyfriend ng kapatid niya. Nagawa nitong makipaglapit sa kanya na hindi siya hinuhusgahan nito. Hindi niya napigilan ang sarili niya, minahal niya si Kevin nang lihim.
Ngunit isang gabi, isang pagkakamali ang nangyari, at binago niyon ang buhay nilang dalawa…

4. PHR 4915 My Gossip Girl by Angelene Buena


Umuwi sa Pilipinas si Billie Anne upang magbakasyon at muling buuin ang sarili dahil sa dinanas niyang pinaka- malaking eskandalo sa buhay niya. Pero hanggang sa Pilipinas ay sinusundan siya ng mga reporter na walang ginawa kundi batuhin siya ng mga nakakainsultong tanong. Nagpunta siya sa isang beach resort sa Batangas dahil na rin sa suhestiyon ng lola niya. Doon niya nakilala si Jed.
Every moment with Jed was fun. Alam nito kung paano pagaanin ang loob niya. He was like a hero. Kaya hindi niya napigilang magkaroon ng pagtingin para dito. Because she thought she was saved by him.
Subalit isa palang kasinungalingan ang lahat. Hindi pala totoo si Jed. Ang tanging totoo ay plano nitong paibigin siya upang maisalba ang magazine nito. Muling nadurog ang puso niya. Dahil nagtiwala siya sa isang huwad na akala niyang mahal siya.

5. PHR 4916 Car Wash Boys 7: Glenn Pederico by Juris Angela


Mula nang mawala sa katinuan ang ate ni Nicole nang dahil sa pag-ibig, ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi siya magmamahal. Kasabay ng pagkamuhi niya sa lalaki na may kagagawan ng sinapit ng ate niya ay ang pagkamanhid ng puso niya sa mga kalahi ni Adan.
Pero nasubok ang katatagan ng puso niya nang makilala niya si Glenn. Unang pagkikita pa lang nila ay nagpakita na ito ng interes sa kanya. Pilit niya itong iniwasan ngunit tila ang tadhana mismo ang naglalapit sa kanila. Sa kalaunan ay natutuhan niya itong tanggapin sa buhay niya. Ito ang nagsilbing lakas niya sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay niya. Namalayan na lang niya na unti-unting namamatay ang galit sa puso niya at napalitan iyon ng pagmamahal para dito.
Ngunit may nalaman siya tungkol sa nakaraan ni Glenn, dahilan para muling mabuhay ang pagkamuhi sa puso niya.

6. PHR 4917 Wanted: Mommy by Phoebe


Pagkatapos ipagpalit si Althea ng boyfriend niya sa kanyang kapatid—hindi lang isa kundi dalawang beses—ay sinabi niya sa sarili na mas mabuti pang manatili na lang siyang single habang-buhay. Anyway, lahat naman ng lalaki ay manloloko—kapag nakakita ng mas maganda at mas sexy na babae, agad na mang-iiwan. Iyon ang paniniwala niya.
Hanggang sa makilala niya ang guwapo pero biyudo na si Charles, at ang makulit na anak nitong si Izza. Naging malapit siya sa pamilya ng mga ito at hindi niya inasahang magugustuhan niya iyon.
Sa ayaw o sa gusto niya, binabago ni Charles ang lahat ng mga paniniwala niya tungkol sa mga lalaki, pamilya, at maging sa pag-ibig.
Malapit na sana siyang maniwala—kaya lang ay muling papasok sa eksena ang kontrabidang ate niya. Magiging single na yata siya habang-buhay…

7. PHR 4918 Paint Our Love by Camilla


Parang idinuduyan ang pakiramdam ni Santana habang naglalakad si Nikey patungo sa kinaroroonan niya. May bitbit pa itong flowers and chocolates. Iniabot nito ang mga iyon sa kanya at saka nagsalita ito. Pero hindi niya narinig iyon dahil parang mabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya.
Pero sumulpot ang kaibigan niyang si Lindy. Sinira nito ang tagpong iyon at tinangay ang Prince Charming niya.
That was fifteen years ago. Naka-move on na si Santana sa puppy love niya kay Niketas “Nikey” Porcelli. Or so she thought.
Dahil nang mangailangan siya ng modelo para sa kanyang nude painting, guess who showed up! It was Nikey himself—in all his naked glory. Bumangon ang pagsinta niya rito na akala niya ay nabaon na kasama ng kahapon.
Ngunit déjà vu ang nangyari. Walang ipinagkaiba, pati sa kontrabida.

8. PHR 4919 Fallin’ For You by Heidi Colette


Walang pakialam si Arantxa kung maging single siya buong buhay niya; sanay na siyang mag-isa. Pero isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari ay nakilala niya si Albert habang nakikipag-break ito sa girlfriend nito. Mula nang araw na iyon ay parati nang nagkukrus ang mga landas nila. Kahit iwasan pa niya ito ay biglang sumusulpot ito na parang kabute. Ang lalong hindi niya inaasahan ay ang pagsulpot din ng pag-ibig sa akala niyang batong puso niya. Pilit niya iyong idine-deny dahil alam niyang hinding-hindi sila magkakatuluyan ni Albert panay man ang halik nito sa kanya.

9. PHR 4920 How Deep Is Your Love by Olivette


Dahil sa pagkamatay ng mga umampon kay Georgiana at para makapagsimula muli mula sa dating masalimuot niyang mundo ay naisip niya na bumalik sa Pilipinas sa piling ng lola niya. Doon ay nakilala niya si Torque, na puno ng pagkasuklam at ang tanging lalaking hindi naaapektuhan ng kanyang manipulasyon. Iniisip kasi nito na may motibo siya sa paglapit niya rito. Para makaganti, sa halip na layuan si Torque ay lalo niyang inilalapit ang sarili rito para inisin ito. Hanggang sa magbago ang pakikitungo sa kanya ni Torque mula nang mabaril siya dahil sa isang mistaken identity. Hindi man nito sabihin ay nararamdaman niya ang pag-aalala nito. Hanggang sa unti-unti ay nahulog na rin ang loob niya rito.
Maayos na sana ang buhay niya kung hindi lang bumalik ang nakaraang pilit niyang kinakalimutan. At kasabay niyon ay natuklasan niya kung sino ang kanyang tunay na ama. Handa na sana si Georgiana na sabihin kay Torque ang kanyang nakaraan pero huli na ang lahat, alam na nito ang lihim niya at kinamumuhian na siya nito…

10. PHR 4921 When Love Finds You by Heart Yngrid


Patay na patay si Cherrie sa mga librong katha ni Bob Tan, ang misteryosong comedy author na sadyang itinatago ang identity sa mga mambabasa nito. Kahit hindi niya kilala ang idolong manunulat, pakiramdam niya ay napakalaki ng utang-na-loob niya rito dahil ang mga libro lamang nito ang nagpapasaya sa mala-telenovela niyang buhay.
Hanggang sa isang araw ay hindi na niya nakayanan ang kuryosidad at naisipan niyang mag-a la detective para hanapin at tuklasin ang identity ng kanyang idolong nagtatago sa pseudonym na Bob Tan. Dahil kulang sa investigative knowledge at detective skills, labag man sa kalooban ay pumayag siyang tulungan siya ni Ronnie, ang kababatang dati niyang partner in crime ngunit nakaalitan niya nang matindi. Matalino ito at mahilig sa mga detective story kaya alam niyang matutulungan siya nito. Kinailangan niyang tiisin ang mga pambubuska at kapilyuhan ni Ronnie sa ngalan ng matinding paghahangad niyang makilala ang idolo niya. Ngunit habang hinahanap nila si Bob Tan ay biglang may iba siyang natagpuan.
Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na in love na sa kanyang pilyong search buddy.

11. PHR 4922 The Best Ex by Laurice del Rio


“Handsome Horny” ang bansag ni Hannah kay Vaughn, ang kapitbahay niyang saksakan sana ng yummy pero aminado na ang habol lang sa babae ay ang madala ito sa kama. Matagal na siyang pinag-aambisyunan nito, at dahil siguro matigas ang pagtanggi niya ay lalo itong natsa-challenge na mapitas siya.
Puwes, wala siyang balak magpapitas dahil ang gusto niya ay iyong lalaking dadalhin siya sa altar. At may ideya siya kung sino ang lalaking iyon—isa sa napakaraming naging ex niya, si Rodney. Ayon kasi sa hula, ang mapapangasawa niya ay naging boyfriend na niya dati. Ang problema lang, napakahirap ma-reach ni Rodney.
Sinusuwerte pa rin siya dahil brod pala sa frat ni Vaughn si Rodney. Sa kakapilit niya ay napapayag niya si Handsome Horny na maging tulay para magkalapit sila ni Rodney.
Okay na sana ang lahat. Mukhang natipuhan uli siya ni Rodney. Ang kaso, palalo at tanga ang puso niya. Sukat ba naman na kay Vaughn pa nahuhulog iyon!
Back to top Go down
 
July 24, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Blacksnake Roller Girls Presents Seeing Stars July 13, 2013
» George Clooney Aficionados News July 4, 2013
» George Clooney Aficionados News July 1, 2013
» George Clooney Aficionados News July 7, 2013
» George Clooney Aficionados News July 29, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: