HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 17, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 17, 2013 Book Release   Fri Jul 19, 2013 12:19 pm

1. PHR 4902 Car Wash Boys 6: Jefti Tinamisan by Juris Angela


Best friend. Iyon ang papel ni Jefti sa buhay ni Sam. Ito ang nagsisilbing shoulder to cry on niya tuwing nabibigo siya sa pag-ibig at nagiging clown tuwing nalulungkot siya. Isang araw ay dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay-pag-ibig ni Sam. Katulad dati, si Jefti ang naging takbuhan niya. Marahil ay sobra itong naawa sa kanya kaya pinilit siya nito sa isang pustahan kung saan ang premyo ay makaka-date niya ang isa sa mga pinsan nitong car wash boys.
Nanalo si Jefti sa pustahan, dahilan para mapilitan siyang makipag-date sa pinsan nitong si Wayne. Ngunit nagtaka siya dahil kasabay ng paglabas nila ni Wayne ay ang biglang pag-iwas sa kanya ni Jefti. Ang masama, sa halip na maghilom ang sugatang puso niya sa pamamagitan ni Wayne ay tila lalo iyong napupuruhan. Diyata’t hindi si Wayne ang kailangan ng puso niya kundi ang best friend na nagbabadyang lumayo sa kanya…

2. PHR 4903 I Love You, Pare by Heart Yngrid


Kailangang gumawa ng paraan ni Wendy para matulungan ang kanyang ama. Lumapit siya sa may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan nitong si Don Phillip para makiusap na iurong ang demanda laban dito. Ngunit may proposal na inalok sa kanya ang don. Gusto nitong maging espiya siya sa rebelde at estranged son nitong si Samuel at kumbinsihin ang lalaki na bumalik sa ama nito. Upang magawa iyon ay kinakailangan niyang makalapit kay Samuel—na in fairness ay fafang-fafa ang dating! Pero dahil ayon sa don ay maganda siya, baka raw pagkainteresan siya ng anak nito. Ayaw nitong magkaroon siya ng romantic involvement kay Samuel kaya kinakailangan niyang magbago ng anyo. Now the only way to be close to Samuel was to pose as a lesbian.
Lesbo? Kikilos at magdadamit siya na parang lalaki? Paano niya gagawin iyon kung isa siyang certified kikay at babaeng bakla? At nabuking na agad siya ni Samuel.

3. PHR 4904 My Bride In The Making by Nicka Gracia


Unang pagkikita pa lamang nina Buster at Ocean ay nagka-clash na agad sila. Sa palagay ni Ocean ay wala na siyang ginawang tama sa paningin ng binata. Palagi kasing mainit ang ulo nito sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na tama ang mga kaibigan ni Buster na woman-hater ito. Pero sa kabila ng tila aso’t pusang relasyon nila ay hindi niya maiwasang mahulog ang loob niya rito. Kahit paano kasi ay naging maalalahanin ito sa kanya. Wala naman palang kaso magkagusto man siya rito o hindi—dahil nalaman niyang may espesyal nang babae sa buhay nito. At ganoon na lang ang pagbagsak ng tore ng pag-asa niya.

4. PHR 4905 Lovefinder Postscript: Rigorr by Victoria Amor


Nag-iwan ng trauma kay Wendy ang karanasan niya sa una niyang bodyguard noong fifteen years old siya nang pagtangkaan siya nito ng masama. Pagkatapos ng karanasang iyon ay naging pare-pareho na ang tingin niya sa mga lalaking may baril. Pati sa security team ng ama niya na mayor ng Victoria ay masasamang tao na rin at mga hindi karapat-dapat pagkatiwalaan ang tingin niya sa mga ito.
Kaya hindi siya pumayag nang ipilit ng ama niya na ikuha siya ng bagong bodyguard. Hanggang sa na-ambush ang kanyang ama. Sa kritikital na sitwasyon nito sa ospital at wala siyang makapitan ay dumating ang bago niyang bodyguard. He was black and beastly. Sa unang gabing magkasama sila ay nagpakita ito ng isa pang B—bad. Mas masama ang ugali nito kaysa sa kanya! Naghanda siya para sa giyera sa pagitan nila. Kaya lang noong all geared up na siya para sa misyon niyang mapalayas ito, nakalimutan niyang protektahan ang puso niya habang binabantayan siya nito.

5. PHR 4906 More Than A Fairytale: The Charming And The Wicked Stepsister by Belle Feliz


Sariwa pa kay Mariquit ang pagkabigo niya sa pag-ibig nang makilala niya si Tutti Madrigal. Halatang interesadong-interesado ang guwapong binata sa kanya ngunit hindi niya magawang i-entertain man lang ang ideya sa kanyang isip. Matindi pa rin ang paghahangad niya na bumalik sa kanya ang kanyang dating nobyo.
Tutti seemed perfect. Masarap titigan ito at magagawa niya iyon buong araw dahil sa gandang lalaki nito. Mayaman ito ngunit hindi mayabang o maramot. Mahusay itong kumanta at tumugtog ng gitara. Hindi ito nakakabagot kausap. Napapabilis nito ang tibok ng kanyang puso. May mga pagkakataon na natatagpuan niya ang kanyang sarili na kinikilig dito. Naipaparamdam nito sa kanya na espesyal siya. Kung tutuusin, wala na siyang hahanapin pa sa isang lalaki.
But he was like a fantasy, a prince from a fairy tale. Mariquit wanted reality. Plus, she was not a princess, she was the wicked stepsister to Ella, ang anak ng namatay na pangalawang asawa ng kanyang ina at tila may interes din kay Tutti.
May posibilidad ba na makuha niya si Prince Charming kung may asungot na Cinderella?

6. PHR 4907 More Than A Fairytale: Nothing But Love by Nikki Karenina



Thunder almost quit showbiz. He felt like he already had enough of show business. Pero isang gabi ay may nakilala siyang babae na nakapagpabago ng isipan niya. She made his world go round. Ang masama’y hindi man lang niya nakita ang mukha nito at nakuha ang pangalan nito. What she left was an incredible feeling he knew only she could give him—love. Kaya kinabukasan ay hinanap agad niya ito. In-announce niya sa telebisyon at social networking sites ang hangarin niyang muling makita ito pero hindi naman ito dumating sa tagpuan nila.
Paano na ngayon ang puso niyang nag-aasam na muling makita ang babaeng kauna-unahang nagparamdam sa kanya kung ano talaga ang pag-ibig?

7. PHR 4908 More Than A Fairytale: Out Of The Darkness by Laurice del Rio


Umuwi si Cyann sa probinsiya nila para sorpresahin sana ang itay niya pero siya ang mas nasorpresa. Wala na ito sa bahay nila at hindi na rin pumapasok sa trabaho nito sa munisipyo. Sa halip ay alipin na ito sa bahay ni Anton—ang lalaking matagal nang pinangingilagan sa bayan nila. Naging biktima ang itay niya ng investment scam at ang perang nawala rito ay inutang nito kay Anton.
Noon pa man ay takot na si Cyann na dumaan man lang sa tapat ng lumang bahay na pagmamay-ari ni Anton pero napilitan siyang sumugod doon para iligtas ang itay niya. Nauwi ang engkuwentro nila ng lalaki sa isang kompromiso. Siya ang papalit sa itay niya, siya ang maninilbihan sa bahay nito.
Isang halimaw. Iyon ang bansag ng mga taga-San Fabian kay Anton. And he did look like one. Dahil sa isang malagim na pangyayari ay nasira ang mukha nito. And he also acted like one. Ang sama ng ugali nito.
Pero habang nakikilala ni Cyann si Anton ay unti-unting nababago ang opinyon niya rito, pati na ang pagtingin niya rito. Hanggang sa gulantangin na lang siya ng realisasyon na nagkakagusto na siya rito. Pero dumating ang malaking sagabal na siyang naging dahilan para gustuhin ni Anton na lumayas na siya, hindi lang sa bahay nito kundi pati sa buhay nito.

8. PHR 4909 More Than A Fairytale: The Swindler And The Beast by Maricar Dizon


Napadpad si Belle at ang mga kapatid niya sa San Bartolome nang tumakas sila mula sa mga taong naloko nila sa Maynila. Gusto na niyang magbago sila subalit nasundot ang kuryosidad ng mga ate niya sa sekreto ng malaking bahay sa isang bahagi ng bayang iyon. Naatasan siya ng mga itong pasukin at alamin kung totoo ang mga sabi-sabing kumakalat sa bayang iyon tungkol sa lalaking nakatira doon.
Isang galit na lalaki ang sumalubong sa kanya roon dahil nahuli siya nitong pumipitas ng rosas sa hardin nito. Upang huwag siyang ipapulis ni Kieran—ang lalaking may-ari ng bahay—ay kinailangan niyang manatili sa bahay nito upang maging tagalinis. Habang naroon siya ay unti-unti niyang nakilala ito at ang katotohanan kung bakit palagi itong galit at ayaw makisalamuha sa ibang tao. At sa kabila ng mga kapintasan at madilim na nakaraan nito, natagpuan niya ang sariling umiibig dito at ganoon din ito sa kanya.
Subalit alam niyang walang kahahantungan iyon. Kapag nalaman nito kung ano ang tunay na intensiyon niya sa paglapit dito at kung ano ang tunay niyang pagkatao… huwag na siyang umasa sa isang happy ending.

9. PHR 4910 Falling For You Again by Zai Red


Basta na lang nakipaghiwalay kay Allie ang boyfriend niya sa hindi niya malamang dahilan. Devastated at brokenhearted, nagtago siya sa bahay ng ninang niya sa Quezon upang doon subukang mag-move on. Ngunit mali yata ang lugar na pinuntahan niya dahil naroon ang asungot na anak nitong si Johanne. Sa halip na damayan siya sa problema niya, ipinamumukha pa nito sa kanya na sayang lang pag-aksayahan ng luha ang ex niya. At hindi lang iyon, binigyan pa siya nito ng panibagong problema. Dahil palagi silang magkasama, nabuhay uli ang pag-ibig na naramdaman niya rito noon.
Paano niya ireresolba nang magkasabay ang dalawang “heart problem” niya?

10. PHR 4911 Once And For Always by Yaney Matsumoto


Louise hated Jaeden to the core. Ito lang naman kasi ang asshole na dumurog sa puso at pagtitiwala niya six years ago. Dahil sa pagkabigo at pait na naranasan niya rito ay nagtungo siya sa New York upang kalimutan na ang lahat ng nangyari sa pagitan nila. Nang magdesisyon siya na bumalik sa Pilipinas—she was already a successful pastry chef—ay taas-noong sinabi niya sa mga kaibigan niya na matagal na siyang naka-move on sa ex-boyfriend niya.
And then she saw him again…
Seeing him again made her realize something. She lied. Hindi pa pala siya totally naka-get over sa kanyang ex-boyfriend. Pero hindi niya aaminin iyon kahit kanino. Lalo na kay Jaeden. Ngunit nang muling suyuin siya nito ay tinanggap uli niya ito sa buhay niya. Ngunit mukhang nagkamali na naman siya ng desisyon dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan na naman siya nito.
Back to top Go down
 
July 17, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Blacksnake Roller Girls Presents Seeing Stars July 13, 2013
» George Clooney Aficionados News July 4, 2013
» George Clooney Aficionados News July 1, 2013
» George Clooney Aficionados News July 7, 2013
» George Clooney Aficionados News July 29, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: