HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 10, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 10, 2013 Book Release   Fri Jul 19, 2013 10:51 am

1. PHR 4892 Just You by Xandria


Minsan nang umibig si Charity. Kaso ay naging epic fail ang pinapangarap niyang love story dahil sa halip na sa kanya ay sa pinsan niya nagkagusto ang lalaking mahal niya. Masaya na ang lahat, puwera siya. Ayaw niyang idamay ang pinsan niya sa pagiging bitter niya kaya naisip niyang lumayo muna. So, she flew to South Korea to mend her broken heart.
Ngunit pagkatapak na pagkatapak pa lang niya sa South Korea ay nakatagpo siya ng isang Koreanong kamukhang-kamukha ni Jae—ang lalaking dahilan ng kabiguan niya—na eksaktong kabaligtaran nito sa ugali. Dae Won was rough and rude and enticing and all brute!
But unlike her first love, Dae Won always made her feel special. Kaya kahit pilit niyang iniiwasan ito noong una ay umibig siya rito. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya dahil baka nagugustuhan lang niya ito dahil kamukha ito ni Jae. Hanggang sa matuklasan niya ang inililihim nito…

2. PHR 4893 Afraid To Love You by Maria Rome


Halos gumuho ang mundo ni Cacai nang malaman niyang uto-uto at katulong lang pala ang tingin ng lalaking mahal at kababata niyang si Mark sa kanya. Ipinangako niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya rito para maibalik niya rito ang lahat ng sakit na ipinaramdam nito sa kanya. At para matupad ang kanyang plano ay nanghingi siya ng tulong kay Warren Espina—ang heartthrob ng kanilang university.
Mission accomplished ang naging plano niya dahil nakuha niya ang reaksiyon na gusto niyang makuha kay Mark. Nang sabihin nito sa kanya na gusto nitong bumalik siya sa buhay nito ay may natuklasan siya sa sarili. Nagulat siyang wala na siyang maramdaman pa rito dahil si Warren na ang laging tumatambay sa isip niya. Ngunit nang ma-realize niya na mahal niya si Warren ay inalihan naman ng takot ang puso niya.
Paano ngayon niya masusuklian ang pagmamahal ni Warren sa kanya kung takot na masaktan muli ang una niyang nararamdaman tuwing makikita niya ito?

3. PHR 4894 My Favorite Girl by Luna King


Speechless si Cee-Cee nang makipaghiwalay sa kanya ang fiancé niyang si Kraige kung kailan malapit na silang ikasal. In love daw ito sa best friend nitong si Cleo. Matatanggap sana niya kung sariling desisyon nito ang pakikipaghiwalay sa kanya. Pero hindi. Malakas ang kutob niyang nabuyo lang ito ng mga kaibigan. His friends didn’t like her because they wanted Cleo for him.
Pero dahil wala naman siyang laban sa mga kaibigan ni Kraige, nagpakalayo-layo siya pansamantala. Sa kanyang pagbabalik sa dating buhay niya ay nakilala niya si Strike, ang presidente ng paborito niyang fast-food chain. Mabait ito sa kanya kaya naging mabuting magkaibigan sila. Sa sobrang close nila, mabilis na nahulog ang loob niya rito. Pero kung gaano siya kabilis na umibig dito ay ganoon din siya kabilis na nasaktan nang malaman niya ang dahilan ng biglaang pagsulpot nito sa buhay niya.

4. PHR 4895 El Romanticos Trilogy 1: Romance At Work by Mandie Lee


Attracted na si Justine kay Ryder Catindig mula pa noong nasa high school sila. Ang kaso, wrong guy ito para sa kanya kaya hindi siya bumigay sa charm nito. Nang makilala niya ang right guy sa katauhan ni Neil Marciano, dito siya umibig at nagpakasal. But Neil was a cheating bastard who eventually broke her heart. Nakipagdiborsiyo tuloy siya rito at very bitter na nagbalik siya sa kanilang bayan.
Nagkrus uli ang mga landas nila ni Ryder. Naroon pa rin ang atraksiyon niya rito na lalo pa yatang tumindi dahil nakikipaglapit uli ito sa kanya. Ngunit sa kanilang paglalapit, natuklasan ni Justine na higit pa sa charm ang mayroon si Ryder.
Until she gave in to the smoldering temptation of that sexual heat between them. They made love countlessly one night. At nagdeklara ito ng pag-ibig sa kanya.
Would she give in to his love? Maniniwala pa ba siya sa pag-ibig gayong ang akala nga niyang matinong lalaki noon na pinakasalan niya ay nagloko pa rin sa huli, si Ryder pa kaya na kilalang malikot sa mga babae?

5. PHR 4896 El Romanticos Trilogy 2: Romance In Progress by Mandie Lee


Mula pa noong nasa high school sila ay pet peeve na ni Dence si Comet Celeste. Maepal kasi ito, papansin, at mayabang. Nuknukan pa ng pagkapabling. What more, ninakawan siya nito noon ng halik! Kaya inis na inis siya nang maging boss niya ito ngayon sa trabaho.
Isang araw, nagulat siya nang may ialok si Comet sa kanya: gusto raw nitong matutong maging romantiko at gusto nitong mag-practice sa kanya. Bumigay siya sa pangungulit nito dahil sa palagay niya ay nagiging bato na siya at walang karoma-romansa sa katawan. Kailangan din niyang matutong kiligin.
Ngunit hindi lamang kilig ang tumubo sa katawan ni Dence dahil sa mga romantic moments nila ni Comet. Akalain ba niyang matututuhan din pala niyang umibig? At kay Comet niya naramdaman iyon. Hanggang sa malaman niya ang tunay na dahilan kung bakit desperado si Comet na matuto ng art of romance. Pinag-pratice-san lang pala siya nito para magamit ang pagiging romantic nito sa ex-girlfriend na gusto nitong balikan…

6. PHR 4897 El Romanticos Trilogy 3: Romance At Last by Mandie Lee


Napagpasyahan ni Payne na hindi siya mag-aasawa. Pero muling nagkrus ang mga landas nila ng kaibigan niya noon sa kolehiyo na si Lantis Celeste. Aakalain ba niyang ang dating mukhang butiking-bahay sa kapayatan noon ay isa nang guwapo at macho ngayon? Hindi lang iyon, may crush pala ito noon sa kanya at ngayon ay may balak itong sirain ang plano niyang maging “forever alone.” Ipaparamdam daw nito sa kanya ang mga kasiyahan ng pagkakaroon ng karelasyon—fun, companionship, at romance.
Nagpadala si Payne sa mga pang-aakit ni Lantis. Well, how could she resist such a hottie with an awesome personality? Simpleng hawak lang nito sa kanya ay nagniningas na ang buong katawan niya. Hanggang sa tuluyan nang mahulog ang loob niya rito.
Ngunit nang ipagtatapat niya rito ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang mag-asawa ay bigla itong nanlamig sa kanya…

7. PHR 4898 Let Me Love You This Time by Cassandra


Nilisan ni Kaya ang San Nicolas nang hindi nagpapaalam sa isang kaibigan na natutuhan na niyang mahalin. Pinilit niyang kalimutan si Rico sa mahabang panahon ngunit isang pangyayari ang naganap upang pagtagpuin uli ang kanilang mga landas.
Sa halip na anihin ni Kaya ang galit ni Rico sa muling pagkikita nila, ipinaramdam pa nito sa kanya kung gaano siya kahalaga rito at kung gaano ito nangulila sa kanya. At ang inakala niyang pag-ibig para dito na matagumpay niyang naibaon sa limot ay muling umusbong sa kanyang puso.
Ngunit dahil labis na mahal niya si Rico, gagawin niya ang lahat upang sikilin ang kanyang damdamin upang maprotektahan.

8. PHR 4899 The Sweet Uncovering Of My Voss’ Secret by Venus Franz


Nang mabigo si Carmel sa first boyfriend niya ay tinuruan siya ni Voss para makapag-move on agad sa pinagdaanan niyang kabiguan. To her, she only saw him as nothing more than her boss and friend. Pero isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na nakatingin dito at pinagmamasdan ang kislap ng mga mata nitong nakatingin sa kanya. Kumabog ang dibdib niya dahil doon.
“May problema ba?” tanong nito sa kanya.
Napalunok siya nang tumama ang mainit na hininga nito sa kanyang bibig. Pigil-pigil na rin niya ang kanyang hininga. Bigla ay parang gusto niyang tumili. Ano raw ba ang problema niya? Hindi ba obvious? Eh, ginugulo lang naman nito ang matinong pag-iisip at nananahimik niyang puso!
“Voss…” Nakalimutan ni Carmel ang sasabihin niya nang tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. Kung bakit bigla ay naapektuhan siya ng mukha at ngiti nitong iyon na noon ay bale-wala lang sa kanya. At kailan pa siya napipi dahil lang nasilayan niya ang mga labi nito? Again, she was stunned. She’d never thought those lips were kissable!

9. PHR 4900 His Dream Bride by Nicka Gracia


Siggy always looked forward to riding the train. Dahil mula Lunes hanggang Sabado ay lagi niyang inaabangan ang isang magandang babae sa LRT. She was a mysterious, beautiful lady, yet with a pair of lonely eyes. Unang kita pa lang niya rito ay nakuha na nito ang atensiyon niya. She walked absent-mindedly while holding a book in her hand. He wanted to know her more. Pero paano niya makikilala ito kung pa-Monumento ito at pa-EDSA siya? Kaya ba niyang maghintay sa perfect timing at ipunin ang lakas ng loob para tawirin ang riles na nakapagitan sa kanilang dalawa? O makokontento na lamang siya sa pagtitig at pag-aabang dito?

10. PHR 4901 The Spirit Of Giving by Laurice del Rio


Isang mumu hunter si Elly. Pero hindi gift ang turing niya sa kakayahan niyang makipag-communicate sa mga kaluluwang-ligaw kundi isang malaking pasanin. Kaya kinailangan pang pilitin siya nang todo ng kaibigan niyang si Winnie para tulungan si Brent na alamin kung bakit may stalker ito na kaluluwa.
Hindi maintindihan ni Elly ang mga nakikita niya. Ni hindi nga niya madisku-diskubre ang identity ng kaluluwang nangungulit kay Brent. Pero isang bagay ang mabilis na lumilinaw sa kanya. Habang inaalam niya ang pagkakakilanlan ng kaluluwa ay mas tumitindi ang pagkakagusto niya kay Brent na sa unang pagtatagpo pa lang nila ay matindi na ang dating sa kanya. Ito lang naman ang unang lalaking nagpatibok ng puso niya. Ever.
Pero may nobya ito na handang gawin siyang kaluluwa kapag nagkamali siyang aswangin ang boyfriend nito.
Nang sa wakas ay matuklasan nila kung sino ang mumu ay mukhang lalo nang lumabo ang tsansa niya na mahalin siya ni Brent.

12. The Hunger Games by Suzanne Collins (translated by Janis Delos Reyes)



Sa nawasak na lugar na dating kilala bilang North America ay nakatayo ang bansa ng Panem, ang nagnining- ning na Kapitolyo na napapalibutan ng labindalawang liblib na distrito. Marahas at malupit ang Kapitolyo at pinana- natili nito ang kontrol sa mga distrito sa pamamagitan ng pagpuwersa sa mga iyon na magpadala ng tig-isang lalaki at babaeng nasa pagitan ng labindalawa at labingwalo ang edad para isali sa taunang Hunger Games, ang labanan hanggang sa kamatayan na mapapanood sa telebisyon.
Para sa labing-anim na taong gulang na si Katniss Everdeen na namumuhay mag-isa kasama ang kanyang ina at nakababatang kapatid na babae, itinakda na ang kanyang kamatayan nang akuin niya ang lugar ng kapatid niya sa laro. Pero nalagay na rin siya sa bingit ng kamatayan noon at kinasanayan na niya ang makipaglaban upang mabuhay. Hindi man niya sinasadya, siya ang naging pinakamahigpit na kalaban. Pero kung gusto niyang manalo ay kailangan niyang mamili; ang sariling kaligtasan niya laban sa kaligtasan ng iba, o ang buhay laban sa pag-ibig.
Back to top Go down
 
July 10, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Blacksnake Roller Girls Presents Seeing Stars July 13, 2013
» George Clooney Aficionados News July 4, 2013
» George Clooney Aficionados News July 1, 2013
» George Clooney Aficionados News July 7, 2013
» George Clooney Aficionados News July 29, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: