HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 3, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 3, 2013 Book Release   Mon Jul 15, 2013 12:56 pm

1. JST 02 Stealing Phoenix by Joss Stirling (translated by Czarina Solis)


Pag-aari si Phoenix ng Community—isang pangkat ng magnanakaw na may paranormal na kapangyarihan. Nakilala niya si Yves Benedict, ang kanyang target. Pero hindi nagtagal ay hindi na target ang naging papel nito sa kanya. Nalaman niyang ito pala ang kanyang soulfinder. Ang kanyang destiny.

Pero pag-aari ng Community ang nakaraan ni Phoenix at ang kanyang kinabukasan. Maililigtas ba niya ang lalaking mahal, pati na ang buhay niya…?

2. PHR 4879 Paano Na Kaya by Laurice del Rio


Pansamantala ay gustong itago ng kaibigan ni Carlyn na si Lewis ang tunay na kasarian nito sa mapanghusga raw na pamilya nito. Kaya nang umuwi mula sa ibang bansa ang kapatid nito ay ipinakilala siya rito bilang ka-MU nito. Gusto niyang pumalag, sa totoo lang. Unang kita pa lang kasi niya kay Franco ay naging crush na agad niya ito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ang bilis na nahulog ng loob niya rito nang magkaroon ng mga pagkakataon na makasama niya ito. At ang mas nakakaloka, parang gusto rin siya nito.
May mga hadlang. Isa na si Lewis na mukhang ayaw na maging sister-in-law siya. Handa na siyang hamakin ang lahat pero mabuti na lang at bago niya magawa iyon ay nadiskubre niya ang tunay na dahilan sa likod ng mga ikinikilos ni Franco. At ang kaalamang iyon ay sapat na para mawasak ang puso niya.

3. PHR 4880 Bridesmaid Says, “I Do!” by Barbara Hannay (translated by Bettinna)


Hindi pa nagiging bridesmaid si Zoe kaya tuwang-tuwa siya nang kunin siyang bridesmaid sa kasal ng best friend niya. Nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat upang maging perfect bridesmaid siya. Pero hindi na siya sigurado sa tungkulin niyang iyon nang makilala niya ang groom at mahulog ang kanyang loob dito. Ayaw na niyang maging bridesmaid… mas gusto na niyang maging bride.

4. PHR 4881 Oplan: Love Life For Judy by Camilla


Isang pagkakataon ang hindi pinalampas ni Bethany nang dumating iyon: ang mahanapan ng bagong katuwang sa buhay ang kanyang inang si Judy. Nakita niya sa katauhan ni Ryan Enriquez ang isang perpektong prospective stepfather.
Gumawa siya ng mga hakbang upang mapaglapit ang mga ito, ngunit hindi niya inaasahan na magba-bounce back sa kanya ang mga iyon. Nasasaktan siya ngayong tila nagkakamabutihan na ang dalawa…

5. PHR 4882 Love You, Like You by Aira Green


Chastity was a very hardworking student and a very obedient daughter. Mula nang mag-aral siya sa kolehiyo ay natuto na siyang mamuhay nang mag-isa at malayo sa kanyang mga magulang. Eskuwelahan-bahay lang ang daily routine niya. Hindi siya mahilig gumimik at makipagbarkada.
Until she met Drake. She thought she found a very good friend in him but later on, she realized he wasn’t only a friend to her. Natutuhan niyang mahalin ito. Ngunit kung kailan handa na silang dalhin sa mataas na lebel ang kanilang relasyon ay saka naman nagsulputan ang maraming hadlang sa pagitan nila. Mahal niya si Drake pero kung makakasira naman ang pagmamahal na iyon sa pag-abot nito sa mga pangarap nito, magagawa pa ba niyang ipaglaban iyon?

6. PHR 4883 Runaway Bride by Barbara Hannay (translated by Bettinna)



Katatapos lang makansela ang kasal ni Bella ay may dumating na namang pagsubok sa buhay niya—sa katauhan ni Damon Costales, ang high school sweetheart niya na minahal niya nang sobra noon ngunit iniwan lang siya.
Tulad niya ay malaki na rin ang ipinagbago nito. Lalo itong gumuwapo at lalong naging mapanganib sa puso niya. Pero hindi na ito ang tamang lalaki para sa kanya.
Ngunit sa kasamaang-palad ay magkakasama uli sila ni Damon upang hanapin ang lolo niya at lola nito na mukhang nagtanan pa yata. Isang pagsasama iyon na mag-uugnay uli sa mga puso nila.

7. PHR 4884 A Rocker May Get Tongue-Tied by Luna King


Naiinis si Crayon kay Riley. Wala na kasing ginawa ito kundi sundan siya at ipagsigawan sa lahat ng tao kung gaano siya kagusto nito. Kahit ipagtabuyan niya ito, hindi pa rin ito sumuko sa panunuyo sa kanya. Sa pagkakaalam niya, si Logan ang gusto niya bago siya matulog. Subalit isang araw ay nagising na lang siyang si Riley ang hinahanap-hanap niya. Determinado itong makuha ang puso niya. Naging consistent ito sa pagpapakilig sa kanya, lalo na nang haranahin siya nito sa isang video sa YouTube. Sa huli ay nagtagumpay itong paibigin siya. Binago siya ng pag-ibig nito ngunit binago naman ito ng kanyang lihim. Natuklasan nila na iginapos sila ng madilim na nakaraan—isang madilim na nakaraan na sa kalaunan ay siyang maglalayo sa kanila.

8. PHR 4885 Huwag Ka Nang Mawawala by Sapphire Morales


Limang taon na ang nakalilipas mula nang mabigo at masaktan si Enrico, dahilan para mahirapan siyang buksan uli ang kanyang puso sa ibang babae. Until he met Anezka. Makulit, carefree, at bubbly si Anezka pero pagdating sa mga lalaking nanliligaw ay ilag ito.
At hindi napigilan ni Enrico ang sariling ma-attract dito.
Nang sabihin niya rito ang nararamdaman niya ay umamin din ito na may feelings ito sa kanya. Ang problema ay ayaw naman nito ng commitment kaya pinilit niya ang sariling makontento sa kung anumang mayroon sila sa ngayon. But he gave his best to prove to her that he deserved her love.
Akala niya ay maayos na ang lahat sa pagitan nila, pero dumating ang isang Reagan Benitez. Hindi niya alam kung sino ang lalaki sa buhay ng dalaga, pero nasisiguro niyang si Reagan ang dahilan ng panlalamig ni Anezka sa kanya.
Ngayon lang uli siya nagmahal at hindi niya basta isusuko si Anezka nang ganoon kadali.

9. PHR 4886 All I Ask Of You by Athena de Lara


Isa lang ang naging pangarap ni Chelsea mula nang makilala niya ang perfect pitch at music genius na si Kristoff Miranda: Ang mahalin siya nito at pawiin ang lungkot sa berdeng mga mata nito, pati sa mga tugtuging nililikha nito. Kaya sinikap niyang mapalapit dito sa kabila ng tahasang pagtataboy nito sa kanya. Sa huli ay ito rin ang sumuko. Naging malapit sila at nahulog ang loob nila sa isa’t isa.
Pero ang katuparan pala ng pangarap niya ay pagkasira ng pangarap nitong sumikat sa buong mundo nang tanggihan nito ang scholarship offer sa abroad dahil ayaw raw nitong mapalayo sa kanya.
Pero hindi niya mapapayagang mangyari iyon. Walang maaaring humadlang dito sa pagtupad ng pangarap nito, kahit na siya pa iyon!

10. PHR 4887 One And Only by Lara Dyn Grey


“Wagas” ang pinakatamang salita para ilarawan ni Almond ang pagsinta, pagmamahal, at “pagnanasa” niya kay Peedy. Bata pa lang ay ito na ang nakikita niyang lalaki na nararapat para sa kanya. Pero taliwas iyon sa nararamdaman sa kanya ng binata. Lalo pang na-frustrate si Almond nang sa mismong bibig ni Peedy manggaling na gusto na nitong magpakasal sa longtime girlfriend nito na si Tiffany.

Natuyo na yata ang utak niya sa kakaisip ng paraan para hindi matuloy ang binabalak ni Peedy na pagtatapat sa nobya nito. Pero tadhana na rin ang umayon sa kanya. Nagawa niyang pigilan ang kasal. Pero ang hindi niya inasahan ay ang kapalit ng pagpayag ni Peedy sa pagpapakasal sa kanya at ang lalo pang paghihirap ng puso niya.

11. PHR 4888 For The Love Of Jasmine by Sapphire Morales


Hindi maintindihan ni Jasmine kung bakit hindi maalis-alis sa isip niya si Vince mula nang makilala niya ito sa birthday party ng kanyang kaibigan. Dapat pa nga ay mainis siya rito dahil kung makatingin ito ay parang sinasabi nito sa kanya na hindi siya ang ideal woman nito. Pero subukan man niyang kalimutan ito ay hindi niya magawa.
Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang itong sumulpot sa ospital na pinagtatrabahuhan niya—at nakikipagkaibigan.
Laking tuwa ni Vince nang tanggapin niya ang pakikipagkaibigan nito. Parang sinasabi rin ng puso niya na tama ang ginawa niya. Naging simula iyon ng magandang samahan nila. Ipinaramdam sa kanya ni Vince kung gaano siya kahalaga rito. That was why she was willing to give her all. Ngunit isang katotohanan ang biglang parang bombang sumabog sa harap niya. At iyon na yata ang tuluyang magpapaguho sa mundo niyang minsang naging makulay dahil kay Vince.

12. PHR 4889 My Baby’s Keeper by Estela Anderson


Limang taon na ang nakalilipas nang iwan ni Natalia si Fredrick. Ayaw niyang makasira sa buhay nito at ayaw niyang ikulong ito sa buhay na alam niyang hindi ito magiging masaya, lalo pa’t nalaman niyang ipinagbubuntis niya ang anak nito. Pero sa kasamaang-palad, nasunog ang bahay-ampunang pansamantalang tinitirhan nila ng anak niya noong limang buwan na ito, dahilan upang magkahiwalay sila ng bata. Nawalan siya ng alaala. Nang bumalik iyon, ang unang ginawa niya ay hanapin ang nawawalang anak niya.
Sa loob ng isang taong paghahanap niya sa kanyang anak ay natagpuan niya ito… sa pangangalaga ni Fredrick. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon. Pero isa lang ang alam niya: nais niyang mabawi ang kanyang anak at maibalik ang pagmamahal ng ama nito.
Iyon nga lang, mukhang mahihirapan siyang gawin iyon dahil ayaw na ni Fredrick sa kanya. Ayaw na nitong makita siya at malinaw na malinaw na hindi na siya mahal nito.

13. PHR 4890 More Than A Chef D’oeuvre by Venus Franz


Fame-desperate journalist Rowie Timajo went back to Isla Mirasipol to relive the mystery behind the beautiful island and the said haunted villa. Nangako siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para makakuha roon ng magandang istorya—kahit nangangahulugan pa iyon ng pagpasok niya sa teritoryo ni Pianz Deniell Porton, isang award-winning author na naglaho sa mata ng madla ilang taon na ang nakalilipas. Pinilit niyang mapalapit dito para malaman niya ang katotohanan sa likod ng biglang pagkawala nito noon. Because if she could get the real story out of this sexy mystery man, she knew it will be the scoop of the century.
Nangyari nga ang gusto niya. Nalaman niya ang mga sekreto ni Pianz ngunit kasabay niyon ay nahulog ang loob niya rito. Ngayon ay nagtatalo ang isip at puso niya.
Would she dare break his trust—and his heart—in exchange for the fame she wanted from the very start?

14. PHR 4891 I Love You Trulily by Laurice del Rio


Ikakasal na si Britney sa boyfriend na si Chito. Iyon yata ang pinakamagandang bagay na nagawa niya sa paningin ng kanyang mommy dahil para dito ay good catch si Chito. Bata pa lamang kasi siya ay gusto na nitong siya ang “best” sa lahat ng bagay.
Nang pumunta sila ni Chito sa magiging couturier ng kanyang wedding gown, hindi niya inaasahan na ang long-lost friend niya na si Zeke ang makakaharap niya roon. Anak-anakan ito ng dalawang bading na kapitbahay nila dati. Laking tuwa niya at nagkaroon uli sila ng pagkakataon na magkalapit. Napakabilis na bumalik sa dati ang kanilang pagkakaibigan.
Iyon nga lang, nagtataka si Britney kung bakit tila may kung anong nag-iba sa pagtingin niya rito. Tila nahuhulog ang loob niya rito sa kabila ng ipinagpapalagay ng marami na malamang ay bading ito. Pre-wedding jitters—iyon ang naisip ni Britney sa nangyayari sa kanya. O puwede rin na naloloka na siya dahil hindi tama na kiligin siya kapag nagkakalapit sila ni Zeke. Pero ang mas nakakahibang ay nang dumating sa punto na parang hindi na siya excited sa nalalapit na kasal nila ni Chito. Dahil iba na ang gusto niyang pakasalan…
Kailangan na ni Britney na gumawa ng pasya…
Back to top Go down
 
July 3, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Blacksnake Roller Girls Presents Seeing Stars July 13, 2013
» George Clooney Aficionados News July 4, 2013
» George Clooney Aficionados News July 1, 2013
» George Clooney Aficionados News July 7, 2013
» George Clooney Aficionados News July 29, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: