HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 26, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 26, 2013 Book Release   Mon Jul 08, 2013 3:13 pm

1. PHR 4864 Wicked by Rose Tan


She was angry. Abandoned at birth, abused, illiterate, and betrayed by the only man she loved and trusted—Larcy vowed revenge.
Gaganti si Larcy sa lahat ng taong sumalbahe sa kanya. Unang-una na roon ang kanyang ina. Nang malaman niya kung sino ito, nagpakilala siya upang maging bahagi ng pamilya nito. Sa ganoong paraan, unti-unti niyang masisira ang masayang tahanan ng walang kuwentang babaeng nagtakwil sa kanya. Pero dahil doon, nagtagpo uli ang landas nila ni James—the man who betrayed her trust, her love. And he was acting like nothing happened. The son of a gun had moved on!
Well, she hadn’t. And James will pay also. But first, she needed his help. And if he’d only stop singing… Maybe this time…

2. PHR 4865 The Bad Boy Syndrome by Kensi


Palagi na lang nahuhulog ang loob ni Hershey sa mga bad boy types. Hindi naman sa sinasadya niya iyon pero madali talaga siyang ma-attract sa mga ganoong tipo ng lalaki. So far, she had three ex-boyfriends who all fall under the category of bad boys.
Then she met Rodge. Isa ito sa pinakamatinding bad boy na nakilala ni Hershey. Unang kita pa lang niya rito, she immediately felt the strong magnetic pull between them. But after her last boyfriend, she already promised herself that she would not fall for a bad boy again. Ngunit paano ba siya iiwas kay Rodge gayong mukhang desidido itong pumasok sa kanyang buhay? He was a bad boy who didn’t play by the rules after all. Kahit anong pagtanggi niya ay tila lalo itong natsa-challenge na mapalapit sa kanya.

3. PHR 4866 Chocolate Kisses by Celestine


Bilang isang mapagmahal na kapatid, gagawin ni Kisses ang lahat para sa kakambal niyang si Hershey. Kaya nang humingi ito ng pabor sa kanya ay hindi niya ito tinanggihan.
Nalagay sa alanganing sitwasyon si Kisses nang pumayag siyang magpanggap na si Hershey sa harap ng boyfriend nito. Wala siyang kaide-ideya na ang tinutukoy nitong boyfriend ay ang lalaking labis niyang kinaiinisan na si Jeremiah Sandoval. Hindi na siya makaatras sa kasunduan kaya napilitan siyang pakisamahan na lang si Jeremiah kahit labag sa loob niya at kahit nanggigigil na siya sa galit dito dahil pinaglalaruan lang nito ang kapatid niya. Subalit sa paglipas ng mga araw na kasama niya ito at nakikilala niya ito nang lubusan ay unti-unting nagbago ang pagtingin niya rito. Hanggang sa ma-realize niyang hindi na siya nagpapanggap lang. Totoong mahal na niya ito. Sa pagkakataong iyon ay kailangan na niyang mamili: ang kasunduan nila ng kapatid niya o ang tibok ng puso niya?

4. PHR 4867 Brandon’s Sweet Rose by Tyra


Rosarie was tired of her life as a supermodel. After a lot of controversies involving her with different men, she finally decided to take a break.
Nang ikuwento niya iyon sa matalik niyang kaibigan ay agad itong nag-offer sa kanya na magbakasyon sa rancho na pagmamay-ari ng pamilya nito. She gladly accepted her offer, thinking she could find the peacefulness she’d been looking for in their ranch.
But what she found there was not peace but a raging storm in the form of Brandon Montero: ang nakababatang kapatid ng matalik niyang kaibigan. Malayong-malayo na ito sa payatot na teenager na nakilala niya sampung taon na ang nakararaan. He became a man that every girl would dream of. At tuwing nagtatama ang kanilang mga mata, all she could see in his eyes was undeniable anger towards her—na labis-labis niyang ipinagtataka.
Ngunit sa kabila ng galit na nakikita niya sa mga mata nito ay hindi pa rin niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso o ang koryenteng dumadaloy papunta sa kanya tuwing madidikit siya rito. And she knew that it would only take a little time before she found herself falling for him. Ngunit paano nito matutugunan iyon kung alam niyang galit ito sa kanya sa rasong hindi niya maintindihan?

5. PHR 4868 Once A Ferrara Wife by Sarah Morgan (translated by Janis delos Reyes)


Sa pagbabalik ni Laurel sa Cebu ay balak niyang pagsabayin ang pagme-maid of honor sa kasal ng best friend niya at pag-aasikaso sa annulment nila ng kuya nitong si Cristiano. She wanted to hit two birds with one stone. Pero iba ang gustong mangyari ni Cristiano. Soon, Laurel found herself lured to bed by her irresistible soon-to-be ex-husband.
Ayaw siyang palayain ni Cristiano dahil mahal pa rin daw siya nito. Pero may isang lihim siya na maaaring tuluyang pumatay sa pag-ibig nito at maging dahilan para mamuhi ito sa kanya…

6. PHR 4869 Nobody Compares To You by Bethany Sy


Nang ma-reject ang manuscript na ipinasa ni Jade sa isang publishing house ay nag-emo siya sa kusina nila kung saan natagpuan siya ni Andrew—kabarkada ng kuya niya at lalaking inaasam ng kanyang puso. Sa pamimilit nito, namalayan na lang niya na ikinukuwento na niya rito ang palpak na career niya sa pagsusulat.
At dahil mukhang brilliant talaga si Andrew, naisip nito na kailangan lang naman niyang maka-quota ng kilig. Pero paano? Ah, may solusyon ito, aakto itong boyfriend niya at gagawin nila ang ginagawa ng mag-boyfriend.
Offer pa lang iyon pero kinikilig na siya, ano pa kaya kung totohanan na?

7. PHR 4870 Marry Me by Majesty Roque


Hindi makapaniwala si Kathleen na nagawa siyang ipagkasundo ng Lolo Gaston niya sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita. Dahil doon, naisipan niyang maglayas. Lalayo muna siya nang maisip ng lolo niya na imposible ang gusto nitong mangyari.
Pakiramdam ni Kathleen, mula nang lumayas siya ay nagsunod- sunod na ang kamalasan niya. At ang pinakamalala sa lahat ng kamalasang nasuungan niya ay nang makilala niya si Thirdee, ang nagmamay-ari ng “pagkamahal-mahal” na sasakyang nadisgrasya niya. Nang makilala niya ito, kinailangan din niyang magtago para makaligtas sa mga taong gustong pumatay rito.
Napilitang sumama si Kathleen kay Thirdee sa isang tagong isla para na rin sa kaligtasan nila. Sa isla, nakilala niya ang totoong Thirdee—mabait, mapagmahal sa magulang, at sweet. Pero sa kabila niyon, inamin nitong takot itong pumasok sa isang seryosong relasyon. Sabi nito, para na rin daw nitong inilagay sa bingit ng kamatayan ang babaeng mamahalin nito.
Pero ang makulit niyang puso, umibig pa rin dito. Mas gusto pa yata niyang lumapit sa mga taong humahabol sa kanila at kusang magpabaril sa mga ito kaysa layuan si Thirdee…

8. PHR 4871 The Heart Remembers by Laurice del Rio


Hindi sigurado si Jas kung kaya pa niyang magmahal nang katulad ng pagmamahal na iniukol niya sa dating nobyong si Nio. She simply loved him too much that when he died, it was as if a part of her died, too.
Tanggap naman niya iyon at nauunawaan ng current boyfriend niyang si Dillon. Mahal din kasi nito si Nio dahil best friend nito ang lalaki.
Then along came Abel. May kung ano rito na nagpapaalala sa kanya sa dati niyang nobyo kaya naantig ang interes niya rito. Ang interes na iyon ay mabilis na lumawig hanggang sa hindi na simpleng interes lang ang nararamdaman niya para dito. Nagkakagusto na siya rito. And in a big way! Nataranta siya, natakot, na-guilty, at nahindik nang malaman niya ang isang masaklap na katotohanan.

9. PHR 4872 Isla Sanctuario (Love Endures) by Dawn Igloria


May matinding dilemma si Mariz. Hindi na simpleng crush lang ang nararamdaman niya para kay Stanley. Pero nanaig sa kanya ang bitterness dito dahil mas pinahahalagahan ito ng papa niya kaysa sa kanya. Kaya nang magtapat sa kanya si Stanley ay binasted niya ito.
Nasaktan ito at lumayo. At pagkalipas ng isang taon ay nagbalik ito. Lalo pang naging cute si Stanley ngayon at mas naging confident. Pero hindi na ito ang sweet at gentleman na lalaking nagpakita ng interes sa kanya noon. He was now a hot hunk who was out to seduce her to—she suspects—get even.
Pero wala siyang lakas para labanan ito.

10. PHR 4873 Needles And Pins by Rose Tan


Her best friend stole her boyfriend. Kinuha pa siyang abay sa kasal ng mga taksil. Kaya ang resolusyon ni Ilay, “never fall in love again.” Even with Trevor, her handsome, irresistible boss. He was so irresistible that she started going out and making out with him.
Walang komplikasyon, walang mga tanong, walang expectations. Iyon ang relasyon nila. Just good ol’ hanky-panky with the boss.
Pero biglang bumalik ang nawawala nitong girlfriend. At ang manhid niyang puso ay bigla ring tinubuan ng pandama. But no matter. Needles and pins didn’t hurt as much as knives and daggers.
How wrong she was.
Needles and pins didn’t break her heart but they gave it a hemorrhage when Trevor chose his girlfriend over her.
Ouch.

11. PHR 4874 Lady And The Tramp by Daniella Ignacio


May inuwing dalaga ang papa ni Lady sa bahay nila. Anak daw nito iyon sa ibang babae. Nahindik siya sa isiping pinagtaksilan ng kanyang papa ang namayapa niyang ina.
Dismayadong nagpunta siya sa isang park, at doon ay inihinga niya ang sama ng loob niya sa isang lalaking estranghero—kay Toto. Ito man ay naghinga rin ng sama ng loob sa kanya. Ikakasal na raw diumano ang babaeng iniibig nito sa ibang lalaki. Dahil kapwa may mga problema, pinagsaluhan nila ang bote ng alak na dala niya.
Hindi roon nagtapos ang pagkikita nila ni Toto. Nang maglayas siya sa kanila ay sa bahay nito siya pilit na nanuluyan. Kahit mahirap lang ito, sinikap nitong huwag siyang mahirapan habang nandoon siya sa bahay nito—kaya hindi na siya nagtataka kung nahulog ang loob niya sa binata. Ngunit masuklian kaya ni Toto ang damdamin niya kung hindi pa rin ito nakaka-get over doon sa babaeng ikinuwento nito sa kanya sa park?

12. PHR 4875 Sa Muling Pagpintig Ng Puso by Amanda


Ang pagtanggap ni Maureen sa trabaho bilang nanny ay isang bagong simula pagkatapos ng dinanas na traumatic experience sa dating boss niya. Isa pa, malaki naman ang suweldo sa papasukan niya at kailangan niya ng pera para sa pamilyang kanyang sinusuportahan.
Nalaman niya na ang dalawang batang aalagaan niya ay anak ng yumaong artista na si Carla Asuncion. Masaya siya na ang pagsisilbihan ay pamilya ng kanyang iniidolo. Pero nagkaroon siya ng kakaibang kaba nang makaharap si Shawn—ang padre-de-pamilya. Hindi niya gusto ang damdaming pinukaw sa kanya ng mapanuring mga mata nito at mga ngiting tila pinagliliwanag ang kanyang mundo.
Tila may panghalina ang personalidad ni Shawn, at siya ay unti-unting naaakit at umiibig dito. Ngunit natuklasan niyang ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol kay Carla ay hindi pala totoo. At si Shawn ay hindi malayang umibig sa kanya gaya ng inaakala niya.

13. PHR 4876 Carlito’s Angel Trilogy 1: Drew’s Longtime Love by Brandy Gallardo


Kung may pinakaiiwasan man si Drew, iyon ay ang tuluyang mahulog ang loob niya sa anak ng umampon sa kanya. She would not dare fall in love with Jesse. Sinabi niya sa sariling dapat na siyang makontento sa pagtingin-tingin lang kay Jesse.
Pero nananadya yata talaga ang tadhana, nang lumaki na sila ay saka niya hindi na narendahan ang puso niya.
Hanggang sa dumating ang isang gabing pagkalimot, hindi na niya inisip o naalala man lang ang ipinangako niya sa sarili…

14. PHR 4877 Carlito’s Angel Trilogy 2: Xynthia’s Mission To Love by Brandy Gallardo


May bagong misyon si Xynthia bilang agent sa isang private agency at may makakasama siyang isang guwapong hombre sa misyong iyon—si Denver, na kung tumitig sa kanya ay nakakawala ng konsentrasyon. Pati hangin niya sa katawan ay nawawala kapag nasa tabi niya ang binata. Weird, she thought.
Wala pang lalaki ang nakapagparamdam sa kanya ng ganoon at sa kasagsagan pa ng isang misyon nila.
Pero alam niyang hindi siya dapat magpaapekto rito, they were together because of their job. At hindi iyon dapat mahaluan ng romance… well, hindi nga ba?

15. PHR 4878 Carlito’s Angel Trilogy 3: Ondrea’s Pure Bliss by Brandy Gallardo


Ondrea had been madly in love with Oliver for so many years. Pero kahit gaano niya kamahal ito, alam niyang wala rin siyang magagawa dahil taken na ito. May nobya na ito na mahal na mahal nito mula anit hanggang sa patay na kuko nito.
Pero dumating ang hindi niya inaasahang pagkakataon. Nagkahiwalay si Oliver at ang nobya nito. She told herself it was her time to shine. And she needed to move. Fast!
Pero sapat na ba ang pagpapa-cute at pag-aalaga niya rito para tuluyan na nitong makalimutan ang bruhang ex-girlfriend nito?
Back to top Go down
 
June 26, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News June 7, 2013
» George Clooney Aficionados News June 13, 2013
» George Clooney Aficionados News June 24, 2013
» Steam Traction World Gathering - 29th & 30th June 2013 - Banbury Rally
» George Clooney Aficionados News June 10, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: