HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 19, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 19, 2013 Book Release   Thu Jul 04, 2013 1:13 pm

1. MLH 382 My Love My Hero: Damien by Olga Medina


Damien’s kiss was hot and hungry—demanding a response from her. At iyon ang nangyari. Kusa at may pananabik na tumugon siya sa nakalalangong halik nito. Hindi niya inakalang ganoon siya kauhaw at kasabik sa isang halik na nagparingas ng kakaibang apoy sa kaibuturan ng kanyang pagkatao.
She felt helpless against the sensual, emotional assault. It felt blissfully right—but it was wrong. Hindi niya dapat hayaan na mapaibig siya nito—dahil nagbitaw siya ng pangako sa ibang lalaki.

2. PHR 4848 Kissing Kreishner by Kaye Ysabelle


“Long-term relationships are simply not my cup of tea” ang palaging sagot ni Rain kapag inaasar siya ng mga kaibigan niya. Hindi raw kasi siya marunong magseryoso sa mga lalaki at sa pakikipagrelasyon.
Well, she used to pour her heart out to someone special but she ended up hurting. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit natatakot siyang mag-invest ng damdamin sa kahit na sino. Ayaw na niyang maranasan ang kaparehong sakit.
Her life was fine that way. No emotional complications. Pero ang safe zone na kinalalagyan ng puso niya ay biglang nabulabog nang biglang nagkrus ang mga landas nila ng lalaking una niyang minahal. He looked like the same man. Pero ito pa rin kaya ang lalaking minahal at nagmahal sa kanya?
She guessed not. Galit pa rin kasi ito sa kanya.

3. PHR 4849 So Who’s Behind The Veil? by Venus Franz


Pakiramdam ni Paige ay gumuho ang mundo niya dahil bukod sa nabigo na nga siya sa pag-ibig, natuklasan pa niyang hindi siya tunay na anak ng kinikilala niyang mga magulang. Kaya nagpasya siyang lumayas ng kanilang mansiyon hanggang sa mapadpad siya sa poder ni Atty. Ian Avegail Salterras. Ito ang naging daan para makaahon siya mula sa kalungkutan at kahungkagang nadarama niya.
Hindi rin niya inakalang sa paglipas ng mga araw na ito ang kasama niya ay magagawa nitong palayain ang puso niyang nakulong sa kabiguan. Unti-unti ay natutuhan niyang ibigin ang binata. Ngunit mukhang mabibigo na naman siya dahil napag-alaman niyang naaawa lang ito sa kanya kaya kinupkop siya nito at inalagaan. Higit sa lahat ay may minamahal na pala itong iba.

4. PHR 4850 You Are My Right Kind Of Wrong by Shekinah Hope


Lala was a workaholic. Ibinabaling niya sa trabaho ang lahat ng frustrations niya sa buhay. Pero nakilala niya ang ubod ng kulit, playboy, bolero, guwapo, at machong si Xander. Gigil na gigil siya rito. Ginulo kasi ni Xander ang tahimik niyang buhay. Ang sabi pa nito, tuturuan siya nito kung paano magsaya. Lala indulged him. Tutal para sa kanya ay useless din ang effort nito.
Kaya ganoon na lamang ang gulat niya nang mapagtantong nag-e-enjoy na siya sa mga ginagawa nito. Sa presensiya nito. And darn him for being so cute and gorgeous, that she finally realized her heart was already in danger.
Ito na nga ba ang sinasabi niya. Masyado yata siyang nadala… Lalo na nang sabihin nito, “Gusto kong ikaw palagi ang makaasaran at makatampuhan ko. Then we will kiss and make up.”

5. PHR 4851 Harana Ng Puso by Avi Cabrera


Manang daw si Annie. Sa edad niyang dalawampu, hindi pa niya nararanasang magka-boyfriend, magkaroon ng first kiss, at magkaroon ng dates. Wala siyang inatupag kundi maging isang mabuting estudyante at mabuting anak. But fate intervened. Inilagak niyon sa pintuan ng bahay nila ang guwapo, sikat, at pilyong si Bane. He was a rocker and he rocked her world. Kumbaga sa geometry, one hundred eighty degrees ang inikot ng mundo niya mula nang makilala niya ito.
Natagpuan niya ang sariling nahuhulog dito sa kabila ng kaalamang hindi ito ang tipo na nagseseryoso sa mga relasyon. At tama siya. Sa kaunting pagsubok ay iniwan siya nito. At ngayong muli itong nagbabalik sa buhay niya, sapat na ba ang damdaming ginising nito sa puso niya upang tanggapin uli niya ito?

6. PHR 4852 Oplan: Bawiin Ang Puso Ni Jarome by Stephany


Mahal ni Ericka si Jarome pero hindi pa siya handang makipagrelasyon dito sa kabila ng pag-amin nitong mahal din siya nito. Nais muna niyang tuparin ang pangarap niya kaya mas pinili niyang umalis ng bansa kaysa manatili sa tabi nito. Nagkasundo silang pagbalik niya ay pag-uusapan nila ang tungkol sa kanilang dalawa.
Siya ang unang hindi tumupad sa pangako dahil ang isang buwan ay inabot nang apat na taon. Sa pagbalik niya sa bansa ay handa na siyang tanggapin si Jarome sa buhay niya. Pero nalaman niyang ikakasal na pala si Jarome at sa best friend pa niya.
Handa siyang gawin ang lahat upang bawiin si Jarome dahil una itong naging kanya. Pero mukhang huli na talaga siya. Dahil nalaman niyang ipinagbubuntis ng best friend niya ang anak ni Jarome.

7. PHR 4853 Car Wash Boys Book 1: Prince Daryl Rivera by Juris Angela


Jhanine was a simple girl with a simple dream. Planado na niya ang buhay niya. Hanggang sa muling nakasalamuha niya ang lalaking kinaiinisan niya sa balat ng sangkatauhan—si Prince Daryl Rivera. Bukod sa pagiging anak ni Senator Benjamin Rivera ay hindi matatawaran ang kasikatan at kaguwapuhan nito na tinitilian ng kababaihan.
Pero nang masangkot silang dalawa sa isang malaking isyu ay halos isumpa niya ito sa kapahamakan na dinala nito sa kanya, kasabay ng isang pangako na hindi na siya magkakagusto rito kahit kailan. Ngunit kabaligtaran niyon ang nangyari. Nagising na lang siya isang umaga na umiibig nang labis dito. At sa gitna ng kanilang relasyon, isang pangyayari ang tila nagpamukha sa kanya ng tunay na estado ni Prince Daryl sa lipunan—ang mapanghusga at mapanlait na mga tao. Dahil doon ay nagdesisyon siyang talikuran ito.
Isang bagay na tila pagsisisihan niya habang-buhay.

8. PHR 4854 Car Wash Boys Book 2: Miguel Dustine Despuig by Juris Angela


Nang dahil sa matinding pangangailangan sa pera ay napilitan si Sarah na balikan ang isang gawain na matagal na niyang tinalikuran at ipinangako na hindi na muling babalikan pa. Sa “pagbabalik-trabaho” niya ay naging target niya ang guwapo at mayamang si Miguel Dustine Despuig. Okay na sana ang lahat pero nabuking nito ang modus operandi niya. Saka niya napag-alaman na isa pala itong pulis.
Ngunit sa halip na hulihin siya nito at ikulong, isang kakaibang parusa ang iginawad nito sa kanya. Unti-unting nahulog ang loob niya rito. Para sa kanya ay isa itong anghel na ipinadala ng Diyos sa kanya para masolusyunan ang mga problema niya.
Maayos na sana ang lahat sa pagitan nila dahil sa pagmamahal na iniuukol din nito sa kanya. Pero isang pangyayari ang nagdulot ng panganib sa kanyang buhay. She had no choice but to leave Miguel Dustine.
Handa na ba siyang iwan ito at sumuong sa kamatayan?

9. PHR 4855 Car Wash Boys Book 3: Marvin Ison by Juris Angela


Razz had set her eyes on Marvin since high school. Kulang na lamang ay tumalon ang puso niya palabas ng kanyang dibdib tuwing nginingitian siya nito. Pero parang mantikilya na natunaw ang paghanga niya rito nang pahiyain siya nito sa stage play nila. She decided to hate him from that day on. Iyon din ang araw na itinuring na niya itong mortal na kaaway.
Parang nananadya naman ito. Panay pa rin ang paglapit at pagpapapansin nito. Inisip niyang taktika lang nito iyon para pagtakpan ang kasalanan nito. Pero nang sabihin nitong mahal siya nito ay natigilan siya at naantig ang kanyang puso sa sinseridad na nababasa niya sa mga mata nito. Aaminin niyang sa kabila ng lahat ay bigo pa rin siyang kamuhian ito. Na ito pa rin ang gustong makatuluyan ng puso niya. Pero ang pagpapakatotoo pala niyang iyon ang magpapahamak sa kanya.
Handa na siyang aminin ang pag-ibig niya para dito nang makarating sa kanya ang balita na muling dudurog sa puso niya. Sa ikalawang pagkakataon ay sinaktan na naman siya nito nang hindi nito namamalayan…

10. PHR 4856 Car Wash Boys Book 4: Rod Jester Labayne by Juris Angela


Kamille belonged to a Chinese family who believed in arranged marriage. And she hated it. Dahil iyon ang naging dahilan para mawala sa kanya ang lalaking minahal niya. Dahil doon ay nagrebelde siya.
Hanggang sa makaramdam siya ng kapaguran sa mga nangyayari sa buhay niya. Umalis siya ng kanilang bahay at pumunta sa isang kaibigan niya sa Tanangco Street. Doon niya nakilala si Jester. Sa loob ng maikling panahon ay ibinalik nito ang ngiti sa mga labi niya, ang saya sa puso niya, at ang tiwala niya sa pagmamahal. Pero sa paglalim ng pag-iibigan nila, tila nauulit ang nakaraan. This time, ipinangako niya sa sarili na hindi niya hahayaang mawala sa kanya ang lalaking mahal niya. Ipaglalaban niya si Jester. Bahala na kung saan siya dalhin ng desisyon niyang iyon.

11. PHR 4857 Car Wash Boys Book 5: Kevin Kyle Bandong by Juris Angela


Marisse was a wedding planner. Katulad ng mga kliyente niya, pangarap niyang magsuot ng traje de boda at makipagpalitan ng “I do” kay Mr. Right. Pero malupit sa kanya ang tadhana dahil napako ang pangakong binitiwan sa kanya ni Kevin—ang lalaking inasahan niyang maghahatid sa kanya sa altar. Ang masakit, sa paglipas ng mga taon at sa kabila ng malaking distansiya sa pagitan nila, nanatili itong laman ng puso niya. Sa pagbabalik ni Kevin sa Pilipinas, nagkaroon sila ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan. Napawi ang ilang taon na pagdadalamhati ng puso ni Marisse dahil sa ilang araw na tanging ito ang kapiling niya. Pero hindi nagtagal ang masasayang araw niya. Dahil pagbalik nila mula sa isang enggrandeng bakasyon, isang babae ang sumalubong sa kanila at nagpakilalang fiancée ni Kevin. Wala siyang nagawa kundi ang magparaya. Ang masaklap, nais ng babae na siya ang mag-ayos ng kasal ng mga ito.
Wala yata talaga sa panig niya ang tadhana dahil mukhang hindi bride kundi isang wedding planner ang nakatakdang maging papel niya sa buhay ni Kevin…
12. PHR 4858 Chance To Love by Charlene Granado


Dahil kagagawan ni Isshie ang pagkalat ng “nude” photo ng boyband member na si Camper, wala na siyang nagawa kundi ang makiayon dito na magpanggap na girlfriend nito. Nag-enjoy man siya sa kanilang palabas dahil matagal na niya itong pinapangarap, hindi pa rin maiwasang masaktan ni Isshie tuwing maaalala ni Camper ang babaeng totoong mahal nito kapag wala na sila sa harap ng maraming tao. Ano ba naman kasi ang magagawa niya? Ang galing-galing nitong artista. Kahit siya, napaniwalang in love na talaga ito sa kanya, lalo na tuwing hahalikan siya nito.
Kailangan ba niyang pigilan ang sarili para hindi na lalong lumalim pa ang pagtingin niya rito o hayaan na lang ang sariling i-enjoy na lang ang lahat ng nangyayari sa kanila ni Camper?

13. PHR 4859 Untitled Love Song by Estela Anderson


Isang rebeldeng anak si Grezell kaya ipinatapon siya ng kanyang ama sa Isla Bellizima. At kahit saang lupalop pa siya ipatapon nito, isa lang ang sinabi niya sa sarili: Walang makakapagpatiklop sa kanya. Iyon ang akala niya.

Dahil nang makilala niya si Luke na kaibigan ng pinsan niya, panay ang buntot at pangongonsiyensiya nito sa kanya na hindi niya alam kung bakit umeepekto sa kanya. Napasunod siya nito. Sa huli, nahulog ang loob nila sa isa’t isa at naging opisyal ang kanilang relasyon. Tinuruan siya nitong mangarap at tuparin iyon. Pero hindi niya alam na sa pagtupad niya sa kanyang mga pangarap ay ang pagkawala rin ni Luke, ang lalaking bumago sa buhay niya. At hindi na pala ito babalik pa.

14. PHR 4862 Cindy Ella And Her Prince by Daniella Ignacio


Nangangamote si Cindy sa Calculus. Kapag hindi niya naipasa iyon ay hindi siya makaka-graduate. At kapag nangyari iyon, tiyak na hindi na siya pag-aaralin ng tiyahin niyang mala-stepmother ni Cinderella ang drama sa totoong buhay.
Pero mabuti pa si Cinderella dahil may Prince Charming na sumagip dito mula sa masaklap na kapalaran nito. May kilala rin naman siyang “prince,” si Prince Cardenas, kaya lang ay wala itong ka-charm-charm sa katawan, guwapo pa naman sana. Nag-aaral din ito sa pinapasukan niyang unibersidad, at sa una pa lang ay mainit na ang dugo nila sa isa’t isa.
Hindi niya alam kung magpapasalamat o maiinis siya nang malaman niyang si Prince na hindi charming ang hiningan ng tulong ng professor niya sa Calculus upang turuan siya.
Pero nang magsimula na ang kanilang “tutorial sessions,” hindi lang ang makapasa sa Calculus ang inaalala ni Cindy kundi pati na rin kung paano makakapasa sa puso ni Prince.
Hala, ano ang nangyari? Hindi ba’t naiinis siya rito?

15. SKT 1 Fantasy Lover by Sherrilyn Kenyon (translated by Dream Grace)


Sa gabi ng kaarawan ni Grace, napilitan siyang pagbigyan ang inuungot sa kanya ng best friend niya na isang Gypsy wanna-be para daw maibsan ang nakakabagot niyang buhay dahil sa kawalan niya ng sex life. Kahit katawa-tawa, sinambit niya sa ilalim ng kabilugan ng buwan ang itinuro nitong maikling orasyon para tawagin at palitawin ang isang Greek love-slave na nakaguhit sa isang misteryosong libro—si Julian ng Macedon.

Hindi siya naniniwala sa mga kababalaghan ngunit laking gulat niya nang gumana ang orasyon at lumitaw nga sa sala niya ang pinakamakisig, pinakaguwapo, at pinakanakakaakit na lalaking nakita niya sa tanang buhay niya. At handa raw si Julian na pagsilbihan at paligayahin siya at punan ang anumang pantasyang seksuwal niya sa loob ng isang buwan. Subalit hindi panandaliang ligaya ang hanap ni Grace sa buhay kundi isang tunay at wagas na pag-ibig. Na hindi kayang ibigay ni Julian sa kanya dahil sa isang sumpa. Ngunit sapat ang pag-ibig niya rito para tulungan itong makalaya sa sumpa kahit pa nga mangahulugan iyon ng kabiguan sa kanya.
Back to top Go down
 
June 19, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News June 7, 2013
» George Clooney Aficionados News June 13, 2013
» George Clooney Aficionados News June 24, 2013
» Steam Traction World Gathering - 29th & 30th June 2013 - Banbury Rally
» George Clooney Aficionados News June 10, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: