HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 12, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 12, 2013 Book Release   Tue Jun 25, 2013 10:55 am

1. PHR 4835 The Man Every Woman Wants by Miranda Lee (translated by Dawn Igloria)



Ryan had never mixed business with pleasure. Kaya ano ang sumapi sa kanya para aluking magpanggap na Mr. Right ng lawyer niyang si Laura sa buong weekend?
Para iyon sa lola ni Laura. Malambot kasi ang puso niya sa mga lola at nakita niya kung gaano kamahal ni Laura ang lola nito na mamamatay na. Kaya para sa lola ni Laura ay magpapanggap siyang nobyo ng walang kabuhay-buhay na si Laura Ferrer. Pero nagkamali pala siya ng pagkakilala kay Laura. Dahil hindi pala ito walang kabuhay-buhay kundi isang kaakit-akit na dalaga. At hindi niya napigilan ang sariling pagnanasa nang magsalo sila sa iisang kama. May nangyari sa kanila. Pagkatapos ng weekend na iyon ay inalok niyang maging girlfriend si Laura pero labis ang pagtanggi nito.
Tsk! Sinasabi na nga ba niya, hindi dapat talaga niya pinagsasama ang business at pleasure.
2. PHR 4836 Bethsaida, The Bride-Wannabe by Nicka Gracia






Binalak ni Saida na tumutol sa kasal ng kanyang first love na si Bobby. Handa na siyang sumugal para lamang sa baliw na pag-ibig na iyon. Ngunit sa kamalasan ay na-late siya nang dalawampu’t limang minuto—kasal na ang lalaking mahal niya. Pero tila may ibang plano sa kanya ang pagkakataon. Sa simbahang iyon ay nakilala niya si Nathan, ang lalaking lasing at sa tingin niya ay walang modo sa kabila ng pagmamagandang-loob niya rito. Hindi niya inakalang hindi pa pala iyon ang magiging huling pagkikita nila ng binata. Nathan started pestering her. Hayagang sinasabi nito ang pagkagusto sa kanya. Pero maniniwala ba ang puso niya kung kaliwa’t kanan ay naroon ang mga babaeng humahabol dito? At handa na ba siyang magmahal uli?

3. PHR 4837 A Playboy’s Love by Ley dela Serna





Napilitan si Bethany na maging personal assistant ni Frazer. For two months lang naman, o hanggang sa makahanap ito ng permanent assistant. Ngunit ang nakakaloka, parang hindi assistant ang papel niya rito kundi yaya at bodyguard. Hindi lang niya kailangang sabihan ito na kumain kapag oras na ng pagkain, kailangan din niyang bantayan ito at siguruhing malayo sa tukso. No flirting for him until he had composed all the songs for their next album.
Siyempre pa, dahil playboy ito, parusa iyon para dito. Dahil bantay-sarado ito, sa kanya ito bumaling. He flirted with her.
Aminado siyang attracted siya rito. Ngunit alam niyang para dito ay laro lang ang pakikipagrelasyon. She even doubted if what he was offering would go beyond physical intimacies. 
Handa ba siyang isugal ang puso niya sa walang-kasiguruhang relasyon?
4. PHR 4838 Alessandro’s Prize by Helen Bianchin (translated by Agnes R. Serafin)




Kailangang-kailangan ni Lily ng bakasyon pagkatapos niyang malaman ang matagal nang panloloko sa kanya ng fiancé niyang si James. Ngayon ay determinado na siyang ipagpatuloy uli ang kanyang buhay—nang siya lamang mag-isa!
Pero hindi nagtagal ang pag-iisa niya nang makasalamuha uli niya si Alessandro. Dahil dito kaya nasira ang mga plano niya. Matagal na siyang nais ligawan nito pero ni minsan ay hindi ito nagtangka. Kilala niya ito bilang isang cool at relaxed na tao. Pero nang malaman nito ang sinapit niya ay nagsimula uli itong magpakita ng interes sa kanya. At sa pagkakataong iyon ay tila naging mainipin na ito na maangkin siya. At kung paano nito nasasabing pareho lamang silang attracted sa isa’t isa kahit pilit niyang itinatanggi iyon dito ay hindi niya alam…
5. PHR 4839 Dapat Ba Kitang Mahalin by Nicka Gracia


Sanay na si Myrna sa kasungitan ni Vincent. Unang pagkikita pa lang nilang dalawa ay hindi na maganda ang impresyon nito sa kanya. They were poles apart. Tahimik ito, samantalang madaldal siya. Lagi itong nakasimangot at seryoso, samantalang bungisngis at lagi siyang nakangiti. 
Ngunit sa kabila ng mga pagkakaiba nila, sensitibo sila sa pangangailangan ng bawat isa. Hanggang sa namalayan na lang ni Myrna na hindi pala siya immuned sa mga titig at pagiging seryoso nito. Mas may appeal pala sa kanya ang ganoong klase ng lalaki. Pero nalaman niya na may babae na palang nagmamay-ari sa puso ni Vincent, isang babaeng kabaligtaran niya—tall, sweet, feminine, and a ballerina. Samantalang siya ay hindi aabot sa average height ng isang Filipina kung hindi siya magha-high heels. She was not sweet and not so feminine. At higit sa lahat, waltz lang ang kaya niyang sayawin. Puwede kayang magkatotoo sa kanila ni Vincent ang kasabihang “opposite poles attract”?

6. PHR 4840 Maid In Heaven by Celestine




Matagal nang crush ni Carrie si Alexis, ang kuya ng best friend niyang si Andrea. Ilang beses siyang nakiusap sa kaibigan na ilakad siya nito sa kuya nito pero tigas ito sa pagtanggi. Subalit nang malaman nitong isang buwan na lang ang ilalagi niya sa Pilipinas ay pumayag na rin ito sa gusto niya. Iyon nga lang, may kondisyon ito: kailangan niyang magpanggap na maid ni Alexis. 
Hindi niya inakalang tototohanin ni Andrea ang kondisyong hinihingi nito sa kanya. Pero dahil nga gusto niyang makilala si Alexis, kahit walang alam sa gawaing-bahay ay pinanindigan niya ang pagiging maid. Inasahan niyang sa pagsasama nila ni Alexis ay mababawasan ang paghanga niya rito. Pero kabaligtaran ang nangyari. Bukod kasi sa guwapo ito, mabait at ubod ng charming pa. 
Sa paglipas ng mga araw, natuklasan niyang kabaligtaran ang lahat ng sinabi ni Andrea tungkol sa totoong ugali ng kuya nito. Sinadya lang nitong siraan ang kuya nito para hindi na niya alagaan ang pagsinta sa binata. Ikakasal na kasi si Alexis…
7. PHR 4841 Sa Piling Mo by Jade Lawrence




From riches to rags ang buhay ngayon ni Kendra. At sinisisi niya ang kanyang sarili dahil doon. 
Si Isaac, na isang matagumpay na negosyante sa ibang bansa, at ang lolo nitong si Don Ramon ang sumalo sa mga problema ng negosyo ng kanyang abuelo. Pero may kapalit iyon—she had to work as Isaac’s PA sa pagbabakasyon nito sa bansa. At ang trip nito ay maranasan uli ang buhay sa bukid.
Parang matutuyuan ng dugo si Kendra. Pero kung gaano kabagsik sa kanya ang binata noong una, iba ang ipinakita nito nang magkasama na sila. From a total turn-off, he transformed into a man of her dreams. He knew how to kiss her tears away and how to make her feel like the most precious gem in the world.
Pero may malaking sekreto si Isaac sa pagbagsak nila. Sekretong nalaman niya sa masakit na paraan…
8. PHR 4842 Los Matadores Bullriding Club 14: Polandio Celestiano by Camilla


Napakasimple lang ng buhay ni Maria Linda. Ni wala pa siyang mararating maliban sa lugar nila. At sa panahong iyon niya nakilala si Poland, ang guwapong bakasyunista sa kanilang lugar. Hindi lang ito basta guwapo, halatang may-sinasabi rin ito sa buhay. Napakabait din nito hindi lang sa kanya kundi lalo na sa lolo at lola niya. Kaya hindi naiwasan ni Maria Linda na magkaroon ng puwang sa puso niya si Poland. At tila ganoon din naman ito sa kanya. Dahil kung hindi ay bakit bigla siyang hinalikan nito?
Ngunit bigla na lang itong nawala nang walang paalam sa kanya. Makalipas ang dalawang taon, muling nagkrus ang mga landas nina Maria Linda at Poland. Naroon pa rin ang atraksiyon niya sa binata. Pero tila imposible nang madugtungan ang nakaraan nila—dahil hindi na malaya si Poland.
9. PHR 4843 Perhaps Love by Demetria Devonne





Masaya si Marian dahil unti-unti nang nakakapag-move on si Pierce sa pagkamatay ng nobya nitong si Mica na matalik niyang kaibigan. She was there to help him. Pero dahil sa ginawa niya ay unti-unting bumabalik ang sekretong tanging siya ang nakakaalam—she was secretly in love with her best friend’s boyfriend.
Was. Ibig sabihin ay nakaraan na iyon. Pero si Pierce mismo ang nagpapahirap sa kanya na panindigan niyang nakalimutan na nga niya ito. Because all of a sudden he was making her feel special. At ang tinamaan ng kidlat! He even kissed her. Kung kailan kaya na niyang aminin na mahal pa nga niya ito ay saka isinampal sa kanya ang katotohanang kahit ano ang mangyari ay mananatili ang isang bagay na nakapagitan sa kanila—ang alaala ni Mica na tila kailanman ay hindi malilimot ni Pierce.
10. PHR 4844 Pag-Ibig Mo Ba’y Kasinungalingan Lang by Tyra



Emilia decided to move to the small and peaceful town of San Ignacio in Mindoro to protect her family. She was happy and contended. That was until Garren came into her life. Bagong salta lang ito sa kanilang bayan at walang pakundangang binulabog agad nito ang tahimik na mundo niya. Una pa lang nilang pagkikita ay tahasang nagpakita agad ito ng interes sa kanya. Kahit anong pag-iwas ang gawin niya rito ay hindi siya nilulubayan nito. Malinaw sa kanya ang intensiyon nito. He wanted her. And then suddenly, she was not contended anymore. Because she also wanted him.
Pero alam niyang walang patutunguhan ang nararamdaman niya. Dahil kapag nalaman ni Garren ang sekretong itinatago niya, hindi ito magdadalawang-isip na iwan siya. But despite knowing that, hindi pa rin niya napigilan ang sariling mahulog dito. She knew she was walking straight into a heartache. Pero ano ang gagawin niya kapag nalaman niyang maski si Garren pala ay may malaking sekretong itinatago?
11. PHR 4845 Once-In-A-Lifetime Moment With You by Axela


Arwin was a writer.
Nadine was a band vocalist.
Magkaibang-magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila kaya daig pa nila ang mga asteroid na nagbanggaan nang minsang magtagpo ang kanilang mga landas. Nadine thought Arwin was better enough to be the king of the devil’s land.
Pero kung totoo iyon, bakit mabilis na nahulog ang loob niya sa binata nang ligawan siya nito?
She was absolutely ready to fall for him. Kaya laking gulat niya nang sa pagkahulog niya ay hindi nito nagawang saluhin ang puso niya.
12. PHR 4846 A Love Dance And A Soul Mate by Zeria Villacarte







Dancing was what Daja loved doing the most. Kaya siya kasali taon-taon sa summer dance camp ng bayan nila. Doon ay naipapakita niya ang kanyang galing sa pagsayaw. Sa pamamagitan din niyon ay nakakapagpapansin siya sa crush niyang si Ryan. Ang kaso, kung kailan final performance na niya ay saka naman hindi sumipot ang panirang partner niya na si Cyrus. Mula noon ay isinumpa na niya ang lalaki. Dala-dala niya ang galit na iyon pag-alis niya ng Pilipinas. 
Pagkalipas ng ilang taon ay nagbalik siya sa Pilipinas. Biglang nagpakita si Cyrus sa kanya at humihingi ng tawad. Natural, hindi niya pinatawad ito. Hindi na maibabalik ng sorry nito ang pagkapahiya niya noon sa harap ng manonood. Pero hindi ito sumuko. At may sinabi pa ito na labis niyang ikinabigla. Alam daw nito na crush niya ang kapatid nitong si Ryan at tutulungan daw siya nitong magustuhan siya ng lalaki.
The offer sounded tempting. At gagawin niya ang lahat para matupad ang tadhana nila ni Ryan. Ang kaso, nang nasa proseso na sila ng pagtulong sa kanya ni Cyrus ay lumihis ang tibok ng puso niya. May kakaibang emosyong napukaw si Cyrus sa damdamin niya nang magkaroon sila ng chance na makasayaw ang isa’t isa.
13. PHR 4847 Love’s Philosophy by Nicka Gracia





Alam ni Lupe na inaabangan ng mga kaibigan nila ang love story nila ni Jake. After all, sila lang ni Jake ang natitirang dapat ay magkapareha. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay matagal nang may namamagitan sa kanila ng binata. Ngunit pinili nilang ilihim iyon dahil pareho naman silang hindi pa sigurado sa kanilang sarili. Para lang silang may kasunduan, but there were no strings attached.
Pero sa bawat pagdaan ng mga araw ay may isang bagay na lalong nagiging malinaw kay Lupe. She was falling for Jake at wala iyon sa kasunduan nila. 
Kasimbilis din ba ng pagiging malapit nila sa isa’t isa ang magiging ending ng kuwento nilang dalawa?
Back to top Go down
 
June 12, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News June 7, 2013
» George Clooney Aficionados News June 13, 2013
» George Clooney Aficionados News June 24, 2013
» Steam Traction World Gathering - 29th & 30th June 2013 - Banbury Rally
» George Clooney Aficionados News June 10, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: