HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 5, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 5, 2013 Book Release   Tue Jun 25, 2013 10:37 am

1. PHR 4822 The Cavaliers Book 1: Brey by Charlotte Dianco



Kung kailan nag-aagaw-buhay, saka naman tumibok ang puso ni Brey. Sino naman kasi ang hindi mai-in love sa isang babae na tila ipinaglihi kay Barbie Doll? Lalo pa at kinantahan at hinalikan siya nito. Kaya kesehodang naka-wheelchair siya, handa siyang ipahayag ang nadarama para kay Ava.
Pero mailap ito kaya hiningi niya ang tulong ng personal assistant nitong si Madie. Sinuyo niya ito para ilakad siya nito kay Ava.
Pero bakit ganoon? Sa katagalan ay mas excited siyang makipagkita kay Madie—hindi upang makibalita rito tungkol kay Ava kundi dahil gusto niyang makita si Madie mismo. Daig pa nito ang isang iskultor dahil tila naiukit nito ang sarili nito sa isip niya—hindi nabubura.
2. PHR 4823  The Cavaliers Book 2: Drew by Charlotte Dianco



Iniwan na naman si Drew ng jowa niya. Panlabingwalo na yata si Tanya sa mga naging girlfriend niya, at katulad din sa ibang naging girlfriend niya ang dahilan kung bakit hiniwalayan siya nito—hindi nila kaya ang klase ng trabaho niya. Hindi naman talaga madali ang maging isang PSG. Hindi ordinaryong tao ang binabantayan niya kundi ang Presidente ng Pilipinas.

“May responsibilidad ako at sinumpaang tungkulin. Alangan namang talikuran ko ang bayan dahil lang sa love life? No way!” Hindi niya ipagpapalit ang kanyang military career para lang sa pag-ibig. Pero kung kailan siya nagdesisyong huwag na munang magka-love life, saka niya nakilala si Stella, ang babaeng weird ang mga trip sa buhay. Kung tutuusin, para itong naglalakad na government warning—dangerous to his health.
But then again, “danger” was his middle name!
3. PHR 4824 The Cavaliers Book 3: Tristan by Charlotte Dianco



Panaginip lang ba ang lahat? Iyon ang unang naisip ni Tristan paggising niya. He just spent the night with a total stranger and he had the best time ever! Pero pagbangon niya ay nakita niyang wala na ang babae. Hinanap niya ito hanggang sa sala pero wala na ito. Umalis ito nang hindi man lang nagpapaalam.
Ang akala niya ay hindi na talaga niya makikita pa ito. Pero laking gulat niya nang biglang sumulpot ito sa pinto ng condo unit niya. She was just as beautiful and as gorgeous as he remembered. Pero may dala itong bomba!
“M-may nangyari sa atin at nagbunga iyon. `Eto, buntis ako.” Muntik na siyang himatayin. Sino naman ang hindi matataranta, ikakasal na siya sa kanyang nobya!
Ang lupit mo, tadhana!
4. PHR 4825 The Cavaliers Book 4: JD by Charlotte Dianco





JD, please take care of my baby girl. I trust you. Don’t let anyone harm her.
Iyon ang bilin kay JD ng Ninong Amante niya at ang baby girl na tinutukoy nito ay si Peachy. Pero malayong-malayo sa pagiging baby si Peachy dahil dalaga na ito at hindi ito dapat ibinilin ng ninong niya. Gusto niya kasing maging higit pa sa babysitter ang papel niya sa kanyang kinakapatid.
Pero kapag ginawa niya iyon, baka bumangon sa hukay ang ninong niya. Ang saklap naman ng kapalaran ni JD…
5. PHR 4826 The Cavaliers Book 5: Drix by Charlotte Dianco



Pikot! Iyon ang nakikita ni Drix na gustong mangyari ni Via, ang malditang pamangkin ng mayor. Hindi naman niya ikinakailang may nangyari nga sa kanila…
ut it was only once, not twice! Bakit ba kasi nagpatukso siya sa babae? Dahil ba maganda, malakas ang appeal, at endless ang makinis na legs nito? Gusto man niyang magsisi, wala na siyang magawa dahil kailangang pakasalan niya ito or else, maggu-good-bye siya sa kanyang military career.
Wala siyang feelings para kay Via, iyon ang alam ng isip niya. Pero nang makita niya ang babae na kasama ang ex-fiancé nito, bakit nadurog ang puso niya?
6. PHR 4827 Marry My Best Friend (The Craziest Idea Ever) by Luna King






If your best friend got you pregnant, would you accept his marriage proposal? Iyon ang tanong na gustong hanapan ng sagot ni Gella kaya gumawa siya ng checklist ng pros at cons ng pagpapakasal sa best friend niyang si Kelvin.
Why you should marry your best friend:
•Hindi na kayo nagkakahiyaan, kahit mautot ka pa kapag kasama mo siya.
•Kaya mo nang sagutan ang slum note niya para sa kanya.
•Ultimo paggalaw ng mga mata niya ay alam mo ang ibig sabihin kaya malabong makapagsinungaling pa siya sa `yo. Pero alam naman niya kung kailan ka naligo at kung kailan hindi.
•Mahal mo siya at gusto mo siyang makasama habang-buhay. Period. Pero sa ibaba ng listahan ay ang dahilan kung bakit kahit gusto niyang pakasalan ang best friend niya ay nag-aalinlangan pa rin siya.
Why you should not marry your best friend:
•Mahal mo siya nang higit pa sa isang kaibigan pero hindi ka niya mahal sa gano’ng paraan.
Nahihirapan siyang magdesisyon. Kaya ba niyang pakasalan ang best friend niya kahit alam niyang gagawin lang nito iyon dahil sa “responsibilidad” nito sa kanya?

7.  PHR 4828 Untitled Love Story by Lace


Masayahing tao si Giselle at halos lahat ay idinadaan niya sa biro. Kaya sino ang mag-aakalang malungkot ang buhay niya? Ni minsan ay hindi niya naramdaman na minahal siya ng sariling mga magulang. Pulos masasakit na salita patungkol sa kanya ang naririnig niya sa mommy niya at ang daddy naman niya ay sunod-sunuran lang dito. Ang tanging kakampi at tagapagtanggol niya sa buhay ay ang Ate Ashley niya. Sapat na iyon para madama ni Giselle na hindi siya api at nag-iisa.
Hanggang sa nakilala niya si Josh. Unang kita pa lang niya sa lalaki ay nagkagusto na agad siya rito. Lagi silang magkasama at sa tuwina ay nalulubos ang kaligayahan niya. Kapag kasama niya si Josh, nakakalimutan niya ang mga problema niya.
Ngunit kailangan niyang umiwas sa madalas na pagsama rito. Nahuhulog na kasi ang loob niya rito at nahihirapan na siyang sikilin ang damdaming iyon. Hindi niya puwedeng mahalin ito. Hindi niya gustong mabansagang “mang-aagaw.”
Dahil si Josh ay boyfriend ng Ate Ashley niya…
8. PHR 4829 Pabili Nga Po Ng Pag-Ibig by Jamie Black



Kilala sa buong Nicanor Flores Academy ang pangalang Maj Toralba bilang “ogre.” Paano ay hindi ito tulad ng ibang estudyante na marunong mangopya, bumagsak sa exams, o ngumiti man lang. Wala ring kayang humamon sa talino at kakayahan nito.
Ngunit isang araw, may isang Harold Domingo Jr. na naglakas-loob na magtama ng pronunciation nito. Ang perpektong si Maj Toralba, itinama ng isang hamak na walang utak na heartthrob!
Handa na si Maj na paghaluin ang balat sa tinalupan. Ngunit diyata’t hindi lang pronunciation niya ang itinama ng damuho? Bakit tila idinamay at ni-rehab pa nito ang kanyang matigas pa sa diyamanteng puso?
9. PHR 4830 Dedicated To You by Lush Ericson


atagal nang may gusto si Calista kay Clint pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napapansin nito. Isa lang ang naisip niyang solusyon sa problema niya: magsulat ng walong horror na nobela at i-dedicate lahat iyon sa lalaki.
Kuntodo naman ang pag-angal ng best friend niyang si Junpei. Sigurado raw ba siyang matutuwa si Clint na nag-dedicate siya rito ng mga kuwentong nakakatakot? Baka raw lalo siyang mawalan ng pag-asa. Huwag na lang daw niyang ituloy ang balak niya.
Pero hindi siya nagpapigil dito. Determinado siyang ipagpatuloy ang plano niya.
Pero determinado rin yata si Junpei na pigilan siya sa gagawin niyang iyon. Dahil sa mga sumunod na araw ay ginawa nito ang lahat para istorbuhin siya sa pagsusulat. Nagkunwari itong may sakit, nagyaya itong kumain sa labas, at kinidnap pa siya nito para lang hindi niya magawa ang mga kuwentong iaalay niya kay Clint.
Ano naman ang nakain ng epal na best friend niya at parang natakot itong magkagusto sa kanya ang longtime crush niya?
10. PHR 4831 When Strangers Meet by Serafina



Nakilala ni Adriana si John nang manghingi ito sa kanya ng pabor. Nakiusap ito sa kanyang ihatid niya ito sa probinsiya para makapiling nito ang nawalay nitong girlfriend na may sakit, si Jocelyn. Dahil sa awa ay tinulungan niya ito. Noong una ay inakala pa niya na takas ito sa mental institution. Pero dahil sa sidhi nitong makasama ang nobya na inilayo rito ng ama nito ay pumayag na rin siyang ihatid ito. Tiniyak naman ni John sa kanya na harmless ito. Inayunan naman niya iyon dahil wala sa hilatsa ng guwapong mukha nitong gagawa nga ito ng masama. Sa katunayan nga ay nagka-crush pa siya rito.
Subalit habang palapit na sila sa pupuntahan at ilang oras na lang ay magkikita na ito at si Jocelyn ay parang gusto niyang bumagal ang takbo ng oras at ng sasakyan nila. Aminado siyang labis siyang nanghihinayang na taken na ang binata at naiinggit siya sa girlfriend nito.
Posible bang ma-in love siya sa lalaking maghapon lang niyang nakasama?
11. PHR 4832 The Prince’s Scandal Trilogy 1: Choi And The Babysitter by Maricar Dizon



Bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa isang matandang pilantropo ay pumayag si Lorie na maging temporary housekeeper ng anak nito. Laking gulat niya na ang anak pala nito na magiging amo niya ay walang iba kundi si Choi Montemayor—ang kilalang prinsipe ng high society na sa telebisyon lamang niya nakikita. Kung hindi lamang dahil sa ina nito ay nunca na pagtiyagaan niya ang sama ng ugali nito. Nabago ang lahat nang bigla na lamang sumulpot ang isang batang babaeng nalaman nilang anak pala ni Choi sa dating nakarelasyon nito. Bigla ay nakita ni Lorie na nagulo ang mundo nito. Ang masama ay idinamay pa siya nito sa gulo nang gawin siya nitong babysitter. Ngunit nang tumagal ay napamahal na rin siya sa bata. Hindi man niya matanggap ay wala siyang magawa nang unti-unting nakapasok si Choi sa puso niya. 
Subalit alam niyang walang kahahantungan iyon. Ang isang tulad niya ay hinding-hindi magugustuhan ng isang prinsipeng gaya nito…
12. PHR 4833 The Prince’s Scandal Trilogy 2: Riki And The Bodyguard by Maricar Dizon


Dahil sa isang hindi magandang unang pagkikita ay na-involve nang husto si Ailyn sa magulong mundo ni Riki Montemayor, ang basagulerong prinsipe raw ng sport’s world. Labag man sa loob niya ay natagpuan niya ang sarili na bodyguard na nito. Doon nagsimula ang pasakit niya dahil walang araw na hindi sila parang aso’t pusa kung mag-away. 
Hanggang sa kausapin siya nang masinsinan ng ama nito. “I want you to not only protect him but to tame him.” Paano niya gagawin iyon kung siya mismo ay naniniwalang wala na itong pag-asang magbago? But everything seemed to change when her hatred for him turned to attraction. Bigla ay apektadong-apektado na siya sa mga taong nagtatangkang saktan ito. At nang biglang sumulpot ang ex-girlfriend nito at nais makipagbalikan dito ay labis siyang nabahala. Sinabi pa naman ni Riki sa simula pa lang na hindi ito magkakainteres sa kanya.
So what would she do now that she realized she was already in love with him?

13. PHR 4834 The Prince’s Scandal Trilogy 3: Raiven And The Temptress by Maricar Dizon



Naatasan si Lauradia na akitin si Raiven Montemayor para hindi matuloy ang plano nitong pagpapakasal sa fiancée nito. Sanay siya sa ganoong trabaho kaya buo ang tiwala niyang magtatagumpay siya. Pero nang makilala niya si Raiven ay nagkagulo-gulo ang mga plano niya. She ended up falling in love with him. Nang mahulog din ang loob nito sa kanya at ikansela nito ang kasal nito ay alam niyang dapat siyang magbunyi. Pero sa halip na magdiwang ay nakaramdam siya ng agam-agam at takot dahil alam niyang hindi maaaring maging sila. Hanggang sa nalaman nito ang tunay na pagkatao niya at ang panlolokong ginawa niya rito. Galit na galit ito sa kanya at wala siyang nagawa para ipagtanggol ang sarili dahil may karapatan naman itong magalit. 

Maraming taon ang lumipas bago sila nagkita uli. Mahal pa rin niya ito pero galit na galit pa rin ito sa kanya. Hayagan pa nitong ipinahayag na gagantihan siya nito. Tinanggap lang niya iyon, umaasang mapapatawad siya nito balang-araw. Pero may isang lihim pa siyang itinatago rito. Isang bagay na alam niyang importante rito. At kapag nalaman iyon ni Raiven, magagawa pa kaya nitong mahalin siya uli?
14. Vampire Kisses by Ellen Schreiber (translated by Cynthia Cruz-Paz)




Isang outcast sa maliit na bayan ng Dullsville ang labing-anim na taong gulang na si Raven, isang batang babae na mahilig sa bampirang goth. Pero matatapos na ang pagiging outcast niya…
Nababalitang haunted ang misteryosong mansiyon sa ituktok ng Benson Hill. Nanatiling bakante at napapakuan ng tabla ang mga bintana niyon sa loob ng maraming taon. Pero nabago iyon nang lumipat doon ang mga bagong nakatira. 
Sino ang mga taong ito, lalo na ang guwapo, kayumanggi, at mailap na si Alexander Sterling? O ang dapat yatang itanong ay ano ba ang mga ito? Totoo ba ang kumakalat na tsismis sa bayan ng Dullsville na mga bampira ang mga ito?
Si Raven, na lihim na umaasam ng halik mula sa isang bampira at parehong nalalagay sa alanganin ang kanyang mortalidad at sa mapagmahal na pagtitiwala ni Alexander, ay matindi ang pagnanais na malaman ang katotohanan.
15. JST 001 Finding Sky by Joss Stirling (translated by Serene Gale)






Ang pagtuklas sa iyong soulmate ay hindi pa naging ganito kapanganib 

Unang kita pa lang ni Sky Bright sa binatang si Zed Benedict ay nayabangan na siya rito. Pero mula rin noon ay hindi na ito naalis sa isip niya. Kinakausap siya nito sa pamamagitan ng isip. Nababasa rin nito ang iniisip niya. Ayon dito, natural lamang iyon dahil kaloob daw iyon para sa kanila at nasa kanya ang kalahati niyon.
Nalilito si Sky sa mabilis na pagdagsa ng mga bagay na hindi niya maintindihan: ang mga alaala ng kanyang nakaraan na nakaapekto sa pagkatao niya, ang “kaloob” na sinasabi ni Zed, at ang pag-ibig niya rito. Sa pagkakatuklas ni Sky sa buhay niya sa nakaraan ay nanganib ang buhay niya, pero hindi niya isinuko ang kaligtasan ng mahal niyang si Zed…
Back to top Go down
 
June 5, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News June 7, 2013
» George Clooney Aficionados News June 13, 2013
» George Clooney Aficionados News June 24, 2013
» Steam Traction World Gathering - 29th & 30th June 2013 - Banbury Rally
» George Clooney Aficionados News June 10, 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: