HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 29, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 29, 2013 Book Release   Wed Jun 19, 2013 10:57 am

1. PHR 4808 Chasing A Prince Trilogy 1: You’re The Puzzle Of My Heart by Gazchela Aerienne



First crush, first love, at first heartbreak—iyon ang definition ni Jennifer kay Ryan Mercado. High school pa lamang siya nang unang beses siyang mahumaling dito. Silently proclaimed na sa klase nila ang damdamin niya para dito at tanging ito ang hindi nakakapansin sa bagay na iyon. Pero akala lang pala niya iyon. Dahil nang gabing plano na niyang magtapat dito ng damdamin niya ay inunahan na siya nito. Binasag na nito ang puso niya bago pa man siya nakapagtapat dito. May ibang babae na raw itong gusto, at nakikita lamang nito sa kanya ang babaeng iyon kaya siya nito nilalapitan.
Nang bumalik si Jennifer sa Pilipinas mula sa pagtatrabaho niya sa Japan ay parang pinaglaruan uli siya ng tadhana. Nagkrus uli ang mga landas nila ni Ryan Mercado. Malawak ang Maynila, pero bakit doon pa ito nagpakalat-kalat malapit sa teritoryo niya?
At ang higit na nakapagpapabagabag sa kanya, mula nang magkaharap sila ni Ryan ay hindi na siya nito tinantanan pa. Saan man siya pumunta ay palagi itong umaaligid sa kanya. Bumaligtad din ang mundo niya nang tanungin siya nito kung puwede pa ba siya nitong ligawan. Bakit kasi kung kailan may boyfriend na siya ay saka lamang nito naisip iyon?
2. PHR 4809 Chasing A Prince Trilogy 2: Unchain My Heart by Gazchela Aerienne



Mula nang makilala ni Azinnett ang tinaguriang prinsipe ng paaralan nila na si Sean Cedric de Asis ay nasisiguro na niyang natagpuan na niya ang lalaking pakasasambahin niya. Tanggap niyang hindi sila magka-level ni Sean. Bukod sa napakatalino nito, napakayaman din nito. Alam din niya na hanggang sa pagpapantasya na lang din siya kay Sean. 
Ngunit isang araw ay pumanig yata sa kanya ang tadhana at gumawa iyon ng paraan para magkalapit sila. Hanggang sa hindi na niya namalayan na nagpapakalunod na pala ang puso niya sa pag-ibig niya para dito. Subalit ang lahat ng kaligayahan at pagpapantasya niya rito ay may time limit. At tulad ni Cinderella, nag-expire din ang magic na ine-enjoy niya sa pagitan nila ni Sean.
3. PHR 4810 Chasing A Prince Trilogy 3: Silent Commitment by Gazchela Aerienne



Mula nang makilala ni Rachel si JD noong fourth year high school sila ay wala na siyang ibang ginawa kundi bakuran ang lalaki sa lahat ng mga babaeng umaaligid dito. Kahit hanggang sa kasalukuyan na professional na silang maituturing ay hindi pa rin nagbabago ang setup nila. Palagi pa rin niyang ipinagsisigawan na boyfriend niya ito. Pero hindi naman siya sinasaway ni JD sa mga ginagawa niya. Marahil ay gusto rin nito na palayuin ang mga babaeng istorbo lang sa pagpapayaman nito. Isa pa ay wala naman itong pakialam sa mga babaeng nakapaligid dito.
Ngunit isang araw, may isang Georgina na umeksena sa pagitan nila ni JD. Sa pagtataka pa niya ay hindi tumatanggi ang lalaki sa presensiya ni Georgina. Ang babae ba na iyon ang gigising sa natutulog na damdamin ng lalaking mahal niya? Paano na siya? Paano na ang walong taong pagsinta niya para dito? Panahon na ba para isuko na niya ang matagal at malalim na pag-ibig niya para kay JD? Iyon ba ang paraan nito ng pagsasabi ng: “Basted ka na, layas na!”
4. PHR 4811 Los Matadores Bullriding Club Book 13: Freido Diaz by Camilla



Pinaghiwalay ng tadhana ang kambal na sina Yelena at Ysabella. Nang muli silang magtagpo ay may taning na ang buhay ni Ysabella. Nais nitong makabawi kay Yelena at ganoon din naman si Yelena rito, kaya lahat ng hiniling nito sa kanya ay sinunod niya—kabilang doon ang pagpapanggap bilang si Ysabella sa matandang si Fernando.
Ngunit sa bawat istorya ay mayroong kontrabida. Sa kuwento niya, ang kontrabida ay si Freido, ang binatang anak ni Fernando, na sa simula pa lang ay pinagdudahan na ang pagkatao niya. At ang masaklap, si Freido pa ang lalaking pumukaw sa puso ni Yelena…
5. PHR 4812 Loving Dallas by Aya Myers



Dallas was one of the campus heartthrobs. And Louise was no exception. Unang kita pa lamang niya kay Dallas ay nakuha na nito ang atensiyon niya. Sa simpleng sulyap pa lang nito ay kumakabog na ang dibdib niya sa ritmong hindi pamilyar sa kanya. Pero nag-aalangan siya rito dahil bukod sa guwapo ay suplado pa ito. Kaya nakontento na lang siya na tinitingnan ito sa malayo. Ang ipinagtataka lamang niya ay kung bakit madalas na nagsasalubong ang mga landas nila. May mga pagkakataon pa na naguguluhan siya sa ikinikilos nito katulad na lang nang minsang abutan siya ng ulan kung saan isinukob siya nito sa payong nito, hinawakan ang kanyang kamay, at inakbayan siya. Ganoon na lang ang tuwa niya. At habang lumilipas ang mga araw ay lalong lumalalim ang pagtingin niya rito. Kaya nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya ay walang pagsidlan ang kaligayahan niya. Akala niya ay magiging maayos ang lahat pero nagkamali siya. Hindi lang pala siya ang babae sa buhay nito…
6. PHR 4813 Half Of My Heart by Maria Flora Celine



Matagal nang hiwalay si Leah sa kanyang asawang si Jake. Naisip niyang sapat na ang limang taong malayo sila sa isa’t isa upang tuluyang putulin nila ang ugnayan nilang dalawa. After all, wala na siyang nararamdaman pa para dito kundi galit. Sinabi niya ritong nais na niyang mag-file ng annulment. Agad umuwi si Jake mula Australia upang magkausap sila. Pero nang muling magkita sila, pakiramdam niya ay nanumbalik uli ang nararamdaman niya para kay Jake. Idagdag pang ayaw nitong makipag-annul sa kanya at gagawin daw nito ang lahat upang bumalik siya rito. Niligawan uli siya nito.

At sa mga panahong nakasama niya ito, nasiguro niyang mahal pa rin niya ang kanyang asawa. Pero sapat na ba ang ipinapakita ni Jake at ang pagmamahal niya rito upang kalimutan ang trahedyang sumira sa kanilang samahan?
7. PHR 4814 Worth The Risk by Charlene Sands (translated by Karen Dee)



Nawala ang lahat kay Sara, ang lahat ng pera niya pati ang puso niya nang lokohin siya ng dating nobyong si Allen. Ngayon ay walang-wala na talaga siya. Salamat sa kanyang best friend na si Kylie. Ito ang naghanap ng magiging business partner niya, at iyon ay ang bayaw nitong si Jack Adrales.
Yup, business partner. At alam niyang hanggang doon lang ang tingin nito sa kanya.
Sa simula pa lang ay binalaan na siya ni Kylie na mag-ingat kay Jack. Alam niyang hindi ito para sa kanya. Malaki ang agwat nila sa isa’t isa at marami na rin ang nagsasabi, at ito mismo ang nagsasabi na hindi raw ito marrying type. Kaya ano ngayon ang ipinagsisintir niya kung nakikita niya si Jack kasama ang ex-girlfriend nito na nakikipagbalikan dito? 
Umaasa kasi siya na hindi lang business partner ang tingin ni Jack sa kanya, sa kabila ng mga nangyari sa pagitan nila, lalo na ang mga pinagsaluhan nila sa kama.
8. PHR 4815 Caleb by Solitaire



oong unang nakaengkuwentro ni Paris si Caleb ay noong basta na lang itong pumasok sa condo unit niya. May humahabol daw ditong tatlong lalaki kaya napilitan itong magtago roon. Nang ikalawang beses ay sa isang club sila nagkita kung saan ay male stripper ito. At ang ikatlo ay sa isang resort kung saan ay gardener naman ito!
Alam ni Paris na may itinatago si Caleb sa pagkatao nito, at aalamin niya kung ano iyon.
Habang tinutuklas iyon, natuklasan din niya na may kakayahan pala siyang umibig, at iyon ay naramdaman niya sa misteryosong si Caleb. Isinantabi na lamang niya ang agam-agam sa dibdib at hinayaan ang puso niyang ibigin ito.
Ngunit kung kailan masaya na siya sa piling nito ay saka nabunyag ang lihim na pagkatao nito. Isang lihim na may kinalaman sa kanyang masalimuot na nakaraan at nagbabadyang magpabago sa kanyang kasalukuyan at kinabukasan…
9. PHR 4816 The Fierce Damsel by Julia Francine Sicat




Sumali si Jaeda sa car racing dahil mahilig talaga siya roon… at upang malapit siya sa crush niyang si Spencer Aaron Mapa. Pero dahil kabilang din sa drag racing ang kuya niya at takot siyang matuklasan nito ang ginagawa niya ay nagsuot siya ng maskara at nakilala siya bilang si “Lady J.”
Nakamit niya ang nais niya—naging malapit nga siya kay Spencer, pero hindi bilang si Jaeda kundi bilang si Lady J. At hindi lang iyon, mukhang nahulog na rin ang loob nito kay Lady J. At dahil nais nitong makita ang tunay niyang mukha, hinamon siya nito sa isang karera… at ang pusta, aalisin niya ang kanyang maskara kapag ito ang nanalo. No match siya rito, alam niya. Kaya wala siyang ibang magagawa kundi tanggalin ang kanyang maskara.
Okay lang iyon sa kanya, kung hindi nga lang siya nito kilalang si Jaeda at siguradong madidismaya ito kapag nakita nitong siya ang nasa likod ng kanyang pulang maskara.
10. PHR 4817 That One True Thing by Celine Isabella



Para tantanan na si Psyche ng mga magulang niya sa pagrereto sa kanya sa isang lalaking hindi niya gusto, nag-volunteer si Tep para magpanggap na boyfriend niya.
Nag-click ang “love team” nila. Napaniwala nila ang mga magulang niya na totoong may relasyon sila. Paano ba namang hindi? Maluluma si John Lloyd Cruz sa galing nitong magpakilig. Kaya ang puso niya, bigla yatang nagka-amnesia, nakalimutang umaarte lang si Tep kaya tuluyang nahulog sa guwapong “leading man” niya.
Pero paano sila magkakaroon ng masayang love story kung sa totoong buhay, ang “leading man” niya, magpapakasal na pala sa ibang “leading lady”?

11. PHR 4818 Loving Everybody’s Prince by Nikki Karenina


Tracy hated Zac Castillo’s guts. Walang habas kung magpa-cute at magpapansin ito sa kanya kaya parang naging object of flirtation na siya nito. Feeling yata nito ay tulad siya ng mga babae sa campus nila na magsu-swoon mangitian lang nito. Hinding-hindi siya magkakagusto sa flirt na tulad nito. Sumpa man!
Nahamon yata si Kupido kung muog bang hindi matitinag ang conviction niya. Pinakawalan nito ang palaso. Noon niya na-realize na kasintibay lang pala ng kastilyong buhangin ang sumpang binitiwan niya. Dahil nang makilala niyang mabuti si Zac, hindi na nuisance ang tingin niya rito kundi isa nang prinsipe. 
Pero sa fairy tale man o sa real life, palagi nang may susulpot na villain. At gagawin ng villain na iyon ang lahat maagaw lang si Zac sa kanya…
12. PHR 4819 Ang Babe Ni Bebang by Yna Paulina

Tahimik ang buhay ni Babe, hindi complicated. 
Samantalang “complicated” yata ang middle name ni Bebang. Ang latest complication nga ay ang boyfriend niyang gangster pala. Sa height ng kagagahan niya ay nanganib ang buhay niya at iniligtas siya ni Babe. They were strangers but they had to stay in the same house and hide. 
Ginulo niya ang tahimik na buhay nito sa pagdating niya while he gave her life some peace and order. At hindi siya sanay roon. They always clashed until they both started caring deeply. Sa mga bisig ni Babe ay tila mas panatag ang mga gabi at ang bawat araw ay naging mas ligtas kaysa kahapon. Pero natuklasan niya na nag-iilusyon lang pala siya. May mahal si Babe, pero hindi siya…

13. PHR 4820 Can’t Help Falling In Love by Cady Lorenzana



Matagal nang pangarap ng romance writer na si Athena ang makapagbakasyon sa Amanpulo. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon na makapunta roon nang wala ni singkong gagastusin, complete with accommodation, sinamantala niya iyon. Everything was perfect except for one thing: may makakasama siyang hindi lang antipatiko, mukha pang galit sa mundo—si Carlo. 
Okay na sana dahil guwapo ito, pero unang engkuwentro pa lang nila, kinunsumi na siya nito nang bonggang-bongga. And to make matters worse, ka-share pa niya ito sa villa na tutuluyan niya. 
Isang araw ay kinailangan niya ang tulong nito at hindi naman siya tinanggihan nito. At nang magkasakit siya, inalagaan at binantayan siya nito. Dahil doon, unti-unting lumambot ang puso niya rito. She started seeing him in a different light. Kaya mula sa pagiging nuisance, naging hero material ito sa nobelang isinusulat niya. Dumating pa nga sa puntong lihim na niyang hinihiling na ito na ang hinihintay niyang “the one.” Pero suntok sa buwan yata ang hiling niya dahil nalaman niya na hindi pa rin ito nakaka-get over sa alaala ng namayapang kasintahan nito…
14. PHR 4821  Just The Way You Are by Majesty Roque





Nagsimula ang lahat nang mapagkamalan si Noemi ng artistang si Sky na isang production assistant at maging rude ito sa kanya. Mula noon, nagulo na ang tahimik na mundo niya. Daig pa kasi ni Sky ang naka-commit ng mortal sin—dahil lahat yata ng pagbawi ay ginawa nito sa kanya. Hinarana siya, dinalhan ng mga bulaklak, at ang pinakahuli, binigyan siya nito ng pagkakataon na maipakita niya sa mga tao ang talent niya sa pagpipinta. At ang pinakamalaking rebelasyon nito: Umiibig na raw ito sa kanya at sana ay bigyan niya ito ng pagkakataong mapatunayang malinis ang intensiyon nito.

Hindi araw-araw ay may isang guwapong lalaki, sikat, at hinahangaan ng lahat na susuyo sa isang simple at ordinaryong babaeng gaya niya. And it’s not everyday, too, that someone will do everything just to make her smile. Kaya hindi na siya nagtaka nang mahulog din ang loob niya rito. Sa kabila ng sayang nararamdaman niya sa piling nito, hindi mawala ang takot sa puso niya. Dahil may itinatago siyang malaking lihim. Isang lihim na kapag natuklasan nito, maaaring maging dahilan para mawala ito sa buhay niya…
Back to top Go down
 
May 29, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» ACTION MAN DAY 2 MAY 12th 2013 ****BOOK NOW****
» 2013 Harvey Baseball Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Sailor Moon Artbook 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: