HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 22, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 22, 2013 Book Release   Wed Jun 19, 2013 2:39 am

1. PHR 4785 Camp Speed Book 1: Stuck On You by Nikki Karenina


Mitch’s goal was to be a Formula One race driver. He was tough and determined to achieve that goal. Hindi niya iniintindi ang ibang bagay maliban sa racing.
Until he met Kaycee—ang pinakamakulit na babaeng nakilala niya. To his horror, she even called herself “Mrs. Esguerra.” At maging ang kapwa racing buddies niya ay iyon din ang tawag dito.
Ngunit wala siyang planong pansinin ito. Pero hindi niya inakala na tatraidurin siya ng kanyang isip. There was something about Kaycee that made him think of her often, hindi lang ang kakulitan nito kundi pati ang ngiti nitong nakapagpapalambot ng puso niya. 
He opted to have a try with her. It worked better than he expected. Pakiramdam niya ay mas mahal na niya si Kaycee kaysa sa pangarap niya. Ngunit nang dumating ang panahong kailangan niyang pumili sa dalawa, pakiramdam niya ay nagkamali siya. 
He chose his career and chose to let Kaycee go. He felt like the biggest jerk in the world. At nang handa na siyang balikan ito at itama ang pagkakamali niya’y siya naman ang ayaw nitong pansinin. Ano na ngayon ang gagawin niya?
2.  PHR 4786 Camp Speed Book 2: Head Over Wheels In Love by Skye Reyes




Rycoleen used to hide her curves with oversized shirts and had no interest in wearing high-heeled shoes. Hanggang sa mamalayan na lang niya ang kanyang sarili bilang isang car show model dahil sa pamimilit ng boss niya. With her new look, she caught the attention of one eligible bachelor at isang car racer na si Vonn Jones La Croix. Magmula nang araw na iyon ay hindi na ito pumapalya sa pangungulit at panunuyo sa kanya. Pinilit niyang guwardiyahan ang kanyang puso. Sumumpa siyang ayaw na niyang muling maramdaman ang nakamamatay na sakit na dulot ng pag-ibig. Kaya gumawa siya ng paraan para lumayo ito sa kanya.
`Malay ba naman niyang favorite subject pala nito ang Flirting 101? Sa isang iglap ay “head over wheels in love” na siya rito. Kagaya kasi ng isang gulong, dito na umikot ang mundo niya. Pero gaya nga ng sabi nila, “kakambal na ng nagmamahal ang sakit.” Binuhay muli ni Vonn ang puso niya para muli iyong patayin.

3. PHR 4785 Camp Speed Book 1: Stuck On You by Nikki Karenina
 
 
 
 
Wala nang mahihiling pa si Bea. Mayroon siyang isang masayang pamilya, mga kaibigan, at isang lalaking mahal na mahal siya: si Slater.
Nararamdaman na niyang ito na ang makakatuluyan niya sa hinaharap.
Ngunit isang matinding pagsubok ang dumating sa buhay niya. Kailangan niyang umalis papunta sa Amerika para alagaan ang ama niyang may sakit. Relief ang una niyang naramdaman nang pumayag ito. Ang buong akala ni Bea ay magiging maayos ang relasyon nila. Ngunit nayanig ang mundo niya nang sumunod ito sa kanya sa Amerika para makipaghiwalay sa kanya.
Limang taon ang lumipas at nagdesisyon si Bea na bumalik sa Pilipinas para muling makuha ang puso ng lalaking kanyang minamahal. Maging ang galit nito ay handa niyang harapin kung ang kapalit naman niyon ay mamahalin uli siya nito. Tiniis niya ang lahat ng pagsusuplado nito sa kanya. Noong nawawalan na siya ng pag-asa na mapapaamo niya ito ay bigla naman itong bumait sa kanya. Bumalik ang nawalang pag-asa sa kanyang puso dahil sa ipinapakita nito.
Akala ni Bea ay nagtagumpay na siya sa misyon niyang muling makuha ang puso ni Slater. Ngunit nagkamali siya.


2.  PHR 4788 Camp Speed Book 4: Fall Into Me by Cady Lorenzana
 
 
Bata pa lang si Zia ay inis na inis na siya sa kinakapatid niyang si Keith. Kung umasta kasi ito ay para itong big brother niya at siya ang little sister nito. Daig pa nito ang magulang niya kung magbantay at magsermon sa kanya samantalang hindi naman niya hiniling dito ang mga bagay na iyon.
Ngunit lalong nadagdagan ang inis niya rito nang pagbawalan siya nitong pumunta sa Camp Speed kung saan member ito. Kulang na lang ay ipa-ban siya nito roon para hindi niya masilip ang crush niyang si Zeb Figuerroa. Iyon pa naman ang main purpose niya sa pagpunta sa Camp Speed pero sinabotahe rin siya ni Keith dahil isinumbong nito sa mommy niya ang kanyang plano.
“Ano ba’ng gusto mong gawin ko para tigilan mo na ang pang-iinis mo sa akin, Keith?”
“Gusto mo talagang malaman?” seryosong tanong nito. “Pumayag kang magpaligaw sa akin.”
Nagulat man siya sa seryosong mukha at sa sinabi nito ay hindi niya iyon ipinahalata rito, sa halip ay pinagana niya agad ang kanyang isip. Bigla siyang napangisi nang may maisip siyang kalokohan. Humalukipkip siya. “Game.”
Ngunit mukhang nagkamali siya ng desisyon dahil sa halip na ito ang maapektuhan ay nag-backfire sa kanya ang damdaming hindi niya inakalang mararamdaman niya. Hindi pa pala siya immune sa charm nito dahil nahulog na nang tuluyan ang loob niya rito.


5. PHR 4789 Camp Speed Book 5: Kiss, Kiss, Fall In Love by Marione Ashley



Psyche Faie Macaraeg had been waiting for her true love and was saving her first kiss for him. Ang akala niya ay natagpuan na niya iyon sa katauhan ni Rance Miguel—ang kauna-unahang lalaking hinayaan niyang makalapit sa kanya. Balak na sana niyang sagutin ito kung hindi lang umeksena ang best guy friend niyang si Eros Gabriel Roxas. Basta-basta na lang nitong ninakaw sa kanya ang first kiss niya.

Pero wala sa hinagap niya na mauuwi sa isang aksidente ang kagustuhan niyang gantihan ito. Kaya nang hilingin ni Eros na maging personal nurse siya nito ay agad siyang pumayag. Ginawa niya ang tungkulin niya bilang tagapag-alaga nito ngunit hindi niya inasahan ang pagbabago ng damdamin niya para dito. Unti-unting nahuhulog ang loob niya rito. Lalo niyang napatunayan na mahal na niya ito hindi bilang Eros na best friend niya nang muli siyang halikan nito. 

Kaya ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya nang malaman niyang pareho sila ng nararamdaman nito. Nang hilingin nitong subukan nilang lumampas sa linya ng pagkakaibigan ay sinang-ayunan niya iyon. Hindi mapantayan ang sayang kanyang nararamdaman tuwing kasama niya ito. Ngunit ang inaakala niyang saya ay mapuputol din pala nang malaman niyang parte lang pala ng isang palabas ang relasyon nilang dalawa.
6. PHR 4792 Villa Cattleya: Selfless Love by Belle Feliz



Ang tanging gusto ni Charmaine ay matulungan ang kanyang kaibigan na mapalapit kay Simon Castañeda. Hindi niya inakala na makikilala niya at mapapalapit siya sa kakambal ni Simon na si Sean dahil doon. 
Sa umpisa pa lang, espesyal na ang naging damdamin niya para dito ngunit kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. May nobya na si Sean na mahal na mahal nito.

Hindi siya pinanghinaan ng loob. Nangako siya na matiyaga siyang maghihintay kahit gaano katagal. Naniniwala siya na sila ang nakalaan para sa isa’t isa, na matututuhan din siya nitong mahalin. Pinilit niyang makontento muna sa pagiging kaibigan nito. At least, malapit siya rito.
Ngunit dumating pa rin ang araw na napagod siya. Paano siya patuloy na magmamahal ng isang lalaking hindi na siya matututuhang mahalin nang higit pa sa isang kaibigan?
7. PHR 4793 The Nanny Who Kissed Her Boss by Barbara McMahon (translated by Dawn Igloria)



Hindi inasahan ni Savannah na muling magkukrus ang mga landas nila ni Dylan Montenegro. Akala pa naman niya ay nakalimutan na niya ito pati na ang malalim na pag-ibig niya rito. Tinalikuran siya nito noon at nasaktan siya nang husto.

Single dad na ito ngayon. Guwapo pa rin ito tulad ng dati at higit na matagumpay. Mahirap pa ring pigilan ang sarili niya na muling mahalin ito, lalo na at tatlong linggo silang magkakasama sa isang bakasyon. But there was a catch—nakabantay sa bawat kilos nila ang pasaway na anak nitong pansamantalang inaalagaan niya, ang anak na naging dahilan kaya iniwan siya nito noon. Ang anak na gagawin ang lahat para lang magbalikan sina Dylan at ang ina nito.
Mabilis na umusbong ang nararamdaman nila sa isa’t isa na naisantabi lang pala. Mukhang desidido na si Dylan na balikan siya sa pagkakataong iyon. But fate had a habit of repeating itself. Nadisgrasya ang ina ng bata. 
Kailangan na naman nito si Dylan. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na papayag si Savannah na maiwan sa ere, dahil puwede rin namang siya ang mang-iwan. She would forget about him, lick her wounds, and find another man who would not break her heart as Dylan did. 
Kung sana lang ay madaling gawin iyon…
8. PHR 4794 Heirloom Book 1: The Spell Of An Ancient Moonstone by Nicka Gracia



Nakatanggap ng pamana si Faith mula sa lola niya—isang ancient moonstone necklace. At mula nang mapasakanya ang kuwintas ay hindi na niya iyon hinubad pa. Bukod kasi sa napakaganda ay nagdulot pa iyon ng suwerte sa buhay niya. At mukhang ang moonstone na rin ang dahilan ng pagdating ni Urbanus sa buhay niya. Sinabi nitong pag-aari ng pamilya nito ang moonstone necklace. Isang family heirloom daw iyon na matagal nang nawawala. Siyempre pa, totoo man ang sinasabi nito ay hindi niya ibibigay rito ang kuwintas. At mukhang ayaw rin nitong sumuko agad. Sa kabila niyon ay naging malapit sila sa isa’t isa. At hindi nagtagal ay naging sila. Naging maganda ang takbo ng kanilang relasyon.

Pero hindi niya inasahang panandalian lang pala iyon. Nang manakaw sa kanya ang moonstone necklace ay naging malamig na ang pakikitungo ni Urbanus sa kanya. Halos hindi na siya nito pinaglalaanan ng panahon.
Hanggang sa natuklasan niya na nakipaglapit lang pala si Urbanus sa kanya dahil sa kuwintas—na ngayon ay nasa mga kamay na pala nito.
9. PHR 4795 Heirloom Book 2: My Gothic Earrings by Nicka Gracia



Nag-hire si Aquila ng taong hahanap sa nawawalang heirloom ng pamilya na na-assign sa kanyang hanapin. Natagpuan naman ang heirloom, ang problema nga lang ay nawawala ang kapares niyon. Isa kasi iyong hikaw na may moonstone. And he had no other choice but to enter the picture. Ngunit hindi rin pala magiging madali iyon, lalo na nang malaman niyang ang hikaw, ngayon ay singsing na. Isang singsing ng mangkukulam. No, she was not a witch. Luna was more like a gothic princess with a pair of very lonely eyes.

Paano mababawi ni Aquila ang heirloom kung sa bawat pagtitig niya sa mga mata ng prinsesa ay nakakalimutan niya ang kanyang pakay? At tuwing uutusan siya nito ay nagkukumahog na sumunod ang puso niya. Can he break the spell of the gothic princess?
10.  PHR 4796 Heirloom Book 3: Love And Antiques by Nicka Gracia



Natagpuan ni Gauis ang nawawalang heirloom ng pamilya nila sa mga kamay ni Lavender, isang manunulat na may-ari ng isang antique shop.
Sinubukan niyang bilhin dito ang heirloom pero sinabi nitong hindi iyon ipinagbibili. Mahalaga raw iyon sa pamilya nito at ipinamana iyon sa ama nito. Nakahanda si Gauis na gawin ang lahat upang makuha ang heirloom. At nakaisip siya ng isang magandang plano. Ang perfect plan: kukunin niya ang loob ni Lavender hanggang sa ibigay nito sa kanya ang heirloom. Sa kasamaang-palad, habang nakakasama niya si Lavender ay nahuhulog na ang loob niya rito. Sa huli, hindi na rin niya binalak na bawiin pa rito ang bracelet. Sasabihin na sana niya rito ang totoo, pero naunahan siya ng isang taong magsabi rito. Walang iba kundi ang nobya niyang si Julia!
11. PHR 4797 Heirloom Book 4: The Ring’s Promise: Now And Forever by Nicka Gracia




Desidido si Crystal na mapasakamay niya ang huling piraso ng heirloom set na ipinahanap sa kanilang magkakapatid ng kanilang ama, ang moonstone ring. The moonstone is a lover’s stone. At napatunayan na iyon sa naging karanasan ng mga kuya niya na natagpuan ang kanya-kanyang pag-ibig dahil sa heirloom. 
Pero mukhang sa kanya papalya ang kredibilidad at mahika ng moonstone dahil natagpuan nga niya ang lalaking mamahalin niya—si Gray—pero hindi naman happy ending ang kinahantungan nila. Nalaman kasi niyang pinakasalan lang siya nito dahil sa hiling ng namayapa nitong abuela na tunay na nagmamay-ari ng singsing. Sa kaalamang iyon ay iniwan niya ito. 
Pagkalipas ng tatlong taon ay bumalik sa buhay niya si Gray, hindi upang ayusin ang kanilang relasyon kundi upang bawiin sa kanya ang moonstone ring na ipinamana sa kanya ng lola nito. Ganoon ba talaga kawalang pagmamahal si Gray sa kanya? Kinuha na nga nito ang puso niya, pati ang nag-iisang bagay na nagbubuklod sa kanila ay kukunin pa rin nito?
12. PHR 4798 Something There by Laurice del Rio



Isang malaking engot ang tingin ni Mudge at ng mga kaibigan niya sa katropa nilang si Jaxi. Forever in love kasi ito sa ex-girlfriend nito na si Ciara. Nang magkaroon ng grand alumni homecoming ang batch nila ay nakasilip si Jaxi ng tsansa para suyuin uli ang babae. Palibhasa ay kakompetensiya ang tingin ni Ciara kay Mudge mula pa noon, naisip ng mga kabarkada niya na palabasin na may relasyon sila ni Jaxi dahil baka sakaling mapansin ito ni Ciara.
Bagaman asta at bihis-lalaki si Mudge, napilitan siyang magpakababae para magpanggap na nobya ng kaibigang si Jaxi. Sa kanyang pagpapanggap ay inakala ng Lolo Yong niya na nagpakababae na siya at totoong nobyo niya si Jaxi. Gusto man niyang itanggi, mukhang iyon na ang paraan para bumalik ang dating pagtingin ni Lolo Yong sa kanya bilang paborito nitong apo. Bukod doon ay ayaw niyang pasamain ang loob nito dahil matanda na ito at may karamdaman.
Maraming magandang naidulot ang pagpapanggap niya bilang nobya ni Jaxi. Bukod sa nagkaayos na sila ng pinakamamahal niyang lolo, tuloy-tuloy na ang pagpapakababae niya. Ngunit gaya ng isang tunay na babae, nagmahal siya sa isang lalaki. At ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang kaibigang si Jaxi, si Jaxi na in love pa rin kay Ciara.
13. PHR 4799 The Bratty Girl by Karen Dee



Marami ang nagtaka kung bakit hindi bitter si Alicia sa broken relationship niya. Niloko man siya ng ex-boyfriend niya, wala siyang makapang bitterness sa kanyang puso. Pero gaya rin ng mga taong gustong makapag-move on, pinili niyang ibuhos na lamang ang atensiyon sa kanyang writing career.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niyang nakita si Daniel—ang estrangherong lalaking inasar niya noon. Sino ba naman ang mag-aakalang best friend pala ng daddy niya ang namayapang ama nito? In-snob lang ni Daniel ang beauty niya. And she took that as a challenge. Subalit magagawa ba talaga niyang makuha ang atensiyon ng lalaking hanggang langit na yata ang galit sa mga spoiled brat na tulad niya?
14. PHR 4800 I Love To Love You Out Loud by Shekinah Hope




Ang akala ni Althea ay sabay silang magbibinata at magdadalaga ng best friend niyang si Lawrence. Ngunit ang batang puso niya na nagmahal dito ay labis na nasaktan nang umalis ito nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya.

Pagkalipas ng maraming taon, muling nagbalik sa probinsiya nila si Lawrence. Ginawa nito ang lahat para malusaw ang galit niya rito. At napagtagumpayan naman nito iyon. Ngunit nang matuklasan niya ang tunay na dahilan ng pagbabalik nito, ipinagtabuyan niya ito palayo kahit umiibig na siya rito.
15. PHR 4801 El Diablo Paraizo (Back To Your Heart) by Venus Franz





Isang insidente ang naging dahilan ng pagka-comatose ni Eden. At nang magising siya, lahat ay nakilala niya maliban sa lalaking ipinakilala ng kuya niya na kanyang nobyo. Upang tuluyang manumbalik ang kanyang buong alaala, ipinayo ng doktor niyang dalhin siya sa mga lugar na makakatulong upang ma-relax siya at maaaring makapagpanumbalik sa kanyang nawawalang memorya. Isa sa unang lugar na dapat daw niyang balikan ang El Diablo Paraizo, ang lugar kung saan daw sila unang nagkakilala nito.

Kahit hindi ito matandaan ng kanyang utak, buong puso naman niya ang naghuhumiyaw na kilalang-kilala at minamahal niya ito. Kaya kahit sa maikling panahong pagsasama nila roon, laking tuwa niya nang mapagpasyahan nilang dalawa na magpakasal na pagbalik nila sa Maynila. Ngunit sa kanyang malaking pagkadismaya, hindi ito sumipot sa mismong araw ng kanilang kasal. Saka niya natuklasan ang malaking kasinungalingan nito na nagdulot sa kanya ng matinding kabiguan at kalungkutan…
16. PHR 4802 Love Thy Boss by Akira Ellie





Hindi alintana ni Coocai ang kawalan ng love life. Kontento na siya sa routine na bahay-trabaho–trabaho-bahay. Ang gusto lang niya ay paluguran ang mag-asawang umampon sa kanya. 
Kaya nang gustuhin ng tunay na anak ng mga ito na bumuo ng isang banda, kahit tambak ang trabaho niya ay naglaan siya ng oras sa pagpili sa magiging bokalista ng mga ito. Pero hindi pala ganoon kadaling maghanap ng bokalista. Susuko na sana siya nang aksidenteng marinig niyang kumakanta ang geek niyang assistant—si Pepito. Sino ang mag-aakalang sa likod ng makakapal na salamin nito sa mata at pormang ibuburol ay nagtatago ang isang napakagandang tinig?
Ipinakilala niya si Pepito sa kapatid niya at mga kaibigan nito. Ganoon na lang ang protesta ng mga ito. Hindi raw bagay si Pepito na maging bokalista. Malayong-malayo raw ang hitsura at porma nito sa isang rakista. 
She wanted to prove them wrong. Kaya walang sali-salita, hinubad niya ang mga salamin sa mata ni Pepito, ginulo ang buhok nito, at tinanggal sa ohales ang mga butones sa tila pamburol nitong polo. Napanganga siya pagkatapos. Wala siyang kamalay-malay, hunk pala ang assistant niya.
Bigla, tumibok nang mabilis ang puso niya. Nataranta siya. Nagka-crush pa yata siya kay Pepito. Hindi maaari!
17.  PHR 4803  For The First Time by Mellicent Martinez



Claud Abelardo was one of the award-winning directors in the country. Pagkatapos maging successful ng bagong pelikula na ginawa niya ay may naka-line up na agad siya na bagong project. This time ay isa iyong indie film na pinamagatan niyang “Maria Inocencia.” It was all about a thirty-year-old woman who never had a boyfriend. And to make the film more realistic, naghanap siya ng babaeng gaya ni Maria. Nakita niya ito sa katauhan ni Lhia Rivero, isang landscape artist from Palawan. She was thirty years old at hindi pa nakararanas na magkanobyo. 
Sinubukan niyang makipaglapit dito. At nang magtagumpay siya, nadiskubre niya ang tunay na dahilan kaya pinili nitong manatiling walang anumang attachment sa kahit na sinong lalaki—dahil iyon sa ina nito na ipinagpalit sina Lhia at ang ama nito sa isang mayamang abogado. 

Nagawa niyang maisaayos ang pelikula, pero hindi kasama sa script na matutuhan niyang mahalin si Lhia, lalo pa at determinado itong makalayo sa kanya dahil kapatid siya ni Allen Abelardo, ang mayamang abogado na kinamumuhian nito.
18. PHR 4804 Subconsciously In Love by Cassandra





Pain in the neck. Iyon ang tingin ni Serena kay Rafael. Mula kasi pagkabata ay wala itong ginawa kundi ang asarin at paiyakin siya. Natahimik lang ang buhay niya nang magtungo ito sa ibang bansa upang tuparin ang pangarap nito na maging professional baseball player.
Mabilis na lumipas ang sampung taon. Sa muling pagbabalik nito sa Pilipinas ay marami na ang nagbago rito. Bukod sa matagumpay na career, lalo itong gumuwapo, at nabawasan ang pang-aasar nito sa kanya. Unti-unting nagbago ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Hindi niya inasahan na kasabay niyon ay magbabago rin ang nararamdaman niya para dito. Pero ang mas hindi niya inasahan ay nang suklian nito ang pagmamahal niya. Ang dating nagpapaiyak sa kanya, ngayon ay naging rason ng pagngiti niya.
Ngunit natuklasan niya ang totoong dahilan ng pagbabalik nito. Diyata’t nagkamali siya sa pag-aakalang nagbago na ito dahil tulad noon ay mukhang paiiyakin uli siya nito…
19. PHR 4805 So This Is Love by Gezille





Matagal nang ipinangako ni Abby sa kanyang sarili na hinding-hindi siya iibig dahil ayaw niyang matulad siya sa kanyang ina na nasira ang buhay dahil lang sa labis na pagmamahal sa isang lalaki. Until she met Gino Montenegro, ang lalaking saksakan ng guwapo at ubod ng yaman na hindi sinasadyang nakasagasa sa kanyang ina.
Sa unang pagkikita pa lang nila ng binata ay aminado siyang malakas na ang atraksiyon na naramdaman niya para dito. Pero pilit niyang iwinaksi iyon sa kanyang sistema. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan at muli silang pagtagpuin ng tadhana. And this time, she allowed him to enter her world. They became friends. Pero mukhang lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa kanyang ginawa. Niligawan siya nito at sinabing hindi siya pagtataksilan, iiwan nito, at ipagpapalit sa ibang babae gaya ng ginawa ng kanyang ama. Sa huli ay umamin din siya sa kanyang nararamdaman.
Pero nagkamali siya dahil hindi ito tumapad sa pangako nito. Sinasabi na nga ba niya, hindi na dapat siya umibig pa. Nasaktan tuloy siya…
20. PHR 4806 The Perfect Choice by Viel Roberts





Never been kissed, never been touched. Iyan ang drama ni Nicole ngunit sa pagdating ni Lander sa barangay nila ay nagawa niyang itapon ang lahat ng inhibitions niya at ang iniwan na lang niya sa sarili niya ay ang pagmamahal niya para dito. 
Ngunit ganoon na lang ang paglulupasay niya dahil hindi siya magawang mahalin ng binata. Bagkus, mas pinagtuunan nito ng pansin ang Tita Clara niya na may problema sa pag-ibig. Mahirap ba talaga siyang mahalin at hindi nito magawang piliin siya? 
She could be young but she was in love with him and she chose that. No buts, no ifs. Kailan ba iyon maiintindihan ni Lander?
Back to top Go down
 
May 22, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» ACTION MAN DAY 2 MAY 12th 2013 ****BOOK NOW****
» 2013 Harvey Baseball Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Sailor Moon Artbook 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: