HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 15, 2013 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 15, 2013 Book Release   Thu Jun 13, 2013 3:35 am

1.  PHR 4777 Falling For Mr. Persistent by Tyra



Hunter Mirasol was an NBI agent. Isang gabing may ni-raid silang bar na pinaghihinalaang isang prostitution den ay muntikan nang mabulilyaso ang operasyon nila dahil kay Aeron Madrigal. She was the one who acted as bait. Nagpanggap siyang naghahanap ng trabaho. Nang sa wakas ay tatanggapin na siya ng manager ng bar, saka naman biglang lumabas si Aeron at pilit siyang inilabas ng bar. One thing led to another. 
Mula noon ay pilit nang pumapasok si Aeron sa buhay niya, saying things like he wanted to get to know her better and that he liked her. Ginawa ni Hunter ang lahat para iwasan si Aeron hanggang sa magsawa na rin siya at hinayaan na lang niya itong gawin ang gusto nitong gawin. That was, until she found herself falling for him. 
She did everything to push him away dahil kahit ano pa ang nararamdaman niya para dito, wala rin naman iyong patutunguhan. 
Because of one simple reason: Nakatali pa rin siya sa kanyang madilim na nakaraan.

2. PHR 4778 Heroine, At Last (I Want This Love To Happen) by Luna King





Snoopy was up to no good. To be exact, nasa kasagsagan siya sa pagkakalat ng masamang tsismis tungkol sa best friend niya para masira ang image nito sa lalaking pareho nilang gusto.
Garfield happened to be at the wrong place and the wrong time. Ito ang pobreng naipit sa evil plans niya at ito rin ang witness sa lahat ng “krimen” niya. Tinakot niya ito para manahimik ito.
Pero sa kasamaang-palad, muling nagkrus ang mga landas nila ni Garfield sa mismong bahay ng kanyang ina. It turned out that her mom and his mom were best friends. Right then and there, nagawa siyang i-blackmail ng walanghiya para mapasunod siya sa kagustuhan nito!
“Well, ano kaya ang magiging reaksiyon ng mommy mo kapag nalaman niya na ang anak niya ay pinuno pala ng kulto ng mga brat sa Emerald University?” banta ni Garfield.
Tinakpan ni Snoopy ng kamay niya ang bibig ni Garfield. “Don’t tell Mom anything. Pumapayag na `kong maging babysitter mo!”
Yes, he needed a babysitter! It turned out that this jerk was a big—and lazy—spoiled brat!

3. PHR 4779 Hot Encounter: Vince, My Prince by Majesty Roque





Dahil sa matinding banta sa buhay ni Carren ay nagtungo siya sa Quezon Province para humingi ng tulong sa best friend niyang si Bryan. Ngunit pagdating sa rest house nito ay hindi ang matalik niyang kaibigan ang nadatnan niya kundi ang pinsan nitong si Vince.
Hindi siya puwedeng magtiwala kahit kanino ngunit kailangan niya ng masisilungan kaya nagpanggap na lamang siyang katulong ni Vince habang wala ang best friend niya. Ngunit sa halip na mabawasan ang takot na nararamdaman niya, tila lalo pa iyong lumala. Tuwing lalapit kasi siya kay Vince ay wala itong ginawa kundi akitin siya gamit ang matamis nitong ngiti at magandang katawan.
Ngunit kung totoong natatakot siya, bakit pakiramdam niya ay safe siya tuwing ikinukulong siya ni Vince sa loob ng mga bisig nito?

4. PHR 4780 Hot Encounter: Izack Lepanto, Heart Tamer by Dawn Igloria





Unang nakita ni Geene si Izack Lepanto, ang guwapong hunk na kapitbahay niya, isang umagang malabasan niya ito sa kanyang sala. Hindi niya alam na pinapasok pala ito ng tita niya. Hiyang-hiya na tumakbo siya pabalik sa silid niya. Paano ay hindi pa niya nasusuklay ang buhok niyang mukhang bird’s nest, may muta pa ang mga mata, at naka-T-shirt at panty lang siya!
Nang sumunod na umaga, nagulat na naman siya nang pagsilip niya sa bintana, naroon si Izack sa front yard nito at pinaliliguan ang maraming naglalakihang aso—hubad-baro, nakahantad ang matipuno at balahibuhing dibdib. Hindi pa man siya nag-aalmusal ay nabusog na siya sa malapandesal na six-pack abs nito.
Biglang ipinagpag ng asong sinasabon nito ang balahibo. Lumipad ang ilang bula sa katawan ni Izack. Siniritan nito ng tubig ang aso pati na ang sarili. Nang mawala ang mga bula, lumitaw ang nangingintab na katawan nito. Nabasa pati ang suot na gray board shorts nito. 
Hmmm, yummy!
Ngunit bigla siyang nahulasan nang maalalang may boyfriend nga pala siya. Iyon din ang pilit niyang ipinaaalala sa sarili nang magsimula si Izack na magpa-cute sa kanya.

5.  PHR 4781 Hot Encounter: Hooked On You by Nikki Karenina





Hindi naniniwala si Saskia na may tunay na lalaking mayroong six pack rock-hard abs, sexy pillowed lips, and a very seductive slightly hooded eyes hanggang sa makilala niya si Matt McDonell—isang international model na wala na yatang ibang ginawa kundi ibalandra ang maganda nitong katawan sa kanya kasabay ang misyon nitong akitin siya.
“You think na sine-seduce kita? At bakit mo naman nasabing sine-seduce kita? Are you seduced?” tanong sa kanya ni Matt.
`Truth is, yes. But Matt spelled “distraction” and “trouble” in bold capital letters so she should avoid him. Iyon nga lang, mukhang nagkasundo ang langit at lupa na paglapitin silang dalawa. Wala na siyang nagawa nang tuluyan nang nakapasok si Matt sa buhay niya. 
Ngunit kailangan nilang putulin ang kung anong namamagitan sa kanila. May mga bagay na kailangan nilang isaalang-alang: ang pinsan niya na may gusto rito, ang career nito at ang career niya, ang distansiya sa pagitan nila, at ang insecurity niya. Will love surpass it all?

6. PHR 4782 Hot Encounter: Nobody’s Baby Doll But Mine by Venus Franz





Matagal nang crush ni Art Dominique ang boss niyang si Yuan. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong mapansin nito, pumayag siyang magkaroon ng one-night “kilig moment” na kasama ito. Pero ganoon na lang ang pagkagulantang niya nang matuklasang hindi si Yuan ang hinayaan niyang humalik sa kanya nang bonggang-bonga kundi ang kakambal nitong si Jin!
She confronted Jin. Nagpaliwanag naman ito sa kanya. Halos lumabas ng rib cage ang puso niya nang aminin nitong may gusto raw ito sa kanya at nais nitong ligawan siya. Noong una ay ayaw niyang maniwala ngunit pinatunayan nito na seryoso ito sa kanya. Di-naglaon, ang simpleng pagpapantasya niya para sa kapatid nitong si Yuan ay napalitan ng pagmamahal para dito. Sa tulong ni Jin ay sinubukan niyang kalimutan ang nakaraang kabiguan niya sa pag-ibig.
Pero hindi niya inakalang ang nag-uumpisa pa lamang nilang fairy tale ni Jin ay magiging bangungot sa pagsulpot ng unang lalaking minahal niya. Naguluhan ang puso niya kung sino sa dalawa ang papanigan niya.

7. PHR 4783 Hot Encounter: Ang Boyfriend Kong Probinsiyano by Maricar Dizon





Hindi maganda ang relasyon ni Cheska sa kanyang ama. At lalong lumala iyon nang sabihin nitong may napili itong isang lalaki para pakasalan niya. Nagrebelde siya. Sa tulong ng isang kaibigan, naglayas siya at tumira sa farm na pagmamay-ari ng kuya nitong si Alec.
Hindi nasabi ng kaibigan niya na may-pagkamasungit pala ang kuya nito. Ubod ng guwapo at macho rin si Alec, kulang na lang ay itali niya ang mga kamay niya huwag lang itong manyakin.
They fell in love with each other. Her time with him in his farm had been the happiest moment of her life.
Pero isang hindi inaasahang pangyayari ang nagbunsod kay Cheska na bumalik sa Maynila at sundin ang utos ng kanyang ama na magpakasal sa lalaking nais nito. Gagawin niya iyon kahit pa si Alec ang mahal niya.
Ngunit biglang nakialam ang mapagbirong tadhana…

8. PHR 4784 Love On Top by Sheena Rose




Dahil sa insultong natatanggap ni Chris Dianne mula sa ex-boyfriend niya, nanalangin siya na sana ay bumukas ang elevator para makaalis na siya. Bumukas naman nga iyon at iniluwa ang isang lalaki na awtomatikong naisip niyang pagpanggapin na boyfriend niya. Only there was a problem: Red happened to be a slacker, the kind of guy she didn’t want to have a relationship with.
She was a driven person. Desidido siyang magtagumpay sa puntong mas pinagtutuunan pa niya ng panahon ang kanyang career kaysa sa kanyang love life.
She could not believe that she would ever be attracted to someone like him. Ngunit kaya ba niyang tanggihan si Red kung sa una pa lamang nilang pagkikilala ay tila tinutukso na siya ng katakam-takam na mga labi nito? At maiiwasan pa ba niya ito kung nakakahalina naman talaga si Red at tila ipinapangako ng magagandang mata nito ang isang masayang buhay sa piling nito?


9. PHR 4790 Catching Cupid’s Arrow by Wilhelmina





Hindi maipaliwanag ni Sayle kung bakit gustong-gusto niya ang pagma-matchmake. Kung sino-sino na nga ang pinagpapares niya. Mga kaklase, kaibigan, at nito nga lang ay ang ate na niya. Ang role model niya ay ang love story ng mga magulang niya. Kaya nang makilala niya si Blake ay na-challenge siyang hanapan ito ng kapareha. Pero tila malakas ang pangontra nito sa mga plano niya kaya hindi tumatalab dito ang mga balak niya. Pero nabigla na lang siya nang isang araw ay nagtapat ito sa kanya. Attracted daw ito sa kanya! Attraction was different from love.
Kaya naisip niya na gagamitin niya ang attraction na sinasabi nito upang matutuhan nito ang kahulugan ng pag-ibig. Pero sa prosesong iyon, mukhang siya at hindi si Blake ang tatamaan ng pag-ibig.

10. PHR 4791 Ang Poging Probinsiyano At Si Miss Spoiled Brat by Amanda





Isang hamak lang na hardinero ang tingin ni Chloe kay Ramir noong una niya itong makita. Dahil lumaki siya sa luho at yaman at nasanay na nakukuha ang lahat ng mga gusto niya sa isang pitik lang ay inasahan niyang hindi siya nito pahihindian nang kailanganin niya ang tulong ng binata. 
Pero ang nangyari ay siya ang nakiusap dito. Napagtanto ni Chloe na hindi sa lahat ng pagkakataon ay susunod ito sa bawat gustuhin niya. 
Mayroon din palang maipagmamalaki ang poging probinsiyano. At bago pa niya mamalayan ay nahulog na ang loob niya kay Ramir. At sa pagkakataong iyon ay kailangan muna niyang sumunod dito bago niya makuha ang gusto.
Back to top Go down
 
May 15, 2013 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» ACTION MAN DAY 2 MAY 12th 2013 ****BOOK NOW****
» 2013 Harvey Baseball Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Sailor Moon Artbook 2013

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: